You are on page 1of 14

11

FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

UNANG SEMESTRE
UNANG LINGGO
Modyul 1
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Semestre – Modyul 1: Konseptong Pangwika
Unang Edisyon,
2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Gaudencio D. Suarez Jr


Editor : Bartolome M. Loresco Jr, Dr. Melchora N. Viduya
Tagasuri : Bartolome M. Loresco Jr, Dr.Melchora N. Viduya,
Dr. Dianne C. Baguio, Dr. Olivia P. Terrado

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao,


Pangasinan)
11
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Semestre – Modyul 1:
Konseptong Pangwika
ALAMIN

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa konseptong pangwika . Inilalahad


dito ang pagpapakahulugan ng wika, kahalagahan ng wika at ang kasaysayan ng
Wikang Pambansa.
Masusing inihanda ang modyul na ito upang mahasa ang apat na
makrong kasanayan; pasalita, pagbasa , pagsulat at panonood. Sa pamamagitan
ng babasahing ito ay makatutluklas ng mga bagong kaalaman bunga ng
mahusay na pakikipagtalastasan na maaaring magamit sa pangaraw-araw na
pakikipagtalastasan.
Bibigyang halaga ng modyul na ito ang kahalagahan ng wika bilang
matibay na sandata sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at matibay na
pagkakakilanlan ng isang bansa .

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng


wika sa lipunang Pilipino.

Tiyak na layunin:

a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika


( F11PT-Ia-85 );

b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw at


mga karanasan ( F11PD-Ib-86

c. Naiuugnay ang konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood sa


sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati, panayam at telebisyon
( Halimbawa : Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word
of the Lourd ( http://lourddeveyra.blogpost.com )
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul , kailangang isantabi muna ang lahat ng


inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

1.Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

2. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

3. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

4.Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5.Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman


ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

6.Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.


BAHAGI NG MODYUL

1. Alamin – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng


aralin

4. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may


kapareha.

5. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

6. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo


ang bagong aralin

7. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng


pagkatuto sa bagong aralin.

8. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang


pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul
Aralin Wika at Wikang Pambansa

1
Alamin

Magandang Araw!

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang kahulugan


at kabuluhan ng mga konseptong pangwika . Ang magiging kaalaman mo rito ay
maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng karunungan patungo sa mga
susunod na gawain.
Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay
inaasahang:

Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at


gamit ng wika sa lipunang Pilipino.

Tiyak na layunin:
a. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika
( F11PT-Ia-85 );
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan ( F11PD-Ib-86
c. Naiuugnay ang konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood
sa sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati, panayam at
telebisyon ( Halimbawa : Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation,
Mareng Winnie, Word of the Lourd ( http://lourddeveyra.blogpost.com )

Unang Pagsubok

Panuto: lagyan ng ( /) kung sumasang-ayon sa pahayag at ( x ) naman kung hindi.

__________1. Dapat nating malaman ang kahalagahan ng wika .


__________2. Mainam ang magkaroon ng napakaraming wika sa isang bansa .,
__________3. Simbolo ng pagkakakilanlan ang pagkakaroon ng wikang Pambansa.
__________4. Hindi kailangan ng wika upang magkaintindihan gaya ng mga pipi at
bulag na nagkakaunawaan pa rin sa isa’t isa.
__________5. Mahalaga sa isang bansa ang magkaroon ng opisyal na wika.
__________6. Wika ang ginagamit natin para sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
__________7. Mayroon wikang natatangi at angat sa lahat ng wika.
__________8. Sagabal sa pagkakaunwaaan ang pagkakaroon ng napakaraming wika.
__________9. Wikang panturo ang ginagamit para matamo ang mataas na
edukasyon.
__________10. Ang wikang Pambansa ang siyang ginagamit na wika sa mga
unibersidad.
Pagpapakilala ng Aralin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang kahulugan ng wika ayon sa


iba’t ibang linggwista ng mundo. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka
ng pagkukumpara sa konsepto ng wika .

Kahulugan ng Wika ayon sa Iba't ibang Wika Linggwista at


Dalubhasa

Hill 1976
Ang wika ay ang pangunahing at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong
pantao. Ang mga simbolong ito ay bumubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato
sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at semitrikal na
estruktura.

Sturtevant 1968
Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para
sa komunikasyong pantao.

Gleason 1961
Ang wika ay masistemang balangkas ng isang salitang tunog at pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakkikipagtalastasan ng mga
taong nasa iisang kultura.

Brown 1980
Ang wika ay masasabing sistematikong set ng mga simbolong arbitraryo,
pasalita na nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.

Finnocchiaro 1964
Ang wika ay isang masistemang arbitraryo, ang simbolong pasalita na
nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang
ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan.

Weiten 2007
Ang wika ay binubuo ng kahulugan.Binubuo rin ito ng mga patakaran at
pinagsasama-samang mga simbolo na makabubuo nang walang katapusan at iba't
ibang mensahe.

Dr Pamela Constantino
Ang wika ay isang maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng
nararamdaman, isang instrument din ng pagtago at pagsiwalat ng katotohonan.

Bruce A. Goldstein 2008


Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at
mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at mga
karanasan.

Noam Chomsky
Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas
na abstrak ng antas: may magkatulad na katangiang linggwistik.
Dell Hymes 1972
Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema na
nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kulturang gumagamit ang
nagbabago nito.Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.

WIKANG OPISYAL

Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging


pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng
pamahalaan.

May dalawang opisyal na wika sa Pilipinas—ang Filipino at Ingles. Ayon kay


Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging opisyal
na talastasan ng pamahalaan.

Ang wikamg pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simua Hulyo 4,


1946.Ayon sa Konstitusyon ng 1973(Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batsa, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.

Bilang mga opisyal na wika. May mga tiyak at magkahiwalay na gamit ang
Filipino at Ingles.

Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga basta at


mga dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at
diskurso sa loob ng bansa, halimbawa sa mga talumpati ng pangulo, mga
deliberayon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga paaralan, mga paglilitis sa
korte, at iba pa.”
Gumaganap din ang Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon sa
bansa.

Samantala gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng
Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

Ingles ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng mga
tao mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.

Maraming sikohista sa wika ang naniniwala na ang katulong ng utak sa


wikang pagproproseso ng kaalaman ay ang wikang mauunawaan ng tao.
Gawain 1

Panuto: Gamit ang semantic webbing , punan ang mga web upang
makabuo ng sariling pagppaakuhulugan ng wika.

WIKA

Gawain 2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan :

1. Bakit mahalaga ang magkaroon ng pambansang wika ?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Nararapat ba ng magkaroon ang ating bansa ng dalawang opisyal na wika ?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang malaking tulong ng wika sa buhay mo bilang isang mamayang
Pilipino?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tandaan

Ang wika ang simbolo ng pagkakakilanlan ng isang basa. Sa


pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng higit na pagkakaunawaan ang
bawat isa. Ito ang nagssisilbing tulay upang mag-usap at maipahayag ang
saloobin, lunggati at mithiin sa buhay

Pag-alam sa Natutuhan

Panoorin ang Tonight with Arnold Clavio: Riot acting showdown kasama sina
Velma, Nura at Tetay ( https://www.youtube.com/watch?v=Tl8ZBEAxWXM)
at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ginamit ng mga impersonator upang maging epektibo sila sa


kanilang pagpapatawa sa mga manonood ng palabas? Ipaliwanag ang
istilong komunikasyon ng mga panuhin sa palabas.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________

2. Saan patungkol ang usapin ng mga panauhin? Paano nila napanatili ang
magandang daloy ng usapan? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag at tukuyin ang hinihinging


kasagutan sa bawat bilang.

______________1. ), “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batsa, ang Ingles at


Filipino ang magiging opisyal na wika.

_______________2. Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika


at mataas na abstrak ng antas: may magkatulad na katangiang linggwistik.

_______________3. Isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon


bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan.

_______________4. Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa


sistema na nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kulturang
gumagamit ang nagbabago nito.Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.

_______________5. Ang itinuturing na lingua franca ng daigdig. Ito ang ginagamit ng


mga tao mula sa iba’t ibang bansa para mag-usap at magkaunawaan.

_______________6. Ang wika ay ang pangunahing at pinaka-elaboreyt na anyo ng


simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay bumubuo ng mga tunog na nililikha
ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at
semitrikal na estruktura.

_______________7. Ito ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng


bansa, halimbawa sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberayon sa kongreso at
senado, pagtuturo sa mga paaralan, mga paglilitis sa korte, at iba pa.

________________8. Ang wika ay isang prosesong mental at may unibersal na


gramatika at mataas na abstrak ng antas: may magkatulad na katangiang
linggwistik.

________________9. Bilang ng opisyal na wika sa Pilipinas ayon sa batas.

________________10. Nagsisilbing tulay ng komunikasyon sa bansa.


Papel sa Replektibong Pagkatuto

Batay sa iyong natutuhan, ano ang maitutulong ng napag-aralan


mo bilang isang Pilipino ?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sanggunian
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
https://www.coursehero.com/file/p19dj8go/Ang-wikang-ito-ay-itinadhanang-
isa-sa-sa-mga-wikang-opisyal-kasabay-ng-wikang/
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
https://quizlet.com/414232510/kahulugan-ng-wika-ayon-sa-ibat-ibang-wika-
linggwista-at-dalubhasa-flash-cards/

https://www.youtube.com/watch?v=Tl8ZBEAxWXM

https://www.google.com/search?
q=cartoon+picture+communication+no+copyright&tbm=isch&ved=2ahUKEwjrtc
CEh5zwAhUGgJQKHa6OD8EQ2-
cCegQIABAA&oq=cartoon+picture+communication+no+copyright&gs_lcp=CgNpb
WcQAzoGCAAQCBAeUKHNAViqpgJg-q0CaAJwAHgAgAGDAYgB-
gySAQQxMS42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=VcWGY
Ku3D4aA0gSunb6IDA&bih=657&biw=1366&rlz=1C1VDKB_enPH928PH928#img
rc=PQEeTjA2_B_uZM

You might also like