You are on page 1of 7

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(Katangian ng Wika)
Para sa Ikasampung Baitang (Senior High)

I. MGA LAYUNIN
Inaasahang sa katapusan ng aralin, ang mga estudyante ay:
1. Naiisa-isa ang mga katangian ng wika.
2. Nahihinuha ang bawat katangian ng wika.
3. Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa wika.
4. Naiisa-isa ang istruktura ng wika.
5. Nakapagmumungkahi nang magandang halimbawa ng bawat katangian ng wika.
6. Nakasusunod sa panutong nakalimbag.
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Katangian ng wika
Sanggunian:
Pagpapahalaga: Mahalagang malaman natin ang mga katangian ng wika.

III. PROSESO NG PAGKATUTO


TAKDANG
PAMARAAN GAWAIN KAGAMITAN
PANAHON
1. Pagbati sa mga estudyante.

Guro: Magandang hapon sa inyong lahat.


Kamusta ang mga araw ninyo? Mabuti naman
kung ganoon. Pakiayos ng inyong mga upuan.

2. Pagtsek ng attendance.

3. Pangongolekta ng takdang aralin.


A. Panimula/
Paghahanda Class record 6 minuto
Guro: Okay class, bago tayo magsimula sa
ating bagong aralin, pakipasa muna lahat ng
inyong mga takdang-aralin.

4. Susuriin ng guro ang takdang-aralin ng mag-aaral.

Guro: Mabuti naman at naunawaan na ninyo


nang mabuti ang bawat kalikasan ng wika.
Ngayon, dadako tayo sa mga katangian ng wika.

1. Ilalahad ng guro ang multimedia presentation na


naglalahad ng paksang-aralin at sisimulan na ang
talakayan tungkol sa katangian ng wika.

Guro: Kung may kalikasan ng wika, mayroon


din namang katangian ang isang wika na dapat Multimedia
B. Paglalahad nating matutunan. presentation 5 minuto

2. Ipababasa ng guro ang labing-apat na katangian


ng wika sa mga estudyante at isa-isa itong
tatalakayin.
Guro: Binubuo ng labing-apat ang katangian
ng wika. Unang-unang rito ay ang wika ay isang
masistemang balangkas. Ano ba ang ibig sabihin ng
isang masistemang balangkas?

 Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na


sasagot sa tanong,

Guro: Ang ibig sabihin ng masistemang


balangkas ay nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Para mas madali ninyong maunawaan, magbibigay
tayo ng halimbawa.
1. Ipaliliwanang ng guro ang dayagram na
nagpapakita ng halimbawa pagkatapos ay
paisa-isa itong ipaliwanag at kasabay nito
ang pagbibigay ng halimbawa.

Guro: Unang-unang makikita ang


ponolohiya. Ano ang kahulugan ng
ponolohiya?

2. Tatawag ang guro ng estudyante na


maaaring makasasagot sa tanong at
magpapatuloy ang talakayan.

Guro: Ang Ponolohiya ay ang makaagham na pag-


aaral ng mga tunog na tinatawag ding
A. Pagtalakay sa palatunugan. Ang tawag sa
Aralin pinakamakabuluhang yunitb ng tunog ay Visual aids 17 minuto
Ponema. Na maaaring papantig at patitik.
Bawat titik ay may kinakatawan na tunog at
bawat tunog ay may kinakatawan na
kahulugan. Kasunod nito ay ang Morpolohiya.
kung ang ponolohiya ay ang makaagham na
pag-aaral ng mga tunog, ang Morpolohiya
naman ay ang tawag sa makaagham na pag-
aaral ng mga salita, at ang tawag sa
pinakamaliit na yunit ng salita ay Morpema.
May tatlong anyo ang morpema at ito ay ang
mga sumusunod:

 Morpemang salitang-ugat
 Morpemang panlapi
 Morpemang binubuo ng isa pang ponema

3. Tatalakayin ng guro paisa-isa ang mga anyo ng


morpema.
Guro: ang morpemang salitang-ugat ay
payak na salita. Wala itong panlapi kung
kaya’t tinatawag din itong malayang
morpema dahil kaya nitong tumayong mag-
isa. Ang Morpemang panlapi ay ang
morpemang tinatawag ding di-malayang
morpema sa kadahilanang hindi ito maaaring
makapag-isa. At ang panghuli ay ang
morpemang binubuo ng isa pang ponema.
Ang ponemang ito ay ang /a/ na laging
ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat na
hiram mula sa wikang kastila. Ipinakikilala ng
ponemang ito ang kasariang pambabae.
Halimbawa nito ay ang doktor na kapag
dinadaragdagan ng ponemang /a/ ay nagiging
doktora na nagpapakilala sa isang babaeng
manggagamot. Kasunod na makikita sa
ilustrasyon ay ang sintaksis na siyang
tumatalakay sa makaagham na pag-aaral ng
pangungusap. Sintaks naman ang tawag sa
sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita
upang makabuo ng mga parirala at mga
pangungusap. Sa pamamagitan ng pag-
uugnay-ugnay ng mga pangungusap,
makabubuo ng talata. At kapag pinag-ugnay-
ugnay ang mga talata, makabubuo nan g
tinatawag nating komposisyon. Iyon ang ibig
sabihin na ang wika ay isang masistemang
balangkas.

4. Tatalakayin na ngayon ng guro ang


pangalawang katangian ng wika na
ang wika ay sinasalitang tunog.

Guro: Ngayon, tatanungin ko kayo?


Lahat ba ng tunog ay may dalang
kahulugan?

5. Tatawag ng estudyante ang guro na


maaaring makasasagot sa
katanungan.

Guro: Hindi lahat ng tunog ay


nagtataglay ng kahulugan kapag hindi
ito binibigyan ng pansin. Nagkakaroon
lamang ng kahulugan ang isang tunog
kapag lumalabas na ito sa bibig ng
isang tao. Nakuha niyo ba ang nais
kong iparating? Mabuti kung ganoon.
Ipagpapatuloy natin an gating
talakayan sa pangatlong katangian ng
wika na kung saan sinasabing ang
wika ay natatangi. Bakit masasabi
nating ang wika ay natatangi?

6. Maghahanap ng estudyanteng
makapagbibigay ng kanilang sariling
interpretasyon.

Guro: masasabi nating natatangi ang


wika sa kadahilanang kahit pa ang
paraan ng pagsasalita at pagsusulat ay
paiba-iba. Upang mas medaling
maunawaan. Narito ang ilang
halimbawa.

7. Tatalakayin ng guro ang mga


halimbawang para sa ikadadali ng
pag-unaw. Pagkatapos nang
pagtalakay ay tatanungin ng guro
kung naunawaan ang pagpapaliwanag
sa m ga halimbawang naibigay.
Guro: Kung gayon, dadako tayo sa
pang-apat na katangian ng wika, na
kung saan ang wika ay pinipili at
isinasaayos. Bakit ba kailangan nating
piliin at isasaayos ang wikang
gagamitin natin?

8. Tatawag ang guro na sasagot sa


tanong. Pagkatapos nito’y
ipaliliwanang at tatalakayin ang paksa.

Guro: Simple lamang ang kasagutan


niyan class. Kailangan nating piliin at
isasaayos ang wikang gagamitin natin
upang magkaunawaan at upang
madaling maunawaan. Iba ang
madaling mauunawaan sa
magkaunawaan. Ipaliliwanag ng guro
ang kaibahan ng dalawang aspeto sa
klase. May ilang mga konsiderasyon
sa mabisang komunikasyon ayon kay
DELL HYMES. At ito ay ang akronim na
S-P-E-A-K-I-N-G na nagangahulugang:

S-ETTING (Saan nangyayari ang pag-uusap)


P-ARTICIPANTS (Sino ang kausap?)
E-NDS ( Ano ang layunin ng usapan?)
A-CT SEQUENCE (paano ang takbo ng usapan)
K-EYS (pormal o impormal ba ang usapan)
I-NSTRUMENTALITIES ( ano ang midyum ng
usapan o daluyan ng mensahe)
N-ORMS (paksa ng usapan)
G-ENRE (uri ng pagpapahayag: pagsasalaysay,
pangangatuwiran, paglalahad o
paglalarawan ba?)

Guro: Naunawaan ba ang ibig kung sabihin?


Kung ganun, dadako tayo sa
panglimang katangian ng wika,
nakung saan ang wika ay isang
arbitraryo.
Nangangahulugan ito na kung
hindi mo pa naririnig ang isang salita o
ang mga tunog na bumubuo ng salitang
ito ay hindi mo ito mauunawaan.
Sinasabing kung alam mo ang wika,
alam mo ang sistema.

9. Magbibigay ang guro ng halimbawa


para sa ikadadali ng pag-unawa at
tatalakayin ito sa klase.

Guro: kung lubos na ninyo itong


naunawaan, dadako tayo sa pag-anim
na katangian ng wika na kung saan
ang wika ay dinamiko o buhay.
Ibig sabihin nito, ang wika ay
nagbabago, umuunlad, dumarami.
Halimbawa nito ang salitang
salumpuwit na sa kalaon ay nagiging
bangko na.
10. Magbibigay pa ang guro ng
karagdagang halimbawa para lubusan
itong maunawaan. At ipagpapatuloy
ang talakayan sa pampitong katangian
ng wika na kung saan sinasabing ang
wika ay kagila-gilalas.

Guro: Bakit masasabi nating ang wika


ay kagila-gilas? Pero bago ninyo
sasagutin ‘yan, ano ba ang ibig sabihin
ng kagila-gilalas?

11. Tatawag ng mga estudyante na


sasagot sa katanungan at
ipagpapatuloy ang talakayan.

Guro: Kapag sinasabi nating kagila-


gilalas, nangangahuluygan ito sa
Ingles na Amazing. Bakit masasabi
nating amazing Ang wika? Tunghayan
ang mga halimbawa.

12. Sasambitin ng guro ang mga


halimbawa at ipapaliliwanag sa klase.

Guro: halimbawa nito ang salitang


Eggplant. May itlog ba sa halamang
iyan? Ang Star Apple. Bakit may star
ba sa apple na ito?. Naunawaan ba
ang ibig kung sabihin? Kung gayon
dadako tayo sa pangwalong katangian
na kung sinasabing ang wika ay
namamatay. Talagang namamatay
ang wika kapag hindi na ito ginagamit.
Sa kadahilanang nasasapawan ito lalo
na kapag nakatira ka sa isang lipunang
may dominanteng wika na ginagamit.
Ang pansiyam na katangian ng wika ay
ang wika ay nakabatay sa isang
kultura. Sa kadahilanang magkabuhol
ang wika at kultura at kailanman hindi
ito maaaring paghiwalayin sa pagkat
ayon pa nga kay Virgilio Almario,
“kung ano ang wika mo, iyon ang
pagkatao mo?”

Halimbawa nito ang chopsticks na


siyang kultural na kagamitan ng mga
Intsik. Tinatawag itong Chopsticks
nang dahil sa wika.
13. Magbibigay ng karagdagang
halimbawa para maunawaan ito nang
lubos at magpapatuloy sa talakayan
sa pansampung katangian ng wika na
kung saan sinasabing may pulitika rin
ang wika. Wika ang ginagamit ng mga
Ng mga nagbabalak ng posisyon sa
larangan ng pulitika para makuha ang
posisyong gusto nilang pasukan.
Katulad ngayon, malapit na ang
eleksyon. Nagsisilabasan na ang mga
plataporma nang sa gayon ay makuha
nila ang damdamin ng madla. Ngayon
dadako tayo sa panglabing-anim na
katangian ng wika, ito ay ang wika ay
kasama sa pagsulong ng teknolohiya.
Wika ang ginagamit sa bilang
panawag sa mga ispisipikong
katawagan sa mga nagsusulputang
mga teknolohiya. Kung waa ang wika,
paano natin malalaman na ang tawag
dyaan ay kompyuter, laptop,
cellphone at iba pa.

14. Magtatanong ang guro kung


nauunawaan ang tinalakay ng guro at
magpapatuloy sa panlabindawang
katangian ng wika, na kung saan ang
wika ay komunikasyon.

Guro: sa bawat pakikihalubilo natin sa


ating kapwa, ginagamit natin ang wika
nang sa gayon ay malaman natin ang
ating mga hinanaing sa buhay, mga
naiisip at nadarama. Okay, kasunod
nito, ang wika ay may lebel o antas.

15. Isusulat ng guro ang sa pisara ang


lebel o antas ng wika at ipakikita sa
isang talahanayan ang kaibahan ng
bawat antas ng wika para madali ito
maunawaan. Kasunod noito ay
tatalakayin ang paghuling katangian
ng wika na kung saan ang wika ay
makapangyarihan.

Guro: halimbawa nito ay kapag


nanliligaw. Ang katagang oo at hindi
ay nagtataglay nang malaking impak
sa isang maliligaw.
Tatawaging TUNOG-HAYOP ang larong ito.
Magkakaroon ng palabunutan. Bubunot ang bawat
estudyante ng tig iisang papel. Ang papel ay
10 minuto
naglalaman ng iba’t ibang pamagat ng kanta at
Pagsasanay/
pangalan ng hayop. Kailangan lamang nilang
Aplikasyon
kantahin ang nabunot nilang kanta sa pamamagitan
ng tunog ng hayop. (Hal. Aso = aw aw aw) Paramihan
sila ng kantang mahuhulaan. Bibigyan lamang sila ng
dalawang (2) minuto sa paghula. Hahatiin ang klase
sa dalawang (2) grupo.

Panuto: Ipaliwanang ang dayagram na makikita sa


ibaba. (20 puntos)

Masistemang Balangkas

tunog

Pagsubok
salita 15 minuto

pangungusap

talata

komposisyon

1. Tatanungin ang mga estudyante kung


naiintndihan o nauunawaan ang tinalakay na
Gawain sa paksang-aralin.
Pagpapahalaga/ 4 minuto
Ebalwasyon 2. Magtatanong kung saang bahagi ng paksang-
aralin ang hindi nauunawaan bilang gabay sa
takdang-aralin.

IV. K ASUNDUAN
Panuto: Magsaliksik ng 30 mga salitang bihira na lamang ginagamit ng mga Cebuano at lagyan ng mga
panumbas na mga salitang kadalasang ginagamit na nila sa kasalukuyang panahon. Isulat sa kalahating papel
ang kasagutan.
Inihanda ni: Jean June P. Rodriguez

You might also like