Professional Documents
Culture Documents
2 Panitikan Baraiman
Mga Babasahin Tungkol sa Wika at Panitikan Deadline: Ika-31 ng Oktubre,
Panuto: Basahin ang mga ibinigay na babasahin 2020 11:59PM
tungkol sa wika at panitikan. Pumili ng lima at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
5. Ano-ano na ang mga pag-aaral ang naisagawa o nalathala tungkol o na may kinalaman sa
bagay, gawain, lugar, atbp. Na paksa ng pag-aaral o pagsusuri? Paano ang mga ito
nakatutulong sa pag-aaral na ito?
Mga Pag-aaral na umiinog sa Wika
Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa
Ayon pa sa pag aaral ni Zig Madamba Dulay mula sa kanyang pagsusuri na "Sa Wikang
Ipinaghele ng Bagong Henerasyon:Isang Pagtatanghal sa Wikang Filipino sa
Kandungan ng Postmodernismo", na ang mga salita o wikang makikita sa mga librong
sumikat sa ngayon ay ang wika ng bagong henerasyon, ito ang wika ng kabataan sa
panahon ng postmodernismo, simple, di mahirap maunawaan. Bakit nga ba simple ang
nais basahin ngayon ng kasalukuyang henerasyon? Bakit ba sumisikat ang pagpapatawa
ni Bob Ong, ni Eros Atalia o lahat ng mga baguhang manunulat? Dahil ba ‘yun na lamang
ang simple ngayon at ang lahat ay kumplikado na? Dahil ‘yun na lamang ang magaan sa
kasalukuyan? Dagdag pa niya, "Napagod na rin ako sa kakaisip. Marami na siguro ang
mga naiisip ko para maging laman ng papel ko. Buo na ang papel sa utak ko. Kumuha ako
ng malinis na iskrats para simulan na ang aking papel na “Sa Wikang Ipinaghele ng
Bagong Henerasyon: Isang Pagtatanghal sa Wikang Filipino sa Kandungan ng
Postmodernismo.” Handa na ako sa pagsusulat, at alam ko, na kapag nasimulan ko na,
gaya nang dati, tuloy-tuloy na ito hanggang sa wakas. Sisimulan ko na (sana), kung hindi
lang nag-brown-out."
Dalawang Kaso: Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o Bagay?
Mula sa pag-aaral nina Amur M. Mayor-Asuncion, at Allan B. de Guzman sa "Doon o dito,
ganoon o ganito: isang paggalugad sa pananaw ng guro hinggil sa kanyang papel
sa pagtuturo ng Akademikong Wikang Filipino sa antas tersyarya" na ang kaganapan
ng paghuhubog ng akademikong wika sa mga mag-aaral ay kaganapan ng paghuhubog
ng akademikong wikang Filipino. Ang pagsusulong na magamit ang wikang Filipino sa
mga usaping pang-akademiko tulad ng mga nauna nang nabanggit ay isang malaking
hakbang upang matamo ng wikang Filipino ang antas ng wikang Ingles at ng iba pang
mga wika ng mga makapangyarihang bansa. Hanggang ang Filipino ay nakakulong
lamang sa limitadong paggamit nito bilang wika ng komunikasyon, wikan pambansa, wika
ng kabutihang-asal, hindi ito makasusulong bilang wika ng nagbabagong panahon.
Mula sa paggalugad na ito, kailangan ang isang pagbalikwas (at hindi pagtalikod sa
nakagawian) upang Makita ang isa pang mukha ng wika na dapat malinang sa mga mag-
aaral.Sa mga nakalap na mga rebyu ng iba pang pag-aaral, gayundin ng mga
pakikipanayam, matagumpay na nailantad ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang estado
ng pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya. Bagamat nailantad ang ilang mga maling
akala at kakulangan ng sapat na pagkilala sa konsepto ng akademikong wika, hindi ito
nangangahulugan ng kabiguan ng kurikulum. Bagkus, sa pamamagitan nito ay higit na
magiging malinaw ang mga aspektong kailangang linangin sa mga guro ng Filipino.
Maaari itong magamit bilang saligan sa pagbubuo ng mga seminar sa Filpino at kurikulum
para sa antasgradwado.Sa kabilang banda, ang kinasapitan ng pag-aaral na ito ay isang
magandang lunsaran sa iba pang pananaliksik-pangwika. Maaaring sa susunod na
pagkakataon ay galugarin naman ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang
pag-aaral ng Filipino. Sa ganitong paraan lamang magiging malinaw ang puwang ng
Filipino hindi lamang sa larangan ngedukasyon kung di gayundin bilang tatak ng isang
bansang nagnanais na umunlad. Sapagkat ang tunay na pagsusulong ng sariling wika ay
hindi lamang sa paggamit nito sa araw-araw kung di gayundin sa pamamagitan ng
matapang na pagtatangka na magamit ito bilang isang akademikong wika.
Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis
Ayon pa kay Voltaire Villanueva sa kanyang pag-aaral na "PANIMULANG PAG-AARAL
SA VARAYTI NG TAGALOG-PATEROS SA DOMEYN NG BALUTAN" na lahat ng
komunidad pangwika ay kakikitaan ng varyasyon ng wika. Uusbong dito ang varayti ng
isang wika mula sa dimensyong panlipunan ng magiging isang tiyak na rejister sa iba’t
ibang institusyon o domeyn. Katangian ito ng wika na dapat pang-pagyabungin sa
pamamagitan ng pag-aaral at pagsusuri upang maging kabahagi sa pagpapayaman ng
wikang pambansa. Kaya naman ang mga salita ay nabubuo at napaparami sa
pamamagitan ng tatlong pangunahing pamamaraan: pag-uulit, paglalapi at pagtatambal.
Aang tatlong ito ay pamamaraan din sa deribasyon ng mga salita sa iba’t ibang wika sa
bansa. Kaya’t ang mga salitang nabuo sa domeyn ng balutan ay hindi lamang ambag sa
wika ng katagalugan kundi sa halos lahat ng wika sa buong bansa. Bukod sa
pagpapamalas ng iba’t ibang katangian ng wika sa domeyn ng balutan bilang dayalektal
na varayti ng Tagalog Pateros ay napagsasama-sama pang lalo sa paggamit nito bilang
lingua franca ng mga Pilipino. Ang dayalektal na varayti ng Pateros Tagalog sa domeyn
ng balutan ay isang varayti na hindi lamang mananatili sa lugar na ito. May mga salitang
hawig at kapareho ng iba’t ibang wika sa kapuluan dahil nagkaroon ng ugnayan ang iba’t
ibang varayti. Ang dayalektal na varayti ng Pateros Tagalog sa domeyn ng balutan ay may
sosyolingguwistikong katangian. Buhay ang wikang ito at umuunlad dahil sa pagiging
dinamiko bungsod ng paggamit at pagsasama-sama ng mga kasapi ng komunidad
pangwika.
Dahil sa pagkakaroon ng kaalaman sa dayalektal na varayti ng Pateros Tagalog sa
domeyn ng balutan, magiging malay ang isang Pilipino na may bahagi siya sa
pagpapaunlad ng pambansang wika. Lalago pa ang ibang varayti kung madalas itong
gagamitin at tatangkilikin. Mahalagang maunawaan ang konsepto ng varyasyon at varayti
ng wika sapagkat dito iinog ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa
Mga Pag-aaral na umiinog sa Panitikan
Binagyong mga Pahina: Pagsibol ng mga Akdang Pambatang Pilipino Hinggil sa
Kamalayang Pandisaster, 2010-2016
Sa pagsuri ni Rosario Torres Yu sa kanyang pag-aaral na "Haraya ng Bata: Kapayapaan
sa Paningin at Panulat ng Batang Filipino" sinabi niya na ang Filipino ang direksyon ng
nostalgia. Partikular sa mga kuwento tungkol sa kalikasan, nag-uugat sa pananaw na may
dalisay na nakalipas ang mundo na may harmoniya ng lahat ng nabubuhay dito. Dito
laging umuugnay ang iba-ibang pag-imahinasyon sa nangyayari sa kasalukuyan at sa
malapit na hinaharap—ang pagkawasak ng kalikasan at ang kaakibat nitong trahedya.
Marahil, kailangan pa ng mga batang mambabasa ang mas mayamang eksposyur sa
ibaibang klase ng kathang-isip upang mabuksan naman sa kanilang katha ang isa pang
tunguhin— ang pagharaya ng alternatibong mundo. May mahahalagang implikasyon ang
mga natuklas na ito sa edukasyong pangkapayapaan ng mga batang Filipino na ginagamit
ang panitikang pambata bilang daluyan nito. Higit na may potensyal ang kathang-isip na
isinulat at isusulat pa ng mga bata, dahil sa mga katwirang tinukoy na sa unahan.
Isa itong paraan upang huwag malimitahan ang pag-akda ng literaturang pambata, na
nangyayari sa ngayon dahil sa lubos na pagsandal sa mga lathala ng mga establisadong
pabliser sa bansa na nalilimitahan naman ng mga konsiderasyong pangnegosyo at
makalumang perspektibo sa pagiging bata. Napatunayan sa mga halimbawa ng inisyatibo
na tinukoy sa pag-aaral na ito na may malaking potensyal pa ang mga pribadong
samahan, NGO, at akademya upang mapausbong at mapabunga ang panulat ng mga
bata. Importante, kung gayon, ang mas sistematiko, tuluy-tuloy at malikhaing edukasyong
pangkapayapaan sa hanay nila upang higit na maging daluyan ng pagpupunla ng
kapayapaan ng kanilang panulat.
Para sa mga Lola: Ang Comfort Women sa Panitikang Filipino
Ukol kay Jose Mathew P. Luga sa kanyang pag-aaral na "MGA KUWENTO NINA LOLO’T
LOLA: PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY SA BAGUIO NOONG PANAHON NG HAPON
(1941-1945)", makikita na naisakonteksto natin ang kanilang mga buhay sa panahong
kanilang ginalawan—ang mga base-militar ng Amerika, pagsiklab ng digmaan, pag-akyat
ng mga Hapon, pagdami ng mamamayan ng siyudad, at ang pag-carpet-bombing dito.
Lahat ng ito’y nakaapekto sa kung paano kumilos ang mga nasabing mamamayan na
nailahad sa pag-aaral na ito, at naipakita rito ang dinamiko sa pagitan ng ahensya at ng
kanyang lipunan na siyang tunguhin ng Kasaysayang Buhay.
Pero hindi lamang maikakahon ang mga kuwentong ito sa Kasaysayang Buhay dahil sa
pagtalakay sa mga dinamikong naganap sa pagitan ng mga mamamayan at ng lipunan na
kanyang ginalugad ay nasasalamin din ang naging takbo ng isang pamayanan para sa
nasabing panahon. Kung gayon, nalahad din natin ang kasaysayan ng Baguio sa
pagsasaliksik sa mga buhay na ito, kaya naman masasabing ang pag-aaral na ginawa ay
isa ring Kasaysayang Pampook ng Baguio noong panahon ng Hapon.Ang Kasaysayang
Pampook ay tumutukoy sa “sistematikong paglalahad ng kasaysayan ng partikular na
bayan, probinsya, o rehiyon” (Reyes-Boquiren 2002, 3; Navarro et al. 2012, 3).
Ang ganitong tunguhin ay nakaangkla sa pangangailangang palitawin ang mga
naisasantabing Kasaysayang Pampook dala ng sentristang atensyon sa Maynila. Dito
nagkakapareho ng tunguhin ang Kasaysayang Lokal at ang Kasaysayang
Pampook(Elumbre 2012, 416). Ngunit, hinihigitan ng “kasaysayang pampook ang
kasaysayang lokal dahil mayroon itong kapookang pambansa” (Elumbre 2012, 427).
Tinutuligsa ng Kasaysayang Pampook, kung gayon, ang dalumat ng dikotomiyang
lokal/nasyonal at sa halip ay tinitingnan nito ang ugnayang pook/bansa—kahalintulad ng
ugnayang buhay/bayan (pook) sa Kasaysayang Buhay.
Malinaw sa saliksik kung paano nailarawan ang kasaysayan ng Baguio sa takbo ng
pagsasalaysay sa mga Kasaysayang Buhay ng mga bubumuo dito, habang nakapook sa
mga kaganapang pambansa. Pinakita nitong ang Baguio ay naging biktima ng digmaan
dahil sa kanyang pagiging sentrong-pulitikal noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at
itong mas malawakang kasaysayan ang humubog sa mga reaksyong naganap sa loob ng
maliit na kapookan. Maaaring kaiba ang reaksyon sa lunsod ng Baguio kumpara sa ibang
lalawigan, ngunit hindi maitatangging magka-uugnay ang mga ito (halimbawa na lamang
ng nailatag na ugnayang Baguio-Maynila noong huling yugto ng panahong Hapon). Sa
pagsasaliksik sa mga Kasaysayang Buhay na ganito, makakaambag tayo sa pagsasabuo
ng mga Kasaysayang Pampook, na maaaring paghabing at pag-ugnayin, tungo sa
pagbubuo ng “isang bagong kasaysayan.
8. Ilarawan kung ano ang hangarin ng pag-aaral o pagsusuri – ano ang kabuluhan nito o kung
paano ito makatutulong; ano ang ambag nito na bagong kaalaman o kaya’y ambag sa wika at
panitikan ng Pilipinas?
Ilista ang pamagat ng binasang pag-aaral o pagsusuri tungkol sa wika at panitikan.
Mga Pag-aaral na umiinog sa Wika
Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay maisangkot ang angkop na angkop na pananaw mi
Umberto Eco sa kanyang sanaysay na "Language, Power, Force" sapagkat nakasaad dito
na, "We must not be amazed then to hear people say that the given language is power...
because outside the given language there is nothing.
Makatutulong ang pag-aaral na ito sa atin bilang Pilipino upang mahkaisa tayo. At
maikintal sa ating puso at isipan na mismong ang kolonyal na pag-iisip ang siyang
nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad at karunungan nating mga Pilipino. Sapagkat
magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang ating sariling wika dahil idinidiin
nga ni Lumbera na,"Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay at nariyan ito"
Dalawang Kaso: Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o Bagay?
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng seryosong pansin ang mga nabanggit
na pagbubuo ng mga makabagong gramatikang Filipino sa pagdalumat at pagsipat nito.
Makatutulong ang pag-aaral na ito sa atin bilang isang Filipino Major nang sa gayon ay
maisapuso natin ang positibong pahiwatig ng mga bagong pamamaraan na ating
magagamit. Sa ganitong danas, magiging kapana-panabik ang Pagtuturo natin ng Filipino
at magiging aktibong kabahagi tayo ng pagbubuklod ng ating kababayan at bansa.
Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga
mambabasa patungkol sa isang analisis na isinagawa bg may-akda na may kaugnayan sa
Wikang Tagalog at Sinugbuanon.
Ang kabuluhan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mambabasa na malaman
ang paraan ng pagbigkas ng Sinugbuanon at Tagalog at maging ng sa rehistro nito.
Mga Pag-aaral na umiinog sa Panitikan
Binagyong mga Pahina: Pagsibol ng mga Akdang Pambatang Pilipino Hinggil sa
Kamalayang Pandisaster, 2010-2016
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay maisakonteksto ang mga Panitikang Pambata na
nakaangkla sa temang pandisaster.
Makatutulong ang pag-aaral na ito sa atin bilang mamamayang Pilipino na magkaroon ng
resilience sa kabila ng pagdanak ng bagyo. Sa pamamagitan nito, mahihikayat tayo na
magkaroon ng entusiastikong pagkilos mula sa mga bata at ng panitikan na may
positibong pagtugon sa mga hamon ng disaster.
Para sa mga Lola: Ang Comfort Women sa Panitikang Filipino
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay maipaalala sa atin ang malagim na mga pangyayari
sa diktaturyang Marcos gayundin ang kabayanihan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay
upang makamtan ang demokrasya ng bansang Pilipinas.
- Makatutulong ang pag-aaral na ito sa atin bilang mamamayang Pilipino na magkaroon muli ng
pag-igting ng diwang nasyonalismo ang ating bansa na naging tulay sa pormasyon ng ating
identidad.