You are on page 1of 1

Tunay na Pag-ibig

Mahusay na naisalaysay ng may-akda ang kanyang katha sapagkat sa pagsasalita pa lang niya mismo
makikita na may pinanghuhugutang emosyon ang kaniyang kuwento. Ang kanyang MK ay umiinog sa
tatlong tauhan: Si Dave— kababata ni Jezel at isang guro; Jezel— kababata ni Dave at isang guro; at
Dante— isang haciendero at manliligaw ni Jezel. Nakasentro din ang MK sa romantisismong pananaw
sapagkat masisilayan dito ang paglutang ng nag-uumatikabong pagmamahalan na nasira ng dahil sa
kasawian— kasawiang pumapatungkol pagmamahalang hindi masuklian at kasawiang dahil sa isang
trahedya (bakbakan). Dagdag pa rito, naging matapat ang may-akda sa pagpapahayag ng kanyang
damdamin kaya naman kakikitaan din na ang daloy at konteksto ng MK ay tunay na nangyayari sa
realidad. Sa MK na ito, ang aral na makukuha natin ay: "Sa pagmamahalan, hindi lang puro tawanan at
hagikhikan sapagkat ang pagmamahalan hindi nabubuo kung walang nasasaktan." Panghuli, wala na
akong ibang masabi kung hindi magaling at ipagpatuloy!

You might also like