You are on page 1of 2

Alicaway, Euniva Jane BSCpE 302-B

Amado, Redelyn Bb. Jazel Sugatan

“Sa Tabi ng Dagat”

Ni Ildefonso Santos

Ang akdang ito ay isang uri ng tula. Ito ay tumatalakay sa buhay ng tao.

Naipakita ng akdang ito ang kahalagahan ng pagibig tungkol sa dalawang

magsing-irog na kung saan ginamit nila ang kalikasan para sa pagpapahayag nito. Sa

istilo ng paglalahad ng akda ay nagsimula sa pagkukuwento ng kanilang pag-iibigan.

Base naman sa akdang ito, mahusay na nagampanan ng dalawang tauhan ang

pagsasalaysay bilang magsing-irog at ipinakita rin dito na ang persona na

nagkukuwento ay ang lalaki. Sa istilo naman ng sumulat ng akda, siya ay gumamit ng

mga malalalim na salita upang ipahayag ang nilalaman ng akda. Gumamit siya ng

mga simbolo upang magpahayag ng mga kaisipan sa mambabasa. Ang akdang ito ay

kailangan ng lubos lubusang pag-unawa at pag-aanalisa upang lubhang malinaw na

maunawaan ang mensaheng gustong iparating ng may akda. Bilang isang mambabasa

sa akdang ito, mapapaisip talaga na dapat pahalagahan at ingatan ang pagibig dahil

ano mang oras ay bigla nalang itong maglaho ng parang bula. Kaya dapat huwag

sayangin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin. Sa wakas, naipakita sa tulang ito ang

kalungkutan dahil sa kabila ng masaya at matamis na pag-iibigan ay bigla nalang

itong naglaho.
Ang uri ng teoryang pampanitikan na gimamit sa akdang ito ay Arketaypal, na

kung saan sa tulang ito nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda.

Ginamitan ng simbolo upang maihatid ang mensaheng nais ipabatid. Kalikasan o

dagat ang naging simbolo na ginamit ng may akda upang maipahayag sa mga

mambabasa ang pagmamahalan ng dalawang tauhan na kung saan ang pagmamahalan

ay biglang naglaho na lamang. Ginamitan din ito ng teoryang pampanitikan na

Imahismo sapagkat may nabanggit sa tula na hangin kung saan sumisimbolo sa

mabilis na pag takbo ng oras. Sabi sa isang saknong “Doon ay may tahong. Talaba’t

halaang kabigha-bighani” Ito ay nangangahulugang maraming iba’t ibang suliranin o

problemang maaring matamasa sa isang relasyon. Suliraning maaring masolusyunan o

maaring tuluyang makasira ng pagsasamahan. “Hindi kaya natin Mapuno ang buslo

bago tumanghali?” Dito naman ay nagsasaad ng katanungan kung malalampasan ba

nila ang mga problema bago pa tuluyang matapos ang kanilang relasyon.

Hindi lahat ng tula ay makikita mo agad ang kahulugan sa bawat linya. Maaring

mayroon itong mas malalim na pakahuligan kaya kailangan muna itong suriin uoang

malaman kung ano ng aba ang nais ipabatid ng may akda. Sa pag gawa ng tula,

maaaring isa o higit pa na teorya at dulog pampanitikan ang pwedeng gamitin ng may

akda. Sa pag susuri ng tula, kinakailangang hanapin o tuklasin kung anong klaseng

teorya at dulog ang ginamit ng may akda. Sa pamamagitan nito mas mauunawaan

natin kung ano ba talaga ang nais ipahayag o iparating sa atin. Malaman natin kung

ano ba talaga ang mas malalim na kahulugan sa likod ng matatalinhagang mga salita.

Dahil sa teorya at dulog na ginamit ng may akda, nakatutulong ito sa atin upang mag

maintindihan at maunawaan ang isang tula. thank you so much

You might also like