You are on page 1of 7

Ang Tula at ang Patnubay sa Pagtuturo Nito

Ang Tula
Ang tula ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, bilang ng mga pantig at
tugmaang salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang
manunulat. Bagamat sa kasalukuyan ay unti- unti nang nawawala ang sukat at tugma ng isang
tula, dahil ang mga makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.
Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, batay sa guniguni,
kaisa ng ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw- iw. Likha ito ng
isang makata at hinasa sa kalikasan at sa buhay ng tao. Ang isang tula ay gumagamit ng tumpak
na salita at larawang diwa upang maipahayag ang tunay na damdamin.
Itoy pagpapahayag ng mayayamang kaisipan sa maririkit na pananalita sa pamamagitan
ng taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Layunin ng Tula
Ito ay ang pagpukaw ng isang makata sa damdamin ng bumabasa o nakikinig nito upang
makilala ang kahulugan ng buhay na tinatanglawan ng kabutihan at kagandahang ipinamalas sa
pamamagitan ng tula ang matulaing katotohanan (POETIC TRUTH) na nagsasaad na kung ano
ang maaaring mangyari hindi ang kung ano ang nangyari.
Binigyang katuturan ng ilang magagaling na makata at manunulat ang tula at ang ilan
dito ay ang mga sumusunod:
Katuturan ng Tula
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng
kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na
matawag na tula.
Ayon naman kay Inigi Ed Regalado, ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at
kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.
Sinabi naman ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay na ang tula ay
paggagad- itoy lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal- ang
kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinmang ibang gagad na mga sining,
pagsama- samahin man ang mga iyon.
Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, ang tula
ay kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).
Elemento ng Tula
Sukat
Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang ginagamit ay
wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing- animin at lalabingwaluhing pantig. Ang mga ito ay
nagkakaroon ng hati o cesura sa gitna. Ang cesura ay isang bahagyang pagtigil sa pagbasa at
pagbigkas na hinihingi ng diwa sa isang taludtod.Mayroon din tayong tinatawag na Malayang
Taludturan na kinakikitaan ng hindi paggamit ng tradisyunal na bilang ng sukat at tugma.
Tugma
Tumutukoy sa pag- iisang tunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod sa
isang taludturan. Ito ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng salita ng bawat taludtod
batay sa bilang ng taludtod at ayos ng pagkakatugma- tugma.
Mga Uri ng Tugma
I. Tugmang ganap- kung magkakatulad ang tunog, uri ng diin at palatuldikan ng
huling pantig ng bawat salita.
Halimbawa: Ang pag- ibig isipin mo, pag inisip, nasa puso
pag pinuso, nasa isip kayat hindi mo makuro
II. Tugmang di- ganap- kung hindi magkakatulad ang huling pantig ng bawat salita
gayundin ay hindi magkatulad ng diin at uri ng palatuldikan.
Halimbawa: Nagbabalik mandit parang hinahanap
Dito ang kahalong, masayang lumipas

A. Tugma sa patinig
a. Tugma sa patinig na malumay at mabilis
Halimbawa: Pag- ibig anakiy aking nakilala
di dapat palakihin ang bata sa saya
b. Tugma sa patinig na malumi at maragsa
Halimbawa: Kapagka ang tao, sa sayay nagawi
minsay nalilimot ang wastong ugali
B. Tugma sa Katinig
a. Unang lipon- b, k, d, g, p, s, at t
Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos- palad
b. Ikalawang lipon- l, m, n, ng, r, w at y
Halimbawa: Sapupo ang noon g kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Makabuluhang Diwa
Pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa . Nasa makabuluhang diwa
ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro
at guniguni ng makata.
Sining o Kariktan
Tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na salita. Kailangang magtaglay
ang tula ng maririkit na salita upang maakit ang mambabasa gayundin ay mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
Talinghaga
Tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang pananalita at mga tayutay (figure of speech).
Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Itoy isang
sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Tula
I. Layunin
Nakasaad sa bahaging ito ang mga kasanayan, kakayahan at kaalaman na
inaasahan ng guro na matatamo ng mga mag- aaral sa pagtatapos ng aralin. Dapat na
maayos ang pagkakalahad ng layunin batay sa pagkakasunod- sunod:
A. Cognitive Domain o Pangkaisipan
Halimbawa: Nabibigyang- kahulugan ang mga piling salita sa tula na may
malalalim na kahulugan.
B. Affective Domain o Pandamdamin
Halimbawa: Nakapagbabahagi ng sariling karanasan, saloobin, paniniwala, kuro-
kuro o ideya na may kaugnayan sa tula.
C. Psychomotor Domain o Kilos
Halimbawa: Naksusulat ng tula gamit ang ibat ibang elemento nito.
II. Paksang- Aralin
Nakasaad dito ang paksang pag- aaralan, may- akda, sanggunian at
kagamitan na gagamitin ng guro sa pagtuturo.
III. Pamamaraan
Nakasaad dito ang mga kakaibang estratehiya na gagamitin ng guro sa
pagtuturo ng akda.
A. Pagganyak
B. Talasalitaan
C. Pagbibigay ng Pagganyak na Tanong
D. Unang Pagbasa ng Tula
E. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
F. Pagtalakay sa Nilalaman
G. Ikalawang Pagbasa
H. Ikatlong Pagbasa
I. Paglinang na Gawain
J. Pagpapahalaga
K. Paglalapat
L. Pagtataya
IV. Takdang- aralin
Nakasaad dito ang mga gawaing- bahay na gagawin ng mga mag- aaral.
Dapat na may kaugnayan ito sa akdang katatalakay pa lamang.

Mga Dapat Mabatid ng Guro Tungkol sa Tula
1. Ang tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng sarili niyang
daigdig.
2. Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap, may lisensiya siyang
gawin ito.
3. Gumagamit ang makata o tula ng sariling jargon o talasalitaan.
4. Isipin at unawain ang tula sa ibat ibang dimensiyon: biswal, pandinig, pandama, panlasa
at iba pa.
5. Ang ganda ng tula ay napayayabong sa pamamagitan ng ibat ibang pagpapakahulugan.

Mga Patnubay sa Pagtuturo ng Tula
1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin. Ang pagpukaw ng marangal na
damdamin ay nag- aangat sa pag- iisip tungo sa isang mataas na layunin at pagpapahalaga
sa buhay.
2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni. Kailangang Makita sa ating guniguniang mga
larawang likha ng makata upang mapukaw an gating damdamin. Kailangang maantig ang
lahat n gating pandama, paningin, pandinig, panlasa, pang- amoy at pakiramdam.
3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa. Kailangang taglayin ng tula ang marangal at
makatotohanang paksa upang makapukaw ng magagandang damdamin at makaguhit ng
larawan sa guniguni.
4. Ang pagtataglay ng tula ng isang magandang kaanyuan. Itoy nauukol sa pamamaran
ng makata sa pagbuo ng ng kanyang tula. Itoy nauukol sa paggamit ng tugma, sukat,
aliw- iw at mga piling- piling salita.
5. Mahahalagang tayutay. Itoy nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya ng
pagwawangis (metaphor), pagtutulad (simile), pagtawag (apostrophe), pabaligho
(paradox), padiwang- tao (personification) at marami pang iba. Napayayabong ang mga
ito sa mga larawang diwa na siyang pumupukaw ng mga mararangal na damdamin ng
mambabasa.
















Inihanda ni:
Shane Carla Joy V. Racelis
BSEd- IV Filipino

You might also like