You are on page 1of 30

Ang Pagtuturo ng

DULA, TULA, at
SANAYSAY

Daisy Mendoza Olivo


BSEd-II
Ang
pagtuturo
ng Dula
DULA
Ay isang akdang
pampanitikan na ang
layunin ay itanghal sa
pamamagitan ng
pananalita, kilos at galaw
ang kaisipan ng may
akda.
 Ayon kay ARISTOTLE,
Ito ay isang sining ng
panggagaya o pag iimita sa
kalikasan ng buhay.
Ipinapakita nito ang
realidad sa buhay ng tao
gayundin ang kanyang mga
iniisip, ikinikilos, at isinasaad.
 Pagkakaiba ng DULA sa MAIKLING
KWENTO.
Ang MAIKLING KWENTO ay
nababasa o binabasa ng isang
upuan lamang at may iisang
pangyayari. Habang ang DULA ay
nahahati sa ilang yugto na maraming
tagpo at ang pinakalayunin nito ay
itanghal sa tanghalan o entablado sa
harap ng mga manonood.
Tatlong Bahagi ng Dula
1. YUGTO (Act) – Ang bahaging
ito ang ipinaghahati sa dula.
Inilaladlad ang pangmukhang
tabing upang magkaroon ng
panahong makapahinga ang
mga ngsiganap gayundin ang
mga manonod.
2. TANGHAL(Scene) – Ang
bumubuo sa isang yugto. Ito
ay maaaring magbadya ng
pagbabago ng tagpuan ayon
sa kung saan gaganapin ang
susunod na pangyayari.
3. TAGPO(Frame) – Ito ang
paglalabas masok sa
tanghalan ng mga tauhang
gumaganap sa dula.
Mga Sangkap ng Dula
Simula- mamamalas dito ang
tagpuan,tauhan, at sulyap sa
suliranin.
Gitna – matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian at ang
kasukdulan.
Wakas – matatagpuan naman dito
ang kakalasan at ang kalutasan.
ANG
PAGTUTURO
NG TULA
TULA
Ito ay isang anyo ng sining
o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsusulat.
Binubuo ng saknong at
taludtod.
 Ang TULA sa ating wika ay
kailangang magkaroon ng
apat na salik upang
matawag na tula:
1. Sukat
2. Tugma
3. Talinhaga
4. Kariktan
1. SUKAT
 Tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod na bumubuo sa
isang saknong.
 Karaniwang pantig na ginagamit
ay:
1. Wawaluhin 3. Lalabindalahin
2. Lalabing-animin 4. Lalabingwaluhin
2. TUGMA
Tumutukoy sa pag iisang tunog ng
huling pantig ng huling salita sa
bawat taludtod sa isang taludturan.
Ito ay pagkakasintunugan ng mga
huling pantig ng salita ng bawat
taludtod batay sa bilang ng
taludtod at ayos ng
pagkakatugma-tugma.
MGA URI NG TUGMA
1. TUGMANG GANAP – magkakatulad
ang tunog, uri ng diin at palatuldikan
ng huling pantig ng bawat salita.

HALIMBAWA:
“Ang pag-ibig isipin mo,’pag inisip, nasa
puso
‘pag pinuso, nasa isip kaya’t hindi mo
makuro”
II. TUGMANG DI-GANAP
Hindi magkakatulad ang huling pantig
ng bawat salita gayundin ay hindi
magkakatulad ng diin at uri ng
palatuldikan.

HALIMBAWA:
“Nagbabalik mandi’t parang hinahanap
Dito ang kahalong, masayang lumipas”
III. TUGMA SA PATINIG
 HALIMBAWA:
“Kapagka ang tao, sa saya’y
nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong
ugali”
Halimbawa ng tugma sa patinig

A A A
A A I
A I A
A I I
IV. TUGMA SA KATINIG
 HALIMBAWA:
“Malungkot balikan ang taong
lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-
palad”
3. KARIKTAN
 Kailangang magtaglay ang tula
ng maririkit na salita upang
masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
 HALIMBAWA:
Maganda – marikit
Mahirap – dukha o maralita
4. TALINHAGA O TAYUTAY
 Magandang basahin ang tulang di
tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng
tula na may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng tula.
 HALIMBAWA:
Nag-agaw buhay
Nagbabanat ng buto
MGA ANYO NG TULA
 Malayang taludturan – isang tula na
isinulat nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang anumang
naisin ng sumusulat.
 Tradisyonal – ito ay isang anyo ng
tula na may sukat,tugma at mga
salitang malalim na kahulugan.
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma
ANG
PAGTUTURO
NG
SANAYSAY
SANAYSAY
Ay isang akdang
nagpapahayag ng
kuru-kuro ng may-akda
hinggil sa isang bagay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Maanyo (formal) – ito ay
maaaring mapanuligsa,
makasaysayan, sosyolohikal at may
pilosopiya.
Ang paksa nito ay hindi karaniwan
at nangangailangan ng
matiyagang pag-aaral at
pananaliksik
.
2. Malayang sanaysay(Informal) –
ito ay higit na madali at magaang
sulatin sapagkat simple at kadalasang
natural ang paglalahad ng mga
kaisipan.
 Ito’y karaniwang himig nakikipag-usap
lamang. Ang mga pananalita ay
karaniwang hindi nangangailangan ng
masusing pag-aaral upang makasulat
ng ganitong uri ng sanaysay.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng sanaysay;
1. Tiyakin ang paksang susulatin at kung
paano bubuuin ang mga kaisipan.
2. Piliin ang paksang kawili-wili.
3. Mahusay na pagkakabuo.
4. Paghahanda ng isang balangkas
bago sulatin ang sanaysay.
5. Paggamit ng mga salitang may tiyak
at malinaw na kahulugan.
Maraming
Salamat po
MAIKLING PAGSUSULIT

1-3.) Tatlong bahagi ng dula.


4-7.) Apat na salik ng tula.
8-9.) Dalawang uri ng sanaysay.
10-15.) Ipaliwanag ang
pagkakaiba ng dula at maiking
kwento.

You might also like