You are on page 1of 9

PAMBANSANG DULAAN

 Sa pamamagitan ng eksperimentasyon at
improbisyon ay maaaring makalikha ang
mga mandudula ng isang anyo ng dula na
maituturing na pambansang dulaan.
SINING KAMBAYOKA
Isinilang ang grupong Sining Kambayoka
pagkatapos ng tatlong araw na seminar-palihan sa
drama at sining ng teatro na pinangasiwaan ng PETA
at ng Central Institute of Theater Arts in Southeast
Asia (CITASA) na ginanap noong Enero, 1974 sa
Mindanao State University (MSU) sa Marawi City sa
paanyaya ni Dean Rufino Ignacio.
“Lutgardo Labad, Brenda Fajardo,
Len Santos, at si Frank Rivera”
 Sila ng namahala sa seminar-panlihan na siyang nagbinyag sa pangalang
Kambayoka mula sa salitang bayok ng mga Maranaw.

Unang itinanghal ng grupo ang DULA, DALAWA na nagtampok sa ANG


PIGING ni Rivera sa pamamahala ni Socrates Topacio at SI PILANDOK,
isang dulang improbisyon sa pamamahala ni Frank Rivera noong Pebrero,
1974. O Naging opisyal na grupong pandula ang Sining Kambayoka
noong Setyembre, 1974. O Sila rin ang tumayong ambassadors of
goodwill ng MSU sa kanilang paglalakbay at sa pagharap sa mga
panauhin sa MSU kampus.
“MGA GAWAD AT GANTIMPALANG NAKAMIT NG
GRUPO MULA SA IBA’T-IBANG INSTITUSYONG
PAMBANSA”
 1977 Aliw Awards para sa the most promising cultural group ng Pilipinas mula
sa Aliw Awards Foundation;
 1977 Kalinangan Awards para sa best cultural troupe ng Pilipinas mula sa
Expressweek Magazine;
 1978 Special Aliw Awards para sa most outstanding theater group mula na
naman sa Aliw Awards Foundation;
 1981 Gawad-Balagtas para sa pagiging pangunahing grupo ng mandudula sa
Pilipinas mula sa Surian ng Wikang Pambansa; at marami pang mga plake ng
pagkilala mula sa iba’tibang sangay ng pamahalaan tulad ng Hukbong Dagat ng
Pilipinas.
 Tinaguriang “Pangunahing Samahang
Pangkultura ng Timog” ng mga kilala at piling
kritiko ng bansa.

Kambayoka ang itinawag sa makabagong uri


ng pagtatanghal mula sa pangalan ng grupo.
KAMBAYOKA
 Ang kambayoka ay isang uri ng pagtatanghal na may naiiba ngunit
pamilyar na istilo ng pagtatanghal na base sa mga katutubong istilo at
sinaniban ng mga makabagong sangkap ng tanghalan.
 Ito ay isang uri ng pagtatanghal na maaaring tanggapin ng mga tradisyonal
na mamamayan at maaari rin namang tangkilikin ng mga makabago bilang
isang bagong istilo ng dulang Pilipino na talagang ating-atin
Ito ay binubuo ng dalawang koro, galing sa orihinal na dalawang mang-
aawit ng bayok ng mga Maranaw sa Timog na maaaring ihambing sa
dalawang manunula ng balagtasan ng Katagalugan at ng balak sa
Kabisayaan
Mga grupong gumamit ng istilong
kambayoka :
 Atong Teatro ng Ilagan City sa pamumuno ni Faisar Mambuay.
Tabunong-Magdudula ng Davao sa pamumuno nina Jehovenn Honculada at Rudy Galvez.
Sining Pakalagyan ng Cotabato City sa pamumuno at pamamahala nina Marilou Rabe-Guerra,
Oniron Guerra at Ismael Kamid.
Sining Maguindanao ng Dinaig, Cotabato, sa pamumuno ni Merle Daguinsin.
Sining Palabuni-bunian ng Lalawigan ng Maguindanao sa pamamahala ni Abdul Sampulna.
Sining Kaliliyagan ng Zamboanga National Agricultural College sa Zamboanga del Norte na
pinamumunuan ni Leah trono-Tambolero; at Buhilamang Kambayoka Sugbo sa pamumuno ni
Edgar Lopez.
 Mahigit kumulang 1800 na pagtatanghal
na ang ginawa ng Sining Kambayoka mula
1974 hanggang Agosto 1983. O Noong
1974, ang mga sumusunod ang itinanghal
ng grupo.

You might also like