You are on page 1of 17

Ang Tula at ang Katuturan Nito

Tagapag-ulat:
Joyce Camille Fernandez
BSED Filipino 3A
Layunin:
1.Magkaroon ng sariling
pagpapakahulugan sa tula batay sa
pagkaka-unawa rito;

2.Mabatid ang kahalagahan ng tula at


pagtuturo nito.
Ang Panitikan
Ang Panitikan ay pahayag na pasalita o pasulat
na tumatalakay sa damdamin, paniniwala,
pamumuhay, at kultura ng isang tao o lahi. . Isa
itong matapat na paglalarawan sa buhay gamit ang
masining na pamamaraan. Kaya nama'y
itinuturing itong salamin ng buhay ng isang tao o
bansa.
Ang Tula
Ang panulaan o tula ay isang uri ng
panitikan na nangangailangan ng masusing
pagpili ng mga salitang gagamitin upang
maipahayag nang mabisa ang damdamin,
pananaw, at paniniwala ng manunulat sa
paraang pasulat o pabigkas.
Diksiyon ng Tula
Diksiyon ang tawag sa mga salitang
pinipili at ginagamit ng mga manunulat,
maingat itong pinipili upang bukod sa
maging matulain ay magkaroon ito ng
buhay kung babasahin.
Ang Tula batay sa mga Manunulat
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tula ay ang
kaaliw-aliw na paglikha ng mga namumukod na
kagandahan.
Nilahad naman ni Julian Cruz Balmaceda, na
ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, at karikitan na natitipon sa isang
kaisipan upang maangkin ang karapatang
matawag na tula.
Ang Tula batay sa mga Manunulat
Sinabi naman ni Iñigo Ed Regalado na ang tula ay
kagandahan, diwa, katas, larawan, at kabuuang tonong
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.

Ipinapahayag naman ni Amado V. Hernandez na ang


tula ay hindi pulos na pangarap at salimisim, di
pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting.
Ang Tula batay sa mga Manunulat
Sa palagay naman ni Roberto T. Añonuevo
ay mahirap ang pagbuo ng tula kahit sa unang
malas ay napakadali. Isang komplikadong
gawain ang pagtula sapagkat maraming dapat
na isaalang-alang upang makabuo nito.
Pahapyaw na Kaalaman
• Batay kay Virigilio Almario, ang panulaang Tagalog ang may
pinakamahaba, tuloy-tuloy, pinakamakulay, at
pinakamasalimuot na kasaysayan. Sinasabing ang unang
orihinal na likha na nalimbag sa kapuluan ay mga tula sa
wikang Tagalog.

• Sa panahon ng Amerikano naman sumigla ang panulaan.


Naitampok dito ang kalakaran ng nasyonalismo, kalayaan sa
pagpapahayag, at malawak na karanasan.
Uri ng Tula
1. Tulang Pasalaysay
Ito'y naglalarawan ng mahahalagang tagpo o
pangyayari sa buhay.
 
2. Tula ng Damdamin o Tulang Liriko
Ito'y nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili o
ng ibang tao o kaya naman ay likha ng imahinasyon ng
makata.
Uri ng Tula
3. Tulang Dula o Pantanghalan
Itinatanghal ito sa entablado at karaniwang mayroong
pangunahi at tagasuportang tauhan na layuning pukawin ang
kawilihan ng mga manonood.

4. Tulang Patnigan
Uri ng panulaan na idinadaan sa sagutan na nagiging
paligsahan. Karaniwang nailalantad dito ang talino ng
mambibigkas ng tula, maaaring sa pangangatwiran sa paksang
pinagtatalunan.
Mga Sangkap ng Tula
• Saknong – Tawag sa lupon ng mga salita na binubuo
ng mga taludtod.
• Sukat – Bilang ng pantig sa isang taludtod.
• Tugma – Pinag-isang tunog sa hulihan ng mga
taludtod.
• Sining o Karikitan – paggamit ng pili, angkop, at
maririkit na salita.
Mga Sangkap ng Tula
• Talinhaga – Ayon kay Virgilio Almario, talinghaga
ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa
kaisipan at pagpili ng salita habang isinasagawa ang
tula.
• Anyo – Porma ng tula.
• Tono/Indayog - Ang taas-baba na inuukol sa
pagbigkas ng isang salita.
• Persona – Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una,
ikalawa o ikatlong panauuhan.
Pagsusulit:
Bakit mahalagang pag-aralan
ang tula?
Sanggunian:
Espina, Leticia D., et al. (2014). Literatura ng Iba't ibang Rehiyon ng Pilipinas
(Ikalawang Edisyon). Mindshapers Co., Inc.

Galeon-Lontoc, Kristine Joy S., et al. (2019). Malikhaing Pagsulat. Jimczyville


Publications.
 
Lamberto, Ma. Gabriel, (1986). Sining-Agham sa Pagtula. Cacho Hermanos, Inc.
 
Sunga, Dolores T., et al. (2004). Sining sa Mabisang Komunikasyon. Trinitas
Publishing Inc.
Sangguniang Elektroniko
• https://pdfslide.tips/education/katuturan-ng-tula-at-sangkap.html
• https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-tula
• https://www.coursehero.com/file/48034239/Katuturan-ng-Tuladocx/
• http://filipino-tula.blogspot.com/2010/06/ano-nga-ba-ang-tula.html
• http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&i
d=9633:kahalagaha

You might also like