You are on page 1of 7

Filipino – 10

Balangkas
Ng
Pagsusuri

Ipinasa ni: Caryl Joy D. Cabrera


Ipinasa kay: G. Joy E. Dayto
I. PANIMULA
Sa paggawa ng isang balangkas ng pagsusuri ay kailangan mayroon kang pag-unawa sa babasahin
mong akda dahil masusi mong oobserbahan ang bawat elemento nito. Ang panitikan na aming
gagawan ng balangkas ng pagsusuri ay isang maikling kwento. Malaya kaming pipili rito. Mas
matiwasay kung ikaw mismo ang pipili kaysa sa iisang katha lamang sapagkat mayroong mga
restriksiyon. Sa paghahanap ng maikling kwento ako ay nagsaliksik sa internet. Pagkatapos
basahin ang ilang mga maiikling kwento ay pinili ko ang isang istoryang nakapagpalambot ng
aking puso.
Aking napili ang “Isang Aral Para Kay Armando” dahil ang pangyayari rito ay palagi nating
nararanasan bilang mga bata. Ito ang isang istoryang makakabuo ng ugnayan sa mga katulad kong
isang anak. Mayroon tayong mga bagay na gusto nating gawin na hindi nais para sa atin ng ating
mga magulang. May mga pagkakataon ding nasasaway natin sila sa sobrang pagkahangad nating
magawa ang isang bagay. Sa pagbabasa ng maikling kwento na ito ay makakakuha ng mga aral
ang mga mambabasa na madadala nila habambuhay. Sa maiikling mga salita ay maraming
emosyon at mensahe ang naihatid ng awtor.
Sa kabuuan ay maganda ito. Mayroon lamang mga pagkukulang at pagkakamali dahil sa pokus ng
may akda sa pinakamensahe at pokus ng kwento para hindi maligaw ang atensiyon ng mga
mambabasa sa ibang impormasyon. Hindi rin pinahaba pa ng awtor at kinumpleto ang mga detalye
ng mga tauhan pati ng mga pangyayari. Pero katanggap-tanggap naman ang mga ito sapagkat hindi
naman ito masyadong kailangan. Ang pinakaimportante ay maintindihan ito at ang nais
maiparating ng awtor. Ginamit ng may akda ang kanyang estilo sa pagsusulat. Para sa akin, naisulat
ito ng maayos.

A. Pamagat ng Katha
“Isang Aral Para Kay Armando”
Ang pamagat ng maikling kwento ay “Isang Aral Para Kay Armando” dahil sa wakas ng istorya
ay mayroong natutunang aral si Armando, ang pangunahing tauhan, gayon din ang mga
mambabasa. Ang mga maiikling kwento ay mayroon talagang moral na leksiyong mapupulot na
makakapagpabago sa ating isip, damdamin, at asal. Mayroon lamang mali sa pamagat sapagkat ito
ay dapat na “Mga Aral Para Kay Armando” dahil higit sa isa ang makukuhang aral dito. Hindi
masyadong nilaliman ng may akda ang pamagat sapagkat mas mainam ang mas simple.

B. Sanggunian o Aklat na Pinagkunan


https://m.pinoyedition.com/maikling-kwento/isang-aral-para-kay-armando/
II. BUOD NG KATHA
Mayroong isang batang nagngangalang si Armando. Palagi siyang pinagbabawalan ng kanyang
ina sa ilang mga bagay na gusto niyang gawin. Dahil dito, nasama ang kanyang loob sa kanyang
ina. Isa sa mga nais niyang maranasan ay ang pagligo sa ilog ngunit hindi sang-ayon ang kanyang
ina rito dahil mabilis ang agos ng tubig sa ilog. Pero tiniruan siya ng kanyang Tito Manuel kung
paano lumangoy kaya sa tingin niya ay kaya niya na. Isang araw ay naligo at naglaro siya sa ilog
kasama si Ben at tatlo pa niyang mga kalaro. Biglang lumakas ang agos ng tubig at natangay siya
papunta sa malalim na parte ng ilog. Nilabanan niya ang mga agos pero tinatangay pa rin siya nito.
Humingi siya ng saklolo sa kanyang mga kalaro pero hindi sila marunong lumangoy. Nagdasal si
Armando at sinagip siya ni Mang Tacio na kanilang kanayon. Nagpasalamat siya rito. Napagtanto
niyang tama ang kanyang ina.

III. PAGSUSURI
A. Uring Pampanitikan
Maikling Kwento

B. Tauhan
- Klasipikasyon ng Tauhan
1. Armando – nagbabagong tauhan dahil noong una ay taliwas siya sa hindi pagsang-ayon ng
kanyang ina sa mga gusto niyang gawin at iniisip niyang masyado lamang matatakutin ito pero
nang matapos ang kwento ay naunawaan niya na kung bakit ginagawa ito ng kanyang ina.
2. Ina – hindi nagbabagong tauhan sapagkat nanatili itong strikto at hindi pabayang nanay kay
Armando para sa kaligtasan nito.
3. Tito Manuel – hindi nagbabagong tauhan dahil nanatili ang kanyang ugali hanggang matapos
ang kwento.
4. Apat na Kalaro – hindi nagbabagong tauhan sapagkat nanatili silang mga kalaro ni Armando.
5. Mang Tacio – hindi nagbabagong tauhan dahil nanatili siyang matulungin sa kanyang kapwang
nangangailangan.

- Uri ng Tauhan
1. Armando – protagonista sapagkat siya ang pangunahing tauhan sa kwento.
2. Ina – antagonista dahil hindi niya gusto ang ilan sa mga nais gawin ni Armando lalong lalo na
ang pagligo nito sa ilog pagkat masyado pa itong bata at baka mapahamak si Armando.
3. Tito Manuel – protagonista sapagkat tinuruan niya si Armando kung paano lumangoy.
4. Apat na Kalaro – protagonista dahil sinamahan nila si Armando para maligo at maglaro sa ilog.
5. Mang Tacio – protagonista sapagkat niligtas niya si Armando noong tinangay ito ng malalakas
na agos sa ilog habang siya ay naroon upang magpainom ng kanyang mga baka.

C. Paningin
Ang paningin na ginamit ng may akda sa istorya ay ang pangatlong panauhan. Inilahad ng awtor
ang maikling kwento sa pamamagitan ng malayang pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ito ay
maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng isang karakter at sabihin sa mga mambabasa ang
iniisip at nararamdaman nito, halimbawa ay ang pagkukwento nito sa iniisip ni Armando tungkol
sa mga gusto niyang gawin. Nabibigyan din ng pakahulugan ang mga kilos ng tauhan. Nasasabi
ng may akda ang lahat ng nais niyang sabihin at naitatago ang lahat ng nais na itago na kalaunan
ay ibinubunyag din. Ginagawa ito upang magkaroon ng kasabikan ang mga mambabasa.

D. Tunggalian
Ang tunggalian sa istorya ay tao laban sa kapwa dahil taliwas sa mga ninanais ni Armando na
gawin ang kagustuhan ng kanyang ina na huwag niyang gawin ang mga ito para hindi siya
mapahamak. Ang pokus ng tunggalian ay ang hangarin ni Armando na maligo sa ilog dahil
naturuan na naman siya ng kanyang Tito Manuel kung paano lumangoy ngunit hindi siya
pinapayagan ng kanyang ina.

E. Sariling Reaksiyon
1. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan
Sa ikli ng kwento ay hindi nailarawan ng maayos ng awtor ang mga katangian ng mga tauhan. Ang
pangalan ni Armando ay hindi masyadong angkop sa kanyang personalidad na isang pasaway na
bata. Hindi nagbigay ng ibang halimbawa na gustong gawin ni Armando ngunit ayaw ng kanyang
ina upang mabigyang linaw pa ang karakter ni Armando. Walang dayalogo ang kanyang Tito
Manuel pati na rin ang apat niyang kalaro. Walang pangalan ang kanyang ina at ang tatlo sa
kanyang mga kalaro. Hindi naisalaysay ng awtor kung paano siya nabalik sa kanyang ina. Hindi
rin sinambit kung anong sinabi ng kanyang ina at apat na kalaro sa kanya pagkatapos niyang
matangay sa ilog. Ang ilan sa aking mga napuna ay katanggap-tanggap na hindi na ilagay sa
kwento dahil dapat hindi mawala ang pokus nito sa nais iparating ng istorya.
b. Simbolismo
Ang simbolismo sa kwento ay ang ilog na sumasagisag sa buhay. Ang mga agos nito ang mga
problema sa buhay na dapat nating labanan at solusyonan para kapag humina na ang mga agos ay
makakapagpatuloy pa rin tayo sa pamumuhay nang matiwasay. Kaya kapag mahina ang mga agos
nito ay naliligo, naglalaro o kaya nama’y naglalaba tayo, samantalang kapag malalakas ang agos
ay may mga pagkakataon na natatangay tayo pero kailangan hindi tayo sumuko hanggang sa
humina na ang mga agos. Patuloy na aagos ang mga tubig sapagkat sa buhay hindi tayo
mawawalan ng problema. Dahil kung wala tayong haharapin sa pang-araw-araw nating
pamumuhay ay walang saysay ang mabuhay.

c. Estilo at Awtor
Si Amado Vera Hernández ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog na pinanganak noong
ika-13 ng Setyembre ng taong 1903. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa",
sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong
tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa
pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging
patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang
Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad
ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong
1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang
Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose
Corazon de Jesus.

Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga


manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng
kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.

Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha
ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang
"Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas.
Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang
makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang
Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirinodahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Namatay siya noong ika-24 ng Marso ng taong 1970.
d. Galaw ng mga Pangyayari
Isang bata na si Armando ang palaging iniisip na napakaraming pinagbabawal ng kanyang ina na
gawin niya. Pero ang pinakagusto niya talagang gawin na pinagbabawal sa kanya ay ang maligo
sa ilog. Naniniwala si Armando na kaya niyang labanan ang mga agos nito dahil tinuruan siyang
lumangoy ng kanyang Tito Manuel. Isang araw, kasama niyang naligo sa ilog ang apat niyang
kalaro. Ang isa doon ay si Ben. Biglang bumilis ang agos ng tubig at siya’y natangay papalayo.
Hindi siya maligtas ng kanyang mga kasama. Nagdasal si Armando at nasagip siya ng isang lalaki
na si Mang Tacio, saktong ito ay naroon para magpainom ng baka. Nagpasalamat siya rito.
Napaghulo niyang tama ang kanyang ina.

2. Bisang Pampanitikan
F.
a. Bisa sa Kaasalan
Ang maikling kwento ng “Isang Aral Para Kay Armando” ay nakakapagpabago ng iyong pananaw
sa isang kaisipan. Noong mga bata pa tayo ay naiinis tayo sa ating mga magulang dahil palagi nila
tayong pinagbabawalan sa iba’t ibang mga bagay na hangarin nating maranasan tulad ng paglalaro
sa putikan, paggulong sa damuhan, pagligo sa ulan, pagtatampisaw sa sudla ng tubig, pagtapat sa
bentilador nang may pawis, pagtayo sa ibabaw ng mga matataas na bagay, pag-akyat sa mga
muwebles, at iba pa. Tulad ng ina ni Armando na ayaw siyang paliguin sa ilog sapagkat baka
maanod siya ng mga malalakas na agos, ganoon din ang ating mga magulang. Ayaw nila tayong
mapahamak. Mas may alam sila sa mga bagay-bagay dahil mas marami silang karanasan kaysa sa
atin kaya naman dapat natin silang sundin sapagkat para rin iyon sa ating kapakanan. Ito ang aral
sa maikling kwento, ang mga mambabasa nito ay mapagtatanto na ang ating mga magulang o sino
mang mas nakatatanda sa atin ay binibigyan tayo ng limitasyon sa mga bagay-bagay ngunit hindi
ito para sa sarili nilang hangarin kundi upang tayo ay mapabuti. Isa pa sa moral na leksiyong
makukuha sa istorya ay ang pagdarasal sa oras ng pangangailangan, lalo na ng panganib. Ang
Diyos ay palagi lamang nariyan at hindi niya tayo pababayaan. Kaya naman isang tawag lamang
natin sa Kanya ay inilalayo Niya tayo sa kapahamakan. Ipinakita ng kwento na makapangyarihan
ang pagdadasal. Kahit pa wala tayo sa panganib ay importante na kausapin natin ang Panginoon
upang purihin Siya, humingi ng tawad sa ating mga nagawang kasalanan, magpasalamat sa mga
biyayang Kanyang ibinibigay, at humiling na patuloy tayong gabayan.
“Isang Aral Para Kay Armando”

Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya. Madalas
niyang marinig “Huwag mong gawin ito,” “Huwag mong gawin iyan.” Sumasama ang loob niya
kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina – ang maligo
sa ilog. “Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang ianod nito,” laging paalala
ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy dahil tinuruan ng
Tito Manuel niya. “Matatakutin lang talaga si Nanay,” sabi niya sa sarili. “Ang sarap siguro
talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay lamig ng tubig.”
Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog. Masaya silang
naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. Ang sarap maglaro sa tubig. Wiling-wili ang mga bata.
Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa banda-bandang unahan. Unti-unti siyang umusad.
Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siya’y tinatangay palayo, patungo sa malalim na
parte ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya makaya ang malakas na agos
ng tubig.
“Ben!” sigaw niya. “Saklolo!”
Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na lang sila sa di-
masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki mula sa kahuyan. Naroon
pala ang isang kanayon nila na may paiinuming baka.
Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan. “Salamat po, Mang
Tacio. Akala ko’y katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay dumating. Dapat nga pala akong
sumunod sa sinasabi ni Nanay.”
Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat silang sundin.
Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib, tumawag agad sa Diyos at ang tulong
ay darating.

You might also like