You are on page 1of 2

13

Mula sa ibinigay na kahulugan ng mga dalubhasang dayuhan at local, ang

nobela ay isang makapangyarihang panitikan na maaaring makapukaw ng isipan

ng mga mag-aaral batay sa mga pangyayari noong unang panahon, maaari rin

itong magbigay ng karagdagang impormasyon na makakatulong sa mga mag-

aaral upang mas lalong mapalawak ang kanilang pagkatuto.

Kaugnay na Pag-aaral

Maraming mga mananaliksik ang nakatuon sa kahalagahan na

ginagampanan ng panitikan sa paghasa sa kakayahan ng mga mag-aaral sa

pagbabasa. Isa ang nobela sa mga panitikan na umusbong noong unang

panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang pagbabasa ng nobela ay hindi limitado

upang magkaroon lamang ang isang mag-aaral ng bagong kaalaman o mahasa

ang kaisipan ng mga mag-aaral, bagkus ito rin ang isa sa mga daan upang

masuri at malaman natin ang mga pangyayari noong unang panahon. Sinabi ni

Propesor Oatley na ang karagdagang pag-aaral ay nagpakita na ang mga

salaysay ay maaaring makabuo ng pakikiramay para sa isang lahi o kultura na

hindi naiiba sa sarili (Oatley, k. 2016).

Ayon sa pananaliksik ni Cervales, J. “Epekto ng Pag-unawa sa Pagbasa

at Panonood ng Florante at Laura” Napansin ng mananaliksik bilang guro sa

Filipino na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pag-unawa ng nilalaman ng

naturang akda dahil sa mga malalalim na salitang bginamit dito. Kaya minabuti

ng mananaliksik na gumamit ng CD sa kanyang pagtuturo ng Florante at Laura.


14

Ayon sa mga mananaliksik ng Unibersidad ng Sto.Tomas na kung saan

mas tinatangkilik ng mga mag-aaral ang mga nobelang Ingles kaysa sa

nobelang Filipino. Base sa ginawang interbyu ng mga ito,may mga ilang


estudyante na pumupunta talaga sa mga Bookstore upang bumili ng mga aklat
na babasahin at ito ay ginagawa nilang collection items , may mga ilang
estudyante rin na nanghihiram nalang ng mga libro sa mga kaklase o kapamilya
sapagkat kadalasan ay mahal ang mga ito.

Ayon sa pananaliksik ni Rinosa, M. (2010), “Proseso ng pagbabasa ng


nobela” ang pagbabasa ng mga nobela ay mas nakapagbibigay ng kasiyahan
at mga karagdagang bokabularyo na makakatulong upang mahasa ang isip ng
bawat isa. Masaya sa pakiramdam kapag nakatatapos kang magbasa ng
ganitong uri ng Panitikan lalo na’t kinaaaliwan ito ng mga mambabasa kahit
mahabang kwento ito.

Ayon sa pag-aaral nina Biswal et.al. (1995, 2010) ang pagbabasa ng

isang nobela ay nakakapukaw ng utak ng isang tao sa tuwing nagbabasa ng

nobela. Pagkatapos ng pagbabasa, nakapagbibigay ito ng isang makabuluhang

aral o pagkatuto sa isipan at damdamin ng nagbabasa o mag-aaral.

Batay sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga iba’t ibang saliksik

ay napatunayan na ang pagbabasa ng nobela ay nakakatulong upang mahasa

ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagbabasa. Nakakatulong din ang

pagbabasa ng nobela dahil nakapagdaragdag din ito ng mga impormasyon sa

pagkatuto. Kinakailangan lamang na magabayan ng guro ang mga mag-aaral sa

pagbasa ng nobela sapagkat mayroong mga salita na mahirap intindihin ng mga

mag-aaral.

You might also like