You are on page 1of 31

KABANATA II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga literatura at pag-aaral na may

kaugnayan sa isinigawang pananaliksik. Sa bahaging ito makikita ang pag-aaral

na naisagawa nang may kaugnayan sa isinigawang pag-aaral at sa bahagi ring ito

inilahad ang mga literaturang galing sa iba’t ibang pinagkunan.

Wika at Mga Pangangailangan Nito

Ang wika ay likas na sa tao. Tulad ng mga mag-aral ng AB Filipino, ang

wika ay likas na sa kanila. Ayon pa nga kay Tarsoly at Valijari (2013) ang wika ay

katangi-tanging katangian ng tao, dahil sa wika nagkakaroon ng pagkakakilanlan.

Ang wika ang dahilan kung bakit nagkakaunawaan ang mga tao, kaya’t

napakahalaga ang pagtibayin ang wikang mayroon ang isang lipunan dahil

makikita rito kung paano binibigyang pagpapahalaga ang sariling wika.

Ipinupunto rito na ang pag-aaral sa kakayahang pangwika ng tao tulad ng pag-

aaral sa tamang paggamit ng wika ay mahalaga upang mabigyang pahalaga ang

wika at upang ito’y unti-unting malinang at mapagtibay.

Ayon sa pahayag ni Veraglennice (2015), marahil alam natin na humihina

na ang pagka-alam ng iba sa atin sa wikang Filipino dahil natatabunan na ito ng

mga wikang dayuhan. Ang ibang mga malalalim na Filipino ay iilan na lamang

ang nakaka-alam. Isa ito sa mga isyung pangwika na napansin ni Veraglennice sa

kaniyang lipunan. Batid niya na ang pagpapahalaga sa wikang Filipino ay ang


magkaroon ng wastong kaalaman hinggil rito. Ani pa nga niya “Mithiin lamang

ng mga mamamayang Pipilino na katulad namin ay ang wastong paggamit ng

wika sa ating bansa.” Tulad ng hangarin ni Veraglennice ay hangarin rin ng mga

mananaliksik sa pag-aaaral na ito ang tulungan ang mga mamamayang Pilipino na

magkaroon ng tamang kabatiran hinggil sa kanilang wika.

Mahalaga na patuloy na pag-aralan ang wikang Filipino. Sa bansang

Bangladesh nga ay itinataguyod ito at itinuturo, kasama nga sa layuning ito ang

pagturo ng preskriptibong Filipino. Batay sa inilabas na artikulo ng Kagawaran ng

Ugnayang Panlabas (2013) ang Pasuguan ng Pilipinas sa Dhaka ay bumuo ng

programa na may layong maturuan ang mga batang Pilipino sa Bangladesh ng

pagsasalita ng wikang Filipino. Kung ang wikang Filipino ay itinuturo sa ibang

bansa, nararapat na mas maigting ang pagtuturo nito dito mismo sa ating sariling

bayan. Hindi naman mahirap ang pag-aaral ng wikang Filipino ayon pa nga kay

Arrogante (2008), ang wika ay hindi isang abstraktong nilikha ng mga nakapag-

aral o ng mga bumubuo ng diksyonaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula

sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, pagmamahal, panlasa ng mahabang

talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang

makamasa. Sa kahulugang ito, mababasa na ang wika ay nabuo batay sa

pangangailangan ng gagamit nito. Ito ay kakanyahan pa rin ng wika.

Bawat bansa ay may kani-kaniyang wika na sinasagisag. Sa Pilipinas ay

wikang Filipino ang kinikilalang wikang pambansa may kahingian rin ito na dapat

pagyabungin. Kinilala nga ang wikang Filipino na wikang pambansa batay sa

1987 Konstitusyon. Ganito ang isinasaad sa Artikulo XIV, Section 6 - Ang

wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat

11
payabungin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Saklaw sa batas pangwika na ito ang tungkuling linangin at payabungin pa ito.

Sang-ayon dito ang pahayag ni Boydon (2014), na ang wikang Filipino ay hindi

lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o tuwing may okasyon lamang

dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat lamang na hindi

natin ito makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa

ating bansa. Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang

wikang kinagisnang upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot

ng mundo. Nararapat din ang bigyan ito ng panahon upang pag-aralan at gumawa

ng pananaliksik hinggil rito.

Preskriptibong Filipino

Sa isang artikulo ni Nordquist (2019), Ang terminong prescriptive

grammar ay tumutukoy sa isang hanay ng mga pamantayan o tuntunin na

namamahala sa kung paano dapat o hindi dapat gamitin ang isang wika sa halip na

ilarawan ang mga paraan kung paano aktwal na ginagamit ang isang wika.

Tinatawag din itong normative grammar at prescriptivism. Ang taong nagdidikta

kung paano magsulat o magsalita ang mga tao ay tinatawag na prescriptivist o

prescriptive grammarian. Ayon sa mga linguist na sina Ilse Depraetere at Chad

Langford (2012), "Ang isang prescriptive grammar ay nagbibigay ng mahirap at

mabilis na mga tuntunin tungkol sa kung ano ang tama (o gramatikal) at kung ano

ang mali (o ungrammatical), madalas na may payo tungkol sa kung ano ang hindi

dapat sabihin ngunit may maliit na paliwanag.”

Sa pagpapaliwanag naman ni Manaol (2014) ang gramatika ang tawag sa

agham na tumatalakay sa mga salita at kanilang ugnayan. Ito ang nagsisilbing

12
kaayusan ng salita o sa pagbuo ng mga pangungusap at organisasyon ng mga

ideya. Ang wastong pagkakasunod-sunod ang gampanin ng gramatika sa

pangungusap. Ito ang nagbibigay diin sa tamang pagpapakahulugan sa bawat

ideya. Ang gramatika ay tungkulin sa wastong paggamit ng mga salita at sa

kaibahan ng tama sa maling pangungusap upang maging wasto at malinaw ang

pagpapahayag.

Ayon kay Macasmag (2011) sa pakikipagkomunikasyon nasusuri ang

wasto at maling gamit ng gramatika. Nalilinang sa pakikipagtalasasan ang

kabihasaan ng isang mag-aaral. Dito ay nakikita kung ano ang kanyang natutunan

ukol sa larangan ng gramatika. Ayon naman kina Bisa at Cruz (2014) higit na

mabisa at masining ang isang pagpapahayag gamit ang gramatika kung

isinasaalang-alang ang higit na natural na istruktura. Mahalaga ang

pagkakasunod-sunod na posisyon ng bawat salita. Inilahad na dapat ay wasto ang

gamit sa mga salita sapagkat mahirap unawain ang isang mensahe na hindi angkop

ang mga salitang ginamit. Di lubusang mauunawaan ang nais ipukol ng damdamin

maging ang lawak ng ideya kung walang kawastuhan ang gamit nito. Marapat din

na bigyang pansin ang paraan ng paghahanay ng mga salita sa isang pahayag dahil

hindi kanais-nais sa pandinig sa isang pangungusap kung magulo ang mga hanay

ng salita. Sa pahayag Arca (2014), Hindi sapat ang kahandaan at kakayahang

panggramatika sa pagkatuto ng wika ng isang mag-aaral. Ang kakayahan at

kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat ay hindi lamang nakatuon sa kung ano ang

kanyang alam at makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit ang mga

pangungusap na angkop at tinatanggap ng lipunan.

Preskriptibong “Nang” at “Ng”

13
Batay sa Manwal sa Masinop na Pagsulat ni Almario at ng KWF (2014),

Isang malimit pagtaluhan kahit ng mga eksperto sa Filipino ang wastong gamit ng

ng na maikli at nang na mahabà. May mga nagmumungkahi tuloy na alisin na ang

ng at nang na lámang ang gamitin sa pagsulat. Isang panukalang paurong ito dahil

ganoo na nga ang ugali bago ang Balarila ni Lope K. Santos. Sa panahon ng mga

Espanyol, nang lámang ang ginagamit sa pagsulat ng mga misyonero.

a. Mga Gamit ng “Nang.” Ang higit na dapat tandaan ay ang tiyak na mga gamit

ng nang at lima (5) lámang ang mga tuntunin:

Una, ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng noong. Halimbawa,

“Umaga nang barilin si Rizal. Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni

Pedro.”

Ikalawa, ginagamit ang nang kasingkahulugan ng upang o “para.”

Halimbawa, “Sa isip ng mga Espanyol, kailangang bitayin si Rizal nang matakot

ang mga Filipino. Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.”

Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsámang na at “ng.”

Halimbawa, “Pero sa isip ng mga Filipino, sobra nang lupit ang mga Espanyol.

Sobra nang hirap ang dinanas ni Pedro.”

Ikaapat, ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-

abay na pamaraan at pang-abay na panggaano). Halimbawa, “Binaril nang

nakatalikod si Rizal. Namayat nang todo si Pedro dahil sa sakít.”

Ikalima, ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita.

Halimbawa, “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso

ng mga kababayan. Ginamot nang ginamot si Pedro para gumaling.”

14
Ang iba pang pagkakataón, bukod sa nabanggit na lima, ay kailangang

gamitan ng ng. Halimbawa: “Ipinabaril ng mga Espanyol si Rizal. Pinainom ng

gamot si Pedro.” Ngunit tingnan ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap. (1)

“Pagkamartir ang katulad ng sinapit ni Rizal.” (2) “Gusto mo ba ang katulad nang

magmartir si Rizal?”

Ingatan ang Pinagdikit na “na” at “ang.” Malimit mapagkamalang nang

ang kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa pangungusap na “Laganap nang

himagsik pagbaril kay Rizal.” Kailangang isulat ito nang may kudlit (’) upang

ipahiwatig ang naganap na kontraksiyon ng na at ng ang, gaya sa “Laganap na’ng

himagsik pagbaril kay Rizal.”

Preskriptibong “Walisin” at “Walisan”

Ang walisin at walisan ay mga salitang pandiwa na ang salitang-ugat ay

walis. Ang walisin ay nangangahulugang ang partikular na kalat na aalisin sa

pamamagitan ng walis. Samantala ang walisan naman ay tumutukoy sa lugar na

lilinisin.

Halimbawa:

- Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.

- Walisan ninyo ang sahig.

Preskriptibong “Doon” at “Roon”

Ang paliwanag sa preskriptibong paggamit ng doon at roon batay sa

Manwal sa Masinop na Pagsulat ni Almario at ng KWF (2014) ay nagsasabi na

may mga tiyak na pagkakataón na napapalitan ng R ang D sa pagsasalita.

Halimbawa, ang dito ay nagiging rito at ang dami ay nagiging rami. Karaniwan

15
nagaganap ang pagpalit ng R sa D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o

salita na nagtatapos sa A. Kung susuriin ang mga gabay na ito masasabi na ang

salitang doon at roon ay may iisang kahulugan at nagkaroon lamang ng

pagkakaiba sa ispeling. Ang doon ay naging roon dahil sa salitang nauna rito na

maaring nagtatapos sa patinig na A.

Sa pagpapakuhulugan naman ng KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno

(2021) mula sa website na kwfdiksiyonaryo.ph, ang doon ay ginagamit sa

pagtukoy sa lokasyon ng isang bagay na malayo sa nag-uusap at ang roon naman

ay varyant nito.

Halimbawa:

- Doón ka matulog sa bahay ng lola mo.

- Pupunta kami roon bukas.

Preskriptibong “Iwan” at “Iwanan”

Ang iwan ayon sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno (2021) mula sa

website na kwfdiksiyonaryo.ph, ito ay salitang pandiwa na nangangahulugang:

Pagtitirá ng anuman sa isang pook na lilisanin; Pagpapamana ng anuman at/o

Paglayô at pagpapabaya ng isang asawa sa kaniyang kabiyak ng dibdib. Samantala

ang iwanan naman ay tumutukoy sa bibigyan ng kung ano ang isang tao.

Halimbawa:

- Iwan mo na ang anak mo sa bahay niyo.

- Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.

Preskriptibong “Raw” at “Daw”

16
Ang paliwanag hinggil sa kaibahan ng raw at daw ay tulad din ng

paliwanag sa pagkakaiba ng doon at roon. Ayon sa Manwal sa Masinop na

Pagsulat ni Almario at ng KWF (2014), may mga tiyak na pagkakataón na

napapalitan ng R ang D sa pagsasalita. Karaniwan nagaganap ang pagpalit ng R sa

D kapag napangunahan ang D ng isang pantig o salita na nagtatapos sa A.

Sa kasong Din/Rin, Daw/Raw. Sang-ayon sa tuntuning pinalaganap ng

Balarila, nagiging rin ang din o raw ang daw kapag sumusunod sa salitang

nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y), gaya sa sumusunod:

Masaya rin— ngunit Malungkot din

Uupô raw— ngunit Aalis daw

Nabili rin—ngunit Nilanggam daw

Okey raw—ngunit Bawal daw

Ikaw raw—ngunit Pinsan daw

Ngunit sinasabi rin ng tuntunin na kapag ang sinusundang salita ay

nagtatapos sa -ri, -ra, -raw, o -ray, ang din o daw ay hindi nagiging rin o raw,

gaya sa sumusunod:

Maaari din— hindi Maaari rin

Kapara daw—hindi Kapara raw

Biray din—hindi Biray rin

Araw daw—hindi Araw raw

Walang paliwanag sa nabanggit na kataliwasan. Marahil, dahil nagiging

lubhang malamyos ang pagsasalita kapag sinundan pa ng rin o raw ang isang

salita na nagtatapos sa pantig na may R. Ngunit kahit sa tula ay hindi ito

17
ipinagbabawal. Sa halip, sinisikap pa ng makata ang paglikha ng ganitong

aliterasyon.

Preskriptibong “Kunin” at “Kunan”

Ang salitang kunin ayon sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno

(2021) mula sa website na kwfdiksiyonaryo.ph, ito ay salitang pandiwa na

nangangahulugang ‘abutín’. Samantala, ang salitang kunan naman ay salitang

pandiwa na ayon sa tagalonglang.com ito’y nangangahulugang malaglagan o

maglaglag ng sanggol. Maaari rin itong tumukoy sa pagkuha, pagtanggal, o pag-

alis ng isang bagay sa isang bagay. Maari rin itong tumukoy sa pagkuha ng

larawan.

Halimbawa:

- Kúnin mo riyan ang sampung pisong hiniram ko sa iyo.

- Nakunan ng sanggol ang babae.

- Kunan mo ng larawan ang bata.

- Kunan mo ng pagkain si lola sa mesa.

Preskriptibong “May” at “Mayroon”

Batay sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno ng website na

kwfdiksiyonaryo.ph (2021), ang salitang may ay salitang pang-uri na

nagpapahiwatig ng pagkamay-ari; nagpapahiwatig ng pagkakaroon; mayroon; at

nag-aangkin o nagtataglay. Samantala ang mayroon naman ay salitang Pang-uri

na nangangahulugang nagtataglay; may-ari ng; o may anuman.

Halimbawa:

- Si Aling Maria ang may tindáhan sa kanto.

18
- Ang batang may sakít ay dinala sa ospital.

- May pag-asa pa akóng manalo.

- Mayroón akóng isang manikang maganda.

Preskriptibong “Pinto” at “Pintuan”

Batay parin naman sa kwfdiksiyonaryo.ph (2021), ang pinto ay salitang

Pangngalan na ang kahulugan ay ang natitinag na tabla, bakal, salamin, o yerong

karaniwang nakabisagra o naitutulak patungo sa gilid na ginagamit sa pagsasara at

pagbubukás ng daanan ng isang gusali, kuwarto, aparador, atbp. Samantala ang

pintuan naman ay salitang Pangngalan na ang salitang-ugat ay ‘pintô’ na

nangangahulugang, daanan ng isang gusali, kuwarto, atbp. na isinasara o

ibinubukas sa pamamagitan ng pinto.

Halimbawa:

- Hinarangan ang pintuan ng gusali.

- Dalawang pintô mula sa kanto ang opisina ko.

Preskriptibong “Hagdan” at “Hagdanan”

Ang hagdan batay parin sa kwfdiksiyonaryo.ph ay salitang pangngalan na

ang kahulugan ay baitang sa pag-akyat at pagbaba ng bahay.

Halimbawa: Mag-ingat ka sa pag-akyat sa hagdán dahil basâ.

Isa pang kahulugan nito ay anumang naging kasangkapan sa pagtamo ng

tagumpay.

Halimbawa: Ang pangarap niyang makatapos ang hagdán sa kaniyang

mga tagumpay.

19
Kapag ang salitang hagdan ay nilapian maaring makabuo ng salitang

hagdanan. Ang hagdanan ay salitang Pangngalan na nangangahulugang dáko ng

isang bahay na kinaroroonan ng hagdan.

Halimbawa: Matatagpuan ang hagdánan ng bahay sa may bandang gilid

ng sála.

Isa pang pagpapakahulugan dito ay sa pagkakamit ng tagumpay, paraan o

kasangkapanin sa pagtatamo ng tagumpay.

Halimbawa: Ang pangarap niyang yumaman ang hagdánan ng kaniyang

tagumpay.

Preskriptibong “May-bahay” at “May bahay”

Ang salitang may-bahay ay nagkaroon ng pagwawasto batay sa KWF

Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno, kung saan ang salita ay tinanggalan ng gitling

kaya naman ang salita ay naging maybahay, ito ay dalawang pinagsamang salita

na may at bahay na naging maybahay. Nangangahulugan itong asawang babae o

misis. Samantala ang may bahay naman ay nangangahulugang pagkamay-ari ng

isang bahay, nagpapahiwatig ng pagkakaroon o mayroong bahay.

Halimbawa:

- Hingin mo sa aking maybáhay ang bayad nitó.

- May bahay na si Miguel sa Canada.

Preskriptibong “Pahiran” at “Pahirin”

Ang salitang pahiran at pahirin ay mga salitang pandiwa na ang salitang-

ugat ay páhid. Ang pagpapakahulugan ng KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno

sa salitang pahirin ay: Alisin ang dumi sa mukha, katawan, atbp. sa

20
pamamagitan ng pagpupunas. Samantala ang pahiran naman ay

nangangahulugang lagyan sa pamamagitan ng pagpapahid.

Halimbawa:

- Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.

- Pahíran mo ng langis ang kadena ng bisikleta.

- Pahiran mo ng palaman ang tinapay.

Preskriptibong “Kung” at “Kong”

Ang salitang kung ayon sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno ay

salitang pangatnig, na ang kahulugan ay ginagamit sa pagpapahayag ng isipang

may pasubali; sakali; kapag. Samantala ang kong naman ay buhat sa panghalip

panao na ko na nilagyan ng nilagyan ng pang-angkop na ng.

Halimbawa:

- Tutungo ako sa bayan kung hindi uulan.

- Sumama ka sa kanila kung gusto mo.

- Ibig kong makatulong sa mga mahihirap.

- Pangarap kong maging mabuting mamamayan.

Preskriptibong “Sina” at “Sila”

Ayon sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno ang sina ay salitang

pantukoy na nangangahulugang anyong maramihan ng panaong pantukoy na si.

Ngunit batay naman sa sa Rapler Move.ph ang sina ay tumutukoy sa dalawa o

higit pang taong pinangangalanan. Samantala ang sila naman ay tumutukoy sa

dalawa o higit sa isang tao. Itp’y salitang panghalip, na anyong maramihan ng

siyá, na nása ikatlong panauhan. Ginagámit ding panghalip na pamitagan.

21
Halimbawa:

- Siná Nora at Vilma ang pinakamakinang na bituin sa pinilakang tabing.

- Sino silá para masabi ko sa aking punong guro ang kaniyang bisita.

- Sina Gng. Corazon Aquino at Gov. Grace, sila ay mga dakilang Pilipino.

Preskriptibong “Nina” at “Nila”

Ang nina ay salitang pang-ukol, tumutukoy na pangmaramihan ng ni. Ito

ay sinusundan ng pangalan ng tao. Samantala ang nila naman ayon sa KWF

Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno, ito’y panghalip panaong maramihan, nasa

ikatlong panauhan, at kaukulang paari.

Halimbawa:

- Kinuha nina Martha at Maria ang tinapay sa loob ng kusina.

- Naiwan nila ang kanilang gamit sa terminal ng bus.

Preskriptibong “Hatiin” at “Hatian”

Ang hatiin at hatian ay parehong salitang pandiwa na ang salitang-ugat ay

hatì. Ang hatiin ay tumutukoy sa pagpaparte ng isang bagay. Samantala ang

hatian naman ayon sa KWF Diksiyonáryo ng Wíkang Filipíno ay

nangangahulugang bahaginan o partihan

Halimbawa:

- Hatiin mo ang pakwan.

- Maaari bang hatían mo ang iyong kapatid sa pagkain mo?

Preskriptibong “Agawin” at “Agawan”

22
Batay parin naman sa KWF ang agawin at agawan ay salitang pandiwa na

ang salitang-ugat ágaw. Ang kahulugan ng agawin ay, kunin sa pamamagitan ng

lakas, pananakot, dahas o anumang paraan ang bagay, puwesto o katungkulang

hawak ng iba; kunin nang sapilitan. Samantala ang salitang agawan naman ay

may dalawang kahulugan batay sa diin nito. Una na rito ang agawán na mabilis

ang paraan ng pagbigkas. Ito’y salitang pangngalan na ang salitang-ugat ay ágaw.

Ito ay may kahulugan na sapilitang pagkuha ng anumang bagay mula sa isa’t isa;

sabay-sabay na pagkuha; at unahan gaya sa paligsahan, labanan o tunggalian.

Halimbawa:

- Agawin mo sa kanya ang kaniyang nobya.

- Mahigpit ang agawán sa unang gantimpala.

Infographic Material Katangian at Kahalagahan Nito

Ayon kay Nediger (2021) Ang infographic ay isang koleksyon ng mga

imahen, mga data visualizations tulad ng mga pie chart at bar graph, at mga text

na na nakatutulong upang madaling maunawaan ang pangkalahatang-ideya ng

isang paksa. Ang infographics ay gumagamit ng mga kapansin-pansin,

nakakaengganyong mga visuals upang maiparating ang impormasyon nang

mabilis at malinaw. Ang infographics ay isang mahalagang tool para sa biswal na

komunikasyon. Ang pinakakakaiba at malikhaing infographics ay kadalasang

pinakaepektibo dahil nakakakuha ito ng atensyon. Ngunit mahalagang tandaan na

ang paggamit ng visuals sa isang infographic ay dapat na higit na nakapokus sa

pagpapasigla at pakikipag-ugnayan.

23
Batay kina Abilock at Williams (2014), posibleng sabihin na ang

infographics ay may tatlong stages: una, visualized na impormasyon o data;

ikalawa, disenyo na kinabibilangan ng mga guhit, teksto at mga larawan; at ikatlo,

pagkukuwento sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga elemento sa iisang

canvas.

Pagbuo at Pagsuri ng Mahusay na Infographic Material

Batay sa Okanagan College Library (2022), mayroong walong krayterya sa

pagbuo at pagsuri ng isang maganda at mahusay na infographic material: Batay sa

data; layunin; pinagkunan (sources); pagkakaayos at daloy; kulay; text; diagram

at charts; at pangkalahatang aesthetics.

Una, batay sa data. Kailangang ang mga data na ilalahad ay ipinauunawa

nang mas madali para sa tagatingin ang mga impormasyon. Dapat rin ay ang mga

data ay direktang sumusuporta sa pangunahing argumento.

Ikalawa, batay sa layunin. Kailangan ay malinaw ang layunin kung bakit

nilikha ang infographic. Ang impormasyon at mga data na dapat ilahad ay

makabuluhan at kapaki-pakinabang.

Ikatlo, batay sa pinagkunan o sources. Nararapat na mapagkakatiwalaan

ang pinagkunan ng mga sources, na madaling makita kung saan nagmumula ang

data at impormasyon at consistent ang pagbibigay sipi.

Ikaapat, batay sa pagkaka-ayos at daloy. Mas mainam na madali para sa

mata na lumipat sa mga bahagi ng nilalaman. Dapat rin na ang mga data at

impormasyon ay organisado at konektado.

24
Ikalima, batay sa kulay. Dapat na ang mga kulay ay kaakit-akit at nagco-

compliment sa isa't isa. Dapat rin na consistent na ginagamit at pinagaganda ang

daloy at visual appeal ng infographic.

Ikaanim, batay sa text. Dapat ay consistent sa paggamit ng font sa buong

infographic. Dapat rin na malinaw nitong pinapaliliwanag ang mga datos, graphs,

charts at mga imahen, nalalapit sa mga kaugnay na impormasyon at walang

pagkakamali sa ispeling at gramatika.

Ikapito, batay sa diagram at charts. Siguraduhin na nasusuportahan ang

nilalaman at tema ng infographic, maayos ang pagkakapili upang kumatawan sa

mga data, at ginagawang madaling maunawaan ang mga data.

Ayon naman kay Schrock (2012), upang makamit ang lagpas sa

inaasahang kalalabasan ng binuong infographic material, kailangan ay isaalang-

alang ang mga sumusunod:

Una, paksa. Ang paksa ng infographic ay tiyak ang kalikasan at may

layuning magbigay kabatiran o magkumbinsi sa mga tagatingin.

Ikalawa, uri. Ang piniling uri ng infographic (hal. timeline, informational,

atbp.) ay lubos na sumuporta sa nilalaman ng presentasyon.

Ikatlo, objects. Ang mga object na ginamit sa infographic ay consistent

upang suportahan ang iba't ibang mga punto ng data at upang gawing mas madali

para sa tagatingin na maunawaan ang infographic.

Ikaapat, data visualizations. Ang data visualization formats na pinili ay

ginagawang mas madali para sa mga tagatingin na maunawaan ang mga

impormasyon.

25
Ikalima, fonts. Ang infographic ay gumamit ng tamang font upang

mapaganda ang nilalaman at upang mabasa ang teksto.

Ikaanim, kulay. Ang mga piniling kulay ay nagdagdag sa visibility ng

infographic. Ang pagpili ng iba’t ibang saturation ng magkaparehong kulay ay

nagamit nang mahusay.

Ikapito, layout. Ang layout ng infographic ay sumusunod sa inverted

pyramid style - pangunahing punto sa itaas, pangalawang punto sa susunod, at

sumusuporta sa mga detalye sa ibaba.

Ikawalo, citations. Kumpletong bibliographic citations para sa mga

sources ang nailagay.

Ang mga gabay na ito na binigay ni Schrock at Okanagan College Library

ay ang naging batayan ng mga mananaliksik sa pagbuo ng talatanungan o rubriks

sa pagbalideyt ng kanilang nabuong infographic material.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Isa sa naging inspirasyon ng mga mananaliksik sa pagpili ng paksa para sa

gagawing pag-aaral ay ang ginawang pananaliksik ni Naputo (2016), ang pag-

aaral niya ay isinagawa upang malaman ang antas ng kahusayan ng mga mag-

aaral sa ikasampung baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Banisil sa

wastong paggamit ng mga salita sa Filipino. Ito rin naman ang susukatin ng mga

mananaliksik sa kanilang kasalukuyang pag-aaral - ang masukat ang antas ng

kahusayan sa preskriptibong Filipino ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral ni Naputo ay naglalayong: Una, malaman ang antas ng

kahusayan sa wastong gamit ng mga salita sa Filipino ng mga mag-aaral sa

ikasampung baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Banisil. Pangalawa,

26
matukoy ang wastong gamit ng mga salita sa Filipino, at panghuli, ang makagawa

ng isang polyeto na magtuturo sa mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang

Pambansa ng Banisil at sa iba ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino.

Ang mananaliksik ay gumamit ng Disenyong Palarawan. Sa pangangalap

naman ng datos, gumamit ang mananaliksik ng tuwirang pamamaraan o sarbey na

binubuo ng isang talatanungan na siyang susukat sa antas ng kahusayan ng mga

mag-aaral ukol sa wastong gamit ng mga salita sa Filipino. Sa pagbuo ng

talatanungan at pagpili ng mga salitang pasasagutan, nangalap ang mananaliksik

ng mga wastong gamit ng mga salita sa Filipino at sumangguni sa mga libro at

internet. Nakakalap ng kabuuang tatlumpu’t isang (31) mga salita at pinili ang

kalahati nito sa pamamagitan ng fishbowl technique na paraan ng pagpili. Sa

pagbabahagi naman ng nilalaman ng pagsusulit, ang mananaliksik ay gumawa

muna ng talaan ng ispisipikasyon.

Namahagi ang mananaliksik ng mga talatanungan sa mga mag-aaral na

nabalideyt sa pamamagitan ng test-retest method (Calmorin, 1994) na kung saan

ay dalawang beses na pinasagot sa mga respondente ang naihandang talatanungan

upang malaman kung ang talatanungan ay mapanghahawakan. Malaking bagay

ang nabuong talatanungan ni Naputo sa pagsasakatuparan sa kasalukuyang pag-

aaral sapagkat naggamit ng mga mananaliksik ang kaniyang Talatanungan upang

makalikom ng datos mula sa kanilang mga respondente.

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang ng

Mataas na Paaralang Pambansa ng Banisil ay may mataas na antas ng kahusayan

sa wastong paggamit ng mga salita sa Filipino. Ibig sabihin, ang mga mag-aaral ay

may malawak na kaalaman sa wastong gamit ng mga salita sa Filipino. Subalit

27
mayroon pang puwang para sa higit pang mataas na antas ng kahusayan sa tulong

ng mga guro.

Ang pag-aaral ni Naputo ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay may

mataas na antas ng kahusayan sa paggamit ng mga salitang Filipino na siya ring

susukatin sa pag-aaral na ito. Iisa rin ang talatanungan na ginamit sa pag-aaral na

ito at sa pag-aaral ni Naputo. Parehong sumasaklaw ang pag-aaral ni Naputo sa

wastong paggamit ng salita/ gramatika o preskriptibong Filipino. Ang mga salita

na bumubuo sa talatanungan ni Naputo ay makikita sa talahanayan ng

ispisipikasyon ng pag-aaral na ito.

Kung titinggan naman sa ilang mga pag-aaral tulad ng pag-aaral nina

Ayon (2019), na isang pag-aaral sa pagsukat ng antas ng kaalaman sa wastong

paggamit ng wikang Filipino kasanayan sa pakikipagtalastasan. Malapit ito sa

pag-aaral sapagkat parehong susukatin ang kaalaman o kahusayan ng mga mag-

aaral sa wastong paggamit ng salita gayunpaman ay nagkaiba lamang sa paraang

pabigkas. Ang pag-aaral ay naglalayong malaman ang antas ng kasanayan ng mga

mag-aaral sa epektibong pagbigkas ng wikang Filipino tungo sa paglinang ng

pakikisalamuha sa tao, at gayundin ang antas ng kaugnayan ng epektibong

pagbigkas ng wikang Filipino sa paglinang ng interpersonal na pakikisalamuha sa

tao. Descriptive research design ang ginamit sa pangangalap ng datos. Batay sa

kinalabasan ng pag-aaral marami pa rin ang mga taong gumagamit ng pormal na

salita sa pakikipagtalastasan, ngunit marami pa rin ang gumagamit ng balbal sa

kadahilanang sumusunod sila sa uso, madali itong bigkasin, kwela pakinggan at

iba pa. Ayon din sa kanilang nakuhang impormasyon, sa panahon ngayon, bihira

nalang ang gumagamit ng mga malalalim na salita sa pakikipagtalastasan.

28
Kadalasan, ginagamit nalang ito sa asignaturang filipino, ngunit hindi na ito

nagagamit pa sa iba pang asignatura o gawain.

Batay sa pag-aaral na ito ni Ayon may pagkakatulad ito sa kasalukuyang

pag-aaral ng mananaliksik sapagkat may iisa itong layunin na malaman ang antas

ng kahusayan sa paggamit ng salitang Filipino ng mga mag-aaral. Ngunit ang

pagkakaiba lamang ay paraang pabigkas ang kanilang susukatin. Ngunit, batay sa

kinalabasan ng kanilang pag-aaral, inilahad na bihira nalang ang gumagamit ng

mga malalalim na salita sa pakikipagtalastasan, susubukang alamin ng mga

mananaliksik kung ito rin ba ang nagaganap sa mga mag-aaral ng AB Filipino.

May kaugnay naman ang pag-aaral na sinagawa nina Lartec at Perey

(2011) sa pag-aaral na ito na sumusukat din sa kakayahang panggramatika ng mga

mag-aaral. Tulad ng kasalukuyang pag-aaral, nilayon ng pananaliksik na tukuyin

ang antas ng kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral; ilarawan

ang pagkakaiba ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi

ng panalita; at kilalanin ang pagkakaiba ng antas ng kakayahang panggramatika

ng mga mag-aaral ayon sa kolehiyo at unang wika. Idinaan sa pagsusuri ng mga

aytem (item analysis) upang matiyak na balido ang mga aytem. Gamit ang test-

retest, tiniyak ding mapanghahawakan ang pagsusulit. Sa pagtukoy sa antas ng

kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral, ginamit ang pagkuha ng mean at

pagraranggo upang matukoy ang kakayahan nila sa mga aspekto ng bawat bahagi

ng panalita. Ginamit ang 5-point scale na may deskripsyong napakababa, mababa,

katamtaman, mataas, at napakataas. Ginamit naman ang F-test at Post-Hoc

Analysis upang makita kung may makabuluhang pagkakaiba ang kakayahang

panggramatika ng mga mag-aaral sa mga salitang pangnilalaman

29
habang T-test ang ginamit upang makita kung may makabuluhang pagkakaiba

ang antas ng kakayahan sa mga salitang pangkayarian. Ang F-test naman ang

ginamit upang makita kung may kaugnayan ang mga salik na kolehiyo at unang

wika sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral. Sinukat ang antas ng

kabuluhang pagkakaiba sa .05 level of significance. Natuklasang magkakaiba-iba

ang antas ng kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral sa mga salitang

pangnilalaman at mga salitang pangkayarian dahil lumabas na may makabuluhang

pagkakaiba ang mga iskor nila sa mga salitang pangnilalaman at mga salitang

pangkayarian. Masasabi ring may kaugnayan ang kolehiyong kinabibilangan ng

mga mag-aaral sa kanilang kakayahang panggramatika ngunit walang kaugnayan

dito ang kanilang unang wika na pinatunayan ng makabuluhang pagkakaiba ng

mga iskor ayon sa kolehiyong kinabibilangan at walang makabuluhang

pagkakaiba ayon sa unang wika.

Ang pag-aaral na ito nina Lartec at Perey (2011) ay malapit sa

kaalukuyang pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang pokus nito ay

kakayahang panggramatika. Nakapokus ito sa tamang paggamit ng salitang

Filipino, gayundin ay pareho itong gumamit ng 5-point scale na may deskripsyong

napakababa, mababa, katamtaman, mataas, at napakataas. Ngunit, nagkakaiba

lamang sa detalyadong pagsuri nila gamit ang bahagi ng pananalita na di na

saklaw ng kasalukuyang pag-aaral. Gayunpaman, ang kinalabasan na resulta ay

maaaring maging batayan ng mga mananaliksik sa pagsuri ng resulta ng pag-aaral.

Sa pag-aaral naman nina Cabingan, (2021), ang pananaliksik niya ay

nauukol sa kakayahang panggramatika sa Filipino ng mga mag-aaral sa unang

antas sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro. Ang pagkakaiba nito sa

30
kasalukuyang pag-aaral ay tinukoy niya ang mga salita batay sa bahagi ng

pananalita. Nilalayon nito na matukoy ang kakayahan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng mga bahagi ng pananalitang pangnilalaman at pangkayarian,

gayundin, nilalayon nitong mailarawan ang pagkakaiba ng kakayahang

panggramatika ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng pananalita. At panghuli,

nilalayon din nitong makabuo ng binalangkas na modyul na makatutulong sa mga

mag-aaral upang lalo pang malinang ang kakayahan sa wastong paggamit sa mga

bahagi ng pananalita. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong

kwantitatibong metodo sa pagkuha ng mga datos, random sampling para sa pagpili

ng mga respondente ng pananaliksik. Ang mga respondente ay mga mag-aaral

mula sa unang antas ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro na may kabuoang

bilang na dalawang daan at dalawampu't dalawa (222).

Natuklasan sa pananaliksik ni Cabingan na may pagkakaiba ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng pananalita. Sa bahagi ng

pangnilalaman, lubhang mataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng panghalip, subalit sa paggamit ng pandiwa sa pangungusap,

nangangailangan pa ang mga mag-aaral ng malalim na pag-unawa na may

katamtamang antas ng kakayahan. Sa bahagi ng pangkayarian, mataas ang antas

ng kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng pangatnig, samantalang

nangangailangan pa ng kahusayan sa pag-unawa sa bahagi ng pang-ukol. Batay sa

pananaliksik, natuklasang nangangailangan pa ng mga karagdagang pagsasanay sa

paggamit ng gramatikang Filipino. Magkaiba ang antas ng kakayahang

panggramatika ng mga mag-aaral sa wika sapagkat nagkakaiba-iba rin ang antas

ng kahirapan ng paggamit nito.

31
Ang mga pag-aaral na ito nina Naputo (2016), Ayon (2019), Lartec at

Perey (2011), at Cabingan, (2021), ay parehong may kaugnayan sa pag-aaral ng

wikang Filipino partikular sa gramatika. Nilalayon na matukoy ang antas ng

kahusayan ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng salitang Filipino. Nagkaroon

lamang ng pagkakaiba sa detalyadong pag-uugnay nito tulad ng paggamit ng

bahagi ng pananalita. Batay sa mga natuklasan sa kanilang mga pag-aaral,

mapapansin na ang mga respondente ay mayroon pang mga pangangailangan sa

pagdebelop ng kanilang kahusayan sa paggamit ng wika. Nahinuha dito na

kailangang patuloy pang saliksikin at pag-aralan ang kalagayan sa paggamit ng

wikang Filipino ng mga mag-aaral o mga mamamayang Pilipino. Ito ang nag-

udyok sa mga mananaliksik na magkaroon ng pag-aaral sa pamantasan ng

Mindanao State University upang sukatin ang Antas ng Kahusayan sa

Preskriptibong Filipino ng mga salitang Filipino partikular na sa mga mag-aaral

ng AB Filipino.

Batayang Teoretikal

Sa bahaging ito ay ilalahad ang mga teoryang pinagbatayan ng mga mananaliksik bilang sandala
isang pagaaral.

Sa pag-aaral na ito magiging sandigan ng mga mananaliksik ang

Constructivism Learning Theory, Connectivism, Theory of Language

Domains at ang Prescriptive grammar.

Constructivism Learning Theory. Ang teoryang ito ay batay sa ideya na

ang mga mag-aaral ang siyang tunay na bumubuo ng kanilang sariling pagkatuto

batay sa kanilang mga nakaraang karanasan. Kinukuha ng mga mag-aaral ang

32
itinuturo sa kanila at idinagdag ito sa kanilang kaalaman at karanasan, na

lumilikha ng katotohanan na kakaiba sa kanila. Inaasahan na ang mga kasagutang

makukuha sa mga respondente ay mula sa mga kaalaman na nakaimbak sa

kanilang isipan na itinuro sa kanila ng kanilang mga naging guro sa Filipino. Ibig-

sabihin tanging batayan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng talatanungan ay ang

kanilang mga nakaraang natutuhan o ang tinatawag na naimbak na kaalaman.

Samantala, ang Connectivism naman ay isang bagong teorya sa pagkatuto

na nagmumungkahi na dapat pagsamahin ng mga mag-aaral ang mga kaisipan,

teorya, at pangkalahatang impormasyon sa isang kapaki-pakinabang na paraan.

Tinutukoy nito na ang teknolohiya ay isang pangunahing bahagi ng proseso ng

pagkatuto at ang patuloy na pagkakaugnay o connectedness ay nagbibigay ng

pagkakataon na makabuo ng mga paraan sa pagkatuto. Itinataguyod ng

connectivism ang pagkatuto na nangyayari sa labas ng isang indibidwal, tulad ng,

sa pamamagitan ng social media, online network, blog, o mga database ng

impormasyon.

Sandalan ng mga mananaliksik ang teoryang ito upang makamtan ang

kanilang layunin na magpakalat ng tamang kaalaman o kamalayan ukol sa

preskriptibong Filipino. Tunguhin ng mga mananaliksik na makapagbuo ng mga

infographic materials na maibabahagi sa pamamagitan ng social media sa tulong

ng teknolohiya. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang teoryang connectivism

ay siyang mabilis at mabisang paraan sa pagbabahagi ng kaalaman sa mga tao.

Sa artikulo ni Sibayan (n.d.) nabanggit ang Tatlong Uri ng Larangan ng

Wika (Three Types of Language Domains). Ayon sa kaniya, upang maintindihan

ang hirap ng suliranin sa pag-intelektwalisa ng Filipino ay kailangan malaman ang

33
teorya ng larangan ng wika (theory of language domains) at ang paggamit nito

sa pag-unlad ng Filipino. Ito ay ang sumusunod na tatlong uri ng larangan ng

wika: (i) di mahalagang larangan ng wika (non-controlling domain of language),

(ii) medyo mahalagang larangan (semi-controlling domain); at (iii) mahalagang

larangan ng wika (controlling domain of language).

Ang di mahalagang larangan ng wika ay maaaring di nakasulat at

maaaring gamitin sa kahit anong wika. Halimbawa, ang larangan ng tahanan at

ang larangan ng lingua franca. Hindi natin kailangang planuhin ang paggamit ng

Filipino sa mga di mahalagang larangan. Isang malaking pagkakamali ang

paniwalang dahil ang Filipino ay ginagamit sa pagsasalita at naiintindihan ng

halos lahat ng mga Filipino sa di mahalagang larangan ay maaari narin itong

gamitin sa bahaging larangan ng pamantasan higher education. Ang uring Filipino

na sapat para sa tahanan o para sa lingua franca ay maaaring hindi sapat para sa

larangan ng edukasyon sa pamantasan.

Ang mga medyo mahalagang larangan ay ang mga larangan kung saan

ang pagsusulat ay hindi sapilitan. Ang ibig sabihin nito ay maaaring sumali ang

isang tao nang halos lubos sa mga ito maski hindi marunong magsulat at magbasa

nang maayos. At hindi rin binibigyan ng pansin ng mga tao ang wikang ginagamit

sa mga medyo mahalagang larangan. Ang mga halimbawa ng medyo mahalagang

larangan ay ang relihiyon at ang libangan (entertainment).

Ang ikatlong uri ng larangan ng wika ay ang mga mahalagang larangan.

Ang mahahalagang larangan ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at

wastong pagbasa at pagsulat. Ang wika na kailangang gamitin sa mahalagang

larangan ay ang tinatawag sa Ingles na learned language. Ito ang mga larangan ng

34
wika na dapat bigyan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Sa

pag-aaral na ito inaasahan na ang mga respondente ay nasa ikatlong uri ng

larangan ng wika kung saan sila ay may wasto at mabuting kakayahan sa pagbasa

at pagsulat sa wikang Filipino lalo pa at sila’y mga mag-aaral ng asignaturang

Filipino at tumutuntong sa kolehiyo.

Ang terminong prescriptive grammar naman ay tumutukoy sa mga set ng

gawi o panuntunan hinggil sa tama at hindi tamang paggamit ng wika. Nagsisilbi

itong gabay sa kung paano ang nararapat na baybay, bantas at marami pang iba.

Alinsunod nito ay ang ipinalabas ng KWF na “Binagong Gabay sa Ortograpiya ng

Wikang Filipino” na naglalatag ng mga alituntunin hinggil sa tamang gamit ng e

at i, r at d, ng at nang, gitling at marami pang iba. Sa pag-aaral pangunahing nais

pag-aralan ng mananaliksik ang kahusayan ng mga mag-aaral sa preskriptibong

Filipino. Tutukuyin ang mga salita na mababa ang kanilang antas ng kahusayan at

sisiguraduhin na maiwawasto ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng infographic

materials.

Konseptuwal na Balangkas

Sa bahaging ito, inilahad ng mga mananaliksik ang konseptwal na

balangkas ng kanilang pag-aaral. Ito ay upang maisagawa nang maayos ang

ginawang pagsusuri at pangangalap ng datos na kaugnay sa pag-aaral.

Pigura 1. Iskema ng Paradaym ng Pananaliksik


35
Sa mas lalong ikalilinaw ng ginawang pag-aaral ay inilahad ng mga

mananaliksik ang buong iskematikong paradym ng pananaliksik na naglalaman ng

mga impormasyong kakalapin at bibigyang pansin sa pag-aaral.

Unang kinalap ng mga mananaliksik ang antas ng kahusayan sa

preskriptibong Filipino ng mga respondente na pinakapangunahing kukunan ng

datos para sa pag-aaral na ginawa. Tutukuyin kung pinakamataas, mataas,

katamtaman, mababa at pinkamababa ang kanilang antas ng kahusayan na hinalaw

mula kay Ebel.

Matapos makuha ang kanilang antas ng kahusayan, mula dito ay tutukuyin

ang mga aytem na may kaantasang katamtaman-pababa. Gamit ang teoryang

constructivism learning theory ay aalamin kung mayroon nga bang sapat na

kaalaman ang naimbak sa utak ng mga mag-aaral hinggil sa mga salitang

ipinasubok sa kanila.

Mula naman sa mga salitang may katamtaman-pababang antas ng

kahusayan ay bubuo ng infographic materials ang mga mananaliksik sa uring

online platform, poster, at manual. Dito ay ilalahad ang preskriptibong Filipino ng

mga salitang nalikom mula sa mga respondente.

Ang mga nalikhang infographic materials ay isinumite kay Prof. Angeles

E. Ysmael na aming tagapayo upang kumunsulta para sa pagpapabalido.

Tutukuyin ang antas ng baliditi nito batay sa naging kasagutan ng mga validator

sa talatanungan na ibinahagi sa kanila. Ang pagtukoy sa antas ng baliditi ay batay

sa minodipikang 5 point likert scale na tanggap na tanggap, tanggap, katamtaman,

hindi tanggap at hinding-hindi tanggap.

36
Daloy ng Pananaliksik

Makikita sa ibaba ang sinunod na daloy ng pag-aaral ng mga

mananaliksik.


Naghanap ng talatanungan mula sa mga pananaliksik na kaugnay sa pag-aaral.
Paghingi ng pahintulot sa mananaliksik na may karapatang-ari sa talatanungan.

Pagsangguni sa tagapayo para sa baliditi ng talatanungan.


Pag-encode ng talatanungan sa isang online survey application form.


Pagbabahagi ng talatanungan sa mga respondente.


Pagsasaayos at pag-aanalisa ng mga datos.


Pagtukoy sa antas ng kahusayan sa preskriptibong Filipino ng mga respondente.


Pagtukoy sa mga aytem na may kaantasang katamtaman-pababa.


Pagbuo ng infographic material.


Pagbuo ng talatanungan para sa baliditi ng infographic material.



Pigura 2: Daloy ng pananaliksik
Pagtukoy sa antas ng baliditi ng infographic

37
Bibliyograpiya

Abilock, D. & Williams, C. (2014). Recipe for an infographic. knowledge quest.

Kinuha mula sa https://eric.ed.gov/?id=EJ1045949

Ayon, A. J (2019). Isang pag-aaral sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

baitang 11 ng General academic strand sa wastong paggamit ng wikang

filipinong …. Kinuha mula sa

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url

=https://www.academia.edu/38878530/Isang_pag_aaral_sa_antas_ng_kaala

man_ng_mga_mag_aaral_sa_baitang_11_ng_general_academic_strand_sa_

wastong_paggamit_ng_wikang_filipinong_our_lady_of_fatima_university_

sa_kasanayan_sa_pakikipagtalastasan&ved=2ahukewjaujw24zf1ahxf7gekh

vczci4qfnoecaqqaq&usg=aovvaw2igded5imcdguomp_wwd5p

Barcelona, E. et, al. (2012). Ang akademikong filipino sa komunikasyon. Malabon

City: Mutya Publishing House, Inc.

Cabingan, A. et. al (2021).

Kakayahang-panggramatika-sa-filipino-ng-mga-mag-aaral-sa-kolehiyo-ng-

edukasyong-pangguro. Kinuha mula sa

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.ioe

r-imrj.com/wp-content/uploads/2021/09/60.-Kakayahang-panggramatika-sa-

filipino-ng-mga-mag-aaral-sa-kolehiyo-ng-edukasyong-pangguro.pdf&ved=

2ahukewiz6pyuopf1ahuhfnakhqfecjoqfnoecdyqaq&usg=aovvaw2lmbp4yee

mdhfyjcbrbq08

38
Ermis, S. (2008). Using graphic organizers to facilitate elementary students’

comprehension of informational text. Kinuha mula sa

Lartec, N. at Perey, G. (2011). Kakayahang panggramatika sa filipino ng mga

mag-aaral sa University of the Cordilleras. Kinuha mula sa

https://www.academia.edu/34737551/Kakayahang_panggramatika_filipino_

ng_mga_mag_aaral_sa_university_of_the_cordilleras

Mabanglo, R. (2016). Guro maging malikhain: pagtuturo filipino.Kinuha mula sa

http:www.rappler.com/nation/101762-guro-maging-malikhain-pagtuturo-fili

pino

Macasmag, (2011). Pagpapakahulugan sa pandiwa. Kinuha mula sa

http://angpandiwa.html.jdshgccc.89cbdshcv.online//

Manaol, J. (2014). Ang gramatika. Kinuha mula sa

htps://www.edu.aims.asdh.meanings//98jf.wiki.kumo.official.

Nordquist, R. (2019). Definition and examples of prescriptive grammar. Kinuha

mula sa https://www.thoughtco.com/prescriptive-grammar-1691668

Bisa at Cruz, (2014). Pagpapaliwanag ng gramatika. Kinuha mula sa

https://gramatikangfilipino.meaningandrules.tips//43-html

Misa, R. (2018). “Kakayahan sa panggramatikang filipino ng mga mag-aaral na

nasa Grade 9 ng Laboratory High School sa President Ramon Magsaysay

State University”. Kinuha mula sa

https://www.academia.edu/59585459//kakayahan_sa_panggramatikang_filip

ino_ng_mga_mag_aaral_ng_grade_9_laboratory_high_school_ng_president

_ramon_magsaysay_state_university

39
Okanagan College Library (2022). Evaluating infographics. Kinuha noong

Hunyo 01, 2022 mula sa

https://libguides.okanagan.bc.ca/c.php?g=400553&p=2905311

Schrock, K. (2012). Infographic rubric. Kinuha noong Hunyo 01, 2022 mula

sa Retrieved from:

http://kathyschrock.net/pdf/schrock_infographic_rubric.pdf

Reyes, E. (2011). Connecting knowledge for text construction through the use of

graphic organizers. Kinuha mula sa

http://www.scielo.org.co/scielo.php?script=sci_arttext&pid=S0123-4641201

1000100002

Ru, G. at Ming, Y. C. (2014). Infographics applied in design education. Kinuha

mula sa https://doi.org/10.1109/wartia.2014.6976439

Toth, C. (2013). Revisiting a genre: teaching infographics in business and

professional communication courses. Kinuha mula sa

https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/1080569913506253

40

You might also like