You are on page 1of 11

1

:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

KABANATA 1

Panimula

Sa ating gramatika, mayroon tayong bahagi ng pananalita at ito ay binubuo ng

walong mga pananalita, ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri,pang-abay,

pangatnig, pang-angkop at pang-ukol.Ang bahagi ng pananalita ay isang matibay na

estruktura ng wika na hindi magbabago kahit anumang uri ng kontekstong sosyal (Jeson

Pelesco 2021). Ito ay itinuturo simula elementarya ngunit malimit na pagtungtong ng

sekondarya o junior high school ay hindi na muli ito nauunawaan. Ayon kay Borong

2017 isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na bumababa ang antas ng kaalaman ng mga

mag-aaral partikular na sa wika ay dahil sa paglaganap ng social media. Iminumungkahi

Jeson Pelesco 2021 na marapat lamang pagtuunan ng pansin ang ganitong uri ng mga

pananaliksik. Marapat lamang na hindi lamang mga pag-aaral ang dapat na isinasagawa

ukol dito. Nais ng mananaliksik na bigyang pansin hindi lamang ang antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral ukol sa mga bahagi ng pananalita, kinakailan ding bigyang pansin ang

pagbabago ng ating panahon ngayon, ngayong tayo ay nasa modernong panahon na at

upang makabuo ng mga programa at mga interbasyon na makatutulong hindi lamang sa

mga guro kung hind imaging sa mga mag-aaral. Kung ating susuriin napakasimple

lamang ng pag-aaral na ito, ngunit kung ito ay maisasakatuparan ng mananaliksik ang

kanyang hangarin malaki ang magiging tulong nito sa mga mag-aaral. Ang mga bahagi

ng pananalita ay siyang pundasyon at pagsisimula sa pag-aaral ng Balarila, paano lalalim

ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral kung sa simula pa lamang ay hindi na nila

nauunawaan ang Bahagi ng Pananalita.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


2
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

Ang Pilipinas ay isang multilingguwal na bansa dahil sa napakaraming wika at

mga dialekto mayroon ito, bunga ito ng pananakop ng mga duyuhan sa bansa. Isa rin sa

mga dahilan ay ang pisikal na kaunyuan ng bansa, dahil ito sa watak-watak na mga isla

na mayroon ang bansa. Ayon sa Henesis Kapitulo I, wika ag tanging daan tungo sa pag-

unlad at pag-uunawaan, ito rin ang magiging daan sa pagkawasak at siphayo kung

magagamit sa maling kaparaan. Sumakatuwid kung hindi bibigyang pansin ang

pagbabagong nagaganap sa ating wika ay marahil sa paghtagal pa ng panahon ay unti-

unting baba ang kalidad ng ating wika.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan 2001) ang Pilipinas ay isang multilingual

at multicultural, nabubuklod ang ating watak-watak na isla ng iisang mithiin na

ipanapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kung hindi gayon

din sa isahang midyum ng wikang filipino. Marahil isang dahilan ang pagiging

multilingual ng ating bansa kung bakit minsan hirap tayong unawain ang ating wika dahil

kung minsan ay walang tumbas ang ating dayalekta sa wikang filipino.

Ayon kay Norlyn L. Borong, marami sa kasalukuyang panahon ang

nahuhumaling sa mga dinamikong salita (Code Switching, Code Mixing, Gay Lingo, at

Initialism). Ito ngayon ang patuloy na lumaganap sa ating bansa na kung saan ang mga

pangunahing nangunguna sa paggamit nito ay ang mga kabataang mag-aaral at ayon

naman kay Satana 2015 na ang social media ang pangunahing tulay sa pagpapalaganap

ng mga dinamikong salita. Sa kasalukuyang mga nag-aaral ng wika, isang mapanghamon

ito sapagkat maraming balakid ang susuungin ng mga mananaliksik sa sariling wika,

ayon ito kay Borong 2019, sinabi niya rin na base sa kanyang obserbasyon na kapag sila

ay nakikipag-usap sa mga kabataan hindi agad makuha ang kanilang sinsabi at maraming

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


3
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

mga mag-aaral ang nagkakaroon ng iba’t ibang pagbibigay kahulugan sa bahagi ng

pananalita sa kanilang wikang nakagisnan.

Ayon kay Henry Gleason (1999), ang wika ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga

taong kabilang sa isang kultura. Sa katuturang ibinigay niya ay nakapaloob ang ilan sa

mga pangunahin at pandaigdigang katangian ng wika; masistemang balangkas,

sinasalitang tunog, pini[pili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Sumakatuwid ang ating

wika ay may katangiang masistema at may mga sinusunod ito. Ang bahagi ng mga

pananalita ay bahagi ng ating balarila na kinakailangan sundin.

Mula sa aklat ni Lope K. Santos na Balarila ng Wikang Pambansa ay may

sampung bahagi ng pananalita, ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-

uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop, at pandamdam.

Sinimulan itong ituro sa bansa noong 1940 matapos maipahayag ni Pangulong Manuel L.

Quezon ang tagalog bilang sanligan ng wikang Pambansa. Ngunit sa Makabagong

Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alsonso O. Santiago at Norma G. Tiangco ay

nagkaroon ng makabagong pamamaraan ng pagpapangkat ng mga bahagi nmg

pananalita, hindi na rin isinama dito ang pandamdam. Sa kabilang banda naman sa

wikang ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita ito ay ang pangngalan,

pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam. Sa ating

kasalukuyang panahon sa balarilang filipino ay mayroon na lamang tayong walong

bahagi ng pananalita dahil ang ilan sa mga ito ay pinagsama na lamang. Ito ay isang

patunay na ang patuloy ang pagbabago sa ating wika at balarila.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


4
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

Ayon sa pag-aaral ni Galileo S. Zafra sa kanyang pananaliksik papel na

pinamagatang “Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino”,

nabanggit niya na kung pag-aaralan ang wikang pangramatika ito ay laging tumutugon o

naka-angkla sa kulturang mayroon ang isang lugar, nagbigay rin siya ng halimbawa ng

ilan sa mga bahagi ng pananalita. Ibinigay niyang halimbawa ang panghalip panao o

personal pronouns, ang pagpapalitaw ng pananaw ng mga Filipino sa sarili at relasyon sa

kapwa. Ibinigay niyang halimbawa ang salitang “kita” na ang tumbas ay “ko” at “ikaw”.

Pagdating naman sa pang-uri pinatitingkad na walang negatibong paghahambing,

mayroon lamang “mas” at “pinaka”. Ilan lamang ito sa mga nilalaman ng kanyang pag-

aaral.

Ang Social Media ay isa sa daluyan ng pakikipag-komunikasyon, ngunit sa

patuloy na pagtahak natin sa modernong panahon ay hindi na lamang pangkomunikasyon

ang social media, ito rin ngayon ay nagsisilbing lundayan ng pangangalap ng mga

impormasyon ng mga mag-aaral. Taong 2004 ng ipinakilala ni Zuckerberg ang Facebook

na dapat sana ay para lamang sa mga mag-aaral ng Harvard, ngunit kinakitaan ng

potensyal kaya naman naipakilala ito sa buong mundo. Hindi rin nag tagal ay unti-unti ng

dumadami ang mga social media sites na kinahuhumangalingan ng mga mag-aaral,

hanggang sa ito ay naging bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sumakatuwid nahahati sa dalawa ang nakakaepekto sa tuluyang pagkatuto at

pagka-unawa ng mga kabataan, una ay ang kulturang kanilang nakagisnan at ang patuloy

na paglaganap ng social media. Nakilala na sa buong mundo ang social media, hindi na

lamang pang-komunikasyon ang gamit nito, ito rin ay naging lunsaran ng kalakaran

maging kuhanan ng impormasyon ng mga mag-aaral. Malaki ang naitutulong ng social

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


5
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

media sa atin, ngunit sa patuloy na labis na paggamit natin ay nagiging mali na ang gamit

dito. Hindi na natin alam kung tama pa ba ang mga nakikita natin at nababasa sa social

media. Nasa isang indibidwal pa rin kung paano gagamitin ng tama at wasto ang social

media.

Konseptuwal na Balangkas

Ang konseptuwal na balangkas na pag-aaral na ito ay naglalaman ng konsepto ng

mananaliksik hinggil sap ag-aaral na isinasagawa. Ang konseptuwal na balangkas na ito ay

ginamitan ng input-process-output model. Ang nasabing balangkas ay ipinapakita ang

presentasyon ng paradigm ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag ng maayos.

Inilalahad ng Input frame ang mga pangunahing impormasyon ng mga tagatugon tulad ng

edad, kasarian, at baiting, maging ang kanilang kaalaman saw along bahagi ng pananalita.

Makikita sa process frame ang mga hakbang na gagawin ng mananaliksik sa pangangalap

ng mga datos, dito rin nakapaloob ang surbey, interbyu a dokumentasyon. Sa mantalang sa

output frame naman ay makikita ang inaasahang kaalaman ng mga mag-aaral sa bahagi ng

pananalita at makabuo ng isang programang interbasyon na makatutulong sa mga mag-

aaral.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


6
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

OUTPUT
INPUT PROCESS
Natukoy ang antas ng
1.Impormasyon ng -Pag-aanalisa ng mga kaalaman ng mga
mga kalahok.
mag-aaral sa mga
datos na nalikom na
-Baitang bahagi ng pananalita.
-Taon ginamitan ng; Natukoy kung saan
-Kasarian
sila nadadalian at
2. Matukoy ang antas 1. Pagsusurbey sa nahihirapan.
ng kaalaman ng mga
Gumawa ng
mag-aaral sa bawat pamamagitan ng mga interbasyon na
bahagi ng pananalita.
makatutulong sa mga
talatanungan.
3. Matukoy kung mag-aaral.
saang bahagi ng
2. Pagsasagawa ng -Ang mananaliksik ay
paanalita
bumuo ng mga
pinakanahihirapan
impormal na interbyu estratehiya na
ang mga mag-aaral.
maaaring gamitin ng
4. Matukoy kung sa mga guro. mga guro sa kanilang
saang bahagi ng pagtuturo.
pananalita nadadalian
-Magsasagawa ng
ang mga mag-aaral.
Programa na kung
5. Makagawa ng mga saan maglalaan ng
hakbang na maaring oras ang guro at mga
ipanukala. mag-aaral, at
gagamitin ng guro
ang nabuong
estratehiya ng
mananaliksik.

Teoretikal na Balangkas

Ang ating wika ay pauloy na nagbabago kasabay sa pagbabagong nagaganap sa

ating lipunan. Isa rin sa lunsaran ngayon a palitan ng mga impormasyon ay ang internet,

hindi na kataka-taka kung bakit marami ang tumatangkilik dito.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


7
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

Sa pananaliksik na ito, kakikitaan ito ng teoryang Constructivism dahil sa

pagsabay na pagbabago ng mundo, gayon din ang pagbabago sa wika. Ayon kay Senapati

(2012), ang teoryang Constructivism ay tila isang spiral na nagsisimula sa nakaraan

patungo sa kasalukuyan. Isa rin sa mga pinupunto ng teoryang ito ay ang paggamit ng

teknolohiya na lubos na nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Makikita rin sa pananaliksik na ito ang teoryang akomodasyon, dahil sa patuloy

na pagbabago ng ating panahon at pagsunod ng ating wika sa modernisasyon. Ayon kay

Howard Giles (1982), nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong

pangwika. Sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika. Sa ilalim ng

teoryang akomodasyon ay ang convergence at divergence at ang bibigyang pansin dito ay

ang convergence, ayon kay Santos et al. 2012, ang pakikihalubilo na nagpapakita na

kapag ang isang indibidwal ay nakikipag-usap sa kapwa, ang kanyang paraan ng

pagsasalita ay halos nagiging katulad ng sa kinakausap at malaki ang tendensiya na siya

ay maarinmg gumaya sa pananalita ng taong kausap.

Nagsisilbing daluyan ng komunikasyon at palitan ng impormasyon ang social

media at sa kasalukuyang pnahon ay isa na rin sanggunian ng mga mag-aaral sa kanilang

pag-aaral. Nagkakaroon ng malaking epekto ang Triarchic Theory na sa pamamagitan ng

pag-adapt sa kung ano ang nasa paligid ng isang tao. Dahil laganap na ang paggamit ng

social media, ito rin ay kabilang na sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Dito

pumpasok ang Connectivism Theory sa pamamagitan ng pakikihgalubilo sa iba, sa tulong

ng social media ang nadaragdagan ang kaalaman ng isang mag-aaral. Ang dalawang

teoryang nabanggit ay may malaking epekto sa tuluyang pagkatuto ng mga mag-aaral at

nakadepende pa rin sa mga mag-aaral kung paano nila gagamitin ang nakalap na

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


8
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

imporamasyon. Ngunit sa madalas at maling paggamit ng social media ay sumosobra na

at naabuso na ng husto na kung minsan ay hindi na alam kung tama pa ba ang mga

nilalaman ng social media kaya naman nagkakaroon ng kalituhan sa mga mag-aaral ito.

Ang paggamit ng social media may malakling epekto sa mga mag-aaral, mabuti man o

masama ay nakadepende pa rin sa isang indibidwal ang pagproseso ng mga nakakalap na

impormasyon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa lagay at antas ng kaalaman ng mga mag-aaral

sa walong bahagi ng pananalita sa modernong panahon at makagawa ng interbasyon na

makatutulong sa mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay may mga katanungan na nais malutas o mabigyang

sagot ng mananaliksik gaya ng mga sumusunod;

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mag-aaral sa bawat bahagi ng pananalita?

2. Sa anong bahagi ng pananalita pinakanahihirapan ang mga mag-aaral na

kalahok?

3. Sa anong bahagi ng pananalita nadadalian ang mga mag-aaral na kalahok?

4. Anong mga hakbang ang maaaring ipanukala?

Tayo ngayon ay nasa modernong panahon at patuloy na paglaganp ng social

media, marahil halos lahat tayo ay araw-araw na nakasubay-subay sa mundo ng social

media. Sa lahat ba ng pagkakataon ay malaki ang naitutulong nito sa atin?

Inaasahan ng mananaliksik na maisakatuparan lahat ng kanyang suliranin at

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


9
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

mabatid ang dapat gawin upang sa huli ay makagawa ng mga estratehiya at interbasyon

na makatutulong sa mga guro at lalong lalo na sa mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Lagay at Antas ng Kaalaman ng mga

Mag-aaral sa mga Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:Batayang Interbasyong

Prograrama sa Pagtuturo ng mga Bahagi ng Pananalita”. Ito ay pumapatungkol sa

kaalaman ng mga mag-aaral sa kabila ng modernong panahon at ang pagkalat ng social

media na kinahuhumalingang gamitin ng mga mag-aaral. Ito ay magkakaroon ng

malaking ambag sa patuloy na pagbabago ng panahon na sinasabayan ng pagbabago ng

wika, ito ay makatutulong sa mga sumusunod;

Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matulungan ang mga mag-aaral sa

lubusang kanilang pagka-unawa sa mga bahagi ng pananalita. Ito ay makatutulong na

mabigyang pansin na kung saang bahagi ng pnanalita sila pinakanahihirapang unawain.

Inaasahang ding mas magkaroon sila ng ineteres na pag-aralan ito, dahil ito ang

nagsisilbing pundasyon na lumalim pa ang kanilang pagkaka-unawa sa wika ito man ay

ingles o filipino. Mahalaga ito sa mga mag-aaral dahil sila ang pinakaunang

makikinabang sa pananaliksik na ito, lalo pa sa patuloy na paglala ng lagay ng wika sa

ating bansa ngayon.

Mga guro

Ang pananaliksik na ito ay mahalagang dapat ituring ng mga guro ngayon, ang

magiging resulta ng pananaliksik na ito ay may malaking tulong sa mga guro upang

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


10
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

makagawa ng mga makabagong estratehiya sa pagtuturo ng mga bahagi ng pananalita.

Mabibigyang pansin din sa pananaliksik na ito na kung saan ng aba bahagi ng pananalita

hirap ang mag-aaral nang sa ganoon ay makagawa ng programa at mga teknik na tiyak na

kapikikinabangan ng mga mag-aaral.

Lipunan

Sa kabilang banda, kung ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay

magagamit sa mga paaralan, malaki ang maitutulong nito sa ating lipunan. Dahil kung

maisagawa ng maayos ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay malaki ang

magiging epekto nito sa lipunan, tiyak na mas magkakaunawaan ang lahat. Magiging

mahusay ang lahat sa paggamit ng bahagi ng pananalilita na kung saan ito ang magiging

pundasyon ng lahat upang mas maging mahusay pa sa paggamit ng wasto sa wika ito

man ay filipino o ingles.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral

sa bahagi ng pananalita sa modernong panahon. Sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-

aaral sa junior high school baitanang pito. Matapos malaman ang antas ng kanilang

kaalaman ukol saw along bahagi ng pananalita ay bubuo ng isang interbasyon na

makatutulong sakanila na mas mapabilis ang kanilang pagkatuto sa bahagi ng pananalita.

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus lamang sa antas ng kaalaman ng mag-aaral sa

bahagi ng pananalita sa modernong panahon.

Pagpapakahulugan ng mga Terminolohiya

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


11
:Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Bahagi ng Pananalita sa Modernong Panahon:

1. Bahagi ng Pananalita- ito ay binubuo ng walong pananalita at ito ay ang mga

sumusunod; pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig,

pang-ukol, at pang-abay.

2. Makabagong Panahon-ang ating panahon ngyaon ay nasa modernong panahon

na. Ginagamit ang makabagong panahon na tumutukoy sa kasalukuyanng mga

pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa panahon ngayon, Sinasabi ring

nagbabago ang ating panahon sa loob ng sampung taon.

3. Modernong Panahon-ilan sa mga maaari nating idikit sa salitang modernong

panahon ay ang teknolohiya na patuloy na lumalaganap hindi lamang sa ating

bansa kung hindi maging sa ibang dako ng mundo.

4. Social Media-ito ay mula sa wikang ingles at ito ay tumutukoy sa mga website

na ang pangunahing layunin ay palawakin ang iyong mga kakilala. Ito rin ay

walang direktang pagsasalin sa wikang filipino, ilan sa mga halimbawa nito ay

Facebook, Instagram, Youtube, Tiktok, at marami pang iba.

5. Wika-ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa

pakikipagtalastasan. Ang wika ay isang daynamiko na patuloy na nagbabago at

umuunlad. Ito rin ang naglalarawan sa pamumuhay at kultura ng isang tao.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

You might also like