You are on page 1of 24

Pagtataya sa Ponolohikal na Kakayahan ng mga

Junior High School na Mag-aaral sa

Pagbuo ng Pangungusap sa Filipino

Isang Tesis na Ihaharap sa

Kaguruan ng Paaralang Gradwado

ng Foundation University

Dumaguete City

ni

Bb. Charlene Vic R. Serion

Isinumite kay: Dr. Yvonne P. Cruz


2

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Ang Ponolohiya ay pag-aaral ng mga tunog o ponema, mga tunog na ginagamit

sa pagbuo ng mga salita ng isang partikular na wika at tunog na naririnig kung

bumibigkas ng isang buong pahayag o pangungusap ng isang nagsasalita . Mahalaga

ang intonasyon sa pagpapahayag ng diwang nais ibigay ng nagsasalita kaya mahalaga

ang pagtataya sa ponolohikal na kakayahan ng mag-aaral sa paglikha nila ng salita at

paglikha ng pangungusap.

Napalaking bagay na ginagampanan sa buhay ng mga mag-aaral ang pag-aaral

ng ponolohiya o ang wastong pagbibigay tunog sa bawat salitang kanilang binibigkas

bagamat kunting kamalian lamang nito’y nagkakaroon na ng pagbabago sa kahulugan

nito mula sa ibig ipinapahiwatig ng nagsasalita kaya maraming mga bagay na dapat

isaalang-alang ng sa gayon ay mapagtagumpayan ng bawat mag-aaral ang wastong

paglikha ng mga salita sa Filipino lalo na sa paggamit ng mga ito sa pangungusap.

Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga

tunog. Ngunit,marami sa mga nagsipagtapos ngayon sa sekondarya ang salat sa

kakayahang bigkasin nang maaayos at nagiging resulta ito ng kamalian sa paggamit

nito sa pangungusap nagiging resulta rin ng kamalian sa paghahatid ng tamang ideya


3

nito. Nangangailangan ito ng pagtataya nang sa gayon ay maisakatuparan ang

kakayahang komunikatibo ng mag-aaral lalo pa’t sila ay nasa sekondarya.

Tulad ng alinmang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo ng mga tunog.

Lubhang mahalaga ang pagkatuto ng Palatunugan sa pamamagitan ng pag-aaral sa

mga tunog na bumubuo rito ay mas pamamaunlad ang pakikipagtalastasan at magiging

mas angkop ang pagbuo at paggamit nito sa pangungusap.


4

Theoritical na Saligan

Constructivism
5

Kaugnay na Literatura/ Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Alfonso O. Santiago ang pangunahing tungkulin ng dila ay sa pagkain

at hindi sa pagsasalita. Pangalawang tungkulin lamang dila ang tungkol sa pagsasalita,

ang dila ay napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa ngipin

o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa tunog na gustong bigkasin.

Nababago rin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil sa panga at dila na

kapuwa malayang naigagalaw.

Nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nawawala ang isang ponema o

nadaragdagan ito. Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay napakahalaga sa pang-

araw-araw na komunikasyon ng isang indibidwal upang maintindihan ng kanyang

kausap. Tingnan ang halimbawa alinsunod sa pagtalakay nina(Santiago at Tiangco

1991).

Nilinaw rin sa pagtalakay nina (Santiago at Tiangco, 1991) ang ganap na

asimilasyon sa isang salita na iba sa tinutukoy na halimbawa sa itaas. Ang salitang

“asinan” (lagyan ng asin) sa pangungusap na “Asinan mo ang isda” ay nagkaroon ng

asimilasyon – nawala ang “i” at nagiging “Asnan mo ang isda” na hindi nag-iiba ang

kahulugan. Gayundin naman ang pagpapalit ng “r” sa “d” sa katagang “daw” kung ito’y

sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig.


6

“Pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog. Hindi ito tinutumbasan ng letra o

titik sa halip ay sinasagisag nito ang notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan

ng pagbigkas”(UP Diksiyonaryong Filipino).

Ayon kay Alfonso O. Santiago at Norma Tiangco, 1991. Ang hambigang

Segmental at Suprasegmental ay maituturing ngang isang ulam, ito raw ay sinigang na

karneng baboy. Ang karneng baboy ang siyang pinakaprinsipal na sangkap na

maihahalintulad sa ponemang segmental, kung wala ang karneng baboy ano ang

magiging lasa nito kung ang sangkap lamang ay pawang mga rekados na siyang

ponemang suprasegmental. Samakatuwid kapag ito ay pinakuluan kasama ang

kompletong sangkap lalabas ang sarap ng lasa na siya namang unawaan sa paggamit

ng salita at pagbuo ng pangungusap. Ang Palabigkasan at Palatunugan ay kapuwa

sangkap sa pag-aaral ng Ponolohiya ng wikang Filipino.

Ayon kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog kung

nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling

ito’y alisin o palitan.

Ang katangiang pamponetiko ng Tagalog ay higit kaysa Espanyol at Ingles

(Lachica 2000). Sa

Filipino, kung paano binibigkas ang salita ay siya ring baybay at kung paano binaybay

ay siya ring bigkas. Kaya, bahagi sa pag-aaral ng wika ang mga tunog.
7

Ayon kay Gracia (2006) sa kanyang pag-iistruktura ng wika, higit na dapat pag-

ukulang-aral ang kakayahang linggwistika, ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng

wika. Kailangang maintindihan itong mabuti para masuri ang bawat yunit ng tunog

ponema,letra,yunit ng salita at pangungusap.


8

Batayang Konseptwal

Pangunahing Malayang Baryabol

Ponolohikal

na Pagbuo ng
Pangungusap
kakayahan

Di-Malayang Baryabol

Propayl ng mga respondent ayon sa:

1. Edad

2. Kasarian

3. Buwanang Kita
9

Pangalawang Malayang Baryabol

Pagbanggit ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri at mataya ang kakayahang

ponolohikal sa paglikha ng salita sa Filipino ng mga mag-aaral sa Omod National High

School.

1. Ang pag-aaral na ito’y naglalayon ding sagutin ang mga sumusunod na espesipikong

katanungan:

1.1 Ano ang Propayl ng mga respondent ayo sa:

1.1.1 edad

1.1.2 kasarian

1.1.3 Finansyal Kita

2. Ano ang lawak ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap?

3. Ano-ano ang mga kakayahan na dapat malaman ng mga mag-aaral upang

mapaunlad ang kakayahang ponolohikal?

4. Alin sa mga salik na sakop ng paksang ponolohiya mas nahihirapan ang mag-aaral?

5. Gaano kalawak ang suliranin na hinaharap ng mga mag-aaral na sakop ng paksang

ponolohiya?
10

Pagbanggit sa Hinuha/Hipotesis

Ho1 Walang kaugnayan ang ponolohikal na kakayahan ng mag-aaral sa paglikha ng

salita kung pagbabatayan ang kanilang profayl.

Ho2 Walang kaugnayan ang lawak ng kakayahan sa ponolohiya ng mag-aaral sa

pagbuo ng pangungusap sa Filipino..


11

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pinolohikal na kakayahan ng mag-aaral

sa paglikha ng salita sa Filipino na maaaring makatutuylong sa sumusunod na

indibidwal o pangkat ng tao.

Sa mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito’y makatutulong upang mas magkaroon ng

karagdagang ideya ang mga mag-aaral kung paano pa pauunlarin ang paraan nila sa

pagbigkas ng mga salita. Makakatutulong din itong mapaunlad ang kanilang

pakikipagtalastasan na naaayon sa angkop na paggamit ng bawat salita na gagamitin

nila sa pangungusap. Makatutulong din ito upang maging maingat at alerto na sila sa

mga salitang kanilang gagamitin na angkop sa sitwasyon at panahon.

Sa Mga Guro. Malaki ang maidudulot nito sa mga guro lalo na sa mga nagtuturo ng

Filipino. Mas mapapadali na ang kanilang pag babahagi ng kahit na anong ideya na

walang mga sagabal sa pagkakaintindi ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan din nito ay

mas lalo pang matutugunan at mapagtutuunan ng pansin ng guro ang kahinaan at

pangangailangan ng kanyang mag-aaral. At dahil din dito ay mas lalo pa nilang

pagturuan nang tama at mabigyan ng sapat na patnubay ang bawat mag-aaral kung

ano ang tama o angkop na pagbigkas na nakaapekto sa paglikha ng salita sa Filipino.


12

Mga Magulang. Ang mga magulang ang humuhubog sa katauhan ng mga anak.

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagbibigay suporta sa mga pangangailangan ng

anak sa paaralan. Sa pamamagitan nito’y malalaman nila ang kakayahan sa pagbigkas

ng kani-kanilang mga anak nang sa gayon ay matataya nang maayos ang kakayahan

din nila sa paglikha ng salita at upang sila rin mismo ay magabayan ang kanilang mga

anak sa pagturo nang wasto sa pagbigkas at paglikha ng salita sa Filipino.

Punong-guro. Ang pag-aaral na ito’y maaaring makatutulong sa punong-guro sa

pagkilala at pag-alam sa kakayahan ng mga mag-aaral upang maisama rin ang

suliraning ito sa dapat pagpaplanuhan na gawain sa paaralan upang matulungan ang

bawat mag-aaral sa paglinang nito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito’y sumasaklaw sa patataya sa ponolohikal na kakayahan ng

mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap sa Filipino ng mga nasa ika-siyam na baiting na

mag-aaral sa Omod National High School.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral sa ika-siyam na baitang

lamang ng Sekundaryang Paaralan ng Omod sa Siyudad ng Bayawan.


13

Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Deskriptib- Korelasyon. Ang lahat ng mga

datos ay kinalap sa pamamagitan ng sarbey- kwestyoner na hi

Lugar ng Pananaliksik

Isasagawa ang pag-aaral na ito sa Sekundaryang Paaralan ng Omod Siyudad ng

Bayawan.

Respondente

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa baitang-9 ng

seksyon maliksi, masigasig at masipag sa Sekundaryang Paaralan ng Omod.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoner (Talatanungan) na naglalayong

makapangalap ng mga datos upang mataya at masuri ang akademik performans ng


14

mmga estudyante batay sa kanilang ponolohikal na kakayahan at paglikha ng salita sa

Filipino

Pamaraang Pampananaliksik

Ang mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa Punong Guro ng Sekundaryang

Paaralan ng Omod upang makapamigay ng sarbey-kwestyoner (Talatanungan) bilang

pangunahing instrumento.

Pagkatapos makapangalap ng mga mahahalagang impormasyon at mga datos,

i-tinally ng mananaliksik ang mga kasagutan ng mga respondente/kasangkot.

Matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ang mga nakalap na datos ay

inihanda niya ang ulat-pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng mga sumusunod na kagamitang

istatistikal upang masuri at mabigayan bg interpretasyon ang mga datos:

Weighted Mean- ginagamit upang sukatin ang lebel/antas ng performans ng mga

estudyante batay sa apat na kasanayan:

Ang pormula ay:


15

Wx= ∑fw/n

na kung saan:

WX = weighted mean

f = frequency

w = weight

n = no. of respondents

Point Likert’s Scale – ginamit upang ilarawan ang epekto ng antas/ lebel ng pakikinig

at pagsasalita kaugnay sa kanilang performans sa klasrum.

4.21 – 5.0 – mahusay na mahusay/ malawak na malawak

3.41- 4.20 – mahusay/malawak

2.61- 3.40 – katamtamang husay/ katamtamang lawak

1.81 – 2.60 – hindi masyadong mahusay/ hindi gaanong malawak

1.0 – 1.80 – hindi mahusay/ hindi malawak

Correlation (Pearson r) -ito ang ginamit upang malaman ang kaugnayan ng dalawang

baryabol.

Ang pormula ay:

N (∑xy) – (∑x) (∑y)

r= √ [ N(∑x2) – (∑x)2] [ N(∑Y2) – (∑Y)2]


16

na kung saan:

N= Bilang ng mga estudyante

∑= Kabuuan

X= Grado sa Filipino

Y= Performans

Interpretasyon sa Halaga ng Pearson r:

Ang sumusunod na klasipikasyon ay ginamit para sa interpretasyon ng

correlation value (r).

0.00 - +0.20 = Walang Kaugnayan

+0.21 - +0.40 = Mababang kaugnayan

+0.41 - +0.70 = Katamtamang kaugnayan

+0.71 - +0.90 = Mataas na kaugnayan

+0.91 - +0.99 = Mataas na mataas na kagnayan

+1.00 = Ganap na kaugnayan


17

Kahulugan ng mga Katawagan

Ponolohiya

Ang maka-agham na pag-aaral ng mga tunog.

Ponemang Segmental

Nagbabago ang kahulugan ng isang salita kapag nawawala ang isang

ponema o nadaragdagan ito. Ang makabuluhang tunog ng isang wika ay

napakahalaga sa pang-araw-araw na komunikasyon ng isang indibidwal upang

maintindihan ng kanyang kausap.

Punto ng Artikulasyon

Inilalarawan sa limang (5) punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng

bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na hangin sa

pagbigkas ng isang katinig.

Paraan ng Artikulasyon
18

Inilalarawan kung paano gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa

pagsasalita.

Pares Minimal

Ito ay ang ponema o makabuluhang tunog ay maaaring makapagbago ng

kahulugan ng isang salita sa sandaling ito ay alisin o palitan

Sanggunian

Santiago, Alfonso at Tiangco, Norma G. - Makabagong Balarilang Filipino, 1991

Dolores Tanawan ,atbp - Istruktura ng wikang Filipino

Jioffre A. Acopra – Retorika: Sining ng Pagpapahayag Pandalubhasaan 2015

Mabilin – Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Panimulang Linggwistika ni Alfonso O. Santiago, 1979

UP Diksiyonaryong Filipino
19

Sulat Pahintulot para sa Tagapamahala

Pagtataya sa Ponolohikal na Kakayahan ng mga Junior High School na Mag-aaral sa Pagbuo ng


Pangungusap sa Filipino

Gng. LIZ RITCHELL A.BALDOMAR


Punong Guro
Omod National High School
Omod, Maninihon Bayawan City
Bayawan Division

Mahal na Gng. Baldomar:

Ako po ay kasalukuyang sumusulat ng tesis hinggil sa “ PAGTATAYA SA PONOLOHIKA NA


KAKAYAHAN NG MGA JUNIOR HIGH SCHOOL NA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP.”

Kaugnay po nito, ako po ay taos-pusong humihingi ng inyong pahintulot na


makapagsagawa ng isang sarbey sa mga mag-aaral hinggil sa kanilang ponolohikal na kakayahan
sa pagbuo ng pangungusap.

Nawa ang iyong positibong tugon ay lubos na makatutulong sa ikatatagumpay ng pag-


aaral na ito. Sinisiguro po ng mananaliksik na mananatiling konfidensyal ang mga dato na
makakalap pa sa kasalukuyang pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong positibong pagtugon.

Sumasainyo,
20

Bb. CHARLENE VIC R. SERION


Mananaliksik

PAGTATAYA SA PONOLOHIKA NA KAKAYAHAN NG MGA JUNIOR HIGH SCHOOL NA MAG-


AARAL SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

PROFAYL NG RESPONDENTE

Pangalan: ________________________ Edad: _____ Kasarian: _____

Buwanang Kita:

I. Bigkasin Mo (tono at Diin)

Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares na salita na pareho ang baybay

subalit magkaiba ang bigkas.

1. /SA:ka/ ________________ /sa:KA ________________

2. /BU:hay/________________ /bu:HAY/ ________________

3. /BA:ba/ ________________ /ba:BA/ ________________

4. / BA:ta/ ________________ /ba:TA/ ________________

5. /BA:ga/ ________________ /ba:GA/________________

II. Pagbuo ng Pangungusap


21

Pumili ng lima sa mga sumusunod na salita at gamitin sa pagbuo ng

pangungusap.

/BA:sa/ /la:BI/ /ba:lah/ /KI:ta/

/ba:SA/ /BA:ga/ /ba:la/ /BA:ta/

/LA:bi/ /ba:GA/ /ki:TA/ /ba:TA/

Curriculum Vitae

CHARLENE VIC R. SERION

Molobolo, Vallehermoso Negros Oriental

Mobile no.: 09261919210

E-mail: charlenevics@yahoo.com

PERSONAL INFORMATION

AGE: 22

DATE OF BIRTH: November 16, 1995

SEX: Female

CIVIL STATUS: Single

HEIGHT: 5’5

WEIGHT: 80 klg.

RELIGION: Born Again Christian

NATIONALISM: Filipino
22

EDUCATIONAL ATTAINMENT

TERTIARY EDUCATION FOUNDATION UNIVERSITY

Dr. Miciano Road, Taclobo

Dumaguete City

2012- 2016

DEGREE: Bachelor of Secondary Education

Major in Filipino

SECONDARY EDUCATION VALLEHERMOSO NATIONAL HIGH SCHOOL

Poblacion, Vallehermoso, Negros Oriental

2008-2012

PRIMARY EDUCATION MOLOBOLO ELEMENTARY SCHOOL

Molobolo, Vallehermoso, Negros Oriental

2002-2008

GRADUATE SCHOOL FOUNDATION UNIVERSITY

MAED-FIL

Dumaguete City

Ongoing
23

JOB EXPERIENCE

On the Job Training:

Foundation Preparatory Academy

Dr. V. Locsin St., Taclobo, Dumaguete City

Negros Oriental

September 1, 2015 – January 9, 2015

Dumaguete City High School

Sr. Sto Nino Drive, Dumaguete City

Negros Oriental

December 8, 2016 – February 5, 2016

Negros Oriental State University

Bayawan Sta. Catalina Campus

November 2016- March 2018

Omod National High School

Bayawan City Negros Orienta

June 2018 (present)


24

You might also like