You are on page 1of 41

MGA SAGABAL SA PAG-AARAL NG WIKA NG MGA MAG-AARAL

NA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO NG
THE NATIONALTEACHERS COLLEGE

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng

Kagawaran ng Filipino, Kolehiyong Arte at Siyensya,

The National Teachers College

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino Major 18, Introduksyon

sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan

ni

SHIELA MAE B. GOLLOSO

Mayo, 2018
2

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang Filipino

Major 18, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Mga

Sagabal sa Pag-aaral ng Wika ng mga Mag-aaral na

Nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers

College ay inihanda at iniharap ni Shiela Mae B. Golloso

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, The National

Teachers College, bilang pangangailangan sa asignaturang Filipino

Major 18, Introduksyon sa Pananaliksik, sa Wika at Panitikan.

Atty. Rolando A. Bernales, Ed D. Dr. Maria Elma B.Cordero

Propesor Puno ng Kagawaran

Mayo 10, 2018


3

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa mga

sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahalagang tulong,

kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng

pamanahong-papel na ito:

 kay Dr. Rolando A. Bernales, sa aming guro sa Filipino

Major18, sa kanyang matamang pagtuturo at paggabay sa

pagsasagawa ng bawat hakbang ng pananaliksik at pagsulat

ng bawat bahagi ng pamanahong-papel,

 sa pamunuan at mga kawani ng ating aklatan, sa

pagpapaunlak sa akin upang mahiram ang mga sangguniang

nakatulong nang malaki sa pagsulat ng aking mga kaugnay na

pag-aaral at literatura,

 sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang

pinaghanguan ko ng mahahalagang impormasyong aking

ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng

pamanahong-papel na ito,

 sa aking kapwa mananaliksik, Avel Espino, Judy Ann

Belmonte at Daryl Manansala sa pagtugon sa lahat ng

aking katanungan para sa pamanahong papel na ito, sa


4

pagpapalakas ng aking loob at pagpapatawa tuwing ako ay

nahihirapan na.

 kay G. Jonathan Concha sa suporta at pag gabay sa akin

para matapos ko ang pamanahong-papel na ito,

 kay G. Paolo Delos Santossa pagpapahiram niya ng kanyang

pamanahong papel para maging aking batayan,

 sa aking mga respondenteFilipino Majorssa paglalaan ng

panahon upang matapat na masagutan ang aking inihandang

kwestyoneyr.

 kay Anthony na siyang naging inspirasyon ko upang matapos

ko ang pamanahong papel na ito,

 sa aking mga magulang Yolanda at Selvino Golloso, sa

pag-unawa at pag-intindi sa tuwing ako’y ginagabi ng uwi at

sa pagbibigay sa aking pinansyal na pangangailangan,

 sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aking dalangin lalung-lalo

na sa sandaling ako’y pinanghihinaan ng loob at pag-asang

matatapos ko ito nang maayos at sa itinakdang panahon.

Muli, maraming salamat po!

 S.M.G
5

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1

1. Introduksyon 1

2. Layunin ng Pag-aaral 3

3. Kahalagahan ng Pag-aaral 3

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya 5

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 7

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 12

1. Disensyo ng Pananaliksik 12

2. Mga Respondente 12

3. Instrumentong Pampananaliksik 15

4. Tritment ng mga Datos 15

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon 16

ng mga Datos

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 23

1. Lagom 23

2. Kongklusyon 23

3. Rekomendasyon 24

Listahan ng mga Sanggunian 27


6

Apendiks 28

A. Sarbey Kwestyoneyr 28

B. Pansariling Tala 33
7

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN

A. Talahanayan 1: Semestre at TaongAralan Kung Kailan 13

KinuhaangIntroduksyonsaWika(Major 1)

B. Talahanayan 2: Semestre at Taong Aralan Kung Kailan 14

Kinuha ang Panimulang Linggwistika (Major 2)

C. Talahanayan 3:Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa 16

Ortograpiya

D. Talahanayan 4: Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa 18

Morpolohiya

E. Talahanayan 5: Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa 19

Sintaksis

F. Talahanayan 6:Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa 20

Bahagi ng Pananalita

G. Talahanayan 7: Epekto ng mga Naranasang Sagabal sa 2

Pag-aaral ng Wika

H. Talahanayan 8: Mga Paraan sa Paglutas ng mga 22

Naranasang Sagabal sa Pag-aaral ng Wika


8

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang wika ay isang bahagi sa pakikipagtalastasan. Sa

pamamagitan ng wika ay naipahahayag natin ang mgakaisipang nais

nating iparating. Ito rin ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-

unawaan sa kanyang kapwa. Ito ay biyayang galing sa Diyos upang

ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan

sa kanyang kapwa tao.

Ayon kay Papa (2006), wika ang pangunahing instrumento ng

pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran, gayon din sa mga

taong nasa kanyang paligid.

Ayon naman kay Badayos (2008), ang wika ay nakaugat sa ating

karanasan. Ang mag-aaral na may sapat na kabatiran sa mga

nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matatas sa

paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang

ito.
9

Sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga

mag-aaral sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa

kanila ang tunay na gamit ng wika.

Ayon kay Chomsky (sa Badayos, 2008),ang wika ay matutuhan

lamang sa pamamagitan ng pagpapatibay, magiging mahirap para sa

isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga

pangungusap na hindi pa niya naririnig. Idinagdag din ni Chomsky na

hindi lamang sa mga proseso ng pagmememorya at pag-uulit

natutuhan ang wika. Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong

prosesor ng wika, ang Language Acquisition Device (LAD), na

nakalilikha ng mga tuntunin sa pamamagitan ng walang-kamalayang

pagtatamo ng pansariling pagbabalarila.

Samakatuwid, ang wika ay nabuo ayon sa batas ng

pangangailangan upang mabuhay ang isang tao at sa ganitong paraan

ay mabisa niyang maipahayag ang kanyang mga saloobin sa larangan

ng kominikasyon. Kailangan ng taong matutunan ang isang wika hindi

lamang upang makapagsalita bagkus kailangan niya itong magamit sa

wasto at tamang paraan.


10

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang

mga nararanasang sagabal sa pag-aaral ng wika ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa ng Filipino sa The National Teachers College.

Layunin nitong masagot ang sumusunod na tiyak o espesipik na

katanungan:

a. Ano-ano ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika

ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa ng Filipino

sa The National Teachers College?

b. Paano nakakaapekto sa kanilang pag-aaral ng wika ang mga

naranasang sagabal?

c. Paano nila hinawan ang mga naranasang sagabal sapag-aaral

ng wika?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwalana napakasignipikant ng mga

pag-aaral na ito. Maaari itong pakinabangan ng mga gurong nagtuturo

at magtuturo ng wika sa hinaharap hindi lamang saThe National

Teachers College (NTC), kundi maging sa iba pang pamantasan.


11

Ang mga datos na natuklasan sapag-aaral na ito ay maaaring

maging gabay ng mga guro upang malaman ang mga maaaring maging

sagabal sa pag-aaral ng wika at mahawan ito.

Higit sa lahat, naniniwala ang mananaliksik na ang lubos na

makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa ng Filipino upang malaman ang ilan sa mga

estratehiya na maaaring nilang magamit sa hinaharap sa higit pang

pag-aaral at sa pagtuturo ng wika.

Ang pag-aral na ito ay makapagbibigay sa mga tagapangasiwa ng

kabatiran sa kung alin ang lalong higit na mabisang estratehiya ang

maaaring makatulong sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan din nito, sila

ay makapaghahanda ng mga angkop na programa at pagsasanay ayon

sa natuklasang suliranin upang mabigyan ng kalunasan ang

pangangailangan at pagkatuto ng wika ng mga mag-aaral.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pagsusuri ng mga

sagabal na naranasan sa pag-aaral ng wika.Saklaw ng pag-aaral na ito

ang iba’t ibang uri ng sagabal sa pag-aaral ng wika na maaaring

linggwistik, sikolohikal, emosyonal at pisikal.


12

Saklaw din ng saliksikna ito ang mga suliranin sa pag-aaral ng

iba’t ibang paksa ng wika tulad ng ortograpiya, ponolohiya,

mopolohiya, sintaksis at bahagi ng pananalita.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagpili ng

limampung (50) respondente na tapos na sa Introduksyon sa Pag-aaral

ng Wika (Filipino Major 1) at Panimulang Linggwistika (Filipino Major 2)

ng The National Teachers College at nakaenrol man ngayong tag-init

(2018) o hindi.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Para sa layunin ng kombensyon at ganap na pag-unawa, ang

mgasumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang

operasyunal na depinisyon, kung gayon, batay sa kung paano ginamit

ang bawat isa sa pamanahong papel na ito:

Ang morpolohiya ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng

mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema (Bernales, et al.,

2009).

Ang NTC ay akronim na kumakatawan sa The National Teachers

College, isa sa kilalang paaralan sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.

Ang ortograpiya ay representasyon ng mga tunog ng wika na

nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.

(https://www.slideshare.com).
13

Ang pragmatiks ay tumutukoy sa mga kaalamang extralinguistic

na dapat na taglayin ng isang nagsasalita upang makapagtamo ng

kahulugan mula sa isang sitwasyong komunikatibo (Badayos, 2008).

Ang ponolohiya ay ang pag-aaral ng sistema ng palatunugan ng

isang wika ang paraan kung paanong ang mga tunog ay makabubuo ng

mga hulwaran (Badayos, 2008).

Ang sintaksis ay tumutukoy sa istruktura ng mga pangungusap

at ang mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng

kawastuhan ng isang pangungusap (Santiago, 1979).

Ang wika ay tumutukoy sa isang sangay o bahagi ng

asignaturang Filipino. Isa ito sa pinag-aaralan ng mga mag-aaral na

nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ilan sa mga aralin na nakapaloob dito

ay ang ponolohiya o palatunugan, morpolohiya o palabuuan, sintaksis o

palaugnayan, mga bahagi ng pananalita at iba pa

(https://www.slideshare.com).
14

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang sumusunod na literatura at mga pag-aaral ay ginamit upang

masuportahan ang pag-aaral at makatawag ng ibayong pag-unawa sa

pag-aaral ng wika. Ang mananaliksik ay nakakalap ng mga mangilan-

ngilan na mga kaugnay na literatura at mga pag-aaral mulasa mga

nailimbag na aklat sa The National Teachers College (NTC),

pamanahong papel, disertasyon, tisis at mga datos mula sa internet.

1. Mga Kaugnay na Literatura

Sa pag-aaral ng wika ay hindi natin maiiwasan na makaranas ng

mga sagabal. Ang kasanayan sa paggamit ng wika ay nasa mga arena

ng komunikasyon.Sa pamamagitan ng pagtuturo nalilinang at

nahuhubog ang kaalamang taglay ng bawat mag-aaral.

Ayon kina Bernales, et al. (2009), napakahalaga ng wika sa

sangkatauhan. Kung walang wika, maaaring matagal nang pumanaw

ang sangkatauhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa sa ngayon.

Ayon namankay Tompkins (1990; sa Badayos, 2008), ang

pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng mga bata ay maoobserbahan

habang unti-unti nilang naipapahayag ang kanilang mga kompleks na

ideya o kaisipan sa kanilang sulatin.


15

Wika naman ni Badayos (2008), ang pagkatuto ng wika ay isang

prosesong dinamikong pag-aaral ng wika na palaging

nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang mga bagong

tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at

mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap.

Habang isinasagawa ang prosesong ito. Malimit na nagkakamali sa

pagpapakahulugan ng mga tuntunin ang mga mag-aaral ng wika o di

kaya nama’y nailalapat nang mali ang mga ito. Dagdag pa niya:

Hindi mapasusubalian ang naging papel ng


pag-aaral sa sikolohiya hinggil sa proseso ng
pagkatuto. Malaki ang naging impluwensya ng mga
teoryang behaviorist, innative at kognitb hinggil sa
mga kinagawiang paraan sa pagtuturo ng wika.

Binigyang-diin naman niSkinner, isang pangunahingbehaviorist,

na kailangang alagaan ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan

ng pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang

mabuting kilos o gawi. May paniniwala rin si Skinner na maaaring

isagawa ng bata nag anumang gawain kung tuturuan at bibigyan siya

ng tamang direksyon

(http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com).

Ang teoryang behaviorist ay tungkolsa pagkatuto na nagbibigay

sa mga guro ng set ng mga simulain at mga pamararaang madaling

isagawa sa pagtuturo. Ang audio-lingual method (ALM) ay binatay sa


16

teoryang behaviourist

(http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com).

Ipinaliwanag naman ni Chomsky (sa Badayos, 2008). Ang

teoryang innative sa pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng

bata ay ipinanganak na may likas na salik sa pagkatuto ng wika at

ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas itong

nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interakasyon sa

kanyang kapaligiran.

Ang pananaw na teoryang kognitib ay nakapokus sa pagtuklas na

pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog na pasaklaw at pabuod. Sa

dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto sa

pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga

ito upang makatuklas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw

naman ay kabaligtaran ng dulog na pabuod. Kung ang dulog pabuod

ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo

ng tuntunin ang dulog pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahad

ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa

(https://filipinotek.wordpress.com).

Samakatuwid, marami nang mga pagpapaliwanag at nabasa

hinggil sa kung paano natutuhan ang wika. Isang kampo ang

naniniwala na ang pagkatuto raw ng wika ay isang likas na kakayahan.


17

May naniniwala naman na ang pagkatuto ng wika ay bunga ng

panggagaya sa pagsasalita ng mga matatanda at mayroon din

nananalig na ang pagkatuto ng wika ay isang proseso ng interaksyon

sa kapwa at dapat bigyang pansin ang aktibong tungkulin ng mga bata

upang maranasan at matamo ang wika.

2. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa pamanahong papel ni Taeza (2012), kanyanginalam kungano-

ano ang mga solusyon at mga paraan upang matugunan ang mga

suliranin na kinahaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng Filipino. Sa

pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang

deskriptib-analitik at ang instrumentong ginamit ay talatanungan. Ang

mananaliksik ay humantong sa kongklusyon na kinakailangan ng guro na

maging mapagmasid sa mga mag-aaral upang mabigyan ng kaukulangan

pansin ang mga mag-aaral na may kahirapan sa Filipino, magkaroon ng

remedial class o tutorial na klase upang matugunan ang pangangailangan

ng mga mag-aaral.

Sa pamanahong papel naman ni De Castro (2017), inalam niya ang

mga antas ng kaalaman sa gramatika ng mga mag-aaral na

nagpakakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College.

Gumamit ang mananaliksik ng paraang deskribtib-analitik. Napatunayan

niya na lubos na kasiya-siya ang antas ng kaalaman ng mga respondente


18

sa Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri, Pang-abay, Pangatnig,

Pang-angkop, Pang-ukol, Pantukoy at Pangawing. Natuklasan din ng

mananaliksik ang mga pamamaraan upang maitaas ang kaalaman sa

gramatika ng mga mag-aaral sa Filipino ng The National Teachers College

tulad ng pagdaragdag ng mga asignatura sa gramatika, ikalawa

pagsasaliksik kaugnay ng gramatika sa mga aklatan, at peer-teaching

tungkol sa gramatika.

Sa pananaliksik ni Cornejo (2001), inalam niya kung ano-ano ang

mga pamamaraan at estratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo

ng Filipino sa mataas na paaralan. Minabuti ng mananaliksik na gumamit

ng paraang normatibsarbey. Napatunayan niya na ang pagtugon,

pagganyak sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa paggawa

gaya ng papuri atdagdag na taas ng marka at pag-aaral sa pagsasagawa

sa mga hakbang ng iba’t ibang estratehiya na nasaliksik.


19

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa

pag-aaral na ito ang mga sagabal na naranasan sa pag-aaral ng wika

ng mga respondente.

2. Mga Respondente

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers

College at nakaenrol man ngayong tag-inito hindi.

Limampung (50) mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino

ang mga respondente at natapos na sa asignaturang Introduksyon sa

Pag-aaral ng Wika (Major 1) at Panimulang Linggwistika (Major 2).


20

Makikita saTalahanayan 1 kung kailan kinuha ng mga

respondente ang Introduksyon sa Wika (Major 1):

Talahanayan 1

Semestre at Taong Aralan Kung Kailan Kinuha ang

Introduksyon sa Wika (Major 1)

N %
Unang Semestre 2016-2017 41 82%

Unang Semestre 2017-2018 9 18%

Kabuuan 50 100%

Apatnapu’t isa (41) o 82% ng mga respondente ang kumuha ng

Introduksyon sa Wika (Major 1) noong unang semestre ng taong aralan

2016-2017. Samantala, siyam (9) o 18% sa kanila ay kumuha ng

Introduksyon sa WIka (Major 1) noong unang semester ng taong

aralan 2017-2018.
21

Makikita naman sa Talahanayan 2 kung kailan kinuha ng mga

respondente ang Panimulang Linggwistika (Major 2):

Talahanayan 2

Semestre at Taong Aralan Kung Kailan Kinuha ang

Panimulang Linggwistika (Major 2)

N %
Unang Semestre 2016- 42 84%
2017

Unang Semestre 2017- 8 16%


2018

Kabuuan 50 100%

Apatnapu’t dalawa (42) o 84% ng mga respondente ang kumuha

ng Panimulang Linggwistika (Major 2) noong unang semestre ng taong

aralan 2016-2017. Samantala, walo (8) o 16% sakanila ay kumuha ng

Panimulang Linggwistika(Major 2) noong unang semester ng taong

aralan 2017-2018.
22

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng

pagsasarbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-

kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang

masuri ang mga sagabal sa pag-aaral ng wika ng mga respondente.

Nagsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang

mananaliksik sa iba’t ibang mga haguan sa aklatan tulad ng mga aklat,

tisis, pamanahong papel at kumuha rin ang mananaliksik sa ilang mga

impormasyon sa Internet.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-

aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtamo ng

isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka

upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng

mataas na kompleks na estadestikal sa pamamagitan ng pagta-tally,

pagkuha ng porsyento at pagraranggo lamang ang kinakailangang

gawin ng mananaliksik.
23

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Mapapansin sa Talahanayan 3 ang mga naranasang sagabal sa

mga respondente sa pag-aaral ng wika hinggil sa Ortograpiya:

Talahanayan 3

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Ortograpiya

N % Ranggo

Kakulangan sa kaalaman sa 23 46% 1


tuntunin sa pagbaybay
Kakulangan sa kasanayan sa 16 32% 3
pagbabaybay ng iba’t ibang salita
Kakulangan ng kaalaman sa 17 34% 2
gamit ng gitling
Kakulangan ng kaalaman sa 3 6% 4
gamit ng malaki at maliit na titik

Dalawampu’t tatlo (23) o 46% ng mga respondente ang

nakaranas ng kakulangan sa kaalaman sa tuntunin sa pagbabaybay.

Labing pito (17) o 34% ng mga respondente ang nakaranas ng

kakulangan ng kaalaman sa gamit ng gitling. Labing anim (16) o 32%

ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan sa kasanayan sa

pagbabaybay ng iba’t ibang salita. Tatlo (3) o 6% ng mga respondente


24

ang nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa gamit ng malaki at

maliit na titik.

Sa Talahanayan 4 ay mapapansin ang mga naranasang sagabal

ng mga respondente sa pag-aaral ng wika hinggil sa Ponolohiya

Talahanayan 4

Mga Nararanasang Sagabal Hinggil sa Ponolohiya

N % Rangg
o
Kakulangan ng kaalaman sa mga 6 12% 3
ponemang katinig at patinig

Kakulangan ng kaalaman sa mga 13 26% 2


ponemang supra-segmental

Kakulangan ng kasanayan sa 32 64% 1


transkripsyong ponemiko

Tatlumpu’t dalawa (32) o 64% ng mga respondente ang

nakaranas ng kakulangan ng kasanayan sa transkripsyong ponemiko.

Labintatlo (13) o 26% ng mga respondente ang nakaranas ng

kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang supra-segmental. Anim (6)

o 12% sa kanila ay nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga

ponemang katinig at patinig.


25

Mapapansin sa Talahanayan 5 ang mga naranasang sagabal ng

mga respondente hinggil sa Morpolohiya

Talahanayan 5

Mga Narasang Sagabal Hinggil sa Morpolohiya

N % Ranggo

Kakulangan sa iba’t ibang anyo 10 20% 2


ng salita

Kakulangan ng kaalaman sa mga 4 8% 3


salitang ugat

Kakulangan ng kaalaman sa mga 1 2% 4


panlapi

Kakulangan ng kaalaman sa mga 32 64% 1


pagbabagong morpoponemiko

Tatlumpu’t dalawa (32) o 64% ng mga respondente ang

nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga pagbabagong

morpoponemiko. Sampu (10) o 20% ng mga respondente ang

nakaranas ng kakulangan sa iba’t ibang anyo ng salita. Apat (4) o 8%

naman ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng

kaalaman sa mga salitang ugat. Isang (1) o 2% respondente ang

nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga panlapi.


26

Mapapansin sa Talahanayan 6 ang mga naranasang sagabal ng

mga respondente hinggil sa Sintaksis

Talahanayang 6

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Sintaksis

N % Ranggo

Kakulangan ng kaalaman sa 13 26% 2


bahagi ng pangungusap

Kakulangan ng kaalaman sa 8 16% 3


pagbuo ng pangungusap

Kakulangan ng kasanayan sa 31 62% 1


pagpapalawakng
pangungusap

Tatlumpu’t isa (31) o 62% ng mga respondente ang nakaranas

ng kakulangan ng kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap.

Labintatlo (13) o 26% ng mga respondente ang nakaranas ng

kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng pangungusap. Walo (8) o 16%

naman ng mga respondente ang nakaranas ng kakulangan ng

kaalaman sa pagbuo ng pangungusap.


27

Sa Talahanayan 7 mapapansin ang mga naranasang sagabal ng

mga respondente sa pag-aaral ng wika hinggil sa Bahagi ng Pananalita.

Talahanayan 7

Mga Naranasang Sagabal Hinggil sa Bahagi ng Pananalita

N % Ranggo
Kakulangan ng kaalaman sa mga 29 58% 1
salitang pangnilalaman
(Pangngalan, Panghalip, Pandiwa,
Pang-abay at Pang-uri)
Kakulangan ng kaalaman sa mga 21 42% 2
salitang pangkayarian
(Pangatnig, Pang-angkop, Pang- ukol
Pamatlig at Pantukoy)

Dalawampu’t siyam (29) o 58% ng mga respondente ang

nakaranas ng kakulangan sa mga salitang pangnilalaman (Pangngalan,

Panghalip, Pandiwa, Pang-abay at Pang-uri). Dalawampu’t isa (21) o

42% sa kanila ay nakaranas ng kakulangan ng kaalaman sa mga

salitang pangkayarian (Pangatnig, Pang-angkop, Pang- ukol Pamatlig at

Pantukoy).
28

Mapapansin sa Talahanayan 8 kung paano nakaapekto sa mga

respondente ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika

Talahanayan 8

Epekto ng mga Naranasang Sagabal sa Pag-aaral ng Wika

N % Ranggo
Nahirapan sa pag-aaral ng 19 38% 2
wika
Sumuko sa pag-aaral ng 0 0 4.5
wika
Inayawan ang pag-aaral ng 0 0 4.5
wika
Nahamon sa pag-aaral ng 27 54% 1
wika
Naganyak sa pag-aaral ng 14 28% 3
wika

Dalawampu’t pito (27) o 54% sa mga respondente ang nahamon

sa pag-aaral ng wika. Labing siyam (19) o 38% sa mga respondente

ang nahirapan sa pag-aaral ng wika. Labing apat (14) o 28% sa mga

respondente ang naganyak sa pag-aaral ng wika. Walang respondente

ang sumuko sa pag-aaral o umayaw na lamang ang pag-aaral ng wika.


29

Mapapansin sa Talahanayan 9 kung paano nilutas ng mga

respondente ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika.

Talahanayan 9

Mga Paraan Sa Paglutas ang mga Naranasang Sagabal sa

Pag-aaral ng Wika

N % Ranggo

Nagpatulong sa mga kamag- 19 38% 2


aral
Nagpatulong sa mga guro 9 18% 4

Nagpatulong sa kamag-anak 1 2% 5

Gumamit ng Internet 10 20% 3

Nagsikap pa na mag-aral ng 36 72% 1


wika

Tatlumpu’t anim (36) o 72% ng mga respondente ang nagsikap

pa na mag-aral ng wika. Labing siyam (19) o 38%sa kanila ay

nagpatulong sa mga kamag-aral. Sampu (10) o 20% naman sa kanila

ang gumamit ng Internet. Siyam (9) o 18% sa kanila ay nagpatulong

sa mga guro. Isang (1) o 2% respondente ang nagpatulong sa kanyang

kamag-anak.
30

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatakang malaman ang mga

naranasang sagabal sa pag-aaral ng wika ng mga nagpapakadalubhasa

sa Filipino ng The National Teachers College.

Gamit ang deskriptib-analitik, ang mananaliksik ay nagdisenyo ng

sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa limampung (50) respondente

na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa kasalukuyan sa The National

Teachers College.

Napag-alaman sa pag-aaral na ito na ang mga naranasang

sagabal sa pag-aaral ng wika hinggil sa Ortograpiya, Ponolohiya,

Morpolohiya, Sintaksis, at Bahagi ng Pananalita.

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mananaliksik ay humantong

sa sumusunod na kongklusyon:
31

a. Ang mga respondente ay nakaranas ng mga pangunahing

sagabal sa pag-aaral ng wika:

1. Hinggil sa Ortograpiya, kakulangan sa kaalaman sa

tuntunin sa pagbabaybay,

2. Hinggil sa Ponolohiya, kakulangan ng kasanayan sa

transkripsyong ponemiko,

3. Hinggil sa Morpolohiya, kakulangan ng kaalaman sa mga

pagbabagong morpoponemiko,

4. Hinggil sa Sintaksis, kakulangan ng kasanayan sa

pagpapalawak ng pangungusap, at

5. Hinggil sa Bahagi ng Pananalita, kakulangan ng kaalaaman

sa mga salitang pangnilalaman (Pangngalan, Panghalip,

Pandiwa, Pang-abay at Pang-uri).

b. Nahamon sa pag-aaral ng wika ang pangunahing epekto sa

mga respondente ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral

ng wika.

c. Nagsikap pa sa pag-aaral ng wika ang kanilang pangunahing

paraan sa paglutas ng mga naranasang sagabal sa pag-aaral

ng wika.
32

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong

pagpapakumbabang inirekomenda ng mananaliksik ang

sumusunod:

a. Para sa mga administrador ng mga mataas na paaralan,

pampubliko man o pribado, patatagin ang mga programang

nakatuon sa pagpapataas ng antas ng mga kasanayan sa

wika ng mga mag-aaral sa Filipino sa hayskul.

b. Para sa mga guro sa Filipino ng mataas na paaralan ,

pagtuunan ng pansin ang kasanayan at kakayahang sa wika

ng mga mag-aaral sa Filipino sa hayskul upang maihanda sila

sa pagpasok sa kolehiyo.

c. Para sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo, isaalang-alang ang mga resulta ng pag-aaral na ito

sapagkat ang pagbibigay-tuon o pansin sa kaalaman sa wika

ng mag-aaral ay lubos na makatutulong sa kanila sa

pagpapabuti ng kanilang pagtuturo.

d. Para sa mga administrador ng mga kolehiyo at unibersidad,

patatagin at palawakin ang mga programang makapag-

papataas ng antas ng kaalaman sa wika ng mga mag-aaral sa


33

Filipino, at lalo na para sa mga nagpapakadalubhasa sa

Filipino

e. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa

ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at

higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaaring

makatulong sa paglutas ng mga sagabal sa pag-aaral ng

wika.
34

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatututo


ng/sa Filipino mga teorya, simulain, at estratehiya. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, Rolando A., Abenilla, Gerry S., Abesamis, Norma R., Acosta,
Slyia B., Celebre, Roberto Baltazar S., Dela Cruz, Merly P., Gantala,
Remedios A., Gonzales, Emmanuel S., Manalang, Virgilio F. &
Quijano, Ma. Lourdes R. 2009. Mabisang komunikasyon sa
wikang pang-akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.

Cornejo, Corazon N. 2001. Mga pamamaraan at istratehiya sa


pagtuturo ng wikang filipino sa tatlong mataas na paaralang publiko
sa Lungsod ng Pasay: isang masusing pag-aaral. Di-nalathalang
tisis, The National Teachers College.

De Castro, Rachel A. 2017. Antas ng kaalaman sa gramatika ng mga


mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National
Teachers College.Di-nalathalang pamanahong papel, The
National Teachers College.

https://filipinotek.wordpress.com. Abril 21,2018

https://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com . Abril 22, 2018

https://www.slideshare.com. Abril 22, 2018

Papa, Nenita P. 2006. Wikang Filipino tungo sa globalisasyon. Guro


mula tsok hanggang internet, pp. 1-3.

Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang linggwistika sa Pilipino.


Quezon City: Rex Printing Company, Inc.

Taeza, Jeyson T. 2012. Mga suliraning kinakaharap ng mga Kalinga sa


pagsasalitang wikang Filipino.
Sahttps://www.academia.edu/4016854.Oktubre 8,2018.
35

APENDIKS A
SARBEY-KWESTYONEYR

Mahal na Respondente,

Maalab na pagbati!

Ang mananaliksik ay mag-aaral ng The National Teachers College


na nagpapakadalubhasa sa Filipino at kasalukuyang sumusulat ng
pamanahong papel hinggil sa Mga Sagabal sa Pag-aaral ng Wika ng
mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino ng The National Teachers College.

Kaugnay nito, inihanda ang kwestyoneyr na ito upang mangalap


ng mga datos na kailangan sa pananaliksik na ito.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang may buong katapatan


ang sumusunod na aytem. Tinitiyak na magiging kompidensyal na
impormasyon ang inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po!

-Mananaliksik

Direksyon: Lagyan ng tsek ang kahong tumutukoy sa iyong sagot.

A. Kailan mo kinuha ang Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika (Major 1)?

Unang Semestre, SY 2016-2017

Unang Semestre, Sy 2017-2018


36

B. Kailan mo kinuha ang Panimulang Linggwistika (Major 2)?

Unang Semestre, SY 2016-2017

Unang Semestre, SY 2017-2018

C. Ano o ano-ano ang iyong naranasang mga sagabal sa pag-aaral ng

wika?

1. Hinggil sa Ortograpiya

Kakulangan sa kaalaman sa tuntunin sa pagbabaybay

Kakulangan sa kasanayan sa pagbabaybay ng iba’t ibang

salita

Kakulangan ng kaalaman sa gamit ng gitling

Kakulangan ng kaalaman sa gamit ng malaki at maliit na

titik

Iba pa. Pakitukoy: _____________________________________

2. Hinggil sa Ponolohiya

Kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang katinig at

patinig

Kakulangan ng kaalaman sa mga ponemang supra-

segmental
37

Kakulangan sa kasanaya sa transkripyong ponemiko

Iba pa. Pakitukoy: _____________________________________

3. Hinggil sa Morpolohiya

Kakulangan sa iba’t ibang anyo ng salita

Kakulangan ng kaalaman sa mga salitang ugat

Kakulangan ng kaalaman sa mga panlapi

Kakulangan ng kaalaman sa mga pagbabagong morpo-

ponemiko

Iba pa. Pakitukoy: ____________________________________

4. Hinggil sa Sintaksis

Kakulangan ng kaalaman sa bahagi ng pangungusap

Kakulangan ng kasanayan sa pagbuo ng pangungusap

Kakulangan ng kasanayan sa pagpapalawak ng

pangungusap

Iba pa. Pakitukoy: ____________________________________


38

5. Hinggil sa Bahagi ng Pananalita

Kakulangan ng kaalaman sa mga salitang pangnilalaman

(pangngalan, panghalip, pandiwa, pang- abay at pang-uri)

Kakulangan ng kaalaman sa mga salitang pangkayarian

(pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pamatlig at pantukoy)

Iba pa. Pakitukoy: ____________________________________

B. Paano nakakaapekto sa iyong pag-aaral ng wika ang mga

nararanasang sagabal?

Nahirapan sa pag-aaral ng wika

Sumuko sa pag-aaral ng wika

Inayawan ang pag-aaral ng wika

Nahamon sa pag-aaral ng wika

Naganyak sa pag-aaral ng wika

Iba pa. Pakitukoy: ____________________________________

C. Paano mo nilutas ang mga naranasang sagabal sa pag-aaral ng

wika?

Nagpatulong sa mga kamag-aral


39

Nagpatulong sa mga guro

Nagpatulong sa kamag-anak

Gumamit ng Internet

Nagsikap pa na mag-aral ng wika

Iba pa. Pakitukoy: ____________________________________

MARAMING SALAMAT!
40

APENDIKS B
PANSARILING TALA

Golloso, Shiela Mae B.


446 Blk 27 Welfareville Compound Mandaluyong City
09759810086
shielamaegolloso@gmail.com

________________________________________________________

Personal na Datos

Petsa ng Kapanganakan: Oktubre 5, 1996


Lugar ng Kapanganakan: Mandaluyong
Magulang: Selvino J. Golloso at Yolanda B. Golloso

Edukasyon (Kolehiyo)

The National Teachers College


Quiapo, Lungsod ng Maynila
Ika-apat na taon/ BSEd-Filipino

Organisasyon

Samahan ng Gabay ng Wika, Miyembro


The National Teachers College
2017-2018

Bachelor of Education Student Teachers Organization


Auditor
The National Teachers College

Mga Karangalang Natamo:


41

Drama-Tinig (2nd Place)


Mabisang Paggamit ng Wika
The National Teachers College
Marso 5, 2018

Natatanging Pagganap sa Dulang SINO?


The National Teachers College
Marso 21, 2018

Mga Dinaluhang Palihan:

Huntahan sa Wika at Konstitusyon


Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 17, 2015

Ang Wikang Filipino sa Kurikulum ng Edukasyong


Pangkolehiyo,Wikang Filipino sa Sining Pantanghalan at
Wikang Filipino ay Wika ng Kaunlaran
The National Teachers College
Agosto 20, 2016

Differentiated Instruction sa Konteksto ng K-12 at 21st


Century Skills sa Wika Hamon sa mga Guro sa Hinaharap
The National Teachers College
Nobyembre 26, 2017

Ang Literatura sa Ika-21 Siglo


The National Teachers College
Marso 5, 2018

You might also like