You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Eastern Visayas State University


Tacloban City

Kolehiyo ng mga Sining at Agham


DEPARTAMENTO NG MGA WIKA AT LITERATURA

( )

i
Copyright Page

Ipinalathala ng:
Departamento ng mga Wika at Literatura
Kolehiyo ng mga Sining at Agham,
Eastern Visayas State University,
Ninoy Aquino Avenue, Tacloban City

Karapatang Ari 2020 ni:

Lucia C. Tabang LPT, MAT-Fil.


Cristina C. Polancos LPT, Ed.D.
Jeremiah Sumilang LPT

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring gamitin ninuman sa

anumang anyo o paraan nang walang nakasulat na pahintulot ang may-akda,

maliban sa pagsiping gagamitin sa pag-aaral ng mga aralin.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito sa Leksikograpiya ay isinulat sa hangarin ng may-akda na

makatulong sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa kursong Batsilyer sa

Sining ng Filipino o BSF na kagaya mo. Layunin ng may-akda na matugunan ang

iyong pangangailangan na matutong makabuo ng diksyunaryo batay sa larangang

kinabibilangan, nang sa gayun ay mas lalo pang mapahalagahan, mapayaman at

lumalim ang iyong talasalitaan.

Matutulungan din ang mag-aaral sa tamang paglalapi ng mga salita ayon san

ais ipahiwatig nito. Mapapahalagahan din ditto ang mga matatalinhagang pahayag

na magagabayan ang mag-aaral sa wastong paggamit nito lalo na sa mga di-

tuwirang pananalita.

iii
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kurso ay pag-aaral sa mga leksikon at gamit at kahulugan ng mga salita
sa mga tiyak na larangan tungo sa pagbuo ng glosaryo at/o diksyunaryo. (CMO no.
22 s. 2017)

KABUUANG LAYUNIN
Matapos ang kurso, inaasahang ang mag-aaral na:
1. Mapalawak ang talasalitaan
2. Magamit ng iba pang salita sa iba’t ibang sosyal na konteksto.
3. Mapahalagahan at mapayaman ang wikang ginagamit.
4. Makagawa ng Diksyunaryo

PAGPAPASALAMAT

Buong pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga taong nagging


bahagi sa pagbuo nitong makabuluhang kagamitang na makakatulong sa
paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Pasasalamat at pagkilala sa mga guro at manunulat na kung saan ang


kanilang akda ya malaking bahagi at isang katuparan ng modyul na ito.

Higit sa lahat sa ating dakilang Maykapal sa kanyang patnubay at biyaya ng


malusog na isipan at kalusugan sa mga may akda. Salamat sa Panginoon.

iv
MODYUL 1: LEKSIKOGRAPIYA
Introduksyon
Importante at susi ang leksikograpiya sa pag-iistandardisa sa Filipino para sa
intelektwal na paggamit nito sa komunikasyon at edukasyon. May malaking
pangangailangan para mapayaman ang volyum ng mga yaring trabahong leksikograpiko
para sa mataas na antas ng diskursong iskolarli. Ito ang hamon sa mga pagkilos tungo
sa intelektwalisasyon ng wikang pambansa.

Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Leksikograpiya: Kahulugan, Kahalagahan


at Kasaysayan.
Basahin at Alamin
Leksikograpiya = teorya
Leksikolohiya=praktikal
 Magkaugnay dahil ang pananaliksik sa leksikolohiya ang nagbibigay daan sa
pagkabuo ng diksyunaryo (leksikograpiya)

 Nakabatay naman sa mga sanggunian gaya ng diksyunaryo ang mga pananaliksik


sa leksikolohiya

Mga simpleng pagpapakahulugan:


Ang leksikograpiya ay ang sining ng pagbuo ng diksyunaryo (Richards, et. al.
2002). Ayon naman kay McKean (2007), ang leksikograpiya ay ang praktika ng pagbuo
ng diksyunaryo.

Mga Sangay ng Leksikograpiya:


1. Leksikograpiya Praktika (practical lexography)- sining ng pagbuo at pag-eedit ng
mga diksyunaryo (Nation Master, 2009).

2. Leksikolohiyang Praktikal (practical lexicology)-akademikong larangan ng


pagsusuri at paglalarawan sa pagteorya ng mga salita ng isang wika at pagbubuo
ng mga teorya ukol sa mga bahagi at istruktura ng diksyunaryo.

3. Leksikograpiyang pedagohikal (pedagogical lexicography)- sangay ng


leksikograpiya na nakatuon sa praktikal na gamit sa pagtuturo ng mga
sangguniang leksikograpikal gaya ng diksyunaryo; pinagbubuti ang paglikha ng

1
mga diksyunaryo ayon sa pangangailangan ng mga target na ginagamit nito;
maging user-oriented (Hartmann, 2001).

4. Metaleksikograpiya- proseso ng rebisyon at balidasyon o kritisismo ng


diksyunaryo; pageedit ng diksyunaryo sa tulong ng mga eksperto at batay sa puna
ng nga target na ginagamit (Jackson, 2002).

Pangkalahatang dibisyon ng leksikograpiya:


a. General Lexicography- pagbabalangkas, pagbubuo, paggamit at pagsusuri sa
mga diksyunaryong panlaha; e.g. Webster International Dictionary
b. Specialized Lexicography- pagbabalangkas, pagbuo at pagsusuri sa mga
diksyunaryong tiyak sa isang particular na larangan; Dictionary of medicine

Ang Leksikograpiya ay ang aktwal na paggamit ng linggwistika.


Linguistic analysis Historical linguistic
Field linguistic Psycolinguistic
Descriptive linguistic Sociolinguistic at Stylistic Studies
Ethnolinguistic Dialectology
Phonetic study of the language
Ang bunga ng lingwistika ay ginagamit ng leksikograpiya, at ang mga bunga ng
leksikograpiya ay ginagamit naman sa lingwistika. Nagagamit ito sa mga teknikal na mga
terminolohiya at pati na rin sa mga istandardisasyon ng wika.

Leksikon at Gramatika
Ang leksikon ay ang bukabolaryo ng tao, wika o sangay ng lingwistika. Sa teorya
ng lingwistika mayroon itong dalawang bahagi:
a. Leksikon-katalog ng mga salita ng isang wika (wordstock)

b. Balarila- Sistema ng mga alituntunin sa pagbuo ng mga salita upang ito’y maging
makabuluhan
Kasama sa leksikon ang mga bound morphemes (e.r. affixes), compound words,
idiomatic expressions, collocatiions.

2
Sinisikap naman ng diksyunaryo na ilista, paraang pa-alpabeto, ang leksikon ng isang
wika pero hindi kasali dito ang bound morphemes.
Ang leksikon ng wikang Filipino ay ang sarili nating vokabularyo. May limang paraan
sa pagbuo ng mga salita:
 Pagtatambal
 Akronim
 Pagbabawas o clipping
 Pagdaragdag
 Paghahalo o blending

3
PAGSASANAY
I. Ano ang Leksikograpiya?

II. Magbigay ng sampung salita na magbabago ang kahulugan pagnilagyan ng panlapi


at gamitin sa pangungusap ang bawat mabuong salita.

III. Suriin ang mga salitang nabuo.

4
IV. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita.

1. mahina

_____________________________________________________________
2. mabagal

_____________________________________________________________
3. mahinahon

_____________________________________________________________
4. matiyaga

_____________________________________________________________
5. masipag

_____________________________________________________________
6. masigasig

_____________________________________________________________
7. masinop

_____________________________________________________________
8. matalino

_____________________________________________________________
9. marunong

_____________________________________________________________
10. may utak

_____________________________________________________________

5
V. Inalisa ang gamit ng bawat salita.

You might also like