Professional Documents
Culture Documents
Ipinasa ni:
Meyrick U. Tablizo | 2015-06843
College of Science -
National Institute of Geological Sciences
Fil40 THV3
Balangkas ng Nilalaman
I. Introduksyon 1
II. Ang Mother-Tongue-Based Multilingual Education 2
III. Kalagayan ng Wika sa Pilipinas 4
A. Wikang Bikolano 5
V. Konklusyon: Marami ang varyasyon sa Bikol ngunit kailangan pa rin ang isang lingua franca
na magagamit ng mga Bikolano 15
I. Introduksyon
Ayon sa Ethnologue, noong 2015 ay may 187 na wikang nailista sa Pilipinas kung saan
183 na lamang ang buhay at ang apat (4) ay extinct na. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring
makita bilang isang balakid sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education,
isang programa sa ilalim ng bagong sistema ng edukasyon na nakapaloob sa “Enhanced Basic
Education Act of 2013” o mas kilala bilang “K to 12”. Maraming pag-aaral ang nagtuturo sa
benepisyong maidudulot ng paggamit ng multilingual at mother-tongue based education sa bansa
dahil na rin sa lingwistikong konteksto nito ngunit marami pa ring problema itong kinakaharap.
Sa programang ito, gagamitin at ituturo ang 12 na lingua franca at pitong (7) local languages sa
mga respektibong rehiyon o lokalidad sa klase, na liban pa sa pagtuturo ng Filipino at Ingles sa
mataas na baitang. Sa paggamit ng lingua franca, maaaring may mga estudyante na mahirapan sa
pagiintindi ng mga salitang hindi kabilang sa leksikon ng kanilang katutubong wika o dayalekto.
Ito ay liban pa sa maaaring iba’t-ibang kaso o problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito
partikular na sa apseto ng kakulangan sa mga materyales at pagkakaroon ng mga estudyanteng
hindi nakapagsasalita o nakakaintindi ng nakatalagang mother tongue sa isang paaralan.
Sa kaso ng Bikol kung saan may mataas na antas ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
mga tagapag-salita ng iba’t-ibang dayalekto, maaaring maging isang problema ang paggamit ng
isang dayalekto lamang para sa programang ito. Sa datos ng Ethnologue, ang mga tagapagsalita
ng Southern Catanduanes Bikol o Virac Bikol, na ayon kina McFarland, Lobel at Mintz ay isang
dayalekto ng Coastal Bikol subgroup, ay may 85% na comprehensyon ng (Central) Standard
Bikol na marahil dahil sa paggamit nito sa simbahan at media. Na maaaring hindi ang maging
kaso para sa mga estudyante dahil sa kaibahan na nga ng Standard Bikol sa Virac Bikol at sa
kakulangan sa eksposyur dito. Kung susuriin, maraming mga salita ang makikita dito na wala sa
Standard Bikol, marami rin ang iba ang pagbigkas at pagbaybay. Maaaring maraming mga
wikang umiiral sa bansa na may kanya-kanyang lebel ng varyasyon sa pagitan ng mga dayalekto
nito, ngunit kailangan pa rin ang pag-iral ng isang lingua franca o standard na dayalekto o wika
na maaaring para sa bawat grupo ng wika at para sa bansa.
Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay suriin ang wika o dayalektong ginagamit sa MTB-
MLE Bikolano at ipaghambing ito, gamit ang mga salitang nakapaloob sa modyul, sa dayalekto
sa Virac o ang South(ern) Catanduanes Bikol. Layunin din nitong suriin ang klasipikasyon ng
nasabing dayalekto at ipaghambing ito sa (Central) Standard Bikol, bilang kinikilalang
vernakular na wika sa rehiyon, at sa Northern Catanduanes Bikol bilang dayalektong may
direktang interaksyon dito. Ang kahalagahn ng pag-aaaral na ito ay makadagdag sa mga pag-
aaral at pag-aasses na isinasagawa ukol sa MTB-MLE upang mas mapaganda at malutas ang
mga problemang kinakaharap pa sa implementasyon nito, partikular na sa kaso sa rehiyon ng
Bikol. Gayun na rin sa pagsusuri ng klasipikasyon at varyasyon ng mga wika o dayalekto ng
Bikol partikular na kaso ng Virac Bikol.
Marami ng pag-aaral ang nagsasabing epektibo ang pagtuturo sa mga estudyante gamit
ang kanilang katutubong wika o mother tongue. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng
UNESCO, nai-cite dito na ang paggamit ng katutubong wika sa mga estudyante sa kanilang
primaryang edukasyon ay nagdulot ng mas mataas na tsyansa na mageenrol at magatatgumpay
ang mga ito. Nabanggit rin dito na ang mga magulang ng mga bata ay mas madalas na
makikipag-usap sa mga guro at makibahagi sa pagkatuto ng kanilang mga anak. Ayon na rin kay
Hovens (2002) sa kanyang pag-aaral sa bilingual na edukasyon sa West Africa, ang mga
pinakanabebenipisyuhan sa ganitong programa ay ang mga batang babae na nakatira sa mga
rural na komunidad, na pinangalawahan ng UNESCO na ayon dito ay dahil sa kawalan o di
kaya’y kakulangan ng eksposyur nila sa kanilang opisyal na wika.
Ang MTB-MLE ay isang programa kung saan ituturo at gagamitin ang kanilang
respektibong katutubong wika o “mother-tongue” sa mga unang taon ng pag-aaral ng mga
estudyante bago ituro ang Filipino at Ingles bilang mga pangalawang wika sa mga susunod na
baitang.
Sa kabila nito, may mga pag-aaral ring isinagawa kung saan tinalakay ang mga maaaring
mga problemang makaharap ng program sa konteksto ng bansa. Isa sa mga nababanggit sa
pagsasaliksik ni Velario (2015) ay ang kaso ng kawalan ng standard na ortograpiya at pagsasalin
ng mga teknikal na salita sa ibang wika, ganun na din sa kakulangan ng materyal sa pagtuturo.
Isa pang problema ay ang kawalan ng pagsasalin ng mga gamit sa pagtuturo sa mga lokal na
dayalekto. Ang problema ukol sa pag-iral ng higit pa sa isandaang (100) wika at dayalekto sa
bansa na may iba’t-ibang lebel ng pagkakaintindihan o “intelligibility” na binigyang pansin din
sa papel ni Young (2011). Nabanggit dito ang mga kinakaharap ng mga estudyante na may ibang
wika (minority languages) na sinasalita na liban pa sa mga dominante o pangunahing wika na
kasali sa MTB-MLE. Naipunto dito na nawawala ang esensya ng programa sa ganitong mga
kaso dahil sa kulang na ang naiintindihan ng mag-aaral at hindi na rin ito gaaanong nakakalahok
na siyang kadalasang sitwasyon sa bilingual na sistema.
Sinuri naman sa papel nina Metila (2016) ang tungkol sa kaso ng pagkakaroon ng iba’t-
ibang wika sa isang lugar. Ito ang mga lugar o paaralan kung saan may mga estudyante na hindi
marunong sa nakatalagang mother-tongue. Bilang tugon sa ‘linguistic diversity’ sa bansa,
pinapayagan ng DepEd na pumili ng wikang panturo, mula sa 19 na opisyal na mother tongue,
ang mga paaralan upang maisali ang halos lahat ng mga estudyante sa bansa. Binanggit din na
hinihikayat ng DepEd ang mga paaralan na gumamit ng mga wika na wala sa opisyal na lista at
makipag-ugnay dito ukol sa produksyon ng mga materyales.
Ang mga sinasabing bilang ng wika sa bansa ay magkakaiba, na batay na rin sa kung ano
ang batayan ng kasipikasyon. Ang ganitong problema ukol sa bilang ay umuusbong dahil sa
antas ng pagkakaiba o varyason sa pagitan ng mga dayalekto. Ganito ang nabanggit na kaso ng
Bikol kung saan mayroong mataasna antas ng varyason sa pagitan ng mga dayalekto nito na
hindi na tuwirang magkakaintindihan ang mga mag-uusap sa kani-kanilang dayalekto. Ito ay
liban pa sa pagkakaiba ng pananaw sa pagkaklasipika sa Bikol bilang hindi iisang wika lamang.
Ayon naman kay McFarland may mga 120 wika na umiiral sa bansa kung saan 10 dito ay
tinaguriang major o pangunahing wika, ang Tagalog, Cebuano, Bisaya, Hiligaynon, Waray,
Ilokano, Kapampangan, Bikol, Pangasinense, Maranao at Maguindanao, kung saan may malalaki
itong populasyon ng tagapagsalita.
May dalawang opisyal na wika ang kinikilala sa bansa, ito ang Ingles at Filipino na siya na
ring ginagamit na “medium of instruction” sa ilalim ng lumang systema ng edukasyon, Bilingual
Education, bago ang K to 12. Ngunit binigyang pansin ni Gonzalez (1998) na sa pangkalahatan,
mas madalas pa ring gamitin ng mga estudyante ang kanilang sariling wika sa klase. Nabanggit
din na ang Filipino ay ginagamit bilang pangalawang wika sa mga pangunahing syudad ng bansa
kasama na ang kanilang mga lokal na wika o dayalekto.
A. Wikang Bikolano
Ang wikang Bikolano o Bikol ang pangkalahatang tawag sa wikang sinasalita sa rehiyon
ng Bikol. Ang rehiyong ito ay binubuo ng 6 na probinsya at 7 na syudad. Apat sa mga probinsya,
ang Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon, ay nasa isla pa ng Luzon, sa Bicol
Peninsula, nasa timog silangang bahagi nito. Ang mga probinsya naman ng Masbate at
Catanduanes ay mga pulo na nasa timog-kanluran at silangang banda ng tangway. Bikolano din
ang tawag sa mga taong nakatira sa rehiyon na ito.
Dahil na rin sa pagkakahawig ng mga salita at sa lokasyon nito, isinama ang Bikol bilang
isang dayalekto ng Bisaya sa isang pagsusuri ni MacKinlay (1904) kung saan siniyasat ang ilan
sa mga minor na wika sa Luzon liban sa Tagalog. Sa mga literaturang sinuri sa papel na ito, ang
Bikol ay kanilang klinasipika bilang isang hiwalay na wika sa Bisaya. Ang kadalasang hindi pag-
tutugma sa mga kontemporaryong mga pag-aaral sa wika ay ang klasipikasyon ng mga wika o
dayalektong nakapaloob at kabilang dito.
Unang tala ukol sa wikang Bikolano ay ang isinulat ni Padre Marcos de Lisboa sa kanyang
Vocabulario de la Lenga y Bicol na nalimbag noong 1754. Sinasabing ang bokabularyo ay
tinipon noon pang 1606-1616 nung siya ay nadestino sa Bikol, partikular na sa mga bayan ng
Oas, Polangui at Nueva Caceres (ngayon ay Syudad ng Naga). Bilang kauna-unahang tala sa
wika, marami sa mga salitang naipon dito ay maaaring hindi na umiiral o di kaya’y may bago ng
kahulugan sa kasalukuyan ngunit ipinapakita pa rin nito ang kalagayan ng pamumuhay ng mga
Bikolano bago dumating ang mga Espanyol.
Ang gramatika nito ay hawig o halos parehas din sa iba pang wika sa Pilipinas kung saan
sumusunod ito sa pangunahing istraktura ng mga sugnay na nauuna ang panaguri na susundan ng
simuno. Ayon kay Lobel (2000), ang wika ay may sistema ng case-marking kung saan bawat
parirala ay markado at pinangungunahan ng mga marka tulad ng an, si, su, nin, kan, ni at sa.
Madalas rin ang mga panlapi sa wika ngunit may pagkakaiba sa mga panlaping ginagamit sa
pagitan ng mga dayalekto. Karamihan din sa mga pangngalan ay mga pandiwa na dinagdagan ng
-on, kung saan ito ang paksa ng kilos, at -an para sa lugar. Isang halimbawa dito ang tukaw (upo)
at tukawan (upuan) na katulad din sa karamihan sa mga wika sa bansa. Ang gitlaping -in naman
ay tumutukoy sa paksa ng kilos na nakalipas na tulad ng kinaunan (kinainan). Gumagamit din
ng unlaping ma- para makabuo ng mga panuring mula sa mga salitang ugat ngunit napapalitan
ito ng ha- sa kaso ng mga salitang ugat ukol sa haba, layo at kapal. Partikular sa Bikol ang buong
paguulit ng salitang ugat tulad ng bua-bua (baliw). Sa pluralisasyon ng mga salita,
pinakamadalas ang pagdadagdag ng gitlaping -r at paguulit sa unang patinig ng salita tulad ng
barato (mura) – bararato(pl.). Sa intensipikasyon naman, dinadagdagan ng-on ang mga salita
tulad ng magayonon (napakaganda). Katulad din sa iba pang wika sa bansa, mayroon din itong
mga partikulo tulad ng baga, baya, daa, garo o baging, kuta, lamang, lugod, man, ngo-na, na,
naman, ngani, ngaya, pa, palan, tulos at po o tabi. Sa aspeto ng mga tugon, ang sumasangayong
iyo (oo), uho (oo) sa ibang dayalekto partikular na sa Virac at igwa (meron) ay kadalasang
sinasalungantan ng bako (hindi), dai (wala) at wara (wala). Isang katangian ng Bikol sa larangan
ng pag-bigkas ay ang pagkakaroon ng “glottal stop” tulad ng sa ba’go (bago) ngunit iba ang
lokasyon nito sa mga salita sa Southern Catanduanes Bikol kung saan ang bago ay bag’o ayon
kay McFarland. Ang “syncopation” o pagpapaiksi ng salita kung saan maaaring alisin ang isang
letra o pantig na makikita rin sa ilang wika sa bansa ay parte rin ng wika. Ilang halimbawa nito
ang mamut’an (magustuhan) mula sa ma+moot+an at ta’wan (bigyan) na mula sa tao+han.
Ayon sa isang pagaaral muli ni Lobel (2005), nabanggit dito ang pagkakaroon ng “angry
register” sa wika na ang paggamit ay nakabatay sa sitwasyon at hindi sa lugar na siyang kaso ng
dayalekto. Gayunpaman, ang mga ito ay may pagkakaiba pa rin sa pagitan ng mga dayalekto sa
wika. Isang halimbawa nito ay ang “angry register” ng ikos (pusa) sa Naga at kuting sa Virac, na
nagiging kurasmag at kuļasmag. Ito ay kadalasang ginagamit sa sitwasyon kung saan may galit
ang nagsasalita o di kaya’y naiinis sa bagay na sinasabihan o tinutukoy. Ayon kay Lobel (2005)
pa lamang ang wikang may naitalang ganitong kaso na sinasabi ring nagsimula noong ika-17
siglo.
Masasabing isang malaking problema ang kakulangan ng pag-aaral sa wika gayun na rin
ang kawalan ng isang standardisadong ortograpiya. Isang malaking problema din ang kawalan ng
tuwirang lingua franca na sinasalita at maiintindihan ng lahat sa Bikol dahil na rin sa malawak at
magkakaibang dayalekto o varayating sinasalita ng mga tao dito.
Katulad ng maraming mga wika sa bansa, ang Bikolano ay mayroong barayati na may
magkakaibang antas ng intelligibility o tuwirang pagkakaintindihan sa pagitan ng mga
tagapagsalita nito. Marami nang pag-aaral ang isinagawa ukol sa paggugrupo at paghahati ng
mga barayati at sa kung ano ang batayan sa paggugrupong ito. Ayon kay McFarland (1974),
mapapansin sa mga barayating umiiral sa rehiyon ng Bikol ang impluwensya ng mga karatig na
etnolingwistikong grupo tulad ng Tagalog, Bisaya at Waray. Hinati nya ang mga ito sa 11 na
lugar ng varayati na nakabase na rin sa mga bayan o munisipyo at ang pangunahing varayating
sinasalita dito. Ang labing-isang dialect area na nabanggit sa kanyang pag-aaral ay ang Northern
Catanduanes, Southern Catanduanes, Daraga, Oas, Libon, iriga, Buhi, Standard Bikol, Northern
Sorsogon, Southern Sorsogon at Masbate. Ang mga ito ay muli pang grinupo ni McFarland sa
mga sub-grupo, ang Southern o tinatawag ding Bisakol (Masbate Northern at Southern
Sorsogon), Coastal (Southern Catanduanes, Standard at Bikol), Inland (Daraga, Oas, Libon, Buhi
at Iriga) at ang Northern Catanduanes Dialect. Kung ang pagbabasehan naman ay ang
Diksyonariong Bikol ni Mintz (2004), nabanggit sa panimulang bahagi nito na ang mga
dayalekto ng Bikol ay maaaring maigrupo sa lima; ang Standard Bikol na tinuturing na lingua
franca, Northern Catanduanes, Nonstandard Sorsogon, Albay at Rinconada Bikol.
Tuwirang nabanggit naman ni Lobel (2000) sa kanyang librong “An satuyang tataramon”
na ang Bikol ay hindi katulad ng Ilocano at Tagalog na may isang wika lamang, dahil ito ay
binubuo ng maraming wika at mga dayalekto. Ganito rin ang nabanggit sa Ethnologue, na ang
wikang Bikol (Bikolano) ay maituturing na isang macrolanguage. Ang isang
macrolanguage(ISO-639), ayon sa Summer Institute of Linguistics (SIL) na siya na ring batayan
ng Ethnologue, ay maraming magkakalapit at magkakamag-anak na indibidwal na wika na
kadalasa’y kinokonsidera bilang iisang wika sa ibang mga konteksto. Ito ay para sa mga kaso ng
mga wika kung saan ang mga tinuturing na mga dayalekto at varayati ay may mataas na lebel ng
hindi pag-kakaunawan o “intelligibility” na siya dapat na kabaligtaran para sa mga varayati at
dayalekto na nakapaloob sa isang wika. Kadalasang inaakala o miskonsepsyon sa mga Bikolano
na ang standard at tamang bersyon ng Bikol ay ang siyang sinasalita o ginagamit sa Naga at ang
kani-kanilang mga dayalekto o wika ay hindi puro at standard. Naipunto pa rin na ang lahat ng
tagapagsalita ng dayalekto at sub-language ng Bikol ay may mataas na antas ng pagkaintindi sa
(Central) Standard Bikol na maaaring nasa pagitan ng 50-90% intelligibilty ngunit hindi lahat na
nakakaintindi nito ay nakapagsasalita nito. Kadalasang sitwasyon sa Bikol ay ang paggamit ng
Tagalog o Filipino sa paguusap ng mga may magkakaibang dayalekto o wika kahit na pareho
itong Bikol (wika).
Bilang isang macrolanguage, grinupo ang mga wika o varayati ng Bikol sa walo, ito ang
Albay Bikolano, Buhi’non Bikol, Central Bikol, Libon Bikol, Miraya Bikol, Northern
Catanduanes (Pandan) Bikol, Rinconada Bikol, Southern Catanduanes Bikol at West Albay
Bikol. Hindi na tuwirang isinali ang Bisakol na grupo kung saan napapaloob ang Masbatenyo at
Sorsoganon na tinuturing na transisyunal na wika sa pagitan ng mga wika ng Bisaya at Bikol,
kadalasa’y ipinapaloob na ito sa Bisaya.
Partikular ding nabanggit dito ang pagkakaroon ng mga tuwirang dayalekto o varayati ng
Central Bikol sa mga syudad ng Naga at Tabaco-Legazpi-Sorsogon, bayan ng Daet, Virac at
Partido. Ang dayalekto nito sa Canaman naman ang tinuturing na “standard” na ginagamit sa
literatura, bibliya at pagbabalita ngunit kadalasa’y tinatawag itong Bikol Naga dahil na rin sa
popularidad ng nasabing syudad. Ang kalagayang ito ng wika sa rehiyon ay maaaring dulot na
rin ng pananakop ng Espanyol, partikular na ang kanilang pagpapalaganap ng kanilang rehiliyon
sa bansa dahil na rin sa paggamit nila ng mga vernakular na wika sa pagsalin ng mga bibliya.
Hanggang sa kasalukuyan, ang dayalektong ginagamit sa mga simbahan sa rehiyon ay ang
tinatawag na Bikol Naga.
Ayon kay McFarland (1974), maaaring makita ang galaw ng mga tao sa isla kung
susundan ang pagbabago sa wika at dayalekto na umiiral dito. Kung pagbabatayan ang mga
literaturang sinanggunian para sa papel na ito, halos lahat ito ay nagsasabing ang wika na
sinasalita sa hilagang bahagi ng isla ay hiwalay sa iba pang wika/ dayalekto sa Bikol kung saan
nakapailalin ito sa sarili nitong sub-language. Nabanggit na ang ganitong varyasyon sa wika ay
dulot ng maagang pagkahiwalay sa pangunahing populasyon kung saan magkahiwalay na itong
nagdebelop. Sa kaso naman ng timog na bahagi ng isla, mayroong magkakaibang pananaw sa
kung ang mga ito nakapailalim at sa kung ano ang klasipikasyon nito. Sa timog na bahagi ng isla
matatagpuan ang bayan ng Virac na siyang sentro ng komersyo ng probinsya. Sa tala nina Lobel
(2004) at McFarland (1974), ang varayati na sinasalita dito ay Southern Catanduanes Bikolano
na nakapaloob sa Coastal Bikol Subgroup kasama ang Standard Bikol.
Katulad ng rin ng ibang wika sa Pilipinas, marami ang mga salitang hiniram mula sa
Espanyol dahil na rin sa mahabang panahon ng pananakop nito na siya nang nabanggit ni
McFarland (1974) at napasali sa diksyonario ni Mintz (2004). Ilan sa mga salitang nabanggit ay
ang pwertahan (puerta-door) at dipisil (dificil-difficult).
Aki (anak o bata), Apud (tawag), Duluk (lapit), Dungo (ilong), Gadan (patay),
Hagyanan (hagdan), Harung (bahay), Inut (una), Iwal (away), Kasubagu (kanina),
Katuy (atay), Kawat (laro), Kurahaw (sigaw), Lutab (dura), Malutu (kanin), Ngunyan
(ngayon), Tahaw (gitna), Matu’a (panganay o matanda), Tugang (kapatid), Tulak
(tiyan).
Dagdag dito ang ilan sa mga nabanggit ni Lobel (2000) na mga salita na makikita sa mga
dayalekto sa isla ng Catanduanes (North at South) na hindi makikita sa ibang dayalekto;
Kimot (bibig), ginahawa (katawan), m(p)urihan (hulihan), omok (gusto/ mahal), sinyaw
(laro), paribod (uwi).
Ipinapakita naman nito ang interaksyon at ugnayan ng dalawang dayalekto kung saan
may mga salita na naipasok sa Southern Catanduanes Bikol na orihinal na mula sa Northern
Catanduanes Bikol. Ang ganitong ugnayan na makikita sa pagitan ng Southern Catanduanes
Bikol sa Standard at Northern Catanduanes Bikol ay nagpapakita ng paglipat o pag-maygreyt ng
mga tagapag-salita ng Standard Bikol, na maaaring mula sa Legazpi, papuntang Catanduanes
kung saan hiwalay na itong nadebelop kasabay ng interaksyon ng mga ito sa mga tao sa hilagang
bahagi. Sinasabing ang mga taga-hilagang bahagi ng isla ang unang mga tumira dito na na-
palitan lamang pa-pahilaga nang dumating ang mga taga-mainland (taga-ibong). Ito na rin ang
isa sa mga batayan ni Lobel (2000) sa kanyang klasipikasyon sa dayalekto.
Ang lokasyon o posisyon ng “glottal stop”, tunog na impit sa lalamunan, sa mga salita
naman na may pareho nang baybay sa Southern Catanduanes Bikol ay may pagkakaiba rin sa
Standard Bikol. Nabanggit sa dalawang pag-aaral na ito na baliktad ang cluster ng glottal stop sa
pagitan ng dalawa. Sa ibang dayalekto ng Bikol, kadalasang makikita ang mga glottal stop bago
ang mga katinig habang sa South Catanduanes naman ay matatagpuan ito pagkatapos ng katinig.
Ayon kay Lobel (2000), ito rin ang kaso sa Partido at Northern Sorsogon Bikol. Makikita ang
ganitong pagkakaiba sa katumbas na salita ng bigyan sa Filipino, ang ta’wan sa Naga at taw’an
sa Virac. Makikita sa Talahanayan 2 sa Apendiks ang paghahambing na ito sa paggitan ng
lokasyon ng glottal stop sa mga dayalekto.
Isa pang pagkakaiba ng Virac Bikol sa Standard Bikol ay ang mga panlaping ginagamit.
Sa halip na nag- na ginagamit sa Standard, ga- ang ginagamit sa Southern Catanduanes Bikol
para sa mga pangkasalukuyang salita. Sa mga pasibong salita, ang unlaping pig- at gitlaping -in
ay napapalitan ng piga-, biga-, gi- at piya- kung saan may varyasyon pa muli sa mga sub-
dayalekto nito. Ilan sa mga halimbawa ang ibinigay ni Lobel (2000) kung saan ipinaghambing
nito ang mga morpolohikal na pagkakaiba sa Bikol Naga, Virac, San Andres, Bato at San Miguel
(mga bayan sa timog ng Catanduanes) na makikita sa Talahanayan 3 sa Apendiks.
Sa kasalukuyan, madalas na ring gamitin ang mga panlaping tiga- at ya- sa Virac para sa
mga pasibong salita na nagpapakita ng interaksyon at paghahalo ng mga sub-dayalekto ng
Southern Catanduanes Bikol na partikular na sa bayan ng Virac bilang sentro ng komersyo sa
probinsya.
Kung ipagkukumpara ang mga salitang ginamit sa mga kwento o pabulang nakapaloob sa
modyul, mapapansin ang pagkakaiba sa mga salitang ginagamit at sa porma ng pagsulat. Sa 340
na salitang kinuha mula sa modyul ng MTB-MLE Bikolano para unang baitang; 197 o 58% dito
ang pareho o makikita sa leksikon ng Virac Bikol. Dito, ang kininonsidera lamang ay ang mga
salitang may magkaparehong baybay. Ang mga salita namang may magkakaibang ponemang
gamit tulad ng /l/, /r/ at /£/ ngunit pareho ang baybay at kahulugan ay umabot naman ng 71 o
21% ng mga salitang sinuri. Ang mga natitira na 21% dito ay hindi na tuwirang kabilang sa
leksikon ng Virac Bikol. Mayroon ding mga salitang ginamit sa modyul na wala o di kaya’y
hindi tuwirang nakalagay sa diksyonario ni Mintz (2004) kaya binigyan na lamang ng katumbas
ng tagapagsaliksik bilang isang Bikolano. Kung papansinin ang mga akda na nakapaloob sa
modyul, mahihinuhang hindi iisa ang dayalektong sinasalita o ginagamit ng mga nagsulat nito
dahil sa iba’t-ibang mga salitang nababanggit dito. Mayroong mga salita na hindi ginagamit sa
ibang dayalekto ng Standard Bikol ngunit nakapaloob pa rin sa Bikol. Nagpapakita itong hindi
iisang dayalekto lamang ang kinokonsider- tulad ng sa Naga, Legazpi at Virac, kundi ang general
na Standard Bikol gaya sa nailimbag ni Mintz.
Karamihan din sa mga salitang magkapareho ang bigkas at baybay ay ang mga salitang
hiram sa Espanyol at Ingles gaya ng imbitar (imbita), kunswelo (patuwa), istar (tira) at
pwertahan (pintuan). Sa mga bahagi kung saan pinapakilala ang mga salita o termino, mayroon
ding mga pagkakataon na kung saan ay ibinibigay ang mga katumbas na mga salita nito sa iba
pang dayalekto ng Bikol. Binibigyang konsiderasyon nito ang mataas na pagkakaiba sa pagitan
ng mga dayalekto sa Bikol na siya na ring isang malaking problemang nabanggit ng
tagapagsaliksik.
V. Konklusyon
Ang pagpapatupad ng programa ng Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-
MLE) sa bansa kasabay ng K to 12 Basic Education ay mahalaga sa pagkakaroon ng mas
epektibong sistema ng edukasyon. Hinahayaan nitong magamit ng mga estudyante ang kanilang
katutubong wika mula sa paaaralan hanggang sa kanilang mga tahanan. Marami nang pag-aaral
ang nakapagsabing epektibo ito sa aspeto ng gana sa pag-aaral, partisipasyon at makukuhang
marka ng mga estudyante. Hindi rin nito hinahadlangan ang pagkatuto ng mga estudyante sa
pangalawang wika tulad ng Filipino at Ingles, bagkus ay mas matuto pa ang mga ito. Sa kabila
nito, marami pa rin ang problema ukol sa implementasyon ng MTB-MLE sa bansa partikular na
sa kaso ng kakulangan ng mga lokalisadong mga materyales at tila pagsisintabi sa mga
minoryang wika. Kahit na may higit sa isangdaan ang kinikilalang wika sa bansa ayon sa
Ethnologue, 19 lamang ang tuwirang kabilang sa programa dahil sa pagiging mga pangunahing
(major) wika at lingua franca ng mga ito.
Sa maraming wika ng bansa, naiiba ang kaso ng Bikol (Bikolano) dahil sa sa mataas na
antas ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga dayalekto nito kung kaya’t may mga
literatura kung saan ang ilang dayalekto dito ay itinuturing na mga sublanguage o di kaya’y
hiwalay nang wika. May pagkakaiba din sa mga misong dayalekto sa bawat bayan dahil na rin sa
bubulundukin at ma-ilog na topograpiya nito. Ang Virac o Southern Catanduanes Bikol ay
maituturing na isang dayalekto ng Coastal Bikol dahil na rin sa pagiging sentro ng komersyo sa
isla ang bayan ng Virac. Gayunpaman, marami pa rin itong pagkakaiba partikular na sa mga
panlapi, leksikon at ang karakteristik nitong ponemang “frontal alveolar” na /£/. Sa
pagkukumpara ng mga salita nito sa Northern Catanduanes at Standard Bikol ay mahihinuhang
matapos ito humiwalay sa populasyon ng Standard Bikol ay nagkaroon ng interaksyon na
nagdulot ng hiraman ng mga salita sa Northern Catanduanes Bikol.
Para sa mga susunod pang pag-aaral ukol sa mga dayalekto ng Bikol at sa MTB-MLE,
magandang suriin ang mga dayalekto o wikang may malaking varyasyon na sa Standard Bikol o
ibang grupo sa Bikol sa labas ng Coastal Bikol subgroup. Maganda ring suriin ang aktwal na
sitwasyon sa mga guro at estudyante ukol sa mga salitang ginagamit sa modyul.
Bibliyograpiya
more-languages-mother-tongue-based-education.
www.sil.org/resources/archives/41808.
Sept. 2015.
Gonzalez, Andrew. “The Language Planning Situation in the Philippines.” Taylor & Francis,
www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/01434639808666365.
Lobel, Jason William., et al. An satuyang tataramon = A study of the Bikol language. Lobel
Lobel, Jason William. “The Angry Register of the Bikol Languages of the Philippines.” 29
Dec. 2005.
Mackinlay, William E. W. “Some Minor Languages of Luzon.” Journal of the American
McFarland, Curtis D. The Dialects of the Bikol Area. Ph.D. dissertation. New Haven: Dept.
Metila, Romylyn A., et al. “The Challenge of Implementing Mother Tongue Education in
Mintz, Malcolm Warren., and Lisboa Márcos de. Bikol dictionary = Diksionáriong bíkol.
Nolasco, Ricardo M.D. “21 Reasons why Filipino children learn better while using their
Mother Tongue.”
“Republic Act No. 10533 | GOVPH.” Official Gazette of the Republic of the Philippines, 15
www-01.sil.org/iso639-3/scope.asp#M.
Apendiks
o o
Bigyan Ta’wan Taw’an
Sana Kuta’na Kutan’a
Talahanayan 3:
Bikol Naga, Virac, Legazpi at Pandan
Filipino Bikol Bikol Bikol Virac Pandan Bikol
Naga Legazpi
Dito Digdi Dindi Dito
Pumunta Magduman Magpunta
Uwi Puli Uli Paribod
Pera Kwarta Imo’
Bakit Ta-no Nata Ngata Ta-yon
Mahal/ Moot Moot/ Omok Omok
Gusto
Maliit Sadit Saday Kadigi/ Maliit
Talahanayan 4: Pagkakaiba sa panlaping ginagamit sa
Bikol Naga, Virac, San Andres, Bato at San Miguel
Filipino Bikol Virac San Andres Bato San Miguel
Naga
Kinakain Kinakakan Bigakaon Gikaon Pigakaon Piyakaon
Pinagaaralan Inaadalan Bigaaada£an Giada£an Pigaada£an Piyaada£an
Pinaguusapan Pigoolaya Bigahu£un- Gihu£un- Pigahu£un- Piyahu£un-
n hu£unan hu£unan hu£unan hu£unan
Hinihintay Hinahalt Pigaha£at Giha£at Pigaha£at Piyaha£at
Ginagawa Ginigibo Pigagibo Gigibo Piga/yagibo Piyagibo