Professional Documents
Culture Documents
Ang modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng gramatika sa Filipino. Nakapaloob dito ang iba't ibang
disiplina sa palitan ng e/i at o/u sa pamamagitan ng mga gawain sa pagkatuto. May mga
pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.
B. Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang mga
pagsasanay at iwasto rin ang mga ito. Kung handa ka nang sagutin ang pangkalahatang
pagsusulit. Kung hindi naman, muli mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at
sagutin muli ang pagsasanay.
D. Maaari mo nang kunin ang susunod na modyul kung matapos maunawaan nang lubos
ang mga gawain.
Introduction:
Walâ namang batas hinggil sa nagaganap na pagpapalit ng E sa I at ng O sa
U. May ilang tuntunin lámang ang Balarila kung kailan ito nagaganap kayâ umiral
ang paniwalang isang natural na pangyayari sa mga wikang katutubo sa Filipinas
ang gayong pagpapalit. Maaari din itong ugatin sa pangyayari na tatlo (3) lámang
ang titik ng baybayin para sa mga tunog ng patinig. Sa naturang sitwasyon,
nagsasálo sa isang titik ang E at I gayundin ang O at U. Maaaring ito ang sanhi ng
nakaugaliang pagdausdos ng dila sa pagbigkas ng E at I at ng O at U gayundin ang
nagkakapalitang pagsulat sa dalawang tila kambalang mga patinig.
Alam ito ni Tomas Pinpin. Kayâ noong isulat niya ang aklat na Librong
pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Caftilla (1610) ay nag-ukol siyá ng
mga leksiyon hinggil sa wastong pagbigkas ng E o I at O o U kalakip ang babala na
hindi dapat ipagkamali ang E sa I o ang O sa U sapagkat may mga salita sa
Espanyol na magkatulad ng baybay ngunit nagkakaiba ng kahulugan dahil sa may E
ang isa at may I ang ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa. Ibinigay niyang
mga halimbawa ang pecar at picar, queso at quizo, peña at piña, modo at mudo, at
poro at puro.
Kahit ngayon, maaaring idagdag ang pagkakaiba sa isa’t isa ng pénoy at Pinóy, ng
méron at mirón, ng bálot at balút, ng Móra at múra, ng ébun sa Kapampangan at íbon sa
Tagalog, ng otót (dagâ) at utót (kirot) sa Pangasinan. Kahit sa hanay ng mga kabataan,
ibinubukod ng E ang ekspresyon niláng “Hánep!” sa ibig sabihin ng orihinal na “hánip.”
Aralin 1: Disiplina sa Pagbigkas ng E/I at O/U.
Pagsasanay
Panuto: Basahin ang maikling kwento at punan ng tamang titik ang mga may patlang na salita.
Ito ay nakatakdang pasahin sa harap ng guro sa susunod na pagkikita.
Si Alelu’k At Si Alebu’tud
SINA Alelu’k at Alebu’tud ay magkasamang nakatira sa kanilang sariling kubo sa bundok. Nag-iisa
sila at walang mga kapitbahay. Isang araw, nagpa-alam si Alelu’k sa kanyang asawa, “Manghuhuli ako ng
baboy dam_.” Nangahoy nga si Alelu’k, kasama ang kanyang tatlong aso at dala ang kanyang tidalan,
subalit wala siyang natagpuang baboy dam_. Sa halip, sa liblib ng gubat, namataan niya ang isang usa,
malak_ na ang sungay kaya natiyak niyang matanda na.
Sinug_d ng mga aso at sinakmal ang usa upang hindi makatakas. Sunod ang tumatakbong Alelu’k at
pinatay ng tindalan ang hay_p. Tapos, pumutol siya ng yantok sa tabi, _tinali sa sungay ng usa at hinatak
ang hayop pauwi. Sa bahay, sinalubong siya ni Alebu’tud. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at marami silang
pagkain.
Humakot sila ng mga panggatong at iba pang kahoy. Nagparikit sila ng apoy, gamit ang mga
panggat_ng, at nagba_n ng mga tuk_d sa paligid, gamit ang ibang kahoy. Sa tukt_k ng mga tuk_d, nagtali
sila ng banghay na kahoy, naka-ibabaw sa apoy. D_on nila inilatag ang patay na usa upang masunog ang
balahibo. Pagkatapos, kinaskas nila hanggang nalinis ang balat ng hayop.
Sinimulan ni Alelu’k na katayin at pagpira-piras_hin ang usa. Samantala, hinugasan ni Alebu’tud ang
malak_ng palayok at nilagyan ng tubig upang ilaga ang pira-piras_ng laman at buto ng usa. Naubusan ng
tubig si Alebu’tud kaya nagtungo siya sa ilog, dala ang kanyang sekkadu, subalit mas lapat ang tabò, isang
biyas ng kawayan.
Nakayapak sa ilog, umigib ng tubig si Alebu’tud. Nang puno na ang sekkadu, pinasan niya at
nagsimulang umakyat sa pampang subalit biglang lum_ndag ang isang dambuhalang isda at sinakmal si
Alebu’tud. Pumalag ang babae subalit hindi siya nakahiyaw dahil hinila siya ng isda sa ilalim ng tubig.
D_on nalunod ang babae at kinain nang buo ng isda.
Sa bahay, naghintay si Alelu’k subalit hindi na niya nakita kailan man ang asawa. Araw-araw,
hinanap niya at araw-araw, umiyak siya sa lungkot sa pagkawala ni Alebu’tud. May sapantaha na ibang
lalaki ang dumukot at tumangay kay Alebu’tud, subalit walang kat_bayan ito kahit na ano.
kumbensiyón (convencion)
kumpisál (confesar)
kumbénto (convento)
kumpórme (conforme)
kumportáble (confortable)
kumpiská (confisca),
kumpiskasyón (confiscacion)
kumpéti (confeti)
balae—balaíhin
bale—pabalíhin
tae—nataíhan
onse—onsíhan
kalbo—kalbuhín
pasò—pasùin
takbo—takbuhán
tabò—tabùan
Ngunit tandaan: Nagaganap lámang ang pagpapalit kapag binubuntutan ng
hulapi ang salitang-ugat.
noón—kanoonán poók—poókpookín
noód—panoórin tuód—tuoránin
doón—paroonán buód—buorín
poót—kapootán buô—kabuòan
salimuot—kasalimuotán
X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit
Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa "Kahirapan ng Pilipinas". Isaalang-alang ang mga disiplena sa
pag gamit ng /e/ , /i/ , /o/, at /u/
XI. Pagpapahalaga
Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa modyul na ito? Naging matiyaga ka ba at naging masigasig
sa iyong pagsagot sa mga pagsasanay? Nauunawaan mo bang mabuti ang mga aralin? Kung oo, binabati
kita dahil natapos mo ang modyul na ito nang may kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging
kapaki-pakinabang ang susunod na modyul na katulad nito sa patuloy mong pagkatuto.