You are on page 1of 41

VARYASYONG LEKSIKAL NG WIKANG MAGUINDANAON:

ISANG PAGHAHAMBING

na Iniharap kay PROP. ANGELES E. YSMAEL

Departamento ng Filipino

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades

Mindanao State University

Fatima, Lungsod Heneral Santos

FILIPINO 154 – INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK PANGWIKA

JOHAIRA ABID
GUIAREL ANDANG
JUSTIN BADILLA
MELCHOR BUTAYA

14 Hunyo 2022
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay pumapaksa sa Varyasyong Leksikal ng wikang

Maguindanaon sa lalawigan ng Pikit at Ampatuan, lungsod ng North Cotabato.

Nilalayon ng pananaliksik na ito na mabigyan ng kasagutan ang mga suliranin

patungkol sa Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Nilalayon nitong matukoy at

maihambing ang Varyasyong Leksikal ng Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa paglilikom at paghahambing ng Varyasyong

Leksikal ng Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Ang mga datos na ginamit ay

nagmula sa mga pananaliksik nila Shandra C. Gonsang (2021) sa Maguindanaon ng

Pikit at Fairuz M. Daladangan (2022) sa Maguindanaon ng Ampatuan.

Ito ay pananaliksik na kwalitatibong deskriptib, at sa pagaanalisa ng mga

datos ay gumamit ng komparatibong pagusuri, sapagkat layunin nitong maihamaing

ang varyasyong leksikal ng Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Upang makakuha

ng mga datos ito ay ginamitan ng retrieval method, silay naghanap ng mga

pananaliksik na may kaugnyan sa wikang Maguindanaon.

Natuklasan ng mga mananaliksik na malaki ang pagkakatulad at mayroon

ding pagkakaiba sa mga terminong ginagamit sa Maguindanaon ng Pikit at

Matalam. Patunay lamang na bagamat pareho ang kinabibilangang tribo o grupo

maging ang sinasalitang wika ay nagkakaroon parin ng pagkakaiba sa mga

terminong ginagamit. Patunay lamang na may malaking impluwensya ang mga


salik na heograpikal at sosyal sa pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Batay sa

mga natuklasan ng mga mananaliksik, narito ang nais nilang irekomenda; una

ipagpatuloy ang mga pag-aaral sa iba pang mga lugar na nagsasalita ng wikang

Maguindaon at pati narin ng Tausug, Iranun, at Sangil. Pangalawa, inirerekomenda

ng mga mananaliksik na alamin ang varyasyong ponolohikal ng wikang

Maguindanaon sa iba pang wikaing umiiral sa Pilipinas at ituro ito sa mga mag-

aaral sa Filipino na sabdyek. Pangatlo, para sa mga mambabásà, ninanais ng mga

mananaliksik na pahalagahan at lubos nating payabongin ang wikang Filipino at

alamin ang mga wikaing umiiral sa Pilipinas.


DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang papel-pananaliksik na ito ay pinamagatang VARYASYONG

LEKSIKAL NG WIKANG MAGUINDANAON: ISANG PAGHAHAMBING na

inihanda at iniharap nina Guiarel Andang, Justin Badilla, Johaira Abid at Melchor

Buataya bilang parsyal na katuparan sa pangangailangan sa Filipino 154 -

Introduksyon sa Pananaliksik Pangwika ay nataya at inirekomenda para sa isang

pagsusulit na pasalita.

Prof. Angeles E. Ysmael

Tagapayo
DAHON NG PASASALAMAT

Lubos na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga taong nag-ambag ng

malaking tulong, at nagbigay ng walang sawang suporta at nagbigay ng inspirasyon

upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito.

Sa tagapayo ng mananaliksik na ito, Prof. Angie Ysmael na walang sawang

sumuporta at gumabay upang matapos ang pag-aaral na ito.

Sa mga Magulang na nagpakita ng kanilang suporta sa mga mananaliksik,

hindi lamang sa pinansyal, ngunit pati na rin sa usapang mental at emosyon.

Sa mga Mananaliksik, kung hindi dahil sa kanilang nagawa o nakalap na

datos sa pag-aaral na aming pinagbatayan ay hindi sana maipapahiwatig ang pag-

aaral na ginawa namin.

At higit sa lahat ang Panginoon na nagbigay ng lakas at protekyon sa araw-

araw, hindi magiging posible ang pag-aaral na ito kung hindi dahil sa kanya.
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT i
ABSTACT ii
DAHON NG PAGPAPATIBAY iv
DAHON NG PASASALAMAT v
TALAAN NG NILALAMAN vi
TALAAN NG TALAHANAYAN viii

KABANATA

I ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO


Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 4
Saklaw ng Pag-aaral 4
Kahalagahan ng Pag-aaral 5
Katuturan ng mga Termino 6

II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Kaugnay na Literatura 7
Kaugnay na Pag-aaral 9
Batayang Teoritikal 11
Batayang Konseptual 12

III METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK


Disenyo ng Pananaliksik 14
Pamamaraan sa Pagsusuri 14
Respondante 14
Pangkalahatang Pamamaraan 15

IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGLALAHAD 16


NG MGA DATOS
V BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON
Buod 22
Natuklasan 23
Konklusyon 23
Rekomendasyon 24

Bibliograpiya 25

Apendiks 27

Curriculum Vitae 30
TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan
Pahina

I Mga Pangalan sa pag-aaral nila 16


Shandra C. Gonsang (2021) at
Fairuz M. Daladangan (2022)

II Mga Pandiwa sa pag-aaral nila 17


Shandra C. Gonsang (2021) at
Fairuz M. Daladangan (2022)

III Mga Pang-uri sa pag-aaral nila 18


Shandra C. Gonsang (2021) at
Fairuz M. Daladangan (2022)

IV Mga salitang Maguindanaon na 19


pareho ang baybay at kahulugan sa
pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021)
at Fairuz M. Daladangan (2022)

V Mga salitang nakitaan ng pagkakaiba sa 20


ponemang ginamit sa pag-aaral nila
Shandra C. Gonsang (2021) at
Fairuz M. Daladangan (2022
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Introduksyon

Malawak at malalim na paksa kung pag-uusapan ang wika. Ang bawat

anggulo at bahagi nito ay may kani-kaniyang mahahalagang paksa na dapat alamin

ngunit hindi ba’t ‘di natin makikita ang nasa ilalim ng dagat kung hindi natin ito

personal na sisisirin? Sa simpleng pakahulugan, ang wika ay kalipunan ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit

ng mga taong kabilang sa isang kultura (Ayon, et al. 2019).

Masasabi nating ang wika ay isang pinakamagandang ginawa o naimbento

ng tao. Maaring itong magbuklod sa bawat isa at maging sandata sa iilang

pagkakataon. Maaaring maging tulay upang magkaunawaan at maipahayag natin

ang ating mga sariling damdamin, suhistyon at adhikain sapagkat, ito ay

makapangyarihan. Daan din ito sa pagkikipagkomunikasyon sa kapwa, nagbibigay

impormasyon at kaalaman sa nakararami. Dagdag pa nito, ang wika ay kakambal

ng kultura, ito ang siyang patunay na ang isang kultura ay magkakaiba.

Ang Wikang Maguindanaon ay sinasalita ng karamihan sa populasyon ng

lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas. Matatagpuan sa Mindanao ang probinsya


2

ng Maguindanao, ito ay matatagpuan sa mahabang pampang at lambak ng ilog o

kilala bilang Pulangi (Dalandangan, 2009).

Sinabi ni Saleeby (2005), ang mga Maguindanaon ay nahati sa dalawang

pangkat na may kanya-kanyang teritoryo at ito ay nahahati ng ilog sa dalawang

bahagi: ang ibabang lambak na pinamumunuan ng pangkat ng Maguindanao at ang

itaas na lambak na pinamumunuan ng pangkat ng Buayan.

Nilinaw ni Dalandangan (2009), magkatulad man ang wikang sinasalita ng

dalawang pangkat ay may pagkakaiba pa rin ito. Sa malawakang paglaganap ng

wikang Filipino, umusbong sa iba’t-ibang lalawigan ang varyasyon ng wika sa ating

bansa. Marahil ang pangunahing dahilan nito ay ang lokasyong heograpikal. Dahil

sa pagkakaiba ng tirahan ng mga tao, maaaring magkaroon din ng iba't ibang barayti

ng wika. Ito ay bunga ng pagkakaiba ng bawat tao. Ang isa pang maaaring dahilan

ay ang kalakalan. Dahil dito, nagkakaroon ng palitan ng kultura at wika.

Ang Varyasyong Leksikal ay tumutukoy sa pagkakaiba sa sa salita o

katawagan ng iba’t ibang diyalekto sa mga bagay, pangyayari at mga kilos. Ang

mga salik na sosyal at heograpikal ay siyang nagdudulot ng pagusbong ng mga

varyasyon sa isang diyalekto (Augusto, 2019).

Pinatunayan ni Conception (2010), ang pagkakaroon ng isang natatanging

katangian na nauugnay sa isang partikular na uri ng sosyo-sitwasyonal na

tumutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon ng wika ay kilala bilang

isang barayti ng wika. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay maaari ring dahil sa

pagkatao na mayroon dito. Kabilang dito ang edukasyon at trabaho, at maging ang
3

mga taong nakakasalamuha natin. Ang pagkakaroon nito ay nagpapakita ng

pagkamalikhain ng bawat tao at ang pagkakaroon ng mayamang kultura.

Sa puntong ito ay napag-isipan ng mga mananaliksik na alamin at pag-

aralan ang isyu hinggil sa pagtuklas sa varayti ng wikang Maguindanaon sa

lalawigan ng Pikit at Maguindanao sa Lungsod ng North Cotabato na kung saan sa

pamamagitan ng kanilang pagsasalita ay malalaman at makukuha ang pagkakaiba

at pagkakatulad ng dalawang varyasyong Maguindanaon. Upang mas lubos na

maunawaan, alamin, ipagtanggol at pag-aaralin pa ng husto ang wikang siyang

nagbibigay katangian bilang isang maka-Filipino.

Nilalayon ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga suliranin

sa pag-aaral ng wikang Maguindanaon sa lalawigan ng Pikit at Ampatuan, Lungsod

ng North Cotabato. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa tulong nito ay

magkakaroon ng mas malalimang pag-unawa sa isa sa mga katutubong wika sa

Pilipinas, ang Maguindanaon.


4

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pagaaral na ito na maihambing mga varyasyong leksikal ng

wikang Maguindanaon.

Upang makamit ang layunin, sinisikap na matamo ng mga mananaliksik ang

sumusunod:

1. Malikom ang mga salitang Maguindaon na nauuri sa:

a. Mga pangngalan

b. Mga Pandiwa

c. Pang-uri

2. Matukoy ang varyasyong leksikal ng mga salita sa wikang Maguindanaon.

3. Maihambing ang mga varysyong leksikal na mga salita.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral sa varyasyong leksikal ng

Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan sa lalawigan ng North Cotabato.

Saklaw nito ang pag-aaral ni Fairuz M. Daladangan (2022) na

pumapatungkol sa dalawang pangkalahatang varayti ng wikang Maguindanaon, ang

“Tau sa ilud” at “Tau sa Laya” at pagaaral ni Shandra C. Gonsang (2021) patungkol

sa varayti at varyasyon ng wikang Maguindanaon. Nilimitahan lamang ang pag-

aaral sa naturang mga lugar kung saan dominante ang Maguindanaon.


5

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko at bawat isa sa mga

ito ay may natatanging wika na siyang ginagamit nila sa pakikipagtalastasan sa

kanilang kapwa. Ang pananaliksik na ito ay makapgbibigay ng benepisyo sa mga

sumusunod:

Mananaliksik. Ang mga naturang resulta at nakalap na impormasyon ay maaring

maging batayan sa mga susunod na mga mananaliksik. Maaaring maging basehan

o gawing replika ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik.

Guro. Ang mga resulta at rekomendasyon na maisasaad sa pag-aaral na ito ay

maaring maging batayan sa mga guro upang mas mapalawak ang kaalaman tungkol

sa wika, lalong-lalo na sa Wikang Maguindanaon.

Kabataan at Mag-aaral. Ang mga resulta o kinalabasan ng pananaliksik na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang magamit nilang batayan o basehan sa

kanilang mga gagawing pag-aaral.

Mamamayang Pilipino. Bilang isang mamayan na naninirahan sa Pilipinas ang

pananaliksik na ito ay makatutulong upang magkaroon ng mas malalim na

pagunawa sa katutubong wikang Maguindanaon.


6

Katuturan ng Termino

Upang lubus na maunawan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito,

narito ang mga depinisyon ng mga mahahalagang termino na ginamit sa pag-aaral.

Wika – ito ay isang masistemang balangkas, na siyang ginagamit upang

maipahayag ang damdamin at kaisipan sa pamamaraang pasalita at pasulat. Ito ay

behikulo ng kaisipan upang maipahayag ang sariling damdamin at ginagamit upang

masiwalat o maitago ang katotohanan (Constantino,2008).

Sa pag-aaral na ito wika ang siyang ginawan ng pag-aaral ng mga

mananaliksik.

Maguindanaon – isa sa Wikang Astronesyo na sinasalita ng karamihan sa

lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na ito ang wikang Maguindanaon ang ginawan ng pag-aaral ng

mga mananaliksik.

Paghahambing – pagmamasid ng pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang

magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, pangyayari at iba pa.

Sa pag-aaral na ito paghahambingin ang mga varyasyong leksikal ng wikang

Maguindanaon.

Varyasyong Leksikal – ito ay pumapatungkol sa iba’t ibang mga salita at parirala

na ginagamit sa pagtukoy sa mga bagay o konsepto.

Sa pag-aaral na ito tutukuyin ng mga mananaliksik ang varyasyong leksikal

ng wikang Maguindanaon.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

makatutulong upang magkaroon ng mabuting pananaw at pag-unawa sa mga

suliranin na napapaloob sa pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Dinglasan (2007), ang wika ay kasangkapan sa

pakikipagtalastasan at kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagtala ng ideya na

impluwensya ang ugali ng tao ang isip at damdamin. Ang wika ay instrumento ng

makabuluhan at malikhaing pag-iisip; samakatuwid upang magamit sa sukdulan

ang wika, dapat itong mahawakan ng buong husay at maangkan ng ganap.

Varyasyong Leksikal ang katawagan sa iba’t ibang terminong ginagamit ng

mga tao sa isang partukular na diyalekto sa isang bagay, kilos o pangyayari. Ang

sosyal at heograpikal na salik ay nagdudulot ng mga varyasyon sa isang diyalekto.

Nagkakaroon ng iba-ibang uri ng wika dahil may pagkakaiba o baryasyon

sa mga aytem na pangwika, maaaring ang baryasyon ay nasa tunog, mga salita o

bokabularyo at sa istrukturang gramatikal o sa lahat ng ito. Ang mga ito ay maaaring

iugnay sa mga eksternal na factor na maaaring heyograpikal o grupong sosyal

(Garcia; et al 2008).

Dagdag ni Salazar (2009), ang wika ay nagpapahayag ng kaugalian, isip at

damdamin ng bawat grupo ng mga tao maging sa larangan ng kaisipan, ang wika
8

din ang impukan at kuhanan ng kultura. Ibai-ibang wika, kultura, relihiyon ang

mayroon tayo ngunit ang mahalaga dito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ang

bawat grupo o iba’t ibang grupo kung saan ka napapabilang. Sa wika din natin

makikita ang kaugalian, kultura ng bawat grupo.

Sinabi ni Ocampo (2002) ang pagkakaroon ng varayti ng wika ay bunga ng

dalawang salik, ang heograpikal at sosyal na siyang nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng varyasyon o pagkakaiba-iba ng mga wika. Ang salik heograpikal

ang nagbubunsod sa pagkakaroonng linggwistikong dayalekto Samantalaang salik

sosyal naman ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga rejister o sosyal na varayti

ng wika na maaaring wika ng mga nakatatanda, wika ng mga kabataan, wika ng

mga estudyante at iba pa.

Ang dayalekto ay isang wikang subordineyt ng isang katulad ding wika.

Partikular ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Ang wikang ito ay naisasalamin ng

isang wikang istandardisado na ginagamit sa mga libro at iba pang mga babasahin

at iba pang domeyn ng wika. Ang baryasyon ng wikang ito ay nasa ilalim ng isang

masaklaw na wika ay maaaring nasa tunog-punto o paraan ng pagbigkas, maaaring

nasa bokabularyo, o maaaring sa pagkakabuo ng mga salita/grammar o maaaring sa

lahat (Aleta, 2019).

Dati-rati, ang mga Maguindanaon ay binubuo ng dalawang pangkat na may

kani-kaniyang teritoryo. Ang mga teritoryong ito ay nahahati ng ilog sa dalawang

bahagi: ang ibabang lambak na pinamumunuan ng pangkat ng Maguindanao at ang

itaas na lamabak na pinamumunuan ng pangkat ng Buayan (Saleeby,1967).

May iisang wika lamang ang Maguindanaon ngunit may dalawang varayti:

ang mga tau sa ilud o mga tao sa ibabang lambak ay nakikilala sa higit na mabilis,
9

matigas na tunog ng mga katinig at higit na gumagamit ng “d” kaysa “r” at

varyasyon sa paggamit ng “l” at “r”. Ang wika naman ng mga tau sa laya o mga tao

sa itaas na lambak ay nakikilala naman sa pamamagitan ng mabagal na indayog,

malumanay, at madalas na paglalaktaw ng mga patinig sa pagitan ng mga katinig at

paggamit ng l kaysa r at ilang pagkakaiba sa leksikon (library.thinkquest.org, 2000).

Kaugnay na Pag-aaral

Mula sa pag-aaral ni Passion (2014), ang pag-aaral sa varyasyong leksikal

ay tumutukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng isang salita sa isang umiiral na

salita. Bagamat maihahalintulad din ito sa pag-aaral na ito, ang kabuuang pag-aaral

sa journal na ito ay tumutukoy sa Wikang Mandaya. Ngunit magiging sandigan ito

sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

Dadag pa sa pag-aaral ni Baterina (2017), ang nabuong wika na dulot ng

pagbabago ng kasaysayan at kultura ay tinatawag na Varayti ng Wika. Ang

pagkakaroon ng varayti ay nasa ilalim ng larang ng pag-aaral ng wika na

sosyolingguwistiko ayon sa pinagbatayan ng pagiging heterogenous ng wika.

Maaring maging sandigan ito sa pag-aaral ng mga mananaliksik pero maaring

saklaw ng pag-aaral na ito na tumutukoy sa wikaing Bagobo at hindi sa wikaing

Maguindanaon.

Batay naman sa pag-aaral nina Dapreza at Reyes (2021), nakikilala ang tao

kung saan at ano ang kinabibilangang grupo, trabaho, pook na tinitirhan,

edukasyon, kultura, lahi, at relihiyon sa pamamagitan ng wikang ginagamit.

Magkatulad man ang tawag o pangalan ng wika sa isang munisipalidad, barangay,

o sitio na nabibilang sa isang pook o lalawigan ay nagkakaroon pa rin ito ng

pagkakaiba na maaaring sa bokabularyo, tunog at/o gramatika. Maaring maging


10

sandigan ito sa pag-aaral ngunit saklaw lamang sa kanilang pag-aaral ang wiang

wikaang wikang Chabacano sa lalawigan ng Zamboanga.

Ang pag-aaral ni Dalagan (2016), sa varayti ng Maguindanon sa lungsod ng

Heneral Santos at Polomolok, South Cotabato ay nagpakita na may pagkakatulad at

pagkakaiba sa diin ang dalawang lugar. Natuklasan din na may pagpapalit ng

ponema sa mga salita. Isa itong patunay na naiimpluwensyahan ng heograpikal na

lokasyon ang dayalektong ginagamit ng nakararami. Magagamit na sandigan ng

mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sapagkat ito ay pumapatungkol din sa

wikang Maguindanaon.

Batay naman sa pag-aaral ni Daladangan (2018), na patungkol sa varayti ng

wikang Maguindanaon ang Tau sa ilud at Tau sa laya Natuklasan na may leksikal

at ponolohikal na varyasyon bunga ng pagkakaibang heyograpikal ng lugar at bunga

rin ng uri ng gawain .Ang wika ng tau sa ilud ay kalimitang gumagamit ng

ponemang d at sa tau sa laya naman ay r at mayroong pagkakaltas ng ponema sa

wika ng tau sa laya at tau sa ilud.Magagamit rin itong sandigan ng gagawing pag-

aaral ng mga mananaliksik sapagkat ito ay tumatalakay rin sa wikang

maguindanaon.

Dagdag na pag-aaral ni Gonsang (2016), na ninanais alamin ang varayti at

varyasyon ng wikang Maguindanaon sa lalawigan ng North Cotabato. Natuklasan

nilang ang pagkakaiba sa salita ng mga maguindanaon ay mapapansin sa panumbas

at paraan ng pagkakabuo ng mga salita.


11

Batayang Teoritikal

Sa pag-aaral na ito ang teoryang sosyolinggwistik at teoryang variationist ni

Lavov, et al (1968) ang gagawing batayan ng mga mananaliksik. Sa

pagpapakahulugan ni Constantino (2006) sa teoryang sosyolinggiwistik, ito ay

ideya ng pagiging heterogonous ng wika, naguugat sa pagkakaroon ng varayti ng

wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang

tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay

hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal

ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong puwersa, isang

pagsasama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang kultural at panlipunang mga

gawain at grupo.

Sa teoryang Variationist naman ni Labov, et al. (1968), sinasabing ang wika

ay laging may pagbabago. Ang bawat kaibahan sa pagbigkas ng mga bagay ay

maaring makita at mapapansin sa iba’t ibang istilo, diyalekto at rejister ng wika na

gamit ng bawat indibidwal na tagapagsalita sa iba’t ibang lugar at panahon.

Dagdag pa rito ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng iba’t ibang anyo

upang masabi ang iisang kahulugan. Ang pagbabago sa wika ay bunga ng

impuwensiya ng mga sosyal at kultural na salik, ito ay maaaring resulta ng kontak

at panghihiram, o bungang imahinasyon ng isip ng tao.


12

Konseptual na Batayan

Sa bahaging ito ay ilalahad ng mga mananaliksik ang daloy ng kanilang pag-

aaral. Mula sa pinakaitaas ang wikang Maguindanaon na siyang gagawan nila ng

pag-aaral. Mula sa pananaliksik ni Sandra C. Gonsang patungkol sa Maguindanaon

ng Pikit at Fairuz M. Dalagan tungkol sa Maguindanaon ng Ampatuan.

Wikang Maguindanaon

Maguindanaon ng Pikit Maguindanaon ng Ampatuan


Shandra C. Gonsang (2021) Fairuz M. Daladangan (2022)

Pangngalan Pangngalan

Pandiwa Pandiwa

Pang-uri Pang-uri

Varyasyong Leksilal
ng Maguindanaon
ng Pikit at
Ampatuan

Paghahambing

Pigura 1. Paradigm ng Pag-aaral

Ang konseptual na balangkas na ito ay inilalahad ang kabuuang pag-aaral

na gagawin ng mga mananaliksik. Nagsimula sa pinakamataas ang wikang


13

Maguindanaon na siyang pokus ng pag-aaral ng mga mananaliksik. Sa paglikom ng

mga salita sa maguindanon ng Pikit at Maguindanao ito ay ipinangkat batay sa

pangngalan, pandiwa at pang-uri. Matapos malikom ang mga salita ito ay

aanalisahin at tutukoyin ang mga varyasyong leksikal na natuklasan sa

Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Ang mga varyasyong leksikal na natuklasan

ay siyang paghahambingin ng mga mananaliksik.


KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang disenyo ng pag-aaral, lokal ng pag-aaral,

mga impormante, at ang pangkalahatang pamamaraan sa paglikom ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibong-deskriptib sapagkat layunin nitong

maihamabing mga varyasyong leksikal ng wikang Maguindanaon ng Pikit at

Ampatuan lalawigan ng North Cotabato.

Sa paglikom ng mga datos ito ay ginamitan ng retrieval method, kanilang

pinagbatayan at ginawang sandigan ang mga pananaliksik na may kaugnayan sa

wikang Maguindanaon, partikular na ang pag-aaral ni Shandra C. Gonsang (2021)

sa Maguindanaon ng Pikit at Fairuz M. Daladangan (2022) sa Maguindanaon ng

Ampatuan.

Pamamaraan sa Pagsusuri

Sa pagsusuri ng mga nalikom na mga datos ang mga mananaliksik ay

gumamit ng komparatibong pagsusuri, sapagkat kanilang ihahambing mga

varyasyong leksikal na kanilang natuklasan.


15

Respondante

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga mga purong

Maguindanaon na mula sa Pikit at Ampatuan.

Pangkalahatang Pamamaraan

Unang ginawa ng mga mananaliksik ay naghanap ng mga pananaliksik na

pumapatungkol sa wikang Maguindanaon. Kanilang nahanap ang pag-aaral ni

Shandra C. Gonsang (2021) na pumpatungkol sa varayti at varyasyon ng wikang

Maguindanaon, napapabilang dito ang Maguindanaon ng Pikit. Kanila ring nakita

ang pag-aaral ni Fairuz M. Daladangan (2022) na pumapatungkol sa dalawang

pangkalahatang varayti ng wikang Maguindanaon, ang “Tau sa ilud” at “Tau sa

Laya” at dito nakapaloob ang Maguindanaon ng Ampatuan.

Ang mga nalikom na mga salita ay ipapangkat batay sa mga pangngalan,

pandiwa at pang-uri. Matapos malikom ang mga salita kanilang tinukoy ang mga

varyasyong leksikal at itoy pinaghambing. Ang kanilang mga ginawa at nakalap na

mga datos ay ipinakita sa kanilang tagapayo upang mas maging balido at maitama

ang mga kamalian na kanilang ginawa sa papel.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ilalahad ng mga mananaliksik ang mga datos na

kanilang nalikom na pumapatungkol sa mga Varyasyong Leksikal ng wikang

Maguindanon ng Pikit at Ampatuan. Ang mga Varyasyong Leksikal na natuklasan

ay siyang paghahambingin ng mga mananaliksik.

Talahanayan 1. (Mga Pangngalan sa pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021)

at Fairuz M. Daladangan (2022))

Batayang Wika: Filipino Pikit Ampatuan

Bilao Nigo Talong

Damit Banggala Banggala

Pusa Bedung Anguyo

Walis Sagidsing Panapu

Martilyo Bakbak Martilyo

Lola Tuwa Apo

Daliri Putok Kemel

Ilaw Tulanting Palitan

Sagot Sumpat Sumpan

Oras Kutika Tempo


17

Makikita sa Talahanayan 1, ang mga Pangngaalan sa Filipino na tinumbasan sa

Wikang Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Ang salitang Bilao sa Maguindanaon

ng Pikit ay Nigo at sa Ampatuan naman ay Talong, magkaibang magkaiba ang

dalawa. Ang salin ng Damit sa Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan ay

magkapareho ito nga ay Banggala. Ang salitang Pusa, ay may katumbas na

Bedung sa Pikit habang sa Ampatuan ay Anguyo. Ang salitang Walis ay may salin

sa Pikit na Sagidsing habang sa Ampatuan ay Panapu. Habang ang salitang

Martilyo ay may katumbas na Bakbak sa Pikit habang sa Ampatuan ay Martilyo,

na hiram mula sa wikang Filipino. Ang Daliri ay may katumbas na Putok sa Pikit

habang sa Ampatuan ay Kemel. Ang Ilaw ay may katumbas na Tulanting sa Pikit

habang sa Ampatuan ay Palitan. Ang Oras ay Kutika sa Pikit habang sa Ampatuan

ay Tempo. Panghuli ang salitang Sagot ay Sumpat sa Pikit habang sa Amputan ay

Sumpan, mapapansin ang pagkakaiba sa poenamang ginamit, ponemang /t/ ang

ginamit sa pikit habang ponemang /n/ naman sa ampatuan. Sa sampung (10)

pangngalan na inilahad tanging ang Damit lamang ang hindi nakitaan ng

varyasyong leksikal.

Talahanayan 2. (Mga Pandiwa sa pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021) at

Fairuz M. Daladangan (2022))

Batayang Wika: Filipino Pikit Ampatuan

Sigaw Kimisik Pelesing

Lumalakad Limakaw Simugud


18

Lumabas Limyu Peliyu

Tumawa Minggingesi Midtatawa

Lumukso Timibpo Timibpo

Makikita sa Talahanayan 2, ang mga pandiwa na tinumbasan sa wikang

Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Ang salitang Sigaw ay may katumbas na

Kimisik sa Maguindanaon ng Pikit, habang sa Ampatuan ito ay may katumbas na

Pelesing. Ang salin ng Lumalakad sa Pikit ay Limakaw habang sa Ampatuan ay

Simugud. Ang salin ng Lumabas sa Pikit ay Limyu habang sa Ampatuan ay Peliyu.

Ang salin ng tumawa sa Pikit ay Minggingesi habang sa Ampatuan ay Midtatawa.

Panghuli ang salitang Lumukso ay magkapareho ang salin sa Pikit at Ampatuan ito

ay Timibpo. Sa limang (5) pandiwang inilhad tanging ang pandiwang Lumukso ang

hindi kakikitaan ng varyasong leksikal.

Talahanayan 3. (Mga Pang-uri sa pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021) at

Fairuz M. Daladangan (2022))

Batayang Wika: Filipino Pikit Ampatuan

Malaki Masalig Masela

Sinungaling Budtuden Malebot

Maganda Manisan Manisan

Marami Madakil Madakel

Masikip Magaget Magaget


19

Makikita sa Talahanayan 3, ang mga Pang-uri na tinumbasan sa

Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Ang salitang Malaki ay may katumbas na

Masalig sa Pikit habang Masela naman sa Ampatuan. Ang salin ng sinungaling sa

Pikit ay Budtuden habang sa Ampatuan naman ay Malebot. Pareho lamang ang

katumbas ng maganda sa Pikit at Ampatuan ito ay Manisan. Ang salitang Marami

ay may salin sa Pikit na Madakil habang sa Maguindanao ay Madakel, mapapansin

ang pagkakaiba nito sa huling pantig nagkakaroon ng pagkakaiba sa ponemang /i/

at /e/, sa Pikit ay ponemang /i/ ang ginamit habang sa Maguindanao ay ponemang

/e/. Panghuli ay ang salitang masikip na pareho ang katumbas sa Pikit at

Maguindanano, ito nga ay Magaget. Sa limang (5) pang-uri na naitala ang Maganda

at Masikip ang hindi nakitaan ng varyasyong leksikal.

Talahanayan 4. (Mga salitang Maguindanaon na pareho ang baybay at kahulugan

sa pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021) at Fairuz M. Daladangan (2022)).

Batayang Wika: Filipino Pikit Ampatuan

Damit Banggala Banggala

Lumukso Timibpo Timibpo

Maganda Manisan Manisan

Masikip Magaget Magaget

May apat (4) na salita ang nalikom mula sa Maguindananon ng Pikit at

Ampatuan na magkapreho ang baybay at kahulugan. Ito ay ang sumusunod, ang

Damit na may salin sa Pikit at Ampatuan na Banggala. Lumukso na may salin na


20

Timibpo sa Pikit at Ampatuan. Ang salitang Maganda na may salin sa Pikit at

Ampatuan na Manisan at panghuli ang Masikip na may salin na Magaget sa Pikit

at Ampatuan.

Talahanayan 4. (Mga salitang nakitaan ng pagkakaiba sa ponemang ginamit sa

pag-aaral nila Shandra C. Gonsang (2021) at Fairuz M. Daladangan (2022)).

Batayang Wika: Filipino Pikit Ampatuan

Sagot Sumpat Sumpan

Marami Madakil Madakel

May dalawang (2) nalikom na salita mula sa Maguindanaon ng Pikit at

Ampatuan ang nakitaan ng pagkakaiba sa ponemang ginamit. Una ang Sagot na

may salin sa Pikit na Sumpat at Sagot na may salin na Sumpan sa Ampatuan,

nagkakaroon ng pagkakaiba sa ponemang /t/ at /n/. Pangalawa ay Marami na may

salin na Madakil sa Pikit at sa Ampatuan at Madakel, mapapansin ang pagkakaiba

sa ponemang /i/ at /e/ sa dalawang lugar.

Narito ang analisasyon ng mga mananaliksik:

1. Napatunayan ng mga mananaliksik na pareho man ang tribong

kinabibilangan ay mayroon paring pagkakaiba sa sa mga terminong

ginagamit, may malaking impluwensya nga ang salik heograpikal sapagkat

hindi magkalapit ang lugar ng Pikit at Ampatuan.


21

2. Bagamat karamihan sa mga salita ay hindi magkapareho nakitaan din ng

pagkakatulad ang ilang mga salita, magkapareho ang baybay at ang

kahulugan.

3. Nakitaan ng mga mananaliksik na may iilang ponemang magkaiba sa mga

salita, mula sa Pikit at Ampatuan, may pagkakaiba sa ginamit na ponema sa

mga isinaling salita sa wikang Maguindanaon.


KABANATA V

BUOD KONLUSYON REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang buod, mga kinalabasan ng pag-aaral, mga

nabuong konklusyon at mga rekomendasyon ng ginawang pag-aaral.

Buod

Ang pananaliksik na ito ay layuning matukoy ang varyasyong leksikal ng

wikang Maguindanaon sa lungsod ng Pikit at Ampatuan, lalawigan ng North

Cotabato. Layunin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod: 1. Makalikom ng mga

salitang Maguindanaon na nauuri batay sa Pangngalan, Pandiwa at Pang-uri. 2.

Matukoy ang mga varyasyong leksikal na mga salita sa wikang Maguindanaon. 3.

Maihambing ang mga varysyong leksikal na mga salita.

Ito ay pananaliksik na kwalitatibong deskriptib, at sa pagaanalisa ng mga

datos ay gumamit ng komparatibong pagusuri, sapagkat layunin nitong maihambing

ang varyasyong leksikal ng Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan. Upang makakuha

ng mga datos ito ay ginamitan ng retrieval method, silay naghanap ng mga

pananaliksik na may kaugnyan sa wikang Maguindanaon. Ginamit nilang batayan

at sandigan ang pananaliksik nila Fairuz M. Daladangan (2022) na pumapatungkol

sa dalawang pangkalahatang varayti ng wikang Maguindanaon, ang “Tau sa ilud”

at “Tau sa Laya” at pananaliksik ni Shandra C. Gonsang (2021) patungkol sa varayti


23

at varyasyon ng wikang Maguindanao. Batay sa mga nalikom na mga salita

sa Maguindanaon at matapos itong paghambingin, natuklasan ng mga mananaliksik

na pareho man ang ang tribo at wikang kinabibilangan, mayroon paring pagkakaiba

sa mga terminong gingamit.

Natuklasan

Sa pagsusuri ng mga leksikal aytem sa Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan,

natuklasan na karamihan sa mga ito ay magkakatulad. Sa kategorya ng mga

Pangngalan, sa sampung (10) salita ay nagiisa (1) lamang ang hindi nakitaan ng

varyasyong leksikal. Sa kategorya ng Pandiwa, sa limang (5) salitang nalikom iisa

(1) lamang ang hindi nakitaan ng pagkakaiba sa termino mula sa lugar ng Pikit at

Ampatuan. Sa limang (5) pang-uri na inilhad, dalawa (2) sa mga ito ang hindi

nakitaan ng varyasyong leksikal o pagkakaiba sa termino sa dalawang lugar. Sa

kabuuan mayroong apat (4) na mga salita sa Maguindanaon ng Pikit at Ampatuan

ang pareho ang baybay at kahulugan. Natuklasan din ng mga mananaliksik na

mayroong dalawang (2) salita ang kakikitaan ng pagkakaiba sa mga ponemang

ginamit,

Konklusyon

Magkapareho man ang tribo at wikang sinasalita ng Maguindanaon ng Pikit

at Ampatuan mayroon paring pagkakaiba sa mga termino o katawagan sa mga

bagay o mga kilos. Pinatunayan ng pananaliksik na ito na pareho man ang

kinabibilangang tribo at wikang sinasalita ng mga Maguindanaon, nagkakaroon

parin ng varayti at varyasyon, dahil sa mga salik na heograpikal at sosyal. Ayon sa


24

teoryang sosyolingwistik ang wika ay heterogenous, nagkakaroon ng varayti at

varyasyon ng wika dahil sa interes, lugar na tinitirahan, pinag-aralan at sa mga taong

nakakasalamuha ng isang tao (Constantino,2006).

Sinuportahan din ng teoryang Variationist ang natuklasan sa pagaaral na ito.

Ayon kina Labov, et al. (1968), ang kaibahan sa bigkas ng mga bagay ay maaring

makita at mapansin sa mga diyalekto at rejister na nakadepende sa lugar at panahon.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, narito ang nais irekomenda ng

mananaliksik:

1. Para sa mga susunod na mga mananaliksik, ipagpatuloy ang mga pag-

aaral sa iba pang mga lugar na nagsasalita ng wikang Maguindaon at

pati narin ng Tausug, Iranun, at Sangil.

2. Para sa mga doktor, awtoridad at guro, labis na inirerekomenda ng mga

mananaliksik na alamin ang varyasyong ponolohikal ng wikang

Maguindanaon sa iba pang wikaing umiiral sa Pilipinas at ituro ito sa

mga mag-aaral sa Filipino na sabdyek.

3. Para sa mga mambabásà, ninanais ng mga mananaliksik na pahalagahan

at lubos nating payabongin ang wikang Filipino at alamin ang mga

wikaing umiiral sa Pilipinas.


25

BIBLIOGRAPIYA

Augusto, William. (2019) Cultural Lexicon of Tagalog and Sinugbuanon: An

Analysis. Nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/333370396_Cultural_Lexicon_of

_Tagalog_and_Sinugbuanon_An_Analysis

Administrators of Bureau on Cultural Heritage.(2019). Maguindanao: Brief Profile.

Nakula mula sa https://bch.bangsamoro.gov.ph/bangsamoro-cultural-

heritage/maguindanao/

Baterina L., (2011) Varyasyong Leksikal ng Wikang Bagobo na Tagabawa,

Giangan at Obo-Manobo ng Davao City: Pokus sa Dimensyong

Heyograpikal. Halaw sa:

https://www.scribd.com/document/399568673/VA

RYASYONG-LEKSIKAL

Cafford J. C. (1965) “A Linguistic Theory of Translation." Oxford University Press.


Oxford, USA

Dalandangan, F. Tau sa Laya at Tau sa Ilud: Dalawang pangkalahatang Varayti ng

Wikang Maguindanaon.

Drapeza, H at Reyes, A (2021). Pagsipat sa mga salik na nakaimpluwensiya sa

varayti at varyasyong leksikal sa wikang Chabacano ng lungsod Zamboanga

nakuha mula sa

https://www.researchgate.net/publication/352037744_Pagsipat_sa_mga_sa

lik_na_nakaimpluwensiya_sa_varayti_at_varyasyong_leksikal_sa_wikang

_Chabacano_ng_lungsod_Zamboanga

Garcia, Enrico. (May 19, 2015). Batayang Kaalaman sa Akademikong Filipino.


Retrieved May 19, 2015, from BlogSpot:
26

http://maestroaeious101.blogspot.com/2015/05/metalinggwistikong-
pagtalakay-sa-wika.html

Liwanag, Lydia. (ND). Ang Pag Aaral ng Varayti at Varyasyon ngWika: Hanguang

Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik

Passion, P.(2014) Varyasyong Leksikal sa mga Dayalektong Mandaya. Davao

Oriental State College of Science and Technology, Mati City, Davao

Oriental, Philippines

Yapan A., (2021) Katipunan: Journal ng mga Pag‑aaral sa Wika, Panitikan, Sining

at Kulturang Filipino. Current Issue: No. 8. ISSN: 2507-8348


27

APENDIKS A

I. Talahanayan na mula sa pag-aaral ni Shandra C. Gonsang


(2021) na siyang ginamit na batayan ng mga mananaliksik.
28

II. Talahanayan mula sa pag-aaral ni Fairuz M. Daladangan (2022)


na siyang ginamit ng mga mananaliksik bilang batayan.
29
30

CURRICULUM VITAE

Name: Johaira Ayob Abid


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: October, 9, 2001
Birth Place: Pob.Datu Paglas Maguindanao
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother’s Name: Monawara Ayob Abid
Father’s Name: Thing Balimbingan Abid
Home Address: Datu Paglas Maguindanao

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Tacurong Pilot Elementary School


Secondary: Tacurong National High School
Tertiary: Mindanao State University- GSC
Course & Year: Ab Filipino- 2nd year

ORGANIZATION:

SKILLS: reading and cooking

HOBBIES: watching K-drama, eating, sleeping and etc.


31

CURRICULUM VITAE

Name: Guiarel S. Andang


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: September 28,2001
Birth Place: Prk. Malakas Brgy. San Isidro G.S.C
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother’s Name: Bailyn S. Andang
Father’s Name: Solaiman B. Andang
Home Address: Prk. Datu Ito Andang Brgy. San Isidro G.S.C

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Lagao 2nd Bo. Elementary School


Secondary: Lagao National High School
Tertiary: Mindanao State University G.S.C
Course & Year: Ab Filipino 2nd Year

ORGANIZATION:

SKILLS: Hair Cutting, Cooking, Sewing

HOBBIES: Playing Online Games, Watching Movies


32

CURRICULUM VITAE

Name: Justin D. Badilla


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: March 06,2001
Birth Place: SOCKSARGEN Hospital, General Santos City
Tribe: Cebuano
Religion: Evangelist
Mother’s Name: Jocelyn D. Badilla
Father’s Name: Jessie D. Badilla
Home Address: Phase 1 Blk 16 Lot 16 Gensanville Bula General Santos City

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: Romana C. Acharon Central Elementary School


Secondary: General Santos National Highschool
Tertiary: Mindanao States University
Course & Year: ABFil – 2nd yr

ORGANIZATION:
None

SKILLS:
Visual Arts Skills, Graphic Designer at Lay-out Artist
HOBBIES:
Gumuhit, magbasa at manood ng Marvel Series
33

CURRICULUM VITAE

Name: Melchor Butaya


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: 01-06-2000
Birth Place: San Pedro Caraga Davao Oriental
Tribe: Mandaya
Religion: Christian
Mother’s Name: Melendress Ingay
Father’s Name: Felix Ingay
Home Address: Zone 2 Blk 8 Fatima, General Santos City

EDUCATIONAL BACKGROUND

Elementary: San Pedro Elementary School


Secondary: Caraga National High School
Tertiary: Mindanao State University
Course & Year: AB FILIPINO 2nd Year
ORGANIZATION:
Samahan ng Mag-aaral sa SabFil
SKILLS:
Teaching Kids, Preaching Gospel
HOBBIES:
Spoken poetry, Driving, Basketball

You might also like