You are on page 1of 4

FIL 166

KALAKARAN AT TUNGUHIN SA PAG-AARAL NG WIKA

WRITTEN REPORT

LINGGUWISTIKA

RUEL L. PUGOY
2ND YEAR AB FILIPINO
ruel.pugoy@msugensan.edu.ph
Ano nga ba and LINGUWISTIKA?

Ayon kay Consuelo J. Paz, ang Lingguwistika ay ang

sayantipik o makaagham na pag-aaral ng mga wika ng tao.

Ayon naman kay Gloria V. Miano, ang Linggwistika na ang kahulugan ay ang makaagham na pag-aaral ng mga

wika ay maituturing na isang bahagi ng liwanag na magsisilbing patnubay sa pagunawa sa

mga masalimuot na kahangahangang kapangyarihan ng wika.

Ang linguwistika ay nakatuon sa pag-aanalisa ng bawat apekto ng wika at sa mga pamamaraan sa pag-aaral at pag-

unawa nito.

Pinag-aaralan ng Lingguwistika ang istruktura, katangian pag-unlad at iba pang bagay na may kaugnay sa isang

wika at ang relasyon nito sa iba pang mga wika.

Tatlong Malalaking Aksis ng Linguwistika

• Synchronic at Diachronic

• Teoretiko at Nilapat

• Kontekstuwal at Malaya

Singkronikong Lingguwistika

Ito ay tinatawag ring “Descriptive Linguistics” sa Ingles. Ito ang sangay ng lingguwistika na naglalarawan sa wika

sa isang partikular na panahon. Inilalarawan nito ang aktwal na gamit at balangkas ng wika sa isang tiyak na

panahon. Dito pinag-aaralan ang ponolohiya, morpolohiya at sintaks.

Tatlong Aspekto ng Singkronikong Lingguwistika

• Ponolohiya – pag-aaral ng tunog ng isang wika.

• Morpolohiya – pag-aaral sa morpema o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan.

• Sintaks – sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa

pangungusap.

Dayakronikong Lingguwistika

Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming taon ay ang paksa ng diachronic or historical

linguistics. Samakatuwid, tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng isang wika. Dito gumagawa ng pag-aaral sa

mga pagbabago ng wika. Kilala rin ito sa tawag na “Historical Linguistics” dahil pinag-aaralan nito ang pinagmulan at

ebolusyon ng wika.

Teoritikong Lingguwistika

Ang sangay ng linggwistika na sumisiyasat sa likas na katangian ng wika o mga wika nang walang pagtatangi

para sa mga praktikakl na mga paggamit. Binabahala nito ang pagbuo ng mga teorya ng wika o mga wika. Kilala rin

bilang “General Linguistics” o Pangkalahatang Linguwiatika,


Lingguwistikang Nilalapat

Ito ay tinatawag na “Applied Linguistics” sa Ingles. Ang nilalapat ng lingguwistikang nilapat ay ang mga teoriya ng wika sa ibang

larangan. Ang larangan sikolohiya, at edukasyon, ay may kaugnayan sa Lingguwistikang Nilapat


Malayang Lingguwistika

Binabahala naman ng malayang lingguwistika ang wika para sa kanyang

sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.

Mga Gamit ng Linguwistika:

• Pagsalin ng isang salita sa ibang wika.

• Pag-aaral ng kasaysayan ng wika.

• Basehan sa paggawa ng bagong salita o sa

pagpapalago ng isang wika.

• Basehan sa tamang paggawa at pagamit ng mga pangungusap

You might also like