You are on page 1of 24

..

Gramatika at
Estruktura sa Wika ng
mga Maranao..

.. WIKA ..
-

Wika ay ang Instrumento ng tao sa


pagpapahayag ng sarili upang makamit
ang mithiin at adhikain sa buhay.

Isang Sistema na binubuo ng mga


arbitraryong simbolo ng mga tunog.
Ginagamit para sa komunikasyon ng tao.

..Wikang Filipino..
Ang Pambansang Linggwa franka ng
Pilipinas.
Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Wika sa opisyal na komunikasyon.
Opisyal na wikang panturo at
pagkatuto.

..Wikang Maranao..
Ang Wikang maranao ay ang
ginagamit na wika ng mga
katutubong Maranao. Ito ay may
kakaibang pananalita.
Ginagamitan ito ng matigas na
pagbigkas.

Ponolohiya sa
Wikang Maranao
Ponohiya ang tawag sa pag-aaral ng
mga tunog ng letra/titik sa salita. Ang
ponolohiya sa wikang maranao ay
kagaya lamang ng sa wikang Filipino.

Ponolohiya sa Wikang Maranao

Ponemang Segmental
Ang Ponema ay ang tawag sa makabuluhang
tunog ng wikang Filipino. Mayroon 25
ponema ang Filipino at ito ay nahahati sa
dalawa, ang mga Katinig at mga Patinig.

Ponemang Suprasegmental
Ito ay ang ponemang nagtataglay ng likas na
katangian tulad ng tono o intonasyon, haba
o diin, at hinto o antala.

Ponemang Suprasegmental

Tono o Intonasyon
Ito ay ang taas-baba na iniuukol sa
pantig ng isang salita o pangungusap
upang luminaw ang pakikipag-usap.
Ito ay dumidepende sa paraan kung
paano sinasabi. Kung patanong, pakiusap, o padamdam.

Mga Halimbawa:
Patanong

Maayos ka na ba?
Mapipiya ka den?
Pakiusap/Pautos

Parang awa mo na datu.


Kapedi-pedi kabu lokes-a mama.
Padamdam
Nakakapagtaka!
Piyakamemesa!

Ponemang Suprasegmental

Haba at Diin
Tumutukoy ang Haba sa haba ng
bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa
patinig ng pantig ng salita.
Tumutukoy naman ang Diin sa lakas ng
bigkas ng pantig ng salita.

Mga Halimbawa:

Bu.kas
Mapita
Bukas
Leka
Gabi
Gagawi
Ga.bi
Reti

Ponemang Suprasegmental

Antala/Hinto
Hindi buntis si Bae #
Hindi # buntis si Bae #
Naba maugat si Lokes-a babai #
Naba # maugat si Lokes-a babai #
Hindi # lumaki ang mga sanggol #
Hindi lumaki # ang mga sanggol #
Naba # myamakala so mga wata #
Naba myamakala # so mga wata #

Morpolohiya sa
Wikang Maranao
Ang Morpolohiya ay ang pag-aaral ng
pagsasama-sama ng mga ponema.
Pinag-aaralan dito ang pinakamaliit na
yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.

Morpolohiya sa Wikang Maranao

Morpema
Morpema ang tawag sa pinakamaliit na yunit
ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan
kapag maikabit sa salita.
Mga Halimbawa:

maganda mataid
magalang maadaten
magaling mapasang
malusog malawas

Morpolohiya sa Wikang Maranao

Kayarian o Pagbubuo ng Salita


Ang isang salita na binubuo lamang ng
salitang-ugat ay maaring magresulta ng
isang kayariang..
1. Payak
2. Maylapi
3. Tambalan

Mga Halimbawa:

Payak
saya baya
ulan oran

Maylapi
masaya mabaya
umuulan paguran

Tambalan
kapitbahay siringan
panik panaog

Mga Bahagi ng
Pananalita
Inuri ni Lope K. Santos sa sampu
ang mga bahagi ng pananalita
Narito ang ilan sa mga ito..

Mga Bahagi ng Pananalita

Pangngalan
Tinutukoy itong Nominal sapagkat tumutukoy
ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,
pangyayari at iba pa. Ito ay nasa anyong
Pasalitang simbolo ng mga nabanggit.
Si Ginang Teresita ang aming guro sa Gramatika.
Si Bae a Teresita na aya ami ustada sa Gramatika.

Mga Bahagi ng Pananalita

Panghalip
Tinutukoy na nominal sapagkat tumutukoy
ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,
pangyayari at iba pa. Ginagamit itong
pamalit o panghalili sa Pangngalan.
Isa siya sa mga taong masasabi kong kaibigang
totoo.
Isa skaniyan ko mga tao a maptaro aken a piyur a
ginaway.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pang-uri
Isa itong Panuring sapagkat ginagamit
ito bilang panuring. Ito ang mga
salitang nagsasaad o nagpapahayag ng
katangian o mga salitang naglalarawan.
Antukin sa klase si Regine kaya naman lagi siyang
napapagalitan.
Palaturug sa klas si Regine ino mambu skanyan
dikaprangitan.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pang-abay
Tinatawag itong panuring dahil ito ay
nagbibigay-turing o naglalarawan sa mga
salitang pandiwa, pang-uri at sa isa pang
pang-abay.
Si Hanna lang ata ang natira dito kanina sa
silid.
Si Hanna bu man ata e myalamba saya kagiya
sa kwarto.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pangatnig
Inuuri itong pangkayarian dahil kailangan ito
sa pagbubuo ng pangungusap. Ito ay mga
katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala
o sugnay.
Naiinis ako sa kapatid ko ngunit hindi ko magawang
magalit
Pagulupan ako ko pagari aken ogaid na di aken
karawan karangitan.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pang-ukol
Inuuri itong pangkayarian dahil kailangan ito
sa pagbubuo ng pangungusap. Ito ay ang
katagang iniuugnay sa direksyon, lugar at
kinauukulan.
Dumalo siya sa pagtitipon na iyon alinsunod sa
pinagkasunduan nila.
Sumiyong skaniyan ko gyoto a katitimo mitondog ko
pipasadan iran.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pang-angkop
Inuuri itong pangkayarian dahil
kailangan ito sa pagbubuo ng
pangungusap. Ito ay ang mga katagang
nag-uugnay sa panuring at sa salitang
tinuturingan.
Masunurin na bata si Geraldine kaya
natutuwa ang mga tao sa kanya.
Maparatiyaya a wata si Geraldine ino
mambu pekababayaan o mga tao.

Mga Bahagi ng Pananalita

Pandiwa
Ang pandiwa ay ang salitang nagsasaad
ng kilos at gawa.
Marami ang nahuling baboy ngayon ng mga
mangangaso.
Madakel so myadakep a baboy imanto o mga
mangangaso.

You might also like