You are on page 1of 13

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa

pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng

ibat ib ang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga

at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang

ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi

nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang pilipino sa makab

agong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. gumagamit na

din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli angpagbigkas o

paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng

bokaabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga

letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit

ng salita. Sumunod na halimb awa ay ang pagpapalit ng mga arkayk

na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong

salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas

madaling gamitin at mas magandang b igkasin at pakinggan. At ang

pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na

salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang

ginagamit ng mga kabataan at mga bakla. Ang mga mag-aaral sa

urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na


nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at

ekonomiya.

Layunin ng pag aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang matuklasan at

maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng Samar College ng

Senior High School ang kalagayan ng wikang filipino sa

kasalukuyang panahon. Ang nananaliksik ay naglalayong matugunan

ang mga pangunahing layunin sa mga sumusunod na katanungan.

1. Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang filipino?

2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na

nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang filipino?

3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?

4. Mahalaga pa ba ang wikang filipino sa kasalukuyan?

5. Ang paglipas ng panahon ay isa din ba sa mga naging dahilan

sa pag-unlad ng wika?

6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa

kasalukuyan?

7. Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-

unlad ng ating wika?


8. Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana sa

ating wika?

9. Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng

wika?

10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating

pamumuhay?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging

ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ito

ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi

lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o

nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakianabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila

upang kanilang malaman kung paano umunlad ang wika at ang mga

tamang paraan o salita na kanilang kailangang gamitin na

makatutulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

Sa mamamayang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa

kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at kung paano ito

makakatulong sap ag-unlad ng bayan.


Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaari

nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa

wikasa sinaunang panahon at kung paano ito nagbago.

Saklaw at limitasyon ng pag-aaral

Ang layunin ng pag-aral ay upang malaman ang pagbabago ng

wika noong sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon.

Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga

limitasyon lang na dapat isaalang-alang , ang dahilan nito ay

upang mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Ang

magsisilbing respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga piling

mag-aaral ng Samar College Inc. partikular sa Senior High School.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga kaugnay na literatura

at mga pag-aaral na maaring makatulong sa mga manunuring ito

upang maisagawa at mapagtagumpayan nila ang kanilang

thesis .Marami na ang magazine at pahayagan na naisulat sa

pananaliksik , ngunit karamihan sa mga iyon ay upang makapgbigay

kaalaman sa mga tao at maging sanggunian ng mga pananaliksik.

Kadalasan , tinatalakay ang pananaliksik upang makapagbigay ng

maaring epekto at mas epektibong lunas o sulosyon sa isang

suliranin o mas madaliang salita, makapagbigay ng impormasyon sa

tao. Mangilan-ngilan lamang ang mga akda at literature na may

sariling opinion ng mga taong may kaugnay sa pananaliksik.

Mga kauganay na Literatura

Ayon sa artikulo ni Jefferson O. Evalarosa, sinabi ni Fortunato Sevilla III, presidente ng

UST College of Science, na dahil sa limitadong bokabularyo ng wikang Filipino sa mga teknikal

na konsepto, tinatalakay ng mga siyentipiko ngayon ang mga paksang siyentipiko sa Filipino.

Aminado akong mahirap na gawin. Sinabi niya na ang Filipino ay hindi sapat na siyentipiko

dahil ang mga teknikal na termino ay hindi kailangan sa panahong iyon. Gayunpaman,

naninindigan siya na isang kumpletong akademikong diksyunaryo ang

kailangan mo upang palawakin ang iyong pananaw sa wikang

Filipino.
Ayon sa eksperimento na isinagawa ng GMA News, sinubukan

nilang alamin ang kahulugan ng Arinpuyok, Papagayo at Sakalat

mula sa ilang kabataan at matatanda ngayon. Ayon sa ulat na ito,

masasabing ang lumang wika ay unti-unting natatabunan ng

pagbabago ng mga salita. Ito ay dahil mas sensitibo sila sa

paggamit ng mga modernong salita at Ingles.

Ayon sa pag-aaral ni Yolala (2015) Kasabay ng paglipas

ng panahon, maraming mgapagbabago ang naganap hindi lamang sa

ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malakiang naging

pag-unlad ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo,

kung saan tayo aymay alibata hanggang sa kasalukuyan na

nagkaroon na tayo ng bagong alpabeto. Itinuturing namalaki ang

naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa ngayon

ng wika. Gamitang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika

na mas mapaglagom pa lalo ang saklaw nito.

Batay sa pag-aaral ni Nocum (2015)na Ang Epekto ng

Teknolohiya sa Ating Wika atKultura. Ang Wikang Filipino sa

makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.Gumagamit

na din tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang

pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng


pagpapalawak ng bokabularyo at ang paggamit ng akronim ang

paggamit ng mga letra na nagpepresenta sa isang salita o tumatayo

bilang kapalit ng salita .

Hinggil sa paggamit natin ng teknolohiya sa ating pang

araw-araw na komunikasyon at pakikipag-halubilo sa kapwa tao.

Malaki ang nagiging epekto ng teknolohiya sa ating wika

atkomunikasyon. Karamihan ay mga salitang gawa ng tao na

nagiging normal na sa WikangFilipino at ito ay nagiging

batayan ng bawat indibidwal o grupo sa isang komunidad.

(Mangyao,2016)

Samantala sa pag-aaral naman ni Chua (2018) binigyang din

niya na tunay ngang kaybilis nagbabago ang panahon ngayon

kasabay nito ay ang mga makabagong pamamaraan atkagamitan na

ginagamit sa larangan ng komunikasyon. Ang pagbabago sa wikang

Filipino aymay malaking epekto na maaring mabuti o masama ang

dulot nito sa ating sariling wika. Mabutidahil mas napapabilis

nito ang komunikasyon at pagsasalin nang impormasyon sa ating

wika.Isang halimbawa nang pagbabago ay ang pag-iksi ng mga

salita tulad nang KKB na ibigsabihin ay kanya kanyang

bayad, maiksi lang pero may kahulugan. Mabuting pagbabago

rinang paglikha nang bagong salita na akma sa ating panahon


tulad keyk (cake), selfie (litrato),viral (bagong sikat na

balita),keri (kaya yan) at marami pang iba.

KABANATA III
METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa ayon sa desinyo ng

pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik.Tinagkang ilarawan

at suriin sa pag-aaral na ito hinggil sa kalagayan ng Wikang

Filipino sa Kabataan sa Kasalukuyang panahon sa ilang mag-aaral

ng Samar College Inc-Senior High School.

RESPONDENTE

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-

aaral sa 12-HUMSS ng Samar College Inc.

Ang bilang ng respondente ay nilimitahan sa dalawangpu (20) na

nagmula sa 12-HUMSS.
Mag-aaral Bilang
Lalaki 12
Babae 8
Kabuuan 20

Pinili ng nananaliksik ang mga respondente sa 12-HUMSS sapagkat

sila ang pinakamadaling makatutugun sa mga pangangailangan sa


pamanahong papel na ito at upang magkaroon ng pantay na

representasyon ang baitang na ito.

MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang sarbey kwesyuner ay ginamit upang maipakita ang mga

datos na kinakailangang sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay

pinasagot sa mga mag-aaral ng senior high school na nag-aaral sa

samar college.

TREATMENT NG MGA DATOS

Ang pagtally ang kinakilangang gawin ng mga mananaliksik upang

maibuod ang mga datos ng pag-aaral. Ginamit nito ang talatanungan

sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga

mananaliksik maging sa mga tagasagot' Ang mananaliksik ay

nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro

ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago

ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga

sasagot ng tanong.
SAMAR COLLEGE

Pangalan_____________________baitang at pangkat ________________petsa_______________

1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang filipino?

OO HINDI

2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nkakapekto sap ag-unlad ng wikang

filipino?

OO HINDI

3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang filipino?

OO HINDI

4.Mahalaga paba ang wika sa kasalukuyan?

OO HINDI

5. Ang paglipas ng panahon ay isa din ba sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

OO HINDI

6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan?

OO HINDI
7. Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?

OO HINDI

8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana sa ating wika?

OO HINDI

9.Bilang mag-aaral, may maitutulong ka ba sa pag-unlad ng wika?

OO HINDI

10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?

OO HINDI

You might also like