You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag-unlad ng wikang Filipino

Rasyunale ng Pag-aaral

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito
tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. mas nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang
naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa
pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior
High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin
na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa
pagbababad sa mga social networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito
ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino.
Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako
naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din ang pag-unlad at
pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang
pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng
akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas
madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit noong unang panahon
upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na
salita, ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay
gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan
at ekonomiya.

Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang kahalagahan ng pag-aaral na
isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan
patungkol sa modernisasyon ng wika. Gamit ang mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging
batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.
Buod ng Pagaaral
Mahalaga ang modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-unlad ng bansa, ngunit hindi natin dapat kalimutan ang mga
tradisyonal na yaman ng wika. Ito ay nagpapakita ng adaptability ng wika sa pag-angkop sa pangangailangan ng panahon,
pinaigting na komunikasyon, pagsusulong ng kultura, modernong pamamaraan ng pagtuturo, at pang-unlad ng
ekonomiya. Gayunpaman, mahalaga rin na itaguyod ang mga katutubong aspeto ng wika at kultura, na nagpapahayag ng
ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa kabuuan, ang wikang Filipino ay pundasyon ng ating pambansang
pagkakakilanlan at dapat itong mahalin at itaguyod sa kabila ng mga pagbabago sa komunikasyon.

Sanggunian:
• Jonalyn Albay 2017. Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa
pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan.
Unibersidad ng Pangasinan Senior High School.
https://www.academia.edu/33470031/
Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasina
n

• Paulmanal, Janella. "Kalagayan ng Wikang Pilipino sa Modernong Panahon"


https://youtu.be/oQYJ3OKWnzQ?si=JA_VEFBaMVYrSqIm

You might also like