You are on page 1of 6

Epekto ng Modernisasyon ng Wikang Filipino sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Baitang

Labing-isa sa Paaralan ng Don Aguedo Reyes Maboloc Memorial National High School

------------------------------------------------

Isang sulating pananaliksik na iniharap para kay


Bb. Princess Mae Paredes

------------------------------------------------

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Kursong


Filipino 11, Pagbasa at Pagsuri ng Iba't Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

------------------------------------------------

Mananaliksik:

Jethro I. Rosario
Quennie Grace T. Laga
Arnold A. Ranque
Reajane F. Sinaya
Cristian Vincent M. Tuyugon
Angela M. Acedo

Hunyo 2021

1
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW

Rasyonale

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansang Pilipinas. Mas nagkaka-

intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang

kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga

Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa

pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang labing-isa sa paaralan ng Don Aguedo Reyes Maboloc

Memorial National High School. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil

aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol

ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At napuna

din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay tila ba maraming bagong

salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais

din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino.

Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho

ang ibang mga kinagisnang salita.

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din

ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-

ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng

2
mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas

madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit

noong unang panahon upang mas magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa

panahon ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-

ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa

lipunan at ekonomiya.

Sa pagpipili ng paksang ito, ang mga mananaliksik ay isinaalang-alang din ang

kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan nila ito dahil naniniwala silang masasagot

ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa modernisasyon ng wika. Gamit

ang mga makakalap nilang datos at impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan

sa mga suliranin na pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa

pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang labing-isa sa paaralan ng Don Aguedo Reyes Maboloc

Memorial National High School.

Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na sumibol sa aming isipan upang simulan

ang pananaliksik na ito;

1. Paano nakakaapekto ang modernisasyon tungo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?

2. Epekto ba ng modernisasyon, mga makabagong teknolohiya, at social media ang

tuluyang pagkalimot sa mga lumang salita?

3. Pag-uugali o asal ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino.

3
Batayang Teoretikal

TEORYA LEGAL NA BASEHAN

 Theory of Literature of  Artikulo XII Seksyon VI


Language Wikang Pambansa 1987
Mario Miclat,Ph.D.
- Jeje Words
- Beki Language

Investigate Documentaries GMA


Network

“Hindi naman nakakamatay 'yon Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik


kaya lang nagagamit, hindi in
currency,"Almario

 Komersyo
 Transaksiyon
 Intelektwal

Pigura 1

Kahalagahan ng Pag-aaral

4
Sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao, dahil susi ito sa pag-unlad,

pagkakaisa, at pagkaka-unawaan sa ating bayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral at kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila

upang kanilang malaman kung paano nakaaapekto sa ating wikang Filipino ang

bawat salita na lumalabas sa kanilang diwa at maging sa pananalita. Mauunawan ng mga

kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan sa paggamit ng bawat salita

sa paglalabas ng saloobin nila sa social media.

 Sa mga mamamayang Pilipino. Upang ipaalala na pahalagahan at 'wag ipakain sa

sistema ng modernisasyon ang kinagisnang wika at kultura ng ating bansa.

 Sa mga susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang

balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa kanilang pag-

aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang epekto ng

modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang labing-isa sa

paaralan ng Don Aguedo Reyes Maboloc Memorial National High School. May mga tuntunin ng

paggamit ng wika at sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang ang

dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng mga

mag-aaral sa baitang labing-isa, sa kursong GAS, HUMSS, at STEM sa paaralan ng Don Aguedo

Reyes Maboloc Memorial National High School, panuruan 2020-2021, patungkol sa epekto ng

5
modernisasayon ng wikang Filipino kaugnay sa kanilang pag-aaral. Ang bilang ng mga mag-

aaral na naging bahagi ng sarbey sa pananaliksik na ito ay apatnapung (40) populasyon. Ang

pagtitipon ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangan na impormasyon ay

ginawa sa Villa Teresita, Ubay, Bohol.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na

salita ay binibigyang-katuturan:

 Conyo- isa ring uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang wikang Filipino at

Ingles upang maging sosyal kung papakinggan.

 Facebook- ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-

aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya

 Jejemon- isang uri ng salitang balbal na kung saan iniiba at pinapa-iksi ang baybay ng

isang salita.

 Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay

 Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na

proseso at prinsipyong maka-agham.

You might also like