You are on page 1of 15

KABANATA I

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa

kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas

nagkaka-intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng

mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi

tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng

ekonomiya ng Pilipinas.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol epekto ng social networking sites sa pag-

aaral ng wikang Filipino sa mga mag-aaral sa Senior High School ng Manat National

High School. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming

napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na

ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social

networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites

na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod

ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito

na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman,

natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga

kinagisnang salita.

1
Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay

patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang

paggamit ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng

wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng

akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang

kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay

ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang

ginagamit ng mga kabataan. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang

pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging

sa lipunan at ekonomiya.

Sa pagpipili ng paksang ito, ang mananaliksik ay isinaalang-alang din ang

kahalagahan ng pag-aaral na isasagawa. Sinimulan ito dahil naniniwala silang

masasagot ang bawat tanong na sumisibol sa kanilang isipan patungkol sa epekto ng

social networking sites sa pag-aaral ng wikang filipino sa mga mag-aaral sa Senior High

School ng Manat National High School. Gamit ang mga makakalap nilang datos at

impormasyon ay siyang magiging batayan ng mga kasagutan sa mga suliranin na

pinag-aaralan ng mga mananaliksik sa pananaliksik na ito.

2
Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay patungkol epekto ng social networking sites sa pag-

aaral ng wikang filipino sa mga mag-aaral sa Senior High School ng Manat National

High School.

I. Pangunahing Suliranin

Narito ang ilan sa mga pangunahing suliranin na sumibol sa aming isipan upang

simulan ang pananaliksik na ito.

1. Paano nakakaapekto ang social networking sites tungo sa pag-unlad ng Wikang

Filipino?

2. Epekto ba ng social networking sites, modernisasyon, mga makabagong

teknolohiya, at social media ang tuluyang pagkalimot sa mga lumang salita?

3. Pag-uugali o asal ng mga respondente sa paggamit ng wikang Filipino

II. Tiyak na Suliranin

Ang mga sumusunod na tanong ay maaaring magbibigay sagot sa mga

tiyak na suliranin tungkol sa pananaliksik na ito.

1. Malaki ba ang papel na ginagampanan ng social networking sites upang

mapaunlad at maipalaganap ang wikang Filipino?

2. Nakakatulong ba sa patuloy na pagyabong ng wikang Filipino ang mga iba’t

ibang social networking sites tulad nga Facebook, Twitter, at Instagram?

3
3. Ang mga bunga ba ng modernisasyon tulad ng social networking sites, text

messaging, blog at iba pa ay isa rin sa mga salik na nakakaapekto sa

pagkabaon sa limot ng mga makalumang salita?

4. Nakakaimpluwensya ba ang mga banyagang salita na siyang nagbubunsod

ng bandwagon effect sa pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino?

5. Bilang isang kabataan at mag-aaral, madalas mo bang gamitin ang wikang

Filipino sa pagpapahayag ng saloobin mo sa social media?

6. Mas mainam bang gamitin ang wikang Ingles sa paglalahad ng iyong saloobin

at opinion sa social networking sites upang mapaigting ang iyong punto?

7. Gumagamit ka ba ng istilong ‘jejemon’ sa pagpapahayag ng iyong

mensahe?

8. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa tuwing ika’y gumagamit ng pormat na

jejemon sa paglalhad ng iyong mensahe?

9. Nakakatulong ba ang pagiging ‘conyo’ sa pananalita sa pag-unlad ng

wikang Filipino?

10. Bilang isang estudyante ng Senior High School, responsable at

maayos mo bang ginagamit ang wikang Filipino sa pag-aaral, pakikisalamuha, at

paglalabas ng saloobin o opinyon sa social media at maging sa realidad?

4
Kahalagahan ng Pananaliksik

Sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao, dahil susi ito sa pag-

unlad, pagkakaisa, at pagkaka-unawaan sa ating bayan. Kaya ang pag-aaral na

ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral at kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa kanila upang kanilang malaman kung paano nakaaapekto sa ating wikang

Filipino ang bawat salita na lumalabas sa kanilang diwa at maging sa pananalita.

Mauunawan ng mga kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan sa

paggamit ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin nila sa social media.

2. Sa mga mamamayang Pilipino. Upang ipaalala na pahalagahan at wag

ipakain sa sistema ng modernisasyon ang kinagisnang wika at kultura ng ating bansa.

3. Sa mga susunod pang mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari

nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa

kanilang pag-aaral.

5
Batayang Konseptwal

Input
Nais ng mgamananaliksik Proseso
na malaman ang mga Awtput
epekto ng social networking Ang mga mananaliksik ay
sites sa pag-aaral ng mamamahagi ng mga Inaasahan ng mga
wikang filipino sa mga mag- nasabing kwestyuner sa mananaliksik sa pag-aaral
aaral sa Senior High School mga mag-aaral na Senior na ito na matukoy ang
ng Manat National High High School upang mabisang pamamaraan ng
School kung kaya't makakalap ng mga paggamit ng wikang Filipino
magsasagawa ang mga impormasyon o datos sa makabagong panahon
mananaliksik ng paglilimbag hinggil sa paksang pinag- upang ang wikang ito ay
ng kwestyuner na aaralan o tinatalakay. patuloy na mapagyaman ng
naglalaman na mga mga kasalakuyan at mga
katanungan hinggil sa susunod pang henerasyon.
paksang pinag-aaralan.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng input-process-output model sa paggawa

ng paradym ng batayang konseptwal ng pag-aaral. Na kung saan ang input frame ay

tumatalakay sa paraan kung ano ang gagawin upang makakalap ng mga datos sa pag-

aaral na isinasagawa. Ang process frame ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin

ng mga mananaliksik ukol sa pagkalap ng mga datos. Samantalang ang output frame

namanay sumasaklaw sa implikasyon ng responsableng pamamaraan ng paggamit ng

Wikang Filipino upang mapagyaman ito.

6
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang

epekto ng social networking sites sa pag-aaral ng wikang filipino sa mga mag-aaral sa

Senior High School ng Manat National High School. May mga tuntunin ng paggamit ng

wika at sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang ang dahilan

nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng

ilan sa mga mag-aaral ng kursong GAS sa Manat NHS, Senior High School,

panuruan 2018-2019, patungkol sa epekto ng social networking sites sa pag-aaral ng

wikang filipino sa mga mag-aaral sa Senior High School. Ang bilang ng mga mag-aaral

na naging bahagi ng sarbey sa pananaliksik na ito ay ang limampung porsyento ng

populasyon. Ang pagtitipon ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangan

na impormasyon ay ginawa sa Manat National High School.

Kahulugan ng mga katawagan

Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binibigyang-katuturan:

 Conyo- isa ring uri ng salitang balbal na kung saan pinaghahalo ang wikang

Tagalog at Bisaya upang maging sosyal kung papakinggan.

 Facebook- ay isang social networking website na libre ang pagsali at

pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya

7
 Jejemon- isang uri ng salitang balbal na kung saan iniiba at pinapa-iksi ang

baybay ng isang salita.

 Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay

 Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang

natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham.

8
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat

sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may

kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan

natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan natin.” Kasabay ng

araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko,

propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng

wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang

layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan lamang nito na kapag ginamit at

pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan ay

maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino:

Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon

noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo

ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng isang bansa ay

siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na ekonomiya nito. Dagdag pa

rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay

multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang

mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi

9
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan

ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang

bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang wika nito

dahil Malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.

Hindi maipagkaka-ilang kasabay ng modernisasyon sa lipunan ay siyang

pagbabago rin ng mga nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang

wikang nakasanayan. Ayon kay Mario I. Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang

Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, “Hindi ngayon lamang dekadang ito

sumulpot ang problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang panlahat. Hindi

noon lamang panahon nina Quezon sa pamahalaang Commonwealth kalahating siglo

ang nakararaan. Pinag-uusapan na iyan kahit noong mahigit apat na raang taon na.”

Isa sa mga salik na siyang nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin patungkol

sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong salita na kung minsan ay nagbubunsod

ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Tulad na lang ng paglaganap ng Jeje words,

Beki language¸ at marami pang ibang nauusong salita na nagiging kadahilanan ng mga

orihinal na termino at kahulugan nito. Ang Investigative Documentaries ni Malou C.

Mangahas, isang Journalist at taga-ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon

and the Filipino Language. Sa dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung

maiintindihan nga ba ng mga Filipino ang wikang Jejemon sa pamamagitan ng

pagpapabasa sa mga ito ng isang partikular na mensahe na nakasulat sa wikang

jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe

dahil sa sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis

naman itong naintindihan ng mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon

10
ay uso at pamilyar na sa kanilang henerasyon. Sinubukan din nilang alamin kung kaya

ng mga kabataan ang tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon. Dito, nadiskubre

nilang higit na binibigyang pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging

malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala

rin sa dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may

limitasyon din ito. Mawawalan ng silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang

nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang pananalita. Ngunit sa kabilang dako

naman ay higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong

panahon at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon. Sa kasalukuyan,

malaki ang kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng

ilang mga salita.

Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for

Literature Virgilio Almario Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na

nawawala sa sirkulasyon. "Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit,

hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng

Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang

lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni

Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng

panahon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo

at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at

nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay

11
tinutukoy na isang set ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at

ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay

napagtibay bilang Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22

sa ilalim ng Artikulo XII Seksyon VI.

Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino

Web ay nagpapahayag na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing

buwan ng Agosto o tuwing may okasyon lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay

mga Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito makalimutan dahil lamang sa mga

bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.

Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang

kinagisnang upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo.

Dahil itinatanag ang wikang Filipino upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa,

kapayapaan, at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng

ekonomiya saisang bansa. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at

transaksiyon ng bawat tao saisang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi

pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng isang

bansa. Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang isang bansa sa mga

aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural.

12
Ayon kay Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle,

“Kapag

walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan,

walang

transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano ay isang paraan ng paggawa

ng transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya ay base sa

kung paano mo

ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong

naintindihan tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may

malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino

(KWF), malaki ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw nagawain ng

bawat Pilipino. Gawin na lamang na halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong

Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong ito ay Filipino. Sa

ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon

ng satispaksyon sa pagitannila dahil natamo nila ang pangangailangan ng bawat isa.

Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa

ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng

pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng

katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi rin na angkatiwasayan ng isang

bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito. Kapagnagkakaroon ng

13
kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas mapapaunlad pa laloang

kanilang ekonomiya.

Para naman kay Vilma Tacbad, komisyner ng KWF mula sa Pampangga,

bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susisa kaunlaran ng bansa.

Binigyan niyang halimbaawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at

China. Di tulad sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay masasabing mahina

sawikang Ingles. Ngunit hindi ito naging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang

bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang

wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad. Sa

bansang ito na Ingles ang itinuturing na pangalawang lengguahe, malaking bagay ang

paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung ikukumpara ang Pilipinas sa

ibang bansa, mas magkakaroon ngmalaking posibilidad na mapaunlad ang ekonomiya

sa pamamagitan ng paglinang sa kunganong sariling atin, Filipino, ang wikang

pambansa.

Sa kabilang banda, bagama’t mabilis ang pag-usbong ng makabagong mundo,

modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text

messaging at social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon

na sa limot o nalilipasan na ng panahon.

Napatunayan ito sa ginawang eksperimento ng GMA News sa Pandacan,

Maynila, sa mismong harapan ng bantayog ng batikang makata at manunula na si

Francisco Balagtas, na siyang nasa likod ng epikong "Florante at Laura." Ayon sa

isinagawang eksperimento ng GMA News, kung saan sinubukan nilang alamin mula sa

mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita

14
kagaya ngalimpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga modernong kabataan

ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang

matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon saulat na ito, masasabi

nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng

kaalaman tungkol sa wika mula sa ating kasaysayan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.

Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,

naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang

kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga

sumusunod at susunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas

na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay

naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali.

15

You might also like