You are on page 1of 2

Asignaturang Filipino na may multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo

Suliranin
Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas
ng pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y
magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa kaunlaran. Ang wika ang
nagsisilbing tulay natin sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon, at sa
pagpapahayag ng ating saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – tila ito ang
tulay na ginagamit ng lahat ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman
magiging dayuhan at maliligaw dito, hindi tulad ng mga wikang hiram lamang mula sa ibang
bansa.
Ngunit sa patuloy na paglaon ng panahon, unti-unting natatabunan ang kahalagahan ng
wikang Filipino sa atin. Isang katunayan dito ang pagpapatupad ng CHED Memorandum Order
no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General Education Curriculum (GEC) na magtatanggal
ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang maipaalam sa
mamamayang Pilipino ang mga maaaring epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa
mga mag-aaral ng kolehiyo. Ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga salik kung bakit ipatutupad ang pagpapatanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo?
2. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na ipatanggal ang asignaturang ito sa kanilang
sistema ng edukasyon?
3. Anu-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?
4. Anu-ano naman maidudulot nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa?

Kahalagahan
Nasa wika ang susi para sa pag-unlad ng intelektwalismo ng bawat Pilipino. Ito ay dapat
na nakadepende sa sariling batis ng kaalaman at tiwalag sa dayuhang tradisyon ng kaalaman
dahil pwede naman at kayang lumikha ng sariling tradisyong intelektwal kung gugustuhin.
Mangyayari lamang ito kung kikilos ang mga intelektwal sa bansa—na siyang inaasahang
mangunguna sa pagtataguyod ng kaunlaran ng isipan ng bawat Pilipino—kung kakalag sila sa
pansarili lamang nilang interes na sila lamang ang umunlad ang pamumuhay. Aksayado ang
kanilang dunong at kakayahan sapagkat hindi ito nagagamit para sana sa benepisyo ng
karamihan at ng lipunan—kulang ang hubog sa kanilang isipan na mag-isip ng para rin sa
bayan—dahil sila mismo ay biktima rin ng ‘misedukasyon’.
Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay
matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.
Sa ganitong diwa, hinihiling ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa kanilang mga pamantasan na
suportahan ang adbokasiya sa hindi pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo na siyang
adbokasiya rin ng libo-libong mamamayan sa buong bansa at maging sa ibayong-lugar. Una,
naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay
nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng “community engagement” ng bawat pamantasan,
sapagkat ang wikang Filipino ang siyang wika ng mamamayan sa mga komunidad na siyang
higit na gumagamit nito. Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t
ibang institusyon sa kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak ng
mga pananaliksik, na higit na magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang
pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga
potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ang wikang
Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng Philippine
Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa
espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto rin
sa espasyo
Sa mga Estudyante. Mahalaga ito sa mga estudyante upang mabigyan sila ng malawak
na kaalaman at mabigyan nila ng pansin kung ano ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa
pagtuturo sa kolehiyo.
Sa mga guro. Mahalaga ito sa mga guro sapagkat malaking tulong din ito
sapagpapalawak ng kaisipan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay aral hindi
lamang sa tamang paggamit ng mga salita kundi sa marami pang aspetong meron ang
asignaturang Filipino.
Sa mga magulang. Mahalaga ito sa magulang sapagkat nagbibigay tulong ito sa mas
maayos na pakikipagusap hindi lamang sa kanilang anak kung hindi pati narin sa bawat taong
kanilang makakausap.
Sa Bansa. Mahalaga ito sa bansa upang magkaroon ng pang malawakang kaayusan at
pag kakaisa ang bawa’t pilipino sa pag gamit ng wikang Filipino.
Sa mga mananaliksik. Mahalaga ito sa ibang mananaliksik upang magamit ng ayos at
ma-itama ang mga maling nakasanayan ng pag gamit ng wikang Filipino.

Layunin
Malaking bagay ang naibabahagi ng asignaturang Filipino lalong-lalo na sa mag-aaral
na nasa kolehiyo. Isa ito sa magiging daan upang mapagbuti at mahasa ang galing sa
pakikipagkomunikasyon at sa pagharap sa bagong bukas at sa pang araw araw na
pamumuhay. Ang tamang paggamit ng wika at tamang pagbigkas nito. ang ibat-ibang mga
pamamaraan ng pagsusulat, pagkakaroon ng kamalayan sa retorika, ang paggamit ng mga
angkop na salita at idioma, kamalayan sa paggawa ng talata, komposisyon, journal, blog/vlog at
marami pang iba,.ang isa sa mga benepisyo at dapat angkinin ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ang paggamit ng sariling wika para sa ganitong layunin at gawain ay nagpapatunay na ang
prosesong intelektwalisasyon ay nangangailangan ng kooperasyon at determinasyon ng mga
mamamayan para tiyak na mapayabong at mapaunlad ang wikang Filipino, ang wikang atin.

You might also like