You are on page 1of 3

Pangalan: Mabag, Trisha Mae A.

Kurso at Seksiyon: BSED SS24

Panuto: Batay sa pinanood na video, bigyang reaksiyon ang mga punto ng


ilang mga kinapanayam sa video, mga nasabi nila hinggil sa CHED Memo 20,
s. 2013. (Ang sasagot lang nito ay ang mga hindi nakapag-recite kanina.)

1. “Pinapatay nito ang itelektuwalisasyon ng Wikang Filipino”


Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan
rin ng unti-unting pagpatay sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino
sapagkat ang gawaing pang intelektuwalisasyon ay pinapangunahan ng
institusyon sa antas tersyarya at ang elemantarya at sekondarya ay susuporta
lamang alinsunod sa DECS 52, 1987. Ang katangian ng isang
intelektwalisadong wika ay dapat ito ay aktibo, marami at malawak ang
gumagamit ng wika partikular na ang pagsulat na anyo kaysa pasalita kung
kaya naman kung buburahin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo batay kay
Ph. D. Ramon Guillermo wala ng magpapatuloy sa mataas na antas ng
pananaliksik sa Filipino at hindi na magiging malay na bahagi ng buhay ng
mga mag-aaral sa unibersidad at kolehiyo ang wikang Filipino. Sa gayon
mababawasan ang gumagamit ng wikang Filipino na magiging sanhi na ito’y
hindi na maging aktibong wika sapagkat hindi na ito napag-aaralan sa
kolehiyo dahil dito hindi na malilinang ang katatasan ng mga mag-aaral sa
tama at wastong paggamit nito pasulat man o pasalita.
Sa kabuuan, pinapatay nito ang pagsulong, pagpapalaganap at
pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang isang akademikong gawain ng
pamantasan. - Ang Asignaurang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ng
malalim na pagpapahalaga sa ating wikang Filipino subalit kung ito ay
buburahin sa kolehiyo hindi na magiging mabisang wikang panturo ang
Filipino sa agham, Matematika, Inhenyera, Komersiyo, agham Panlipunan,
humanidades at iba pa sapagkat kung walang asignaturnag Folipino sa
kolehiyo hindi matitiyak ang pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan
ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektuwal na diskurso,
kumunikasyon at pananaaliksik.

2. “Hindi ito nagbibigay galang o respeto sa naaabot na ng Wikang Filipino


bilang isang larangan ng siyentipiko at akademikong pag-aaral.”
- Batay sa karanasan ni Dr. Fortunato Sevilla III napakalaki ng kakayahan
ng wikang Filipino na magamit bilang wikang panturo sa mga teknikal na
sabjek gaya nga ng sa Kemistri lalo pa at itoy kanyang ginamit sa pagtuturo sa
nasabing asignatura at siya ay nagugulat sa mabilis na pagkatuto ng kanyang
mga mag-aaral dahil ditto napatunayan niya na ang wikang Filipino ang susi
sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang midyum na ginagamit
ay nakasulat sa wikang nauunawaan nila kung kaya’t mabilis ang kanilang
pag unawa sa mga konsepto ng mga aralin at nagiging interaktibo ang daloy ng
klase. Ang karanasang ito ni Dr. Fortunato Sevilla III ay isa sa matagumpay na
gawaing pang akademiko alinsunod sa 1987 konstitusyon na isinasaad sa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon”.
Malayo-layo na rin ang naabot ng wikang Filipino simula ng ito ay
isinulong ng tertyaryang institusyon bilang isang larangan ng siyentipiko at
akademikong pag-aaral sa katunayan mas lalong lumawak ang bilang ng mga
gumagamit ng wikang Filipino at nagtuturo ng asignaturang Filipino hindi
lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa ibang bansa. Marami na rin
ang nailimbag na mga babasahin, libro at mga pananaliksik gamit ang wikang
Filipino kaya naman isang walang pagsasangalang ang pagbura ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo sa naabot na ng Wikang Filipino bilang isang
larangan ng siyentipiko at akademikong pag-aaral at marami ring mga
probisyon ang nilalabag ang CHED Memo 20, series of 2013 sa pagbura ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo kagay ng Republic Act No. 7104 (Commission
on the Filipino Language Act); Batas Pambansa Bilang 232 (Education Act of
1982); and Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National Commission
for Culture and the Arts). Sa kabuuan, hindi tama ang pagbura ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito’y nagpapakita lamang nang pagkabulag
nang mga tanggal wika sa edukasyon ng kanluran kung kaya’t labis ang
kanilang hangarin na maabot global standard at nakakalimutan ng
pahalagahan ang sariling atin. Ang paggalang ng Wikang Filipino sa larangan
ng pang-akademikong gawain.

3. “Ang Filipino bilang isang Wika ay simbolo ng ating Pagkabansa. Pero hindi
ito dapat manatiling simbolo, ito dapat ay maging isang wika na ginagamit
natin sa lahat ng mga larangan ng ating kaalaman.”
- Ang wikang Filipino ay simbolo ng ating pagkabansa subalit kung ang
wikang binibigkas ng ating labi ay wikang banyaga paano masasabing tayo ay
Filipino? Kung sa larangan ng ating edukasyon walang asignaturang Filipino
sa mataas na antas maipapakita pa ba natin ang paghubog sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa mga Pilipino? Masasabi pa ba natin
na ang ating edukasyon ay naglalayong humubog at humasa ng mga mag-
aaral na maging makabansa kung ang asignaturang Filipino at panikan sa
kolehiyo ay ibabasura? Kung ang mga akdang pampanitikan, mga
pananaliksik at ang midyum ng edukasyon sa Pilipinas ay banyaga masasabi
pa ba natin na ang wikang Filipino ang sumisimbolo ng ating pagka Pilipino?
Ang simbolo ng pagkabansa ay dapat sumasalim sa mga tao kung kaya tang
wikang Filipino bilang simbolo ng ating pagiging Pilipino at pagkabansa ay
dapat na maging isang wika na ginagamit natin sa lahat ng mga larangan ng
ating kaalaman. Dagdag pa rito ang pagiging isang wikang akademiko ng
wikang Filipino ay magsasalba sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa at pagtaguyod
ng nasyonalistang edukasyon na huhubog sa mga mag-aaral na maging mga
makabansa.

You might also like