Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Organisasyon, Unibersidad, at
Institusyon ng Pamahalaan Hinggil sa Kanilang Tindig Laban sa CMO
Bilang 20, Serye 2013 ng Komisyon sa Lalong Mataas ng Edukasyon Una sa lahat ano ba ang posisyong papel? - Ito ay akademikong paguslat ng salaysay na naglalahad ng kuro- kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may akda o natukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. - Nagbibigay daan ito sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa akdamikong pagsulat. - Karaniwang pinagtitibay ang mga posisyong inihaharap gamit ang mga dokumentong ginagamit bilang ebidensya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa. Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Ano ba ang CMO No. 20, Series of 2013? - na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing ligal ang patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. - Nasabi sa memorandum na ito na ang mga asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong ng kolehiyo kapag naipatupad ang K-12 curriculum. - Nasa memorandum din na ang mga General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga grade 11 at 12, kabilang na ang asignaturang Filipino na nasabing General courses na ito. Mga Posisyong Papel ng Iba’t Ibang Organisasyon, Unibersdad, at Institusyon: POSISYONG PAPEL NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO(KWF) - Alinsunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-7 ng 1987 Konstitusyon, dapat magsagawang hakbang ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ngFilipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. - Ang nasabing Memorandum Order ay magbubunga ng pagkawala ng trabaho ngmaraming guro. - Ang pagpapaubaya sa mga institusyon samataas na edukasyon(HEIs) sa pagpili ng wikang gagamitin sa Core Courses ay maglalagay sa Wikang Filipino sa tagibang na posisyon dahil sa patuloy na pamamayani ng Ingles sa edukasyon. - Nanganganib na mawala nang tuluyanang Filipino, hindi lang bilang isang sabjek, kundi bilang wikang panturosa antas tersyarya. - Tiyaking ang kalahati o apat(4) sapanukalang core courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa CMO Blg. 20, s.2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino. - Magsagawa ng mga retooling ng mga guro upang matiyak ang kanilang kahandaan sa pagtuturo ng core courses at edukasyong elektib. POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NGPILIPINAS (PUP) - Taong 2013 nang hiranginng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang sentrong Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito,natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihain nito. - Peligrosong hakbang ang ginawang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg.20na may petsang Hunyo 28 serye 2013. - Ang asignaturang Purposive Communication na nakapaloob sa bagong kurikulum ay halata naming nakakiling sa Ingles kung kaya't aangkinin lamang ito ng Departamentong Ingles sa mga unibersidad at kolehiyo. - Sa Pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiyang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang largest state university in the country na binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga mag- aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa ay matatag na nanindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. POSISYONG PAPEL NGPAMANTASANG DE LASALLE-MAYNILA (DLSU-M) - Kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manilasa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE),ang kaisa-isang Departamento ng Filipino sa buong bansa na may ganitong karangalan. - Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas dahil narin saating pinagdaanang malalim at matagal na kolonisasyon ng mga Amerikano. - Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisang community engagement ng ating Pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. - Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle. - Sa kontekstong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyektong globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. - Ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya'y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. POSISYONG PAPEL NGDEPARTAMENTO NG FILIPINO ATPANITIKAN NG PILIPINAS NGUNIBERSIDAD NG PILIPINAS-DILIMAN (UP-D) - Ang panukala ng CHEd Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sakasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salin-lahi ng mga Filipino. - Ang kunwa'y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapwasa Filipino at Ingles ay lilikha lamangng kompetisyon sa dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang inimaheng wika ng edukado at wikang susi ng kaunlaran. - Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa Sistemang edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970. - Ang pagsisikap ng ating mga ninuno sa pagkilala sa galing at integridad ng lahing Filipino ay mapapalis kung hindi ito maipakikilala sa wikang nakauunawang pasakit at pakikipagsapalarang ibinuwis nila makamit lamang ang kasarinlan. - Napagtagumpayan na ng mga naunangbayani ng bayan ang mga tinatamasa nating pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang karunungang matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman.