You are on page 1of 2

Panuto: Batay sa pinanood na video, bigyang reaksiyon ang mga punto ng ilang mga

kinapanayam sa video, mga nasabi nila hinggil sa CHED Memo 20, s. 2013. (Ang sasagot lang
nito ay ang mga hindi nakapag-recite kanina.)

1. “Pinapatay nito ang itelektuwalisasyon ng Wikang Filipino”


Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan rin ng unti-unting
pagpatay sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sapagkat ang gawaing pang
intelektuwalisasyon ay pinapangunahan ng institusyon sa antas tersyarya at ang elemantarya at
sekondarya ay susuporta lamang alinsunod sa DECS 52, 1987. Ang katangian ng isang
intelektwalisadong wika ay dapat ito ay aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika
partikular na ang pagsulat na anyo kaysa pasalita kung kaya naman kung buburahin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo batay kay Ph. D. Ramon Guillermo wala ng magpapatuloy sa
mataas na antas ng pananaliksik sa Filipino at hindi na magiging malay na bahagi ng buhay ng
mga mag-aaral sa unibersidad at kolehiyo ang wikang Filipino. Sa gayon mababawasan ang
gumagamit ng wikang Filipino na magiging sanhi na ito’y hindi na maging aktibong wika
sapagkat hindi na ito napag-aaralan sa kolehiyo dahil dito hindi na malilinang ang katatasan ng
mga mag-aaral sa tama at wastong paggamit nito pasulat man o pasalita. Sa kabuuan,
pinapatay nito ang pagsulong, pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang isang
akademikong gawain ng pamantasan. - Ang Asignaurang Filipino sa kolehiyo ay
nangangahulugan ng malalim na pagpapahalaga sa ating wikang Filipino subalit kung ito ay
buburahin sa kolehiyo hindi na magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa agham,
Matematika, Inhenyera, Komersiyo, agham Panlipunan, humanidades at iba pa sapagkat kung
walang asignaturnag Folipino sa kolehiyo hindi matitiyak ang pagkakaroon ng mataas na antas
ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektuwal na diskurso, kumunikasyon at
pananaaliksik.

2. “Hindi ito nagbibigay galang o respeto sa naaabot na ng Wikang Filipino bilang isang larangan
ng siyentipiko at akademikong pag-aaral.”
- Malinaw na isisnasaad ng

Mula noon hanggang ngayon, napakalayo na ang narrating ng wikang Filipino at mas napaunlad
at napalawak ito ng ito ng naging pang akademikong wika sa kolehiyo kaya naman kung
buburahin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo ito’y nagpapakita ng walang paggalang sa
naabot na ng wikang Filipino bilang isang larangan ng siyentipiko at akdemikong gawain
sapagkat ang wikang Filipino ay hindi na mandatoryong pag aaralan sa kolehiyo kung kaya;t ang
mga pananaliksik ay isusulat na sa wikang banyaga.

3. “Ang Filipino bilang isang Wika ay simbolo ng ating Pagkabansa. Pero hindi ito dapat
manatiling simbolo, ito dapat ay maging isang wika na ginagamit natin sa lahat ng mga larangan
ng ating kaalaman.”
- Ang wikang Filipino ay hindi dapat manatiling simbolo bagkus dapat ito ay maging wika sa
lahat ng larangan ng ating kaalaman sapagkat ang pagpapahalaga ng simbolo ay makikita sa
repleksiyon nito sa mga tao. A ng wikang Filipino ay simbolo ng ating identidad subalit kung ang
wikang binibigkas ng ating labi ay wikang banyaga paano masasabing tayo ay Filipino? Kung ang
patakan ng ating edukasyong ay nakakiling sa wikang banyaga masasabi pa ba natin na ang
edukasyong ito ay para sa mga mamamayang Filipino? Hindi! Kayat nararapat lamang na
gamitin, pagtibayin , at paunlaring ang wikag Filipino bilang isang wikang pag edukasyon.

You might also like