You are on page 1of 1

Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, sumasang-ayon ka ba o hindi na alisin ang asignaturang

Filipino sa kolehiyo? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Ayon sa supreme court napagdedesisyunan nila na tanggaling ang wikang filipino at maraming Pilipino
ang hindi sumang-ayon dito at meron din naman ang sumang-ayon dito. Sa paglabas ng CHED
Memorandum Order No. 20, series of 2013, nagtulungan ang mga guro ng wika at manunulat ng saliksik
at panitikang filipino na manindigan laban sa polisya sapagkat isinantabi nito ang pagtuturo ng Filipino
bilang isang napakahalagang asignatura sa pilipinas lalo na kolehiyo dapat tinuturo parin hanggang
ngayon sapagkat ito ang dahilan kung bakit ang mga Pilipinong tao ay nagkakaintindihan kahit saan ka
pang pumunta sa Pilipinas kung marunong ka magsalita ng Wikang Filipino ay magkakaintindihan kayo,
at marami pa rin studyante na hindi na hamak magaling magsalita ng Filipino sapagkat karamihan na rito
ay kapag nagsasalita na sila may kasama na ditong Ingles na pananalita kapag hindi na nila alam ang
salita sa Filipino ay ginagawa itong Ingles kasi hindi na nila alam/familiar sa mga salitang malalalim hindi
lang sa kolehiyo pati ang elementarya, high school, senior high school ay ginagawa na rin ito.

Kaya, bakit ng aba hindi dapat tanggaling ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Ang filipino subject ay
tumutungkol sa Wikang Filipino na napakaimportanteng asignatura/subject para sa estudyanteng
elementarya, high school, senior high school, at kahit sa kolehiyo sapagkat nakatatak na ito bilang
Pilipino o ating kultura. Kaya’t hindi ito pwedeng paghiwalayin o pagbukurin at ito nagsisilbing
komunikasyon na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon sa ating bansa.

Napakahalata ng wikang ito sapagkat ito ay gianagamit natin sa pang araw araw kahit saan man tayo
pumunta ito ang naririnig natin sa paligid natin at ito ang nagbubuklod sa atin mula sa mga dayuhan.
Hindi dapat alisin ang Wikang Filipino sa mga unibersidad at pamantasan sapagkat dito mas namumulat
ang sangkaestudyantehan sa tunay na lagay at estado ng ating lipunan. Karagdagan pa dito,sa
pagtanggal sa wikang ito bilang parte ng kurikulum sa kolehiyo, unti unting mawawala at mamatay ang
sarili natin wika at pagkakakilanlan dahil ang pagtanggal ng identidad ng mammayang Pilipino dahil ang
paggamit ng wikang Filipino ay paraan upang maipahayag ang sarili at paraan upang mapanatili pa natin
ang kulturang atin at nakasanayan na natin. Isa pa, ayon kay Dr. Jose Rizal kabataan ang pag-asa ng
bayan at edukasyon ang sus isa kaunlaran. Kaya paano mo masasabi kung magiging pag_asa ang
kabataan kung sila lang din ang mismo sisira o walang alam sa sarili natin wika na kasama/kakambal ng
atin kultura?

You might also like