You are on page 1of 1

Question:

Bilang mag-aaral na nakaranas ng implementasyon ng K-12, sumasang-ayon ka ba o hindi sa


patuloy na implementasyon nito? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Ano nga ba ang Programang K-12? Ang mag-aaral ba ay sumasang-ayon ba dito o hindi? Ano
ba ang epekto sa mga estudyante at magulang? May maitutulong bai to? Ang K-12 ay ang
karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng junior high
school. Ang prograng ito ipinatupad ng pamahalaan at kagawaran ng edukasyon na naglalayong
tulungan ang mga mag-aaral at pantayin ang sistema ng edukasyon, hindi lamang ito sa buong
asia pati rin ito sa buong mundo.

Bilang isang estudyante na naabutan ang K-12 Curriculum, malamang ang una kong/naming
naramdaman isa lamang itong dagdag oras o perwisyo lamang ito sa mga mag-aaral.Gayon din
sa mga magulang na dagdag lang ito sa bayarin at gastos sa matrikula, kaya siguro maraming
mag-aaral at magulang ang nag-alsa patungkol dito. Dahil sa programang ito ay sumasang-ayon
ako na hindi kasi may naitutulong din naman ito sa amin kinabukasyon, hindi man sa ngayon
baka sa susunod na pagkakataon. Sabaihin na natin maihihintulad natin ito sa kolehiyo, ito ay
mas mapapalawak pa nito ang mga kaalaman ng mga mag-aaral upang mas mahusay pa silang
maging magaling sa iba pang larangan at Gawain. Ang programang K-12 ay mas pinainam ang
proseso sa pagkatuto ng mga estudyante sapagkat ito ang mag-eensayo sa mga kabataan.
Halimbawa nito ang mga estudyante na kumuha ngTECH-VOC, dito mas lalawak pa ang
kaalaman nila sa kung ano gusto nilang maging: Chef, Flight attendant at marami pang iba. Ang
ikiganda pa ng programang ito ay maaari kang makapili ng kung ano gusto niyong pagtuunan ng
pansin sa pag-aaral. Kami bilang estudyante na nakaranas o naabutan ng programang ito ay
maraming masasabi hinggil sa usapang ito. Sa programang ito, parang naging maganda rin ang
epekto nito dahil pagtutong mo ng grade 11 at 12 at nakapagtapos ka ay maari kang
makapagtrabho agad dahil sa mga napag-aralan mo sa K-12 Curriculum. Sa sitwasyon na hindi
ako sumasang-ayon ay sinabi kona ito sa unang parte, dagdag lamang ito sa gastos at oras lalo
na sa magulang pero kung titignan natin at aalamin ang mga intensyon ng programng ito ay
malaking maitutulong nito sa lahat ng mag-aaral.

Sa panahong ngayon, sabihin natin na nakapagtapos ka ng grade 12 para maghanap ng


trabaho hindi pa rin maiiwasan o kadali makapasok sa isang trabaho. Mas maganda pa rin kung
ang mga kabataan ay makapagtapos ng kolehiyo para mas madaling makapag aplay o
makapasok sa trabaho at may masasabing may propesyunal. Sapagkat hindi maiiwasan sa mga
mag-aaral ngayon kung ayos ba na hindi na tumuloy sa jolehiyo dahil maaari naman magtrabaho
pagkatapos mo ng grade 12. Dahil sa programang ito ay maaaring mabawasan ang mag-aaral sa
kolehiyo dahil mas gugustuhin pa ng iba makapagtrabo agad para makatulong sila sa mga
magulang nila sa gastusin nila sa bahay ang mga gantong sitwasyon ay hindi afford ang pag-
aaral sa kolehiyo at meron naman na gusgustuhin nalamang makapagtrabaho kaysa mag-aral ulit
ng apat o limang taon sa kolehiyo.

You might also like