You are on page 1of 1

Ang pagpapatupad ng programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa pilipinas ay isa sa

mga pinakakintrobersiyal na isyu sa ating bansa. Marami ang hindi sang ayon sa
pagpapatupad nito. Batid ng oposisyon na isa sa mga dahilan ng papapatupad ng K to 12 ay
para makahanay sa international standards. Ngunit ang kagustuhan ng pamahalaang
mapabilang sa global standard na ito ay nakakatulong at nakakatugon ba sa tunay na
pangangailangan ng bayang pamamahalaan o mas lalo lang nagpahirap sa mga mamamayan?
Tayong mga produkto ng k-12 ay ieexport sa ibang bansa upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Nandoon parin ang ideyang hindi pa tayo malayang bansa dahil hawak pa
rin nila tayo. Bilang isang mag-aaral at studyante ng K-12 aking naranasan ang hirap dahil sa
mas humabang taon ng pag-aaral, may mga nakakaranas din ng depresyon dahil sa mga
napakadaming requirements sa eskwelahan. Para sa mga magulang batid din nito ang
matinding sakripisyo lalong lalo na sa usaping pinansyal dahil sa dalawang taon na idinagdag
sa pag-aaral.Para sa ating pamahalaan nawa’y hingin muna ang opinyon ng mamamayan
hingil sa mga pinapatupad na panukala dahil sila ang mas lubos na naapaektuhan.
Siguraduhin din sanang angkop at may sapat na kakayahan ang ating mga pamahalaan para
tugunan kung ano mang problema ang maaaring kakaharapin.

Pero sigurado ba kayo na lahat tayong mga magaaral ay sang-ayon sa pagpapatupad Ng k-12
curriculum diba hindi!! dahil may mga iba na na Hindi sana-ayon Dito dahil sa hirap ng
buhay dagdag lang ito sa gasto na ating mga magulang dba lahat naman tayo ayaw na
naghihirap ang ating mga magulang.kaya dpat Hindi natin yan sang-ayunan dahil ang
dalawang Taon na idagdag ay ang haba nayan para sa ating mga magaaral,oo may
magagandang idulot ang pagpapatupad Ng k-12 curriculum sa ating mga magaaral dahil para
maging handa Tayo sa kolehiyo pero inisip nyo ba namagkakaiba Tayo Ng estado Ng Buhay
Lalo na kung magsasaka lang ang hanap ng ating magulang dagdag pwerwiso lang ito sa
kanila dahil hindi sapat ang sahod nila sa Isang araw para sa pangngailangan natin Lalo na
kung marami kayong magkakaptid mas mahihirapan talaga Sila kaya dpat hindi Sila
nagpadalosdalos nagpatupad Ng k-12 curriculum dpat tinanong muna nila tayong mga
magaaral kung sang-ayon lahat tayo Dito sapagkat dahil dito maraming hindi nagpapatuloy sa
pagaaral dahil sa kakulangan sa pera at panahon.sahalip na gugulin natin ang panahon sa
kolehiyo at makapagtapos ng maaga kailangan pa ng panibagong dalawang taon kayat
maraming magaaral ang napilitan na tumigil sa pagaaral.Ang kailangan ng ating bansa ang
maraming mangagawa hindi patagalin ang pagaaral ng isang magaaral.

You might also like