You are on page 1of 2

Ang K+12 curriculum ay isang reporma sa edukasyon na isinulong ng Aquino Administration noong taong

2012 para mas pagtibayin ang kalidad ng edukasyon at ng mga estudyanteng pilipino. Ninanaais ng
programang ito na mabigyan ang kabataan ng nararapat na kasanayan at kakayahan para matugunan
ang mga pangangailangan kasabay ng pagbabago ng panahon. Ang K+12 Curriculum ay ang karagdagang
Grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng Senior high school, kung nais na
nilang magtrabaho, o maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o para mas maging handa ang kanilang
sarili sa kolehiyo. Noong taong 2012 at magpahanggang ngayon ay maraming nagsasabi na hindi
nagampanan ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga pangakong nais nilang ipatupad sa
programang K+12 Curriculum. Kaya naman ito'y dapat ng wakasan.

Narito ang tatlong mahahalagang batayan kung bakit kailangang bigyang pansin ang Pagpapatigil sa
Implementasyon ng K+12 Curriculum program:

1. Karamihan sa mga magulang lalo na ang mga nasa middle class na marami ang anak at ang mga nasa
lower class na kaunti ang puhunan ay layunin nilang makapagtapos ng "four years course" sa kolehiyo
ang kanilang mga anak. Ang ating mga kababayang farmers, construction workers, mga labandera at
kung ano pa mang nasa middle or lower class ay pag-iipunan o kakayod-kalabaw sila para mapagtapos
ang kanilang anak ng "four years course" sa kolehiyo. Iniisip nilang pagkatapos ng apat na taon na
pagsasakripisyo nila sa mga anak nilang HighSchool students ay apat na taon lamang sa kolehiyo ang
natitira sa paghihirap/pagtitiis nilang kumayod para lamang mapagtapos ang mga anak nila. Sa
pagdating ng K-12 curriculum, dagdag 2 years pa ang kanilang paghihirap na mapagtapos ang mga bata.
Imbis na apat na taon lang ang gastos sa mga anak ay dinagdagan pa ng dalawang taon. Ang K-12 ay
malaking hadlang sa mga mahihirap nating kababayan.

2. Kakulangan sa Estruktura at kakulangan sa Libro. Wala pa man ang K-12 ay kulang na tayo sa mga
classrooms. Kung mapapansin natin lalo na sa mga publikong paaralan ay may mga estudyante na sa
ilalim ng puno ng manga o puno ng akasya sila nakakaupo tuwing sila'y nag-aaral. Sa pagpasok ng K-12
Curriculum kung saan dalawang taon pa ang naidagdag, mas naging komplikado o magulo ang setup
dahil walang sapat na mga estruktura para sa kanilang pag-aaral, siksikan ang nangyayari in most cases.
Ito'y napakalinaw sa mga rural na lugar. Pangalawa ay ang kakulangan sa mga libro. "Dahil sa katunayan
na ang K-12 ay bagong pasok na curriculum, alam nating there is a lack of textbooks in the different
subject areas of each strand. Very few books and other references are found in the school library." ang
tugon ni Idol Raffy Tulfo.
3. Nang dagdagan ng Grade 11 at Grade 12 ang sekondaryang edukasyon sa ilalim ng K-12 program, isa
sa mga layunin nito ay mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho dahil sa tingin ng DepEd, may
sapat ng kakayahan ang Senior high graduates, pero sa konsultasyon ng National Parents Teachers
Association of the Philippines, 70% ng mga magulang ay ayaw na sa K-12 dahil hindi naman nila
naipatupad ang gusto nilang mangyari kung saan ay makapagtrabaho ang mga nakapagtapos sa Senior
High School. Ayon sa Philippine Statistics Authority noong April 2022, 511,905 ang UNEMPLOYED na
Senior high School Graduates. Karamihan daw sakanila ay hinahanapan ng college degree sa tuwing
sila'y naghahanap ng matinong trabaho. Kung sa gayon ay dapat hindi na nila isinakatuparan ang K-12
dahil nawawalan din naman ito ng kabuluhan kung college graduates ang hanap ng mga sektor ng
industriya.

You might also like