You are on page 1of 2

Guevarra, Julian B.

E-201
“Ang K-12 Curiculum”
Ang K-12 kurikulum ay isang programang ipinatupad ng pamahalan at ng kagawaran ng
edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng
edukasyon upang makasabay sa tinatawag nilang International Standards. Ang k-12 ipinatupad
hindi lamang sa buong Asya, kung hindi halos sa buong mundo. Ang K+12 ay ang karagdagang
grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na
nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo. Ang mga strands na inilagay nila rito ay
ang Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences
(HUMSS), Accountancy, Business, Management (ABM), Technical, Vocational Education and
Training (TVL), at General Education Strand (GAS).
Ayon sa dokyumentaryo na aking napanood, sagabal raw sa Labor Mobility para sa mga
manggagawang Pilipino ang kakulangan ng 2 taon sa Basic Education kung kaya’t ang
pangunahing layunin ng k-12 kurikulum ay pag papabilis ng paghahanap ng trabaho ng
manggagawang Pilipino sa ibang mga bansa. Ang pagpapatupad ng k-12 kurikulum ay nagkroon
ng malaking epekto sa kalagayan ng ating edukasyon dahil sa South-East Asia tayo ang may
pinaka mataas na bilang ng Dropouts sa Basic Education at maaring magkaroon pa ng mataas na
bilang ang mga sestudyante na hindi makapag tapos ng High School dahil rito. Nabanggit din sa
video ang tungkol sa pagtatapos ng Technical Vocational course ay maari nang makapag trabaho
ang mga studyante kahit hindi na mag aral ng kolehiyo at pinaliliit nito ang aksesibilidad at
posibilidad ng Tertiary Education.
Ngunit hindi lamang ang pagdagdag ng 2 taon sa Basic Education ang problema dapat rin
nating pagtuunan ng pansin, dapat rin nating tignan ang sapat na suporta ng estado sa K-12
upang magkaroon ng sapat na aklat, silid aralan, mga upuan, at iba pang mga pasilidad para sa
mga estudyante uopang sila ay maging handa sap ag tapak sa 12 taon ng Basic Education. Sa
kabila ng kahirapan ng mga Pilipino kinakailangan rin ng suporta sakanila upang
makasiguradong makapag tapos isla ng Basic Education dahil ito ang hiningi ng isang bansa
upang umunlad.
Tinalakay rin sa video ang memo ng Commission on Higher Education o CHED na pag
tanggal ng Filipino subjects dahil sa bagong General Curiculum na nilagdaan ni punong
komisyoner Patricia Lucuanan. Ang bagong korikulum ay nakatoon lamang sa mga foreign
subjects kaysa sa mga Filipino subjects ang ating gobyerno. Dahil rito maraming mga Filipino
teachers ang nawalan ng trabho, wala silang maituturo na asignatura sa mga studyante. Mula sa
63 units ng General Curiculum sa kolehiyo ay nabawasan ito at naging 36 units nalamang ito.
Matindi ang epekto ng memo ng CHED sa mga guro ng Filipino at nagkaroon din ng balita na
magsasara na ang ibang departamento ng Filipino sa mga pribadong paaralan dahil ng K-12
kurikulm ay walang asignaturang Filipino.
Ang bagong kurikulum ay pinapatay ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino dahil sa
mga asignatura nitong isinusulong ang lenguaheng ingles kaysa sa Filipino. Ang kurikulum ay
binabagay sa pangangailangan ng mga foreign countries, paghihikayat ng foregn investments sa
pangangailangan ng foreign institutions. Ito ay hindi naka pokus sa pangangailangan ng ating
mamamayang Pilipino kundi ito ay naka pokus sa pangangailangan ng mga foreign countries.
Ako ay produkto rin ng K-12 kurikulum at base sa aking karanasan masasabi kong hindi
pa talagang handa ang mga nakapag tapos ng K-12 sa mga trabaho na kanilang nais pasuklan
dahil mas makakabuting makatapos muna sila ng kolehiyo upang maging mas handa sila sa
pagpasok ng kanilang nanaising trabaho. Isa pa mas pipiliin ng mga kumpanya ang nakatapos ng
4 na taong kurso kaysa sa nakatapos ng Basic Education lamang dahil kung ako rin naman ay isa
sa mga may ari ng kumpanya mas nanaisin kong tanggapin sa trabaho ang mga nakatapos ng 4
na taon sa kolehiyo.
Para naman sa wikang Filipino na nawawala na ng dahil sa bagong kurikulum ay totoong
nkakalungkot lalo na ngayon sa School of Education sa Holy Angel University maraming nag
nanais na kumuha ng Filipino na asugnatura ngunit ito ay nagsara dahil sa nakikita nilang wala
na gaanong asignatura na inaalay sa Filipino. Bilang isang magiging guro sa darating na
henerasyon ako rin ay nangangamba na kakaunti nalmang ang mga magiging asignatura ng mga
darating na kabataan. Hinihiling ko na magkaroon na tayo ng solusyon sa matinding problema sa
ating wika.

You might also like