You are on page 1of 5

KALAGAYAN NG SERBISYO

SA EDUKASYON
Programang Pang Edukasyon
Pinamamahalaan ng Department of Education(DepEd) ang
sistema ng edukasyon sa Pilipinas para sa lahat ng mag-aaral na
Pilipino. Umunlad ang larangan ng edukasyon dahil sa
panibagong programang tinatawag na K to 12 Kurikulum. Sa
ilalim nito, ang lahat ng mag-aaral ay magkakaaroon ng mga
larangan o track na nais nilang kunin pagkatapos ng pag aaral.

• Academic track
• Technical-Vocational-
Livelihood(TVL) Track
• Sports Track
• Arts and Design Track
Bakit nga ba itinulak ng pamunuan ng DepEd ang K to 12 curriculum?
Ayon sa DepEd,ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa
ng 10-taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing
pinakamabisang haba ng panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga
bata. Ganito narin kasi ang programa sa mga bansang maunlad sa buong mundo
Ang pagaaral sa kindergarten at 12 taon basic education ay layong magbigay ng
sapat na panahon para matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga
konsepto at skills na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at
unibersidad, pati na sa pagtratrabaho at pagnnegosyo.
Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito?

• Una, pinapatibay at pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa


Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon
para sa brain development.

• Ikalawa, idinagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons tulad ng


pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate
Change Adaptation, at Information & Communication Technology (ICT), na
sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino.

• Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression—ang pag-uulit


ng pag-aaral ng mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa
pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-
aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang bawat aralin.
• Ika-apat, itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na
Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro
ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na
sinimulang gamitin sa pagtuturo noong 2012-2013: Bicolano, Cebuano,
Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao,
Pangasinense, Tagalog, Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag,
Ivatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon at Yakan ng sumunod na taon.

• Ika-lima, may pitong learning areas at tatlong specialization na maaaring


pagpilian ang mga mag-aaral para sa senior high school, ang 2 taon ng
specialized upper secondary education. Ang Core curriculum learning areas
ay languages, literature, communication, mathematics, philosophy, natural
sciences at social sciences.

• Ika-anim, itinuturo ang information, media at technology skills, learning at


innovation skills, communication skills at life at career skills, para lumaking
handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.

You might also like