You are on page 1of 29

Ang K-12 Kurikulum

ENHANCE BASIC EDUCATION CURRICULUM


“Karapatan ng bawat bata
ang makapag-aral”
Ano ang Programang K to 12?
• Saklaw ng K-12 Program ang 13 taon ng Basic
Education:
• Kindergarten hanggang grade 3
• Grade 4 hanggang grade 6
• Grade 7 hanggang grade 10 (Junior high School)
• Grade 11 hanggang 12 (Senior High School)
Bakit ipinatupad ang 13 taon ng
Basic Education?
Ang Pilipinas ang isa sa pinakahuling
bansa sa Asya at isa na lamang sa
tatlong bansang mayroon 10-year pre-
university cycle sa buong mundo

Angola
Djibouti
Bakit ipinatupad ang 13 taon ng
Basic Education?
Sinasabing ang 13 taoang programa ang pinakamainam na panahon para
mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral para maging
handa sa:

Ito rin ang kinikilalang pamanatayan para sa mga estudyante at propesyunal sa buong mundo.
Bakit ipinatupad ang 13 taon ng
Basic Education?
• Ang K to 12 ang sinasabing
naghahanda sa bawat
Pilipinong mag-aaral para sa
mas mabuting kinabukasan
dahil mas matibay ang
pundasyon nito.
Bakit ipinatupad ang 13 taon ng
Basic Education?
• May mga certification na maaaring kunin ang mga mag-aaral sa bawat
baitang pagkatapos ng elementarya, na nagsasanay at naghahanda sa
kakayahang pang bokasyonal at may specialization, tulad ng Certificate of
Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.
Ano ang Layunin ng K to 12?
• Maging mahusay ang
edukadong lipunan na
nagsisilbing panulakang-bato
tungo sa pagtulong sa pag-
angat at pag-unlad ng
panlipunang Ekonnomiya.
Pangkalahatang Layunin
• Malinang ng isang buo at ganap na
Filipinong may kapaki-pakinanbang na
Literasi
Ano na ang nagawa upang maging
handa para sa K-12?

SY 2011-2012: Unang ipinatupad ang Universal Kindergarten

SY 2013-2014: Simula ng pagpapatupad ng Enhance Curriculum para sa


Grade 1 at Grade 7

2013: Pagsasabatas ng Enhanced Basic Education Act o K to 12 Program

2014: Pagsasabatas ng kurikulum para sa Grade 11-12 (SHS)


Ano ang Kabutihang Dulot nito?
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Una, pinapatibay at
pinapahalagahan ang Early
Childhood Education sa
Kindergarten. Ang unang 6  na
taon ng isang bata ay ang mga
kritikal na taon para sa brain
development.
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Ikalawa, idinagdag sa curriculum ang
makabuluhang life lessons tulad ng
pagbubukas ng diskusyon at pag-aaral
tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate
Change Adaptation, at Information &
Communication Technology (ICT), na sadyang
mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino.
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o
Spiral Progression—ang pag-uulit ng pag-aaral ng
mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang
sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang.
Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t higit na
naiintindihan at naaalala ang bawat aralin.
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Ika-apat, itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag
na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3
baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English.
• May 12 mother tongue languages na sinimulang gamitin sa pagtuturo
noong 2012-2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,
Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense,
Tagalog, Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag,
Ivatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon at Yakan ng sumunod na
taon.
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Ika-lima, may pitong learning areas at tatlong specialization
na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral para sa senior high
school, ang 2 taon ng specialized upper secondary education.
Ang Core curriculum learning areas ay languages, literature,
communication, mathematics, philosophy, natural sciences at
social sciences.
Ano nga ba ang Kabutihang Dulot ng
bagong sistemang ito?
• Ika-anim, itinuturo ang information, media at
technology skills, learning at innovation skills,
communication skills at life at career skills, para
lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na
bilang isang adult.
Ang nabago sa High School o
Sekondaryang Aralin
• Junior High School ang tawag sa dating 4 na taon ng high school. Ang Senior High School naman
ang ika-11 at ika-12 taon, na naghahanda sa mga kabataan para sa kanilang pagtatrabaho. Ito ang
specialized upper secondary education, na base sa kakayahan at interes ng isang mag-aaral.
• Maaari na silang mag-apply ng TESDA Certificates of Competency (COCs) at National
Certificates (NCs) para makapagtrabaho ng ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational at
entrepreneurship courses sila. Kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng Commission of Higher Education (CHED),
magiging sapat ang kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral na nakatapos ng Senior High
School, para makapagtrabaho na ng bokasyonal o magnegosyo, o magtuloy ng pag-aaral sa
kolehiyo.
May mga maaaring piliin para sa specialization, o
"specific tracks” o patutunguhan ng
espesyalisasyon:
• Academic (para sa kolehiyo): Accountancy, Business & Management (ABM),
Humanities & Social Strand (GAS).
• Technical-Vocational-Livelihood, ang para sa technical at vocational learning. Kasama
ang Home Economics, Industrial Arts, Agricultural at Fishery Arts, Information, at
Communications Technology,
• Arts and Design
• Sports
• Sciences (HUMSS) Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), General
Academic At ang bagong dagdag na Maritime.
Mabuti nga ba ang mga Pagbabago?
• Halos 6 na taon na ang nakalipas mula ng sinimulang ipatupad
ang bagong sistemang ito sa mga pampubliko at pribadong
paaralan sa buong Pilipinas.
• Maraming sumalungat noon pa lamang, ngunit sa ngayon, may
karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong
resulta ang programang ito.
Mabuti nga ba ang mga pagbabago?
• Ayon sa mga guro at mga mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12
program sa kanilang mga paaralan, isa sa mga kabutihan nito ay ang
pagkakaroon ng mga asignatura at araling praktikal at nagagamit ng mga
mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay.
• Ang mga aralin ngayon ay may practical application na, ika nga. At dahil
nga mas maraming taon ang pag-aaral at paghahanda, nagiging
competitive ang Pilipino kapag nag-aaply sa ibang bansa. Sunod na kasi sa
education requirements na pang-international, na higit sa 10 taon, base nga
sa programa sa mga mauunlad na bansa.
Ano ang layunin ng pagututro ng
Filipino sa k-12?
• Layunin nitong malinang ang kakayahang komunikatibo,
replektibo/ mapanuring pag-iisip, pagpapahalagang
pampanitikan, ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at
patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
Pamantyang Programa ng Bilang 1-6
• Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at
maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman,
magagamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na
paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.
Pamantyang Programa ng Bilang 7-10
• Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-
iisip, pag-unawa at panunuring pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-
akdang Asyano at Pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kulturan na daigdig.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key
Stage Standards): K-3
• Sa dulo ng baitang 3, nakakaya ng mga mag-aral na ipakita ang kasanayan sa
pag-unawa at pag-iisip sa mga naririnig at nababasang Teksto at ipahayag ng
mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key
Stage Standards):4-6
• Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga mag-aaral ang sigla sa pagtuklas at
pagdama sa pagbigkas at pagsulat ng mga teksto at ipahayag nang mabisa ang
mga ibig sabihin at nadarama.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key
Stage Standards):7-10
• SA dulo ng Baitang 10, naipapamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at salin tekstong
Asyano at Pandaigdig upang matamo ang kultural na literasi.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key
Stage Standards):11-12
• SA dulo ng Baitang 12, naipapamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang
pampanitikan sa tulong ng iba’t ibang disiplina at teknolohiya upang
magkaroon ng akademikong pag-unawa.

You might also like