You are on page 1of 49

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang K+12 ay nangangahulugang kindergarten at ang labindalawang taon

sa elementarya at sekondaryang education. Isang taon sa kindergarten, anim

na taon sa baitang 1 hanggang 6, apat na taon sa junior high school na

tinatawag na baitang 7 hanggang 10, at dalawang taon sa senior high school

na tinatawag namang baitang 11 hanggang 12. Ang mga estudyante sa

elementarya ay makakukuha ng diploma, gayun din sa junior at senior high

school. Ang dalawang taon ng senior high school ay nagbibigay sa kanilang

panahon upang makapamili sa siyensya, teknolohiya, musika, sining,

agrikultura, isport at pagnenegosyo. Ang labindalawang taon ng basic

education ay kailangan upang makarating sa susunod na antas (Mullet 2012).

Agosto 2010 pa lamang ay mayroon nang sistema ang mga paaralan

para maisakatuparan ng Departamento ng Edukasyon. Base sa nakalap ng

DepEd, ang Pilipinas ay hindi pa nakamit ang istandard na kailangan ng mga

estudyante para makipagkompetensya sa internasyonal na lebel. Ang ating

bansa ay nasa pinaka mababang ranggo sa asignaturang Matematika at

Siyensiya sa internasyonal na pagsusulit (Poliquit 60: 2011). Panahon na para

sa ating mga Filipino na saklawin ang ganitong uri ng pagbabago sapagkat


2

tayo lamang na bansa sa Asya ang mayroong 10 taon na programang basikong

edukasyon.

Ayon sa pag-aaral na ang 12-taong basic education curriculum ay nag

reresulta ng mas mainam o mas mahuhusay ang mga mag aaral (Ortal 61:

2012) Ayon kay Presidente Noynoy Aquino, kinakailangan magdagdag ng

dalawang taon sa ating basic education. Para sa mga kayang magbayad

hanggang labing-apat na taon sa pag-aaral bago sa unibersidad. Ang mga

kabataan ay mapupunta sa pinakamahuhusay na Unibersidad at magandang

trabaho bago makapagtapos.

Ang pananaliksik na ito ay nagkaroon ng ideya na pag-aralan ang track

preperens sa pagpapatala sa Senior High School ng mga estudyanteng

Manobo,dahil kadalasan sa mga ito ay hindi alam kung ano ang bagong

kurikulum sa larangan ng edukasyon.Hangarin ng pananaliksik na ito na

bigyang gabay ang unang pangkat sa Senyor Hayskul sa pagpili ng mga trak

preperens na makakatulong sa pag-angat ng kanilang buhay at maging sa

lipunan.

Ang mga nasabing suliranin ang nagbigay sa mga mananaliksik ng

kaisipan na tuklasin ito upang mabigyan ng gabay ang guro,magulang at mga

estudyanteng Manobo sa mga track o strand pipiliin sa larangan ng

akademiko,tech-voc, isports, sining at disenyo.


3

Paglalahad ng Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang track preperens sa

pagpapatala ng mga studyanteng Manobo sa Senior High School.

1.Ano ang propayl ng respondente ayon sa:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 Buwanang kita ng pamilya

1.4 Antas na natapos ng kanilang magulang

2.Ano ang track preperens sa pagpatala sa Senior High School?

A. Academic Track:

A.1 Accountancy, Business and Management (ABM) Strand

A.2 Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand

A.3 Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM)

Strand

A.4 General Academic Strand (GAS)

B.Technical-Vocational-Livelihood(TVL)

C. Sports

D.Arts and Design

3.Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang track preperens at ang

propayl ng mga respondente?

4.Anu-ano ang mga dahilan sa pagpili ng track sa pag-enrol sa senyor

hayskul?
4

Batayang Teoritikal

Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalina -

ng ng isang buo at ganap na Pilipinong may kapaki –pakinabang na

literasi. Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1)

kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip, (3)pagpapa -

halagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin

at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan,

kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na

pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang

pampagtuturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa

administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang

lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang

panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at

pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas

pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean

Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative

Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert Gagne (Heirarchical

Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic

Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language

Proficiency Skills-CALPS at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal


5

na nagsabing “na sa kabataan ang pag-asa ng bayan”. Isinaalang-alang din

ang nasa Banal na aklat na gintong aral na “Ituro sa bata ang wastong landas

upang sa pagtanda ay hindi siya mawawala”. Dahilang Filipino ay nasa

disiplina ng wika, pinag batayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng

wika, mga teorya, simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa

pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at

tekstong palahad.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Guro-Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga gurong Indigenous

People(IP) na madagdagan ang kanilang abilidad sa pagtuturo at nang

malaman nila kung anong trak ang kukunin at pipilin ng mga estudyanteng

Manobo, nang sa ganon ay mapalinang pa nila ang kanilang kaalaman na

nauukol dito.

Mag-aaral- Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito dahil

madaragdagan ang kanilang kaalaman sa kung anong travk ang kanilang

pipiliin na nakaangkla sa kanilang hilig,interest o kagustuhan.Mapagsisikapan

pa nila ang kanilang pag-aaral at mapagtitibay din ang relasyon ng guro at

estudyante.

Pamahalaan- Malaki ang maiaambag ng resulta ng pag-aaral na ito sa

pamahalaan dahil malalaman nila kung ano ang magiging bunga ng paksa.
6

Bukod dito, mapag-aaralan din nila ang pamamalakad ng edukasyon at dapat

isaalang-alang sa bawat desisyon na kanilang gagawin at mas lalong

mapaunlad din nila ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Hypotesis

Ho- Walang kabuluhang kaugnayan ang pagpili ng track preperens at ang

propayl ng mga respondente.

Ha- May kabuluhang kaugnayan ang pagpili ng trak preperens at ang propayl

ng mga respondente.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa Estudyanteng manobo na nasa

ika-sampu(10) na Baitang sa Junior High School, may 50 respondente na

binigyan ng talatanungan hinggil sa pagpili ng track preperens sa Senior High

School at mayroon lamang 15 representanteng pipilin bawat paaralan hinggil

sa pagsagot sa katanungan na tungkol sa paksa.


7

Depinisyon at Terminolohiya

Ang Kto12 - ay isang programang naglalayong palitan ang kurikulum ng

elementarya at sekundaryang edukasyon sa Pilipinas at dagdagan ito ng

dalawang taon.

Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) - Ang strand na ito

ay dinisenyo para sa mga mag-aaral na may layuning kumuha ng natural na

siyensya, inhinyero, arkitektura, matimatika o medisina sa kolehiyo.

Accountancy, Business, and Management (ABM)- Ang strand na ito ay

dinisenyo para sa mga mag-aaral na may layuning kumuha ng pagnenegosyo,

akawntansi, o pamamahala sa kolehiyo.

Humanities and Social Sciences (HUMSS)- Ang strand na ito ay dinisenyo para

sa mga mag-aaral na may layuning kumuha ng pamamahayag, sining ng

komunikasyon,sining ng liberal, edukasyon, at iba pang agham panlipunan sa

kolehiyo.

General Academics (GAS)-Ang strand na ito ay ay para sa mga mag-aaral na

hindi pa nakadesisyon kung anong kursong kukunin sa kolehiyo. Ang mga

mag-aaral ay posibleng bigyan ng maikling bahagi ng kurso upang

matulungan at mapag handaan ang kanyang pipiliing larangan sa hinaharap.


8

Technical Vocational Livelihood- Ang mga mag-aaral na nakatapos ng mga

track na ito ay makakatanggap ng National Certification II at maaari ng maka

aplay sa trabaho. Sila ay maaaring magpatuloy sa pagkuha ng NC III, NC IV,

TM, or NTTC.

Information and Communication Technology- Ang mga mag-aaral na

nakatapos ng mga track na ito ay makakatanggap ng National Certification II

at maaari ng maka aplay sa trabaho. Sila ay maaaring magpatuloy sa

pagkuha ng NC III, NC IV, TM, or NTTC.

Manobo - ay may pagkakaiba sa lahat ng kultura. Sila ay may sariling sistema

sa paggawa ng anumang gawain sa loob ng kanilang komunidad. Nasasalamin

din dito ang kanilang pag-uugali, paraan ng

pamumuhay,pananalampalataya,mga ritwal na naglalarawan ng kanilang

hanapbuhay, kaugalian, mga tradiston, iba’t-ibang paniniwala at mga

pamahiin. Ang gawaing ito ay sumasagisag ng kanilang pagkatao bilang isang

kabataang Manobo na sumisimbolo ng kakayahang maipagmalaki ang sariling

kultura na nagpapa-aalala sa kanilang tungkulin bilang isang responsableng

tagasalin ng kanilang mayaman at kulturang kakaiba sa lahat.

Ang edukasyon - ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang

kasanayan, at sa kailangang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit

higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at


9

karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang

kultura sa mga susunod na salinlahi.


10

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa

pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon

sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na

taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari

nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago maka

pagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos

ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high

school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa

lumang sistema ay tinatawag naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-

12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng Kto12.

Isinaad ni Pangulong Noynoy (Aquino III) at Bro. Armin Luistro na

ang Kto12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang

makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng

makakuha ng certificate of competency level 1 basta ma-satisfy lang ang

requirements ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na

silang magtrabaho matapos ito.Naninindigan pa rin po tayo sa ipinangako


11

nating pagbabago sa edukasyon: at gawin itong sentral na estratehiya sa

pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman: ang mamamayang Pilipino.

“Sa K to 12, tiwala tayong mabibigyang-lakas si Juan dela Cruz upang

mapaunlad—hindi lamang ang kanyang sarili at pamilya—kundi maging ang

buong bansa.” Sabi ng pangulong Noynoy Aquino.

Inilabas nang Kagawaran ng Edukasyon ang detalye ng kanilang

planong pagdaragdag ng parehong isang taon sa primarya at sekundarya o

K+12. Ito ay bahagi ng President Benigno "Noynoy" Aquino III's Educational

Reform Program. Ang Administrasyong Aquino ay naniniwala na ang

pagdaragdag ng mas maraming taon sa pangunahing edukasyon sa Pilipinas

ay maaaring makatulong na malutas ang problema sa pagkawala ng trabaho,

panatilihing mataas sa mga global na pamantayan, at tulong sa mga

estudyante na magkaroon ng mas maraming oras upang piliin ang mga karera

na pinakamahusay na nababagay sa kanilang kasanayan.

Upang ipatupad ang programa, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)

ay may trabaho sa Kongreso na baguhin ang umiiral na batas, ang Batas

Pambansa 232 o ang "Education Act of 1982," na nagsasabing

ang pangunahing pormal na edukasyon ay 10-taong programa.

Pinangunahan na ng Kagawaran ang pagsasagawa ng konsultasyon

hanggang sa unang tatlong buwan ng susunod na taon. Pagkatapos ng

konsultasyon, ang batas ay maaaring maipasa sa 2013, bago ang susunod na


12

halalan," sinabi ni Luistro na ang pagtugon ng pamahalaan sa programang

K+12 ay makatutulong upang ito’y maging posible.

Batay sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang

solusyon ng administrasyon ng Pang. Benigno S. Aquino III sa lumalalang

krisis sa edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga kabataan,

mag-aaral, guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan

ng programa ng makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos

ng gobyerno para rito. Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay maaaring

makapagpalala pa ng sitwasyon.

Samantalang si Senate President Juan Ponce Enrile (2011) ay

nagpapahayag ng suporta sa Departamento ng Edukasyon K+12 dahil

kailangang mapataas ng bansa ang kalidad ng edukasyon upang makasabay

sa internasyonal na lebel.Sabi niya “ Minamaliit ng ibang bansa ang sistema

ng ating edukasyon. Masakit man sa iba,ngunit para sa bansa kailangan

nating gawin ito.” Piaget (1980) nagmungkahi na sa proseso ng akomodasyon

at asimilasyon, ang bawat isa ay lumilikha ng kaisipan nanggaling sa kanilang

karanasan.

Sa aklat na may pamagat na Curriculum Development for Teachers nina

Bilbao P.;Corpuz B.; at Dayagbil F. (2014) may apat na tracks sa Senyor

Hayskul na pwedeng pagpipilian ng mga mag-aaral ito ay ang Academic

Track,Technical-Vocational-Livelihood(TVL),Sports at Arts and Design.Ang

Academic track ay binubuo ng apat na strands at ang bawat strands ay may


13

mga asignaturang dapat kunin ng unang batch na magsisipagtapos sa Junior

High School ito ay ang mga sumusunod:

1. Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand;

Pre-calculus, Basic Calculus, General Biology, General Biology, General

Physics 1, General Physics 2, General Chemistry 1, General Chemistry 2,

Work immersion/ Research/ Career Advocacy/ Culminating Activity.

2. Accountancy, Business and Management (ABM) Strand; Applied

Economics, Business Ethics and Social Responsibility, Fundamentals of

Accountancy, Business and Management, Fundamentals of Accountancy,

Business and Management, Business Math, Business finance, Organization

and Management, Principles of Marketing, Work immersion/ Research/ Career

Advocacy/ Culminating Activity.

Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand; Creative Writing

Creative Non-Fiction:The literacy Essay, World Religions and Belief System,

Trends, Networks and Critical thinking in the 21st Century, Philippine Politics

and Governance, Community engagement, Social Participation and Citizenship,

Disciplines and Ideas in the Social Sciences, Disciplines and Ideas in the

Applied Sciences, Work immersion/ Research/ Career Advocacy/ Culminating

Activity.

General Academic Strand (GAS); Humanities 1, Humanities 2, Social

Sciences 1, Applied Economics, Organization and Management, Disaster

Readiness and Risk Reduction, Elective 1 (from any track/strand), Elective 2

(from any track/strand), Work immersion/ Research/ Career Advocacy/


14

Culminating Activity. Ang mga mag-aaral ay mamimili kung anong track ang

gustong ipagpapatuloy sa pagpapatala sa Senior High School. Kung sakaling

ang pinili ay Acedemic dapat ay nakabase parin ito sa strand kung saan siya

nabibilang.

Sa susunod na taon, ipatutupad na ang K to 12 kung saan ay magdag-

dag ng dalawang taon sa high school.Ayon sa DepEd, layunin na lalo pang

mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa lalo na ang literacy. Nais kasi

ng gobyerno na dagdagan ng dalawang taon ang high school para maging job

ready ang mga ito. Batay kasi sa pagsasaliksik, maraming high school

graduate ang hindi na nagtutuloy sa college dahil sa kahirapan at nais na agad

magtrabaho upang tumulong sa magulang.

Sinalungat naman ni Trillanes ang programa bilang magastos at

mapanganib na experimento na lalong magpapalala ng mga problemang

kinakaharap ng sektor ng edukasyon, partikular na ang malalang kakulangan

sa mga guro at silid-aralan. Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi

muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang

mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga

silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro

at ang kanilang mababang sahod,”


15

Ikinumpara naman ni Flores, na magkaugnay ang nangyayari sa

Kolehiyo kung saan may bantang tanggalin ang pagtuturo ng Filipino sa K-12

na sistema ng edukasyong ipinapatupad sa hayskul.

Base sa pag-aaral na ginawa kamakailan nina former Education Deputy

Minister Abraham Felipe at ni Dr. Carolina Porio, na “walang kaugnayan

ang bilang ng taon ng pag-aaral sa pangkalahatang kalidad ng edukasyon.

“Sa K to 12 Program, nawawala ang [basic] right of education ng mga

bata dahil pinipilit [silang] kunin ang ilang kursong gayong ang kababagsakan

lamang nila ang pagiging isang kontraktwal na manggagawa,” ani

Rep.Tino.Inamin din niyang dismayado siya sa mga naging reporma sa

larangan ng edukasyon magmula pa sa ilalim ng pamunuan ni dating

Pangulong Fidel V. Ramos hanggang sa administrasyon ni Pangulong

Aquino.

Kinondena naman ni Atty. Sonny Matulo, lider ng Federation of Free

Workers, ang programa sapagkat naniniwala siyang hindi maganda ang tunay

na motibo ni Pangulong Aquino sa pagpapatupad nito. “Layunin [kasi] ng

pamahalaang Aquino na i-export ang mga gradweyt sa K to 12 dahil may

kasunduan siya ng magpapadala ng mga manggagawa] ilang malalaking

korporasyon sa ibang bansa,” ani Matulo.

Base sa pag-aaral ng ACT (Alliance of Concerned Teachers), ang mga

pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan sa

mga guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa


16

palikuran. Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng

P259.25 B para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay

tinatayang aabot sa P338.20 B.

Pinapangalawan naman ito ni Nograles (2010) anak ng dating House

Speaker Prospero Nograles, at sinasabi niyang na ang sistema ng

Pampublikong paaralan ay kulang sa karagdagang silid-aralan, mga guro at

kompletong pasilidad na nakakatulong sa pagpapatupad ng programa.

Ang DepEd ay nakatanggap ng mga kritisismo mula sa iba't ibang

grupo para sa kanilang umano'y 'maling prayoridad,' na sinasabi na ang mga

karagdagang dalawang taon ay hindi sagot sa mga pangunahing problema: ang

mababang kalidad ng edukasyon sa bansa.Ang ibang grupo ay may sinabi rin

na ang kakulangan ng badyet ay makakaapekto sa pagpapatupad ng mga

iminungkahing programa. [Read: Pinoy Magsaysay awardees tutulan 12-

taong pangunahing edukasyon cycle ].Gayunman, sinabi ni Luistro na ang

karagdagang mga taon ng paaralan sa ilalim ng sistemang K +12 ay sagot sa

problema ng mababang kalidad na edukasyon sa bansa.

Sinabi din ni Luistro na ang programa ay may positibong epekto sa

ekonomiya ng bansa.Nabanggit niya rin na nagpapakita na ang mga

pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay nagdaragdag ng kabuuang kita ng

isang bansa. Ipinahayag din ng kalihim ng edukasyon na ang buong

Kagawaran ay tiwalang maipapatupad ang programang K+12.


17

Ayon naman kina Dr. Tarcila Javier, Nueva Ecija schools division

superintendent; at Dr. Malcom Garma, City schools division superintendent

ng Cabanatuan, napahalaga ng Kto12 dahil nagbubunga ito ng malaki at

magandang pagbabago sa larangan ng pagtuturo at kalinangan ng mga mag-

aaral.

Pinapangalawahan naman ni Bacani (2000) sinasabing makamit ang

makabagong sistema ng edukasyon ng ating bansa sa pamamagitan sa

kurikulum na pangwika na nakapokus sa mag-aaral. Ang pangunahing layon

nito ay ang paglinang ng mga kasanayang komunikatibo na krusyal na

tungkulin ng bawat gurong Pilipino.

Ayun sa Re-public Act (RA) 8371, kilala bilang indigenous Peoples

Rights Act, o mas kilala bilang homogenous na lipunan, patuloy silang

naninirahan sa isang organisadong komunidad na may lupang nakalaan

upang tayuan ng kanilang sariling tahanan, sama-samang binigkis ng wika,

adwana,tradisyon,kultura, at katutubong relihiyon, makasaysayang

pagkakaiba sa ibang Pilipino.

Batay kay Nakashima (2000) ang kaalaman ng mga katutubo ay

naipapasa sa bawat henerasyon, sa pamamagitan ng pasalita at ritwal na

basehan sa pagsasaka, paghanda ng pagkain, maayos na kalusugan,

edukasyon, konserbasyon at iba pang malawak na aktibidad na napapanatili

sa lipunan maging sa sansinukuban.


18

Manobo o Manuvu o Minuvu ang kahulugan ay tao (person) o

mamamayan (people); maaaring ang orihinal ay mula sa salitang “Mansuba”

mula sa “MAN” (lalaki) at “SUBA” (river), sa madaling salita “taong-ilog (river

people). Ang ikatlong pagkakahango ay mula sa salitang “BANOBO”, pangalan

ng isang bangin (creek) nasa kasalukuyang dumadaloy sa ilog ng Pulangi

dalawang kilometro sa ibaba ng Lungsod ng Cotabato. Ang pang-apat ay mula

sa salitang “MAN” na ang kahulugan ay “unang ninuno”,at “TUVO” na ang

kahulugan at “tubo”, “tumubo”. Ang Manobo ay salitang may pormang

Espanyol. Si Richard Elkins (1996) ang nagbigay ng katumbas na

terminong “Proto-Manobo” upang matukoy ang mga ninuno ng mga hindi

negritong tao ng Mindanao.(BLOG NI BAI)

Sa pahayag ni Bayawan (2008) ang mga manobo ay wika ng mga Obo

manobo na nakatira sa hilaga at kanluran ng Mt.Apo sa lalawigan ng

Cotabato. Ang mga Obo Manobo ay mula sa Kidapawan hanggang Magpet sa

Probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Arquisola (1971) na ang mga kinagisnang paniniwala ng mga

Manobo ay naglalarawan ng kanilang kaugnayan at tradisyon sa kanilang

relihiyon,kabuhayan at maging sa lipunan.

Base naman kay Molen (2005) ang mga Manobo ay mayaman sa

kanilang mabuting pag-uugali tulad ng pagbibigayan,maayos na pagtanggap

ng bisita,pagmamahal sa pamilya at pagrespeto sa nakakatanda.


19

Para kay Bayawan (2005) isa sa kulturang kaugalian ng mga taong

Manobo ay ang pag-sasayaw. Para sa taong Manobo ang pagsasayaw ay parte

ng kanilang buhay na kilalanin silang Manobo.

Inilahad ni Gleason (1978) isang masistemang balangkas ng

sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na gamit na tao sa isang

kultura. Sabi niya hindi maaring maghiwalay ang wika at kutura. Ito ay laging

magkasama sapagkat nakikibahagi sa lipunan ang tao at dahil dito ay may

nabuong sistema ng pamumuhay na nakaiimpluwensya sa sarili.

Ayon kay Enriquez (1985) ang wika , kultura at pag-aaral sa sikolohiya

sa pilipinas, kanyang nabuo ang ibat ibang antas ng mga konsepto na

nagpapatunay sa papel ng wika bilang salamin ng kultura. Ang kahalagahan

ng wika, kultura, at panitikang Filipino ay nagpapaunlad sa bokabularyo ng

wikang pambansa, Impil (2005).

Sa pananaliksik ni Eliosida (1961) sinabi niyang ang edukasyon ng

mga Manobo ay walang tamang sistema sa pagsulat at hindi marunong

magbasa. Tumira sila sa isang pook o liblib na lugar na malayo sa kabihasnan.

Sinalungat naman ni Casquer (2002) sa kanyang pananaliksik sa

Dulangan, Manobo na ang mga magulang ng mga katutubong bata ay may

hangaring makapag-aral ang kanilang mga anak, Subalit maraming mga

balakid na naging dahilan upang matugunan ang eduasyon ng kanilang anak.


20

Inilahad ni Passion (1999) natuklasan niya sa kanyang pag-aaral na

ang mga babaeng Manobo ay may malaking pagtugon na ang kanilang mga

anak ay makapagtapos sa kolehiyo.

Ayon kay Rippberger (2004) Ang isang babaeng lumad o katutubo ay

may malaking pananaw sa edukasayon, naging bukas ang kanilang isipan sa

kanilang karapatan sa lipunan.

Samantala sa aklat na pinamagatang “Putting Together a Picture of

Asian Indigenous Women,” Cariño (2004) nagbigay ng kahulugan kung ano

ang papel na ginagampanan ng mga Babaeng Manobo: Ang mga babaeng

Manobo ay tradisyonal na namumuhay sa patriyarkal na lipunan na kung

saan ang lalaki ang siyang palaging nasusunod. Inilarawan din niya na ang

mga kababaihang Manobo ay palaging may hawak na bata habang inaasikaso

ang kanyang ama’t-ina maging ang kanyang asawa.

Bagamat ang sinabi ni Ramey and Ramey (1994), nagkakaroon ng

matinding hamong kinakaharap ang isang magulang sa pagbibigay ng sapat

na pangangalaga sa kalusugan,edukasyon sa para sa mga anak at iba pang

dapat mayrooon ang isang bata sapagkat mas binibiyang kahalagahan ng mga

magulang ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng bahay,

pagkain, damit kaya hindi gaanong binibigyan kahalagahan ang mga

kagamitan sa eskwela.
21

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo,mga respodente,

instrumentong ginamit, prosedyur at istatistik na pamamaraan ng mga

mananalisik.

Disenyo at paraan ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay hinango ng mga mananaliksik sa kwantitatib at

kwalitatib na disenyo sa pangangalap ng mga datos nang malaman ng mga

mananaliksik ang mga track preperens na kukunin at pagpipilian ng mga

kabataang Manobo sa kanilang pagpapatala sa Senior High School.

Pinili ng mga mananaliksik na gamitin ang paraang sarbey at Focus

Group Discussin (FGD) sa mga respondente upang may kabuluhan ang resulta

ang isinagawang pag-aaral. Ang sarbey ay isinagawa sa Manumba National

High School at sa Magpet National High School.


22

Mga Respondente sa pag-aaral

Ang mga respondente ng mga mananaliksik ay binubuo ng 50 mga

kabataang Manobo. Sa kasalukuyan ay nasa baitang sampu ang mga

respondent.Kumuha kami ng 15 na estudyanteng Manobo sa Manumba

National High School at sa Magpet National High School na may

pinakamaraming respondente na umaabot sa 35 kabataang Manobo. Ito ang

mga piniling paaralan ng mga mananaliksik upang mabigyang kasagutan

ang mga katanungan.

Mga Instrumentong Ginamit sa Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay isang talatanungan sa

pamamagitan ng sarbey at pakikipanayam. Ang mga mananaliksik ay gumamit

ng sarbey-kwestyuner upang malaman ang kanilang propayl at sa mga track

preperens na pipiliin sa pagpapatala sa Senior High School. Humanda sila ng

gabay na katanungan upang malaman ng mga mananaliksik ang mga dahilan

sa pagpili ng mga track preperens sa Senior High School.


23

Prosedyur ng Pananaliksik

Ito ay ilan lamang na isinigawang prosedyur ng mga manananaliksik sa

pagsasagawa ng kanilang pag-aaral:

Gumawa sila ng sulat sa dekana ng Edukasyon upang mabigyang

pahintulot na maisagawa ang sarbey sa Manumba National High School at

Magpet National High School.Makikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa

kanilang kilalang mga kakilalang guro na isa ring Manobo upang makakuha

ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng lugar na gawing respondent sa

pananaliksik na ito.

Inihanda ng mga mananaliksik ang kanilang mga sarbey-kwestyuner

upang mapagtibay ng kanilang tagapayo.Nakipag-ugnayan ang mga

mananaliksik sa iba’t-ibang guro upang bigyan ng balidasyon ang kanilang

mga sarbey-kwestyuner.Isinagawa nila ang sarbey at nagbigay ng

ktalatanungan sa mga respondent.Isinagawa nila ang isahan at masinsinang

pakikipanayam sa mga kabataang Manobo upang malaman nila ang dahilan

sa pagpili ng track preperens sa Senior High School.Nilikum nila ang kanilang

nakuhang mga datos at impormasyon pagkatapos ng kanilang sarbey at

pakikipanayam.
24

Statistikang Pamamaraan

Ang istatistikang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay

ang mean upang malaman nila ang resulta ng track preperens sa Senior High

School ng estudyanteng Manobo.


25

KABANATA IV

PAGLALAHAD NG DATOS AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA

NATUKLASAN

Saklaw ng kabanatang ito ang resulta at pagtalakay sa mga datos na

nakalap sa kanilang nagawang sarbey maging sa panayam na pinagtibay ng

pokus sa pangkat ng pagtalakay (FGD).

Propayl ng mga tagatugon

Nakapaloob sa talahanayang ito ang edad ng mga respondente na

nag-aaral sa ika-sampung baitang sa mataas na paaralan ng Magpet at

Manumba. Makikita sa ibaba ang naging resulta sa ginawang sarbey sa

nasabing paaralan ng mga estudyanteng Manobo. Sa edad na labing-anim at

labing-pito na mga tagatugon kapwa sila may tatlumpu’t-anim na

posyentong nakuha, ito ang pinakamaraming bilang ng mga respondente

na naging resulta sa ginawang sarbey. Mayroon namang sampung bilang ng

mga tagatugon ang may edad na labing-pito o dalawampong bahagdan sa loob

ng isang daang porsyento sa kabuuan habang may anim na porsyento naman

ang edad na labing-walo.Samantala, mayroong isang bilang ng tagatugon o


26

dalawang porsyento ang may edad na labing-siyam pataas batay sa

ipinapakita sa ibaba.

Talahanayan 1.1 Propayl ng tagatugon ayon sa edad

Edad Dalas Porsyento

15 18 36

16 18 36

17 10 20

18 3 6

19 1 2

KABUUAN 50 100

Ang talahanayan 1.1 ay ang propayl ng mga respondente ayon sa edad,

nagpapahiwatig ito na karamihan sa mga tagatugon partikular sa ika-sampung

taon ng Junior high school.Batay sa resulta, binubuo ng tatlumpu’t –anim na

porsyento ang edad na labing-lima at labing-anim sa mga respondente sa

nasabing sarbey. Itinatampok dito na ang tamang edad para sa ika-sampung

baitang ay saklaw dito.

Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng datos hinggil sa kasarian ng

mga tagatugon sa mataas na paaralan ng Magpet at Manumba. Batay sa

paglalarawan na ito, mas marami ang mga tagatugon na babae, na


27

mayroong dalawampu’t-walong bilang o limapu’t-anim na porsyento

samantalang dalawampu’t-dalawang bilang o apatnapu’t-apat na porsyento

lamang ang tagatugon na kalalakihan. Ang nasabing resulta ng pag-aaral

ay batay sa mga datos na nakalap sa ginawang pananaliksik.

Talahanayan 1.2 Propayl ng tagatugon ayon sa kasarian.

Kasarian Dalas Porsyento

Lalaki 22 44

Babae 28 56

KABUUAN 50 100

Ayon naman kay Rippberger (2004) Ang isang babaeng lumad o

katutubo ay may malaking pananaw sa edukassyon, naging bukas ang

kanilang isipan sa kanilang karapatan sa lipunan. Samantala sa aklat na

pinamagatang “Putting Together a Picture of Asian Indigenous Women,”

Cariño (2004) nagbigay ng kahulugan kung ano ang papel na ginagampanan

ng mga Babaeng Manobo: Ang mga babaeng Manobo ay tradisyonal na

namumuhay sa patriyarkal na lipunan na kung saan ang lalaki ang siyang

palaging nasusunod. Inilarawan din niya na ang mga kababaihang Manobo ay

palaging may hawak na bata habang inaasikaso ang kanyang ama’t-ina

maging ang kanyang asawa.Sa kabilang banda, ang mga kalalakihan maging

ang kanilang anak na lalaki ang palaging kasa-kasama sa paghahanapbuhay

at pangangaso (Into the mountains of Tigwahun Manobo).


28

Bagamat iba’t-iba ang interpretasyon ng pag-aaral ng mga akda sa

kulturang kinagisnan ng mga Manobo, nakabatay kung ano ang

kasalukuyang kalagayan ng sistema ng pamumuhay at edukasyon sa

nasabing tribo sapagkat maraming pagbabagong nagaganap sa lipunan na

naging sanhi at epekto ng modernisasyon .

Ang talahanayan 1.3 ay nagpapakita ng mga datos tungkol sa

buwanang kita ng pamilya ng mga respondente. Batay sa resulta, ang

buwanang kita ng pamilya ng mga estudyanteng Manobo sa dalawang

partisipanteng paaralan lumalabas na limampu’t-walong porsyento ng mga

tagatugon ay mayroon lamang limang-daan hanggang isang-libong kita kada

buwan. Habang labing –apat na bahagdan ang nagsabing mayroon silang

buwanang kita na nagkakahalaga ng isang-libo hanggang dalawang-libo at

limang-libo pataas. Samantala apat na tagatugon o walong bahagdan lamang

sa populasyon ang nagsabing kumikita ang kanilang pamilya ng tatlong-libo

pataas kada buwan.

Sa kasalukuyang panahon, dahil sa mabilis na paglaki ng pamilya at

konti na lamang ang lupang sinasaka dahil sa pagbebenta nito ,nakararanas

na sila ng kahirapan. Malaki na ang buwanang kita na isang libo at limang

daang piso (1,500) kada pamilya na mayroong anim na miyembro.

Kinakailangan sa isang pamilya na may anim na miyembro dapat may isang


29

daan at dalawampung kilong bigas (120) at dalawang daang piso (200) para

pambili ng ulam kada buwan upang makakain sila tatlong beses sa isang

araw, "Plano sa Malungtarong Pagdumala ug Pagprotekta sa Yutang Kabilin

sa MakilaIa-Malumpine Tribal Association." TAMBARA 19. p.29.

Talahanayan 1.3 Propayl ng tagatugon ayon sa Buwanang kita ng

pamilya.

Pagitan Dalas Porsyento

500-1,000 29 58

1,001-2,000 7 14

2,001-3,000 2 4

3,001-4,000 4 8

4,001-5,000 1 2

5,001 pataas 7 14

KABUUAN 50 100

Gayunpaman,sa pananaliksik na pinamagatang “Sexual Beliefs and

Reproductive Health of Indigenous Filipinos:The Higaonon of Bukidnon and the

Ata Manobo of Davao” nina Jaime Z. Galvez Tan, Josefina G. Tayag at Allan

Chester Nadate, sinasabing may buwanang kita ang pitompu’t-tatlong

porsyento sa populasyon ang may isang-libo hanggang tatlong- libong piso. Sa


30

pananaliksik din nina Jerry T. Cuadrado at Dr. Helen B. Mantiza “ang

pinaka mahalagang hanapbuhay ng barangay ay pagsasaka at may

buwanang kita na limang-libo hindi lalampas sa sampung-libo lamang (Socio-

Economic Status of Barangay Saguma: Basis for Needs Assessment in

Identifying Specific Project for Extension Program).

Inilahad ni Passion (1999) natuklasan niya sa kanyang pag-aaral na

ang mga babaeng Manobo ay may malaking pagtugon sa pagpapa-aral ng

kanilang mga anak upang makapagtapos sa kolehiyo.

Nagpapatunay lamang na bagamat naghihikahos sa paghahanapbuhay

ang kanilang mga magulang mayroon parin silang pagtugon sa edukasyon

ng kanilang anak.

Ang talahanayan 1.4 ay nagpapakita ng datos tungkol sa antas na

natapos ng magulang ng mga respondente. Binubuo ng limampung tagatugon

ang nasabing pag-aaral at sapat na ito upang malaman ang kasalukuyang

kalagayan ng mga Manobo sa larangan ng akademiko.Ang naging

kaparaanan sa pagkuha ng datos sa kung anong antas ang natapos ng

kanilang magulang ay batay sa pinakamataas na baitang sa pag-aaral.Kung

ating susuriin halimbawa, ang kanyang ama ay nasa antas ng elementarya

lamang samantala ang kaniyang ina ay nakapagtapos sa kolehiyo, ibig sabihin


31

lamang nito na pipiliin ng tagatugon ang pinakamataas na antas sa pag-aaral

ng magulang.

Labing-pitong mag-aaral o tatlumpu’t-apat na bahagdan sa sa isang-

daan na populasyon ang nagsabing ang antas na natapos ng kanilang

magulang ay nakapagtapos ng sekundarya. Pinapangalawahan naman ito ng

antas ng elementarya na mayroong labing-limang bilang o tatlumpung

porsyento sa kabuuan habang nakakuha ng dalawampu’t-apat na bahagdan

o labing-dalawa sa kabuuan ang nagsabing nasa antas ng sekundarya ang

kanilang magulang.

Umabot sa tatlumppung porsyento (30%) ng mga kabataan ang nasa

elementaryang lebel, sampung porsyento (10%) ang nakayapak sa sekundaryang lebel

habang limang porsyento (5%) lamang ang nakaabot sa antas ng kolehiyo. Ang

dahilan kung bakit hindi nakapag-aral at nakapagtapos sa pag-aaral ang mga bata

dahil sa matinding hirap sa pamumuhay, "Plano sa Malungtarong Pagdumala ug

Pagprotekta sa Yutang Kabilin sa MakilaIa-Malumpine Tribal

Association." TAMBARA 19. p.31.


32

Talahanayan 1.4 Propayl ng tagatugon ayon sa Antas na natapos ng

magulang.

Antas na natapos ng Dalas Porsyento


magulang
Antas ng Elementarya 15 30
Nakapagtapos ng 3 6
Elementarya
Antas ng Sekundarya 12 24
Nakapagtapos ng 17 34
Sekundarya
Antas ng Kolehiyo 0 0
Nakapagtapos ng 1 2
kolehiyo
Bokasyunal 2 4
KABUUAN 50 100

Bagamat ang sinabi ni Ramey and Ramey (1994), nagkakaroon

ng matinding hamong kinakaharap ang isang magulang sa pagbibigay ng sapat

na pangangalaga sa kalusugan,edukasyon sa para sa mga anak at iba pang

dapat mayrooon ang isang bata sapagkat mas binibiyang kahalagahan ng mga

magulang ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng bahay,

pagkain, damit kaya hindi gaanong binibigyan kahalagahan ang mga


33

kagamitan sa eskwela. Sa kabilang banda,sinalungat naman ni Eliosida

(1961) sinabi niyang ang edukasyon ng mga Manobo ay walang tamang

sistema sa pagsulat at hindi marunong magbasa. Tumira sila sa isang pook o

liblib na lugar na malayo sa kabihasnan. Pinatunayan sa paglalarawan ni

Casquer (2002) sa kanyang pananaliksik sa Dulangan, Manobo na ang mga

magulang ng mga katutubong bata ay may hangaring makapag-aral ang

kanilang mga anak, Subalit maraming mga balakid ang kinakaharap na

naging dahilan upang hindi matugunan ang edukasyon ng kanilang anak.

Ang talahanayang 2.1 ay kinapalooban ng resulta sa ginawang

pananaliksik gamit ang talatanungan. Ang 50 respondenteng Manobo na

kasalukuyan ay nasa ika-sampung baitang ay binigyan ng pagkakataong

makapamili ng track o strand kung sila ay makapagtapos sa pag-aaral sa

mataas na paaralan. Batay sa naging resulta sa ginawang pag-aaral,

limampung porsyento ng mga respondente ang pumili ng academic track na

kukunin pagdating nila sa Senior High School. Ang Humanities and Social

Sciences (HUMSS) ay nakakuha ng pinakamatas na frequency na may

labindalawang bilang o dalawampu’t-apat na bahagdan sa kabuuang

limampung bahagdan. Sinundan naman ito ng General Academic Strand

(GAS) na may labing-apat na porsyento at panghuli ang Accountancy, Business

and Management(ABM) na mayroon lamang apat na pumili at walong

porsyento sa kabuuan ng resulta.


34

Talahanayan 2.A : Track Preperens sa pagpatala sa Senior High School

Academic Track Dalas Porsyento


Accountancy, Business 4 8
and Management
( ABM)

Humanities and Social 12 24


Sciences (HUMSS)

Science, Technology 2 4
Engineering and
Mathematics
(STEM)

General Academic 7 14
Strand (GAS)

KABUUAN 25 50

Ang talahanayang 2.I ay nagpapahayag ng mga kursong bukas sa mga

paaralan sa larangan ng akademiko na pagpipilian ng mga mag-aaral na

kasalukuyang nasa baitang sampu ng Junior High School.

Ipinapakita sa talahanayang ito na kalahati sa respondente ay pinili ang

Academic Track. Ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) ang

nakakuha ng pinakamataas na bilang at may dalawampu’t-dalawang

porsyento sa kabuuang resulta. Ang strand na ito ay dinisenyo para sa mga

mag-aaral na may layuning kumuha ng pamamahayag, sining ng

komunikasyon,sining ng liberal, edukasyon, at iba pang agham panlipunan sa

kolehiyo.
35

Ang talahanayan na ito ay resulta sa ginawang sarbey ng mga

mananaliksik tungkol sa kung anong track ang pinili ng mga estudyanteng

Manobo na kasalukuyang nag-aaral sa ika-sampung baitang sa Mataas na

Paaralan ng Magpet at Manumba. Batay sa resulta na nasa ibaba mayroong

walong bilang at labing-anim na bahagdan ang pumili ng Home Economics

particular sa strand na cookery. Nagkaroon naman ng interes ang mga

estudyanteng Manobo na piliin ang machining na mayroong anim na bilang

at labing-dalawang bahagdan sa loob ng limampung bahagdan sa kabuuan

sa larangan ng industrial arts. Panghuli naman ang Agricultural crops

Production at automotive na mayroon lamang apat na mag-aaral ang pumili at

may walong bahagdan .Bagama’t kapwa magkapareho ang naging agwat ng

panghuling strand ay iba’t-ibang pananaw naman sila sa pagpili nito.


36

Talahanayan 2.A Track Preperens sa pagpatala sa Senior High School

Technical Vocational Dalas Porsyento


Livelihood (TVL)

Agri-Fisheries:
Agricultural Crops 4 8
Production
Home Economics:
Cookery 8 16
Tailoring 1 2
Informaton
Communication
Technology (ICT):
Computer hardware 2 4
Serving
Industrial Arts:
Automotive 4 8
Machining 6 12
Kabuuan 25 50

Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng datos tungkol sa pagpili ng

mga estudyanteng Manobo sa Technical Vocational Livelihood na Track sa

Senior High School .Batay sa datos, labing –anim na porsyento sa kabuuang

populasyon ang pumili ng cookery sa larangan ng Home-economics. Ang

Smith-Hughes Act of 1917 ay nangangasiwa sa sekundaryang paaralan sa

bokasyunal na edukasyon sa home economics at iba pang larangan. “Kapag

naituro na ito sa babae,pwede narin itong ituro sa lalaki.


37

Makabuluhang Pagkakaiba sa Track Preperens sa Pagpatala sa Senior

High School ng mga Estudyanteng Manobo kung susuriin ayon sa

Propayl ng mga Respondente.

Ang ika-apat na suliranin sa pananaliksik na ito ay tukuyin kung

mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang pagpili ng track sa pagpatala ng

mga estudyanteng Manobo sa Senior High School kung ihahanay ayon sa

kanilang edad, kasarian, buwanang kita ng pamilya at antas na natapos ng

kanilang mga magulang.

Ang talahanayan 4.1 ay nagpapakita ng track preperens ng mga

tagatugon ayon sa kanilang edad. Inihahambing dito ang mean score 3.250,

sources of variation na may 9.751 at computed P-value na 0.028 na mas

mataas sa antas ng kabuluhan (level of significance) na 0.05. Ibig sabihin

lamang na makabuluhan ang pagpili ng mga tagatugon kung susuriin ayon sa

edad sa larangan ng akademiko.

Samantala, ang Technical Vocational Livelihood (TVL) ay may

meanscore na 59.978, sum of squares na 239.911 at computed P-value 0.758

mas mataas sa 0.5 antas ng kabuluhan (level of significance).

Nangangahulugan ito na walang kabuluhan ang pagpili ng TVL ng mga

respondente sa nasabing paaralan.).


38

Talahanayan 4.1 Mahalagang Pagkakaiba ayon sa Edad

Sources of Sources Df Mean P-value Remarks


Variation of Square
Squares
Academic 9.751 3 3.250 0.098 Makabuluhan
Track

Technical
Vocational and
Livelihood
(TVL) 239.911 4 59.978 0.757 Hindi
Makabuluhan

Batay kay Nakashima (2000) ang kaalaman ng mga katutubo ay

naipapasa sa bawat henerasyon, sa pamamagitan ng pasalita at ritwal na

basehan sa pagsasaka, paghanda ng pagkain, maayos na kalusugan,

edukasyon, konserbasyon at iba pang malawak na aktibidad na napapanatili

sa lipunan maging sa sansinukuban.

Gayunpaman, wala ni isang respondente ang pumili ng Pampalakasan

(Sports) maging ang Sining at Disenyo ( Arts and Design) sa kadahilanang

hindi pa ito bukas na kurso sa Mataas na Paaralan ng Magpet at

Manumba.

Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng paghahambing ng mga

datos tungkol sa track preperens ng mga tagatugon ayon sa kasarian. Ang

mean score at ang sources of squares ay kapwa may 0.807 at ang computed

P-value ay 0.419 na mas mataas sa 0.5 antas ng kabuluhan o (level of


39

significance).ito ay nangangahulugan na walang mahalagang kabuluhan ang

pagpili track ng mga respondenteng Manobo sa larangan ng akademiko.

Sa kabilang banda, makikita na magkapareho ang mean score at sources of


square ng Technical Vocational Livelihood (TVL) na may 16.673, at ang
computed P-value ay 0.714 na kung saan mas mataas sa 0.5 antas ng
kabuluhan (level of significance). Nagpapatunay lamang na walang mahalagang
kabuluhan ang papili ng track ng mga tagatugon ayon sa kasarian.

Talahanayan 4.2 Mahalagang Pagkakaiba ayo sa Kasarian

Sources of Sources Df Mean P-value Remarks


Variation of Square
Squares
Academic 0.807 1 0.807 0.419 Hindi
Track Makabuluhan

Technical
Vocational Hindi
Livelihood 16.673 1 16.673 0.714 Makabuluhan
(TVL)

Ang talahanayang ito ay nagbubunyag ng paghahambing ng mga datos

bilang resulta ng pag-aaral kung susuriin ayon sa buwanang kita ng

pamilya. Sa larangan ng akademiko, ang mean score ay may .366 habang

may sources of squares na 1.345 at may computed P-value na 0.906 na kung

saan mas mataas sa 0.5 antas ng kabuluhan (level of significance).

Ipinapahayag dito na walang kabuluhan ang pagpili ng mga tagatugon base

sa buwanang kita ng pamilya.


40

Samakatwid ang mean score ng teknikal, bokasyunal at pangkabuhayan

ay 103.660 habang may 518.3 na sources of squares at may computed P-

value na 0.522. Nagpapatunay ito na walang kabuluhan ang pagpili ng

track ng mga respondente ayon sa buwanang kita ng pamilya.

Talahanayan 4.3 Mahalagang kabuluhan ayon sa Buwanang kita ng mga

tagatugon .

Sources of Sources Df Mean P-value Remarks


Variation of Square
Squares
Academic 1.345 4 .366 0.906 Hindi
Track Makabuluhan

Technical
Vocational 518.3 5 103.660 0.522 Hindi
Livelihood Makabuluhan
(TVL)

Sa panghuling talahanayan ,ipinapakita rito ang paghahambing sa resultang

nakalap kung susuriin ayon sa antas na natapos ng magulang. May mean

score na 1.805 ang pagpili ng akademiko habang ang sources of square ay

may .430 na mas mataas sa 0.5 na antas ng kabuluhan o (level of

significance). Mahihinuha na walang kabuluhan ang pagpili ng track sa Senior


41

High School ng mga respondente kung babasehan ang antas na napos ng

magulang.

Ganito rin naman ang naging resulta sa larangan ng Technical

Vocational Livelihood (TVL) na may 92.202 mean square, 368.810 na sources

of variation at may computed P-value na 0.563. Nangangahulugang mas

mataas ito sa 0.5 na antas ng kabuluhan (level of significance) ibig sabihin na

walang kabuluhan pagkakaiba ang pagpili ng mga respondente sa mga track

sa Senior High School kung susuriin ayon sa antas na natapos ng magulang.

Talahanayan 4.4 Mahalagang Pagkakaiba ayon sa Antas na natapos ng

magulang.

Sources of Sources Df Mean P-value Remarks


Variation of Square
Squares
Academic 4.340 4 1.805 0.478 Hindi
Track Makabuluhan

Technical
Vocational 368.810 4 92.202 0.563 Hindi
Livelihood Makabuluhan
(TVL)

Sapagka't ayon kay Barnard, W. M. (2004) bilang mga magulang ng mga


anak ng mga banyagang- ipinanganak, gumaganap na walang papel sa pang-
edukasyon na mga pagpipilian kung anong kukuning kurso larangan sa
kolehiyo.
42

Talahanayan 4.1: Pokus sa Pangkat ng Pagtalakay

Tema Pangunahing ideya

1. Ano ang dahilan sa pagpili ng Track o 1. makatulong sa kanilang pamilya


Strand sa pagpatala sa Senior High (S1,S4,S7,S8,S9,S10,S11,S13,S14,S15,S18,
School? S23,S26,S27,S30)

2. sariling desisyon ang pagpili ng kurso.


(S1,S2,S6,S7,S8,S10,S15,S21,S24)

3. madagdagan ang kanilang kaalaman


(S1,S3,S4,S11)

4. maiahon sa kahirapan
(S6,S12,S28,S29)

5. mahasa pa ang kanilang natutunan


(S5,S28)

6. maranasan at malaman kong paano


magluto ng masarap na pagkain
(S4,S14,S30)

7. pinili ng kanilang magulang (S16,S22)

8.makatulong sa komunidad sa paghubog


ng buhay at pagkatao ng mga kabataan
(S23)

9.makakuha ng maayos na trabaho (S23)

10.papag-aralin ang kapatid (S24)

11.mapalawak pa ang kaalaman at


kakayahan (S29)

12.makatulong sa simbahan (S14)

13.malapit sa puso (S6)


43

14.para makapangibang bansa (S4)

Ang talahanayang ito ay sumasagot sa katanungan hinggil sa mga

dahilan sa pagkuha at pagpili ng track o strand sa pagpapatala sa senior

high school ng mga estudyanteng Manobo na nag-aaral sa Mataas na

paaralan ng Magpet at Manumba. Makikita rito ang resulta sa ginawang

pakikipanayam ng mga mananaliksik sa nasabing mga paaralan na

pinagtibay ng pokus sa pangkat ng pagtalakay o (FGD). Binubuo ng mahigit

tatlumpung (30) tagatugon ang isinasailalim sa pakikipanayam upang

matukoy ang kanilang mga dahilan sa pagpili ng kurso sa Senior High

School.

Ang pagtulong sa pamilya ang pinaka dahilan ng mga tagatugon sa

pagpili ng track sa pagpapatala sa Senior High School. Ito lumabas na

resulta sa isinagawang pakikipanayam sa mga mag-aaral.( Dos ondahan

ko to kod aam ini no kurso so amoy pokotavang at koddi-oy no

pomilya so araroy koy en nod kohirapan to konamin kod-ubpa. Ang

aking rason sa pagpili ng track ay upang makatulong sa aking pamilya

dahil sa kasalukuyan kami ay lubos na naghihikahos.Pinatunayan ito

ng FGD T1.

S1,S4,S7,S8,S9,S10,S11,S13,S14,S15,S18,S23,S26,S27,S30). Ang aking

rason sa pagpili ng kurso ay upang maktulong sa aking pamilya dahil sa


44

kasalukuyang kalagayan sa sistema n gaming pamumuhay kami ay lubusang

naghihirap sa pang-araw-araw na pangangailangan. Bagamat may positibong

pananaw ang kanilang magulang tungkol sa edukasyon hindi parin nila

kayang suportahan ito dahil hindi sapat ang kanilang kita para mabigyan

ng wastong pangngailangang pang-edukasyon ang kanilang anak. Sa pag-

aaral ni Ramey and Ramey (1994) sinabi niyang “ nagkakaroon ng matinding

hamong kinakaharap ang isang magulang sa pagbibigay ng sapat na

pangangalaga sa kalusugan,edukasyon sa para sa mga anak at iba pang dapat

mayrooon ang isang bata sapagkat mas binibiyang kahalagahan ng mga

magulang ang kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng bahay,

pagkain, damit kaya hindi gaanong binibigyan kahalagahan ang mga

kagamitan sa eskwela.”

Sa kabilang banda, ang mga magulang ng nasabing mga respondente

ay nagpapakita ng malaking suporta sa desisyon ng kanilang mga anak sa

pagpili ng kursong kukunin sa Senior High School sa susunod na taon. “ Id

pili ko inin kurso so ini mandad kos kopii to koddin mgo

ginikanan,oseng dan kung ondan man kos aamon ko no kurso, od

boggoy kon sikandan to suporta koddi-oy.” Pinili ko itong kurso dahil ito

rin ang gusto ko maging ng aking mga magulang, sabi nila kung ano raw ang

pipiliin ko, susuportahan mandin nila ang desisyon ko ,ipinapahayag sa FGD

T1.S1,S2,S6,S7,S8,S10,S15,S21,S24.
45

Gayunpaman, ang pagsisikap at pagtitiyaga ng mga estudyanteng

Manobo sa pag-aaral ay isang implikasyon ng pagkakaroon ng magandang

kinabukasan. Ito ay nakabase sa hilig at interes ng mga mag-aaral sa iba’t-

ibang larangan ng kurso sa Senior High School. Sa sagot ng FGD T1.S29,

ninais niya na sa pamamagitan ng kursong kaniyang pinili, mapalawak pa ang

kanyang kaalaman at kakayahan, madagdagan ang kaniyang kaalaman, at

mahasa pa sa kanilang natutunan na makikita naman sa FGD T1.

S1,S3,S4,S11 at S5,S28 . Nagpapatunay lamang na malaki ang pananaw ng

mga estudyanteng Manobo kung pag-uusapan ang edukasyon.

Samantala hindi lamang binibigyang halaga ng mga tagatugon ang

kanilang sariling hangarin sa buhay kundi pati sa komunidad ay may layunin

silang tumulong at humubog ng pagkatao sa lipunan. “ Dos kodtavang to

koddin pomilya kos rason ambo id pili ko ini,woy kopii ko mandad no

pokotavang at koddin umo pinaagi to koddin kotuwiggan kotovangan

ko kos mgo estudyante to kod kab-ot to kandan no pangandoy FGD

T1.S23.” Dagdag pa rito, may sumagot din tungkol sa paglilingkod at

pagtulong sa mga Gawain sa loob ng simbahan.Nagpapatunay lamang na

hinubog ng may takot at pananalig sa maykapal ang mga mag-aaral ng

kanilang mga magulang. Pinatunayan ito sa FGD T1. S14 “Id pili ko inis

kod-iluto no koddi-oy inin gusto,id angoy ko ini amoy mandad

mokosaddo ad iluto,kon mokopongnga at cookery koppii ko no


46

tavangan ko kos pomilya ko woy poongan diyot simbahan. Pinili ko ang

kursong cookery upang maranasan ko rin ang pagluto ng masarap na

pagkain.Kung makapagtapos ako ng pag-aaral nais kung tulungan ang aking

pamilya at gawain sa loob ng simbahan dahil kung hindi dahil sa Panginoon

hindi ako nakakapag-aral ngayon.

Naniniwala silang sa pamamagitan ng mahusay na pagpili ng track sa

Senior High School makakuha sila ng maayos at marangal na trabaho upang

makatulong sa pag-angat ng buhay ng pamilya at layuning mapag-aral ang

mga kapatid , ayon sa FGD T1. S6,S12,S28,S29 at S24.

Bilang pagtatapos ng kabanatang ito, determinado sila sa kanilang

piniling larangan at nang maiahon ang lebel ng kanilang pamumuhay. Ang

mga estudyanteng manobo ay may malaking responsibilidad na pasanin na

nakaatas sa kanilang balikat. Patuloy na umaasa na sa pamamagitan ng

bagong programa ng K+12 nawa’y maging tulay ito sa pagkakaroon ng tunay

na pagbabago sa buhay ng mga estudyanteng Manobo hindi lamang sa mga

katutubo kundi sa lahat ng tao sa buong bansa.


47

Talasanggunian

Aquino, B. (n.d) Kinuha noong January 3,2016 sa


http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/K-12-sa-pilipinas-ano-
bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-nito.html

ACT (Alliance of Concerned Teachers) kinuha noong January 15,2016 sa


http://www.act-of-concerned-teachers/2015/09/07.

Bayawan T. (2017) Inis Ingod Ta (Our World) Summer Institute of Linguistics-


hilippines,Inc.Translations 2007 Publishers.

Bilbao P.,Corpuz B. at Dayagbil F. (2014):Curriculum Development for


Teachers.Quezon City,Metro Manila.Lorimar Publishing Inc.

Devilla-Gosadan B. (2006): The Relationship Between Education and the Socio-


cultural and Economic Development of the Manobo in Cotabato.

Felipe, A. at Dr. Porio ,C. kinuha noong January 4,2016 sa


http://philstar.com/punto-mo/2015/05/08/1452433/k-12dapat/ituloy.

Flores (n.d)kinuha noong January 3,2016 sa http://philstar.com/punto-


mo/2015/06/09/1452433..

http://www.philippinesbasiceducation.us/2012/05/k-to-12-program-ng-
gobyerno-ng.html (January 15,2015).

Luisto A. (n.d ) kinuha noog Jauary 4,2016 sa http://


www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/k-12-sa-pilinas-ano-bakit-kailan-
at-sino-ang0-apektado-nito.html

Pacatang,M. at Mingo E. (October 2013):Kaalaman at Pagpapahalaga ng mga


Kabataang Manobo sa Kulturang Kinagisnan.

Rep.Tino (n.d) kinuha noong January 3,2016 sa


http://www.akoaypilipino.eu/gabay/gabay/gabay/K-12-sa-pilipinas-ano-
bakit-kailan-at-sino-ang-apektado-nito.html
48

Trillanes A. (n.d) kinuha noong January 3,2016 sa


http://www.trillanes.com.ph/media/press-releases/trillanes-k-12-won-t-solve-
diminishing-quality-of-education/

www.academu.com.

www.Deped.gov.com

www.philippineeducation.com

Jerry T, Cuadrado and Dr. Helen B. Mantiza(2016): Socio-Economic Status


of Barangay Sagum: Basis for Needs Assessment in Identifying Specific
Project for extension program,Research and Extension Program,Agusan Del
Sur College,Karingaj,Assam, India,788711.

Jaime Z. Galvez Tan, Josefina G. Tayag and Allan Chester Nadate (2008):
SEXUAL BELIEFS AND REPRODUCTIVE HEALTH OF INDIGENOUS
FILIPINOS: THE HIGAONON OF BUKIDNON AND THE ATA MANOBO OF
DAVAO. Quezon City: Health Futures Foundation, Inc.

Abraham L. Masendo (2015):The Manobo Tribe Then and Now:An


Ethnography. International Journal of Scientific & Engineering Research,
Volume 6, Issue 4, April-2015.

Ma. Cynthia Rose B. Bautista,Allan B.I. Bernardo and Dina Ocampo (2008):
When Reforms Don’t Transform:Reflections on institutional reforms in the
Department of Education.

Leonard Davis, 1987: THE PHILIPPINES PEOPLE, POVERTY AND POLITICS.


St. Martin's Press, Inc., 175 Fifth Avenue, New York, NY 10010.

Aizamae O. Gonzaga (October 2015): Perception of Parents, Teacher and


Students towards K-12 program implementation in Malabuan High School.

Gloria Dela Cruz Reyes (October 2015):Factors Affecting Teachers Performance


Towards K-12 Basic Education Curriculum of Different Schools of Tulunan.

Ariel M. Macote (December 2015): Perception of Parents, Teacher and


Students towards K-12 Program Implementation

Mullet,Valentina (2012) .The Modern teacher opinion on the K+12


Program.(Vol 61)
49

Ortal, John Rey (2012). The modern teacher. Do we need K+12? (Vol 61) Manila
Publisher Association of the Philippines, Inc.

Ilyn M. Nietes (October 2015). Kahandaan ng mga Guro sa asignturang Filipino


sa bagong implementasyon ng kurikulum na K+12 sa edukasyon
Pansekundarya.

Ambat, Pastor Florentine Beli, Bai Magdalina Pontongan, and Bai Estelita.
"Plano sa Malungtarong Pagdumala ug Pagprotekta sa Yutang Kabilin sa
MakilaIa-Malumpine Tribal Association." TAMBARA 19.1: 17.

Barnard, W. M. (2004). Parent involvement in elementary school and


educational attainment. Children and youth services review, 26(1), 39-62.

Farenga, S. J., & Joyce, B. A. (1999). Intentions of young students to enroll in


science courses in the future: An examination of gender differences.Science
Education, 83(1), 55-75.

You might also like