You are on page 1of 21

1

KABISAAN NG ONLINE CONTENT MODYUL SA PANANALIKSIK


SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NA NASA
IKA-11 BAITANG

Isang Tesis na Iniharap sa Lupon ng mga Guro sa Gwadradong Pag-aaral at


Aplayd Riserts sa Laguna State Polytechnic University,
Los Baños Kampus, Los Baños, Laguna

Bilang Bahagi ng Pag-aaral sa Pangangailangang Itakda sa Pagtamo ng


Digri sa Pagkadubhasa sa Sining ng Edukasyon
Medyor sa Filipino
(MAEd-Filipino)

JOHN MENSON VILLAMIEL SANTIDAD

Hunyo, 2020
2

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman at tumatalakay sa mga literatura, pag-

aaral at mga babasahin na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralaan.

Ang Batas Republika Blg. 10533 na mas kilala sa tawag na Batas sa

Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 (Enhanced Basic Education Act of 2013)

o K to 12 program. Ito ang pinakabagong repormang pang-edukasyon sa Pilipinas

na nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III na naglalayong pagandahin

at baguhin ang sistema ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng karagdagang

taon ng pag-aaral sa batayang edukasyon. Ito ay binubuo ng isa (1) man lamang

taon sa edukasyong Kindergarten, anim (6) na taon sa edukasyong elementarya,

at anim (6) na taon sa edukasyong sekondarya. Kasama sa edukasyong

sekondarya ang apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa

Senior High School. Dahil dito, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng

Basic Education sa ilalim ng K to12 kurikulum (Official Gazette, 2013).

Ayon sa Departamento ng Edukasyon (2015), ang Senior High School ay

ang dalawang huling taon ng K to 12 Program na mayroong apat na track na

maaaring mapagpilian ng mga mag-aaral. Ito ay kinabibilangan ng Academic track,

Technical-Vocational-Livelihood track, Sports track at Arts and Design track. Ang

Academic track ay mayroong apat na strand: 1) Science, Technology, Engineering

and Math (STEM); 2) Humanities and Social Sciences (HUMSS); 3) Accounting,

Business and Management (ABM); at 4) General Academic Strand (GAS).


3

Samantala, mayroong apat na strand sa Technical-Vocational-Livelihood track: 1)

Agri-Fishery Arts; 2) Home Economics; 3) Information and Communications

Technology (ICT); at 4) Industrial Arts. Ito ay nangangahulugan na ang bawat

estudyante na papasok bilang mag-aaral sa ika-11 baitang ay kinakailangang

pumili ng strand kung Academic track o Technical-Vocational-Livelihood track ang

kanilang pipiliin (Departamento ng Edukasyon, 2015). Sa ilalim nito, ang lahat ng

mag-aaral ay makikinabang sa isang Core Curriculum, o mga paksang

pangkalahatan, at mga paksang kapares sa pinili nilang track. Ayon naman sa

DepEd Philippines (2015), sa pangunguna ng dating kalihim ng Kagawaran ng

Edukasyon na si Br. Armin Luistro ay inaasahan na ang bawat graduate ng Senior

High School ay mayroong sapat na kaalaman at kasanayan. Ganoon din ang

pagiging handa nila alin man sa mga ito. Tulad ng magpatuloy sa pag-aaral sa

kolehiyo, maghanap ng trabaho, magsimula ng sariling negosyo, o kumuha pa ng

mas mataas na kasanayang teknikal. Binigyang diin niya na hindi kinakahon ang

mga mag-aaral sapagkat binibigyan sila ng kalayaan pumili kung saan nila gusto

pumunta. Ngunit binigyang diin naman ni Layson (2017) ang sinabi ng DepEd, na

dapat na tiyakin ng mga mag-aaral na akma sa kanilang talento, kaalaman at hilig

ang kursong kanilang nais tapusin. Sapagkat bago tuluyang mag-kolehiyo, ang

mga junior high school ay kailangan munang dumaan sa Senior High School

(SHS), na nasa ilalim ng K-12 program ng DepEd, kung saan pipili sila ng strand

na akma sa pipiliin nilang kurso. Ito ang inaasahang lalong magpapatatag sa

pundasyon ng mga mag-aaral sa sandaling magkaroon na sila ng trabaho sa

hinaharap.
4

` Mayroong apat na track ang Senior High School. Ito ay ang Academic track,

Technical-Vocational-Livelihood track, Sports track at Arts and Design track. Ang

Academic track ay mayroong apat na strand: 1) Science, Technology, Engineering

and Math (STEM); 2) Humanities and Social Sciences (HUMSS); 3) Accounting,

Business and Management (ABM); at 4) General Academic Strand (GAS).

Samantala, mayroong apat na strand sa Technical-Vocational-Livelihood track: 1)

Agri-Fishery Arts; 2) Home Economics; 3) Information and Communications

Technology (ICT); at 4) Industrial Arts. Ito ay nangangahulugan na ang bawat

estudyante na papasok bilang mag-aaral sa ika-11 baitang ay kinakailangang

pumili ng strand kung Academic track o Technical-Vocational-Livelihood track ang

kanilang pipiliin (Departamento ng Edukasyon, 2015).

Ang kurikulum ng Senior High School ay mayroong 15 asignatura para sa

core subjects; pitong (7) asignatura para sa contextualized/Applied subjects at

siyam (9) na asignatura para sa specialization subjects na may kabuuang bilang

31 asignatura. Ang core subjects at contextualized subjects ay ituturo sa lahat ng

track at strand ngunit ang nahuhuli ay ituturo ayon sa konteksto ng pinili nilang

track at strand (Bilbao, Corpuz, & Dayagbil, 2015).

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), problema ang dadalhin ng

K to 12 sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa kawalan ng kahandaan ng

gobyerno; mas lalala ang kakulangan sa pasilidad at mga guro sa paaralan.

Kawalang kahandaan din sa pagsasanay ng mga guro at kakulangan sa mga

gagamiting modules, (Pasion, 2016). Mayroon namang humigit 127.9 milyong

kakulangang aklat sa mga pampublikong paaralan sa bansa na ginagawan ng


5

paraan ng mga guro sa pamamagitan ng pagpapa-photo-copy ng mga kailangang

aklat para sa kanilang mga mag-aaral (Pressreader.com, 2018).

Isa ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

sa mga asignaturang nabibilang sa core subjects na hanggang sa kasalukuyan ay

walang kagamitang pampagtuturo na mula sa Kagawaran ng Edukasyon. Kung

kaya’t tanging curriculum guide lamang ang pinanghahawakan ng guro sa

pagtuturo ng asignaturang ito. Ayon sa pamantayan sa pagganap ng nabanggit na

asignatura, kinakailangan ng mga mag-aaral na makabuo ng isang maikling

pananaliksik na napapanahon ang paksa (Departamento ng Edukasyon, 2013).

Ayon kay O’Hare at Funk (2000, sa Bernales, 2013) ang pananaliksik ay

isang pangangalap ng impormasyon galing sa iba’t ibang hanguan sa

pamamaraang impormatibo at obhetibo. Halos kahalintulad din ng ideya nina

Brandon, L. at Brandon, K. (2008, sa Bernales, 2013) na ang papel pananaliksik

ay isang mahabang sulatin na tungkol sa isang tiyak na paksa na may tamang

dokumentasyon ng mga pinaghanguan ng datos.

Ayon naman kay Gonzales at Calderon sa Benales (2013) may layunin ang

pananaliksik. Una, upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga

batid ng phenomena. Pangalawa, makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi

pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. Pangatlo,

upang mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong

instrument o produkto, Pang-apat, makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances

at elements, Panlima, upang higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati ng

kilalang substances at elements. Pang-anim, upang makalikha ng mga batayan


6

ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon pamahalaan at iba pang

larangan. Pampito, upang ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. Pangwalo,

ay upang mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman. Sa pangkalahatan

ay makikita na malaki ang impluwensya at kapakinabangan ng tao sa pananaliksik

at makikita ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Hindi maikakailang

maraming napagaan ang pamumuhay at napalago ang kabuhayan dahil sa

patuloy na pananaliksik. Kaya nararapat lamang na bigyang pansin ito sa paaralan

upang maisabuhay ang pagawa nito.

Sa pagsulat ng isang pananaliksik sa kolehiyo may mga problemang

kinakaharap sa paggawa nito. May mga mag-aaral na nagsasabi na madali

lamang ang pagsasaliksik subalit, sa pagsulat ng tesis ay maraming namang

bigong gawin ito. Hindi maikakaila na may mga problema ang mga mag-aaral sa

pagbuo nito. Tulad na lamang ng naranasan ng mga mag-aaral sa Indonesia sa

pagsulat ng saliksik sa ikalawa o ikatlong wika gaya ng wikang Ingles. Ito ay

sadyang napakahirap gawin dahil hindi naman ito ang kanilang unang wika. Hindi

lamang ang nilalaman at organisasyon ng pananaliksik ang dapat isipin sapagkat

kailangan din ang wikang gagamitin. (Philip & Pugh, 1994; sa Swarni, 2016).

Ang pag-aaral na ginawa ni Dwihandini (2013) sa Swarni (2016) na

pinamagatang “The Analysis Of The Factors Affecting Undergraduate Students’

Difficulties In Writing Thesis in The English Department of Mahasaraswati

University“. Natuklasan na mayroong tatlong salik na dapat isalang-alang bilang

posibleng sanhing salik sa kahirapan sa pagsulat ng pananalksik, ito ay ang mga

sumusunod: sikolohikal na salik (psychological factor), sosyo-kultural na salik


7

(socio cultural factor) at Lingguwistikang salik (linguistic factor). Sa kinalabasan ng

kanilang pag-aaral, napag-alaman ang sanhi ng kahirapan sa pagsulat ng

pananaliksik ayon sa nangungunang sanhi nito sa bawat posibleng salik sa

kahirapan sa pagsulat ng pananaliksik ayon sa sumusunod: Ang pangunahing

sanhi sa sikolohikal na salik ay ang self esteem. Samantala, sa sosyo-kultural na

salik ay ang kakayahang komunikatibo (communicative competence) ng mga

mananaliksik at sa Lingguwistikang salik naman ay ang domain at extent error

analysis.

Ang pag-aaral na pinamagatang “An Analysis on Factors Causing

Undergraduate Students Difficulties in Writing Thesis” na isinagawa ni Sariyanto

(n.d., sa Swarni, 2016). Sa pag-aaral na ito ay sinuring mabuti ang apat na

pangunahing salik na ipinapalagay bilang posibleng sanhi ng kahirapan ng mga

mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik. Ang apat na salik na ito ay kinabibilangan

ng salik na may kinalaman sa kaalaman sa pangunahing bahagi ng Tesis (basic

knowledge of thesis main components factors), proseso ng konsultasyon bilang

salik (process of consultation factors), sikolohikal na salik (psychological factor) at

ekonomikong salik (economic factor). Ayon sa kinalabasan ng hinuha ng pag-

aaral, ang pinaka sanhi ng kahirapan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng

pananaliksik ay ang salik na may kinalaman sa kaalaman sa pangunahing bahagi

ng tesis. Sa 16 na katanungan na may kaugnayan dito, ang nangibabaw ay ang

pag-analisa ng mga datos bilang pangunahing sanhi na may kinalaman sa

kahirapan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik.


8

Ang pag-aaral na pinamagatang “Students Problems In Writing Research

Proposal” ni Yusuf (2013) sa Swarni (2016) ay sinuring mabuti ang problema sa

pagsulat ng panukalang pananaliksik at dahilan nito. Sa pag-aaral ni Yusuf

nalaman na may tatlong elemento ang panukalang pananaliksik na naging

seryosong problema sa paggawa nito. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

paraan ng pananaliksik (methodology), kaugnay na literature at introduksyon. Ang

dahilan ng problema sa pagsulat ng panukalang pananaliksik ay ang mga

sumusunod: Hindi nauunawaan ang paraan ng pananaliksik, nalilito sa pagtukoy

ng kaugnay na literatura at nahihirapan sa pagbuo ng magandang introduksyon.

Sa pag-aaral naman ni Swarni (2016) na pinamagatang “Student’s Problem

in Writing Thesis: Case Study at English Department Mataram University” ay

humantong sa dalawang bahaging hinuha: 1) Ang problemang kinakaharap ng

mga mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik, 2) Ang dahilan ng mga mag-aaral sa

problema sa pagsulat ng pananaliksik.

Sa unang hinuha patungkol sa problemang kinakaharap ng mga mag-aaral

sa pagsulat ng pananaliksik, nalaman na mayroong limang elemento ang

pananaliksik ang naging seryosong problema ng mga mag-aaral sa pagsulat nito.

Ang limang problemang ito ay nakaayos mula sa pinakamataas hanggang sa

pinakamababang bahagdan. Una, nahirapan ang mga mag-aaral na maghanap

ng mga kaugnay na sanggunian sa paksa ng pananaliksik, ito ay upang makasulat

ng kaugnay na literatura. Pangalawa, ang mga mag-aaral ay walang ideya sa

pagsulat ng kaligiran ng pag-aaral. Pangatlo, ang problema sa presentasyon ng

resulta ng pag-aaral na mahalaga sa kabanatang naglalahad ng resulta. Pang-


9

apat, ang problema sa patukoy sa akmang paraan ng pananaliksik. Ang huli ay

ang pagawa ng maikling pangungusap para makabuo ng buod ng pananaliksik.

Ang lumabas na hinuha patungkol sa dahilan ng mga mag-aaral sa

problema sa pagsulat ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

Sa pagsulat ng introduksyon, ang dahilan ng mga mag-aaral ay kalituhan

sa pagtukoy ng mga problema sa pananaliksik, kahirapan sa pagbuo ng mga ideya

at paghahanay ng mga pangungusap. Ito ay dahil sa kakulangan sa talasalitaan,

gramatika at minsan ay ang paggamit ng maling panahunan. Sa pagsulat naman

ng kaugnay na literatura, ang mga naging dahilan ay mahirap makakita ng mga

mapagkukunan na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral, limitadong libro sa silid-

aklatan at maging kamahalan nito sa mga tindahan at iba pa. Sa pagsulat ng

paraan ng pananaliksik, ang mga mag-aaral ay nahihirapang matukoy ang formula

na magbibigay ng resulta ayon sa datos na nakuha, hindi sapat na pag-unawa sa

nilalaman ng kabanata dahil hindi naipaliwanag ng malinaw. Sa pagsulat ng

resulta ng pag-aaral, nahirapan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang mga

detalye. Ito ay dahil sa kahirapan sa pagsasaayos at pagbuo ng mga pangungusap

na dahilan naman ng kakulangan sa talasalitaan at balarila. Sa pagsulat ng

konklusyon, nahirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng maayos na

pangungusap dahil sa kakulangan sa talasalitaan at balarila.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito na mula sa ibang bansa ay

maaaring pinagdadaanan rin ng mga mag-aaaral sa Pilipinas. Ang isa sa

makatutulong upang maibsan ang ganitong suliranin ay ang pagbuo ng mga

modyul na gagabay sa paggawa ng pananaliksik.


10

Ayon kay Jean Piaget sa Domingo (2018) ang Cognitive Development

Theory ay nagsasaad na natututo ang bata sa pamamagitan ng aktibong paggawa

ng kaniyang aktuwal na karanasan. Ang gawain ng isang guro ay magbigay ng

mga kagamitan kung saan sila ay gagawa at bubuo ng sagot. Katulad ng

kagamitang modyul sa pananaliksik ang mga mag-aaral ang siyang aktuwal na

magbabasa at sasagot ng mga pagsasanay at ang guro ay magiging tagapakinig

lamang.

Isa pang teorya ni Abraham Maslow ay ang Motivation theory, na ang bawat

mag-aaral ay may likas na kuryusidad dahil sa kanyang pagmamasid sa paligid.

Ang kuryusidad na ito ang nagbibigay daan sa kanila upang matuto sa sarili nilang

paraan. Sa kagustuhan nilang matuto, tinatapos nila ang mga gawaing ibinigay sa

kanila. Ang pagnanais na matutunan ang mga mahahalagang konsepto ang nag-

udyok sa kanila upang matuto gamit ang modyul na inihanda ng guro (Domingo,

2018).

Ayon naman sa theory of Contructivism bilang Effective Approach of

Learning sa Domingo (2018) ito ay isang aktibong proseso kung saan ang mga

mag-aaral ay maaaring bumuo ng ideya o konsepto base sa kanilang nakaraang

karanasan. Ang modyul ay isang kagamitan kung saan ang mga aralin ay naayon

sa karanasan at kaalaman ng mga mag-aaral.

Ayon kay Zamora (2016), isa sa mahalagang katuwang ng guro sa

pagtuturo ang isang mabisang kagamitang panturo na sasagot sa hamon ng

pagbabago ng panahon, ang mga kagamitang panturo na magsisilbing

tagapaghatid ng kaalaman at tagapaglinang ng mga kasanayan sa isang mag-


11

aaral. Isa sa mga katangian na kailangang taglayin nito ay tumutugon sa

pangangailangan ng isang kurikulum na iniimplementa sa isang paaralan. Ayon

kay Silva (2008) sa Zamora (2016), kailangang makita o masalamin sa isang

kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo.

Ang modyul bilang panturong kagamitan ay hindi na bago sa larangan ng

pagtuturo lalo na sa mataas na antas. Ang mga itinuturong panturong kagamitan

o materyales ay kumakatawan sa isang maliit na hakbang, pagkakasunod sa

konsepto na nakaayon sa presentasyon ng pagkatuto ng mag-aaral. Bilang

estratehiya sa pagtuturo, ang modyul ay denisenyo para makatulong sa mga mag-

aaral na magkaroon ng kasiyahan sa bawat antas ng pagkatuto (Macarandang

2009, sa Caoagdan, 2016).

Mula sa presentasyon ni Lopez-Martinez, et al. (2011) sa Caoagdan (2016)

ang bentahe o kalamangan ng edukasyonal na modyul ay nanghihikayat sa guro

na maging malikhain, masiguro na ang lahat ng mag-aaral ay masukat ang

kakayahan sa resonableng pamantayan, maaaring makumpleto ng mga mag-

aaral ang mga karanasan sa pagkatuto o tutulungan ng guro sa pagtupad. Sa

pamamagitan rin nito ang mga mag-aaral ay maaring makabuo o maisagawa sa

kanyang libreng panahon at oras ang mga gawain at mapag-aralan ang mga

mahihirap na paksa.

Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Naval (2014) na pinamagatang

Development and Validation of Tenth Grade Physics Modules Based on Selected

Least Mastered Competencies. Ang sakop ng binuo niyang modyul ay ang anim

na pangunahing paksa sa Physics (force, energy, momentum and impulse, heat


12

and thermodynamics). Ang pagbuo at balidasyon ng kanyang modyul ay

nakabatay sa ADDIE model kung saan sangkot ang apat na hakbang (preparation,

development, validation, and try-Out). Ang mga dalubhasa mula sa Pamantasang

Normal ng Pilipinas at mga guro mula sa Tibagan High School ang kinuhang

respondente batay sa kanilang sample. Ito ay upang magsagawa ng balidasyon

sa binuong module; pagkatapos nito ay pinagamit sa 96 na mag-aaral ng Tibagan

High School. Ang kanyang saliksik ay ginamitan ng quasi-experimental na desinyo

at sa pamamagitan ng pretest at posttest ay nasukat ang kaalaman ng dalawang

pangkat na kalahok (eksperimental at komparison na grupo). Ayon sa naging

resulta ng balidasyon, lumabas na naging katanggap-tanggap ang binuong

modyul sa lahat ng naging tagapagsuri nito. Nalaman rin na mabisa itong gamitin

bilang kagamitang pampagtuturo at kagamitang pampagkatuto ng mga mag-aaral

para sa basic physics.

Ayon naman sa ginawang pag-aaral ni Almario (2005) sa Caoagdan (2016)

napatunayan na ang kanyang mag-aaral ay nakakuha ng mas mataas na resulta

sa mga pagtatasa. Ang modyul ang naging intrumento sa pagkatuto ng

matematika ng mga mag-aaral. Sa pagbuo niya ng modyul ay binigyang diin ang

kahalagahan ng mga nilalaman, pagkaka-ayos ng mga paksa, lenggwahe at

presentasyon ng mga paksa. Ito ang paglalarawan ng pagtuturo ng binuong

modyul bilang panturong kagamitan.

Binigyang pansin naman sa pag-aaral ni Longcop (2015) sa Zamora (2016)

ang pagbuo at pagtataya ng isang multi-media based module para sa Asian

Studies. Dito iniisa-isa ni Longcop ang mga kasanayan at ang multimedia na


13

kailangan ng mga mag-aaral para sa modyul ng K-12 Asian Studies. Gumamit ang

mananaliksik ng modelo na ADDIE bilang pagdulog sa pagtuturo. Lumabas sa

pag-aaral na angkop ang isang multimedia based modules sa pagtuturo ng Asian

Studies. Ito ang kasalukuyang hinahanap ng pananaliksik na tumutugon sa isang

mag-aaral na kabilang sa 21-siglo. Ang ADDIE na ginamit ni Longcop sa kanyang

pag-aaral ay ginamit din ni Singh (2009) upang masuri ang proseso ng ISD at

ADDIE sa pagbuo ng web-based module upang matukoy ang pagiging balido at

epektibo ng module sa larangan ng Information Technology. Iminungkahi ng pag-

aaral na (1) magsagawa ng front-end analysis, (2) magdebelop ng prototype, (3)

magkaroon ng integrasyon ng formative at summative na ebalwasyon, (4)

magsagawa ng integrasyon ng design evaluation sa proseso at (5) flexibility sa

proseso ng pagbuo ng module.

Ayon naman sa pananaliksik na isinagawa ni Danao (2010) na

pinamagatang Modyul sa Pag-aaral ng Pananaliksik sa Antas Tersyarya ay may

pangkalahatang layuning makapaghanda ng modyul sa paglinang ng mga

kasanayan sa pag-aaral ng pananaliksik. Ang pamaraan sa pag-aaral na ito ay

gumamit palarawang hakbang na binubuo ng (1) pagtukoy sa mga kasanayan, (2)

paghahanda ng mga aralin sa modyul, (3) pagtataya ng mga aralin sa modyul, (4)

pagrebisa sa modyul. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng

pagtataya ng mga instruktor/propesor at mag-aaral, napatunayan na naging

mabisa ang modyul sa paglinang ng kasanayan sa pananaliksik. Napatunayan din

na sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo ay mabisang mas maraming

pagsasanay at gawain ang mag-aaral bago at pagkatapos ng pagtalakay sa bawat


14

aralin sapagkat ito ay nagsisilbing motibasyon sa mga mag-aaral upang lalong

linangin ang kanilang kasanayan sa pag-aaral ng pananaliksik. Naging malaking

pantulong ang modyul bilang kagamitan sa pagtuturo ng pananaliksik batay sa

obserbasyon at puna ng mga propesor. Napatunayan din na naaayon ito sa

pangangailangan, interes at lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral na gumamit

nito batay sa resulta ng pagsubok. Huli, batay sa pag-aaral, kailangan pa rin ang

gabay ng propesor sa paggamit ng modyul upang matiyak na natamo ang mga

itinakdang layunin.

Ayon sa aklat nina Dacanay at Espiritu (2006), ang pananaliksik sa wika ay

isang kritikal at sensitibong gawaing kailangan ng tiyaga, sipag at talino upang

makapagpabago sa tradisyunal na daloy ng mga pananaliksik at mananaliksik. Sa

kasalukuyang katayuan ng mga pananaliksik sa lahat ng institusyong pang-

edukasyon. Ang isang mahusay na pananaliksik ay may bigat, daloy at

pagbabagong ginaganap sa lipunan (para sa disertasyon) nakabatay ang

ikagaganda ng isang papel (output) kung ang pundasyon sa pagtuturo (instruction

of teaching) ng nasabing larangan ay naging mahusay din, angkop ang mga

pamaraan/estratehiya at napapanahon ang ginawang pagtuturo.

Batay sa naging resulta ng isinagawang pag-aaral ni Cagadas (2013),

mayroong positibong epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang paggamit ng

learning guide sa pag-aaral ng asignaturang Technology and Livelihood Education

(TLE) in Entrepreneurship na ginamitan ng Blended Learning Model. Sapagkat

napataas nito ang pagganap ng mga mag-aaral batay sa resulta ng pretest at

posttest mula sa 20.66 ay humantong sa 46.39, ito ay mayroong performance level


15

na 67.22 na may berbal na interpretasyong nearing mastery patungong 86.66 na

may berbal na interpretasyong mastery.

Inihayag ng pananaliksik ni Baculod (2013) na pinamagatang The

Development of a Program on Distance Education: Basis for a Sample E-Learning

and Teaching Using the Technology-Assisted Blended Learning (T.A.B.Le.)

Approach, na nakahanda at minimithi ng mga stakeholder ang paggamit ng

blended learning approach maging ito man ay gamitin sa loob at labas ng silid-

aralan. Nahinuha rin sa resulta ng pag-aaral na maaaring mapahusay ng T.A.B.Le.

Approach ang pagkatuto at mapataas ang satispaksyon ng mga mag-aaral

kaugnay ng pagkatuto.

Ayon sa resulta ng deskriptibong uri ng pananaliksik ni Salicsic (2018) ukol

sa blended learning material na mayroong ICT integration sa pagbasa na may pag-

unawa ng mga mag-aaral sa ika-4 na baitang, lumabas na mayroong

makabuluhang pagkakaiba sa pagganap ng mga mag-aaral ayon sa resulta ng

pretest at posttest na isinagawa bago at pagkatapos ng paggamit ng binuong

blended learning material na mayroong ICT integration sa pagbasa na may pag-

unawa. Dahil dito, nabuo ang hinuha na ang binuong blended learning material ay

akmang gamitin upang matugunan ang pangangailangan sa pagbasa ng mga

mag-aaral sa ika-4 na baitang sapagkat lumikha ito ng positibong paglago sa

pagbasa na may pag-unawa.

Sa pag-aaral ni Dela Cruz (2018) ukol sa blended supplementary material

sa pagtuturo ng General Mathematics para sa ika-11 baitang ay nahinuha batay

sa kinalabasan ng pag-aaral na maaaring magamit ang nabanggit na materyal


16

upang mas mapaganda ang pagtuturo. Naging mas maayos naman ang pagganap

ng mga mag-aaral na nasa ABM strand sa posttest kompara sa pretest gamit ang

blended supplementary material sa pagtuturo ng General Mathematics. Ayon sa

naging rekomendasyon sa pananaliksik ni Dela Cruz (2018), maaaring bigyan ng

maraming supplementary material ang mga mag-aaral upang matiyak ang mas

mabuting akademikong pagganap at maaari rin na gumamit ng teknolohiya at ilang

estratehiya ang mga guro sa Senior High School upang mabigyang diin ang

pagkakaiba-iba ng proseso sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa kinalabasan ng pananaliksik ni Jacob (2016) ukol sa paggamit ng

blended instructional materials sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa ika-5

baitang ay napataas nito ang mean iskor ng mga mag-aaral mula 30.88 sa 49.60

kung saan nakuha ang mataas na pagganap mula 80.88 (moving toward mastery)

hanggang 99.60 na may interpretasyon na mastered. Ipinakita lamang nito na may

mas mataas na lebel ng pagganap sa posttest kumpara sa pretest na

nangangahulugan na ang paggamit ng blended instructional materials sa

pagtuturo ng Araling Panlipunan ay mayroong positibong epekto sa pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Manzon (2017) tungkol sa kabisaan ng instructional

material na gumamit ng blended learning sa pagtuturo ng Science ay makikita sa

resulta na may makabuluhang pagkakaiba sa pagganap ng mga mag-aaral sa

pretest at posttest na mayroong t-statistic na -45.866 na inihambing sa critical

value na ±2.032 kung saan mas mataas sa acceptable region. Ang mga datos na
17

ito ay nagpapatunay na ang paggamit ng binuong blended learning materials ang

naging dahilan ng magandang pagganap ng mga mag-aaral sa posttest.

Ang lahat ng nabanggit na literatura, pananaliksik, pag-aaral at pag-uulat

ay ginamit na batayan at basehan para sa paglinang at pagbalideyt ng modyul sa

Pananaliksik. Ginawa itong gabay sa pagbuo ng modyul upang makagawa ng

maayos upang maging kapakipakinabang na modyul sa Pananaliksik.


18

TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

Agreda, J. (2015). Educators dissatisfied with Aquino's educational reforms.


Nakuha mula sa
http://nine.cnnphilippines.com/news/2015/07/27/Educators-dissatisfied-
with-Aquinos-educational-reforms.html

Baculod, Jerica Liza C. (2013). The development of a program on distance


education: Basis for a sample e-learning and teaching using the
Technology-Assisted Blended Learning (T.A.B.Le.) Approach. Philippine
Normal University.

Benales, R., Bernardino, E., Palconit, J.C., Belinda, M., Mercado, E., Sison, E., &
Dumigpe G. (2012). Pagbasa, pasulat at introduksyon sa pananaliksik:
Batayan at sanayang aklat sa Filipino 2. Malabon City, Pilipinas: Mutya
Publishing House, Inc.

Bilbao, P., Corpuz, B. & Dayagbil, F. (2015). Curriculum development for teachers.
Quezon City, Pilipinas: Lorimar Publishing, Inc.

Bocar, A. (2013). Difficulties encountered by the student - researchers and the


effects on their research output. Nakuha mula sa
http://local.lsu.edu.ph/institutional_research_office/publications/vol.14no.4/
5.html.

Cagadas, Ruby M. (2013). Learning guide in Technology and Livelihood Education


(TLE) in Entrepreneurship: A blended learning model. Eulogio “Amang”
Rodriguez Institute of Science and Technology.

Caoagdan, D. (2016). Palinang at pagbalideyt ng modyul sa pag-aaral ng El


Filibusterismo batay sa k+12 kurikulum. Laguna State Polytechnic
University, Los Baños, Laguna.

Constantino, P. C. (2017). Pagtatasa (assessment) sa mga gawain sa


asignaturang Filipino [PowerPoint presentation]. Nakuha mula sa
https://clubmanila.files.wordpress.com/2017/10/pagtatasa-handout-
pamela-constantino.pdf.
19

Danao III, Diogenes V. (2010). Modyul sa pag-aaral ng pananaliksik para sa antas


tersyarya. Philippine Normal University.

Dacanay, Antonio G. & Espiritu, Clemencia C. (2006). Pananaliksik isang primer.


Pilipinas, Maynila: REX Book Store, Inc.

Dela Cruz, Karl Gadwin G. (2018). Blended learning in teaching General


Mathematics for grade 11: Basis for supplementary material. Eulogio
“Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology.

Department of Education. (2015). Ano ang senior high school?. Nakuha mula sa
https://web.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/photos/a.38007154
2052546/891036414289387/?type=1&theater.

Department of Education. (2013). K to 12 basic education curriculum senior high


school-core subject. Pagbasa at pagsusuri ng iba’t-ibang teksto tungo sa
pananaliksik. Nakuha mula sa https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/SHSCore_Pagbasa-at-Pagsusuri-ng-Ibat-
IbangTeksto-Tungo-sa-Pananaliksik-CG.pdf.

Department of Education. (2012). DepEd order 31, s. 2012: Policy guidelines on


the implementation of grades 1 to 10 of the k to 12 basic education
curriculum (bec) effective school year 2012-2013. Nakuha mula sa
https://deped.gov.ph/wp-content/uploads/2012/04/DO_s2012_31.pdf.

Domingo, B. (2018). Kabisaan ng modyul sa pagbasa at antas ng pag-unawa ng


mga mag-aaral. Laguna State Polytechnic University, Los Baños, Laguna.

Jacob, Asumpta Monica C. (2016). Proposed blended instructional materials in


teaching araling panlipunan for grade 5 pupils: Its acceptability. Eulogio
“Amang” Rodriquez Institute of Science and Technology, Sampaloc,
Manila.

Jatin S., Anand, S., & Ricardo, P. (2009). Scientific writing of novice researchers:
What difficulties and encouragements do they encounter?. Nakuha mula sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6035752/#!po=0.666667.
20

Khadjooi K., Rostami K., & Ishaq S. (2011). How to use Gagne’s model of
Instructional Design in teaching psychomotor skills. Gastroenterol Hepatol
Bed Bench 2011;4(3):116-199. Nakuha mula sa
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4017416/#__ffn_sectitle.

Liwanag, L. B. (n.d.). Pagtataya ng natutuhan [PowerPoint presentation].


Pamantasang Normal ng Pilipinas. Nakuha mula sa
https://www.slideserve.com/barb/pagtataya-ng-natutuhan.

Manzon Jr., Andres B. (2017). Effectiveness of instructional material using blended


learning material in teaching science 10: Its acceptability. Eulogio “Amang”
Rodriquez Institute of Science and Technology, Sampaloc, Manila.

Mayer, R. E., Sweller, J., & Moreno, R. (n.d.). E-learning theory. Nakuha mula sa
https://www.learning-theories.com/e-learning-theory-mayer-sweller-
moreno.html.

Naval, D. J. (2014). Development and validation of tenth grade physics modules


based on selected least mastered competencies. Tibagan High School East
Rembo, Makati City.

Official Gazette. (2013). Batas republika blg. 10533. Nakuha mula


sahttps://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/batas-republika-blg-
10533/.

Online content. (n.d.). In YourDictionary. Nakuha mula


sahttps://www.yourdictionary.com/ online-content.

Pasion, P. (2016). Problemang dagdag ng k to 12 ngayong pasukan. Nakuha mula


sa https://www.pinoyweekly.org/2016/06/problemang-dagdag-ng-k-to-12-
ngayong-pasukan/.

Pablo, J. C. & Lasaten, R. C. (2018). Writing difficulties and quality of academic


essays of senior high school students. Nakuha mula sa www.apjmr.com.

Pressreader. (2018). Mga karaniwang problema sa pagbabalik eskuwela. Nakuha


mula sa
https://www.pressreader.com/philippines/balita/20180607/2818443493279
81.
21

Ravago, M. (2015). Epekto ng pamamaraang komiks sa antas ng komprehensyon


sa pagbasa. Bataan Peninsula State University, Balanga, Bataan.

Salicsic, Lorna Lyn M. (2018). Blended learning material with ICT integration in
reading comprehension for grade IV pupils: ITS acceptability. Eulogio
“Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology.

Smith, R. S. (2020). Experiencing the process of knowledge creation: The nature


and use of inquiry-based learning in higher education. Nakuha mula sa
https://pdfs.semanticscholar.org/3fee/07e7280a7404e5dd99b88965be3e6
0b42e93.pdf.

Swarni, B. (2016). Student’s problem in writing thesis: Case study at english


department. Mataram University. Nakuha mula sa
http://eprints.unram.ac.id/id/eprint/129.

Zamora, N. (2016). Pagtataya sa modularisasyon ng k-12 sa asignaturang filipino:


tungo sa pagbuo ng modelo ng ebalwasyon para kagamitang panturo na
tutugon sa ika-21 siglong kasanayan. Philippine Normal Univesrity. Nakuha
mula sa
http://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/vie
w/260.

You might also like