You are on page 1of 14

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/TANGGOL WIKA:Internal na Kwento, Mga Susing

Argumento at Dokumento (2014-2017)

David Michael M. San Juan

Convenor, Tanggol Wika

Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila

Ang papel na ito ay panimulang pagsasalaysay ng ilang inside story kaugnay ng pagtatatag ng Tanggol

Wika – ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED)

sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng

Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan), grupong nagtataguyod ng pagkakaroon

ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng

mga susing argumento at mga dokumento kaugnay nito.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila

(DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura

ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido

Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong

inisyatiba mula pa noong 2012.

Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa

kolehiyo, bagamat wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon, gaya ng inilahad sa isang

saliksik na iprinisenta sa 2nd DLSU International Education Congress (San Juan, 2011): “As per popular

speculations in the academic community (based on the researcher’s actual conversations with tertiary level

teachers from at least 6 universities in Metro Manila), the General Education Curriculum (GEC) will be trimmed

down at the tertiary level. Purportedly, some (if not all) of the GEC subjects will be absorbed by the two-year senior

high school curriculum. Unfortunately, there’s no way to immediately verify the veracity of such speculations due to

the dearth of publicly available materials regarding how DepEd intends to implement K to 12 on a piece-meal

basis, another proof that this current education reform is a haphazard ‘top-down’ imposition rather than a well-

thought product of consensus among stakeholders in the education sector. Nevertheless, it is safe to assume that

the speculations are partly valid, considering that the current K to 12 scheme intends to offer English, Science,

Mathematics, Filipino and Contemporary

Issues as the ‘core learning areas’ in senior high school (Grades 11 and 12) so that after graduation,

‘students are already prepared for employment, entrepreneurship, or middle-level skills development and

can thus lead successful lives even if they do not pursue higher studies’ (Senate Briefer, 2011). If the

GEC subjects will be the “core learning areas” of senior high school, it is possible that the GEC in the

university might be trimmed down, or at worst, abolished.”


Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong Oktubre 3, 2012 ay

sinimulan ng may-akda ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may ganitong layunin: “urging the Commission

on Higher Education (CHED) and the Department of Education (DepEd) to consider issuing an immediate

moratorium on the implementation of the senior high school/junior college and Revised General Education

Curriculum (RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the

Filipino departments in a number of universities (other departments would surely be downsized too).” Ang batayan

ng gayong pangamba sa posibleng pagpapaliit o paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad

ay ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education Curriculum (RGEC) para sa antas

tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na may petsang August

29, 2012).

Naka-angkla sa mga sumusunod na batayan ang pagtutol ng nasabing petisyon sa noo’y napipinto pa lamang na

implementasyon ng K to 12: “a sound and comprehensive general education – that includes socially-relevant

subjects such as...national language studies – is important at the university level as observed from the educational

practices in highly-developed countries...any drastic curricular change must be sought not merely to cope up with

global standards but more importantly to produce holistically-educated citizens who would contribute much to

nation-building – a goal which the K to 12 seemingly fails to address, as it in fact dilutes, denigrates, even

obliterates subjects that contribute to the achievement of the aforementioned noble and constitutionally mandated

pedagogical objective...a drastic educational reform like the implementation of the K to 12 Program needs to be

discussed more comprehensively and broadly, as required by the pluralistic and democratic context of our

country.”

Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba

pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o

kaya’y i-merge sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, noong

Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED

Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikan Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na

Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang

may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng

Departamento ng Filipino ng DLSU.

ARGUMENTO 1: WALANG MAKABULUHANG ARGUMENTO ANG MGA ANTI-FILIPINO – ANG KAMPONG

TANGGAL WIKA – SA PAGPAPATA NGGAL NG FILIPINO AT PANITIKAN

Katunayan, sa akademya, mabibilang sa daliri ang nasa kampo ng Tanggal Wika. Nariyan ang

(balintunang) isang dating presidente ng “KAGURO SA FILIPINO, Kapisanan ng mga Guro sa Filipino” na

nagtapos ng PhD in Philippine Studies sa UPD, at nag-aplay sa permanent residency sa Estados Unidos (c.
2004), at kasalukuyang associate professor at koordineytor ng programa sa wika at literatura ng isa sa mga

pangunahing wika ng Pilipinas sa University of Hawaii in Manoa. Nariyan ang isang naging post-doctoral fellow sa

Center for Southeast Asian Studies, Kyoto University at nag-PhD sa University of Melbourne, na ngayo’y

(balintunang) nagtuturo sa Departamento ng Kasaysayan ng DLSU (ang departamento na humahawak ng subject

na KASPIL o Kasaysayan ng Pilipinas, asignaturang madalas mapagkamalang Filipino subject ng mga estudyante

ng DLSU dahil na rin sa halos lahat ng nasa departamentong iyon ay Filipino ang default language sa pagtuturo at

pananaliksik – gaya ng nararapat sa pagtuturo ng sariling kasaysayan), at ang kanyang mentor na (balintunang)

propesor sa Asian Studies Program ng University of Hawaii-Manoa at masugid na depensor ng United States

Agency for International Development (USAID). Silang mga nasilaw sa ningning sa halip na hanapin ang liwanag,

sa konteksto ng sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang Ningning at ang Liwanag.” Ang kanilang mga buladas at

patutsada ay pawang walang batayan at mas nakatuon lamang sa ilohikal at diskursong napag-iwanan na ng

panahon – diskurso ng diumano’y imposisyon ng “imperial Manila” ang Filipino na “Tagalog lang naman” at

diskursong “hindi naman wikang pambansa ang Filipino,” o “hindi naman Filipino ang dapat na wikang pambansa,”

o “hindi natin kailangan ng wikang pambansa.” Ang kanilang mga buladas at patutsada ay detalyado nang sinagot

sa bilinggwal na pamphlet ng KWF na pinamagatang “Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa/Frequently

Asked Questions on the National Language” (Almario, 2014), sa blog na “Ang Hindi Magmahal” (Marasigan, 2014)

at “Pagkalusaw ng Isang Disiplina” (Sanchez, 2015), gayundin sa artikulong “Debunking PH language myths” (San

Juan, 2014a). Binasag din ng mga posisyong papel na inilabas ng iba’t ibang unibersidad at organisasyon – gaya

ng Departamento ng Filipino ng DLSU (2014), Kagawaran ng Filipino ng ADMU (2014), Departamento ng Filipino

at Panitikan ng Pilipinas ng UPD (2014), Fakulti ng Sining at Mga Wika ng PNU (2014), Kagawaran ng

Filipinolohiya ng PUP (2014), at PSLLF (2014) – ang mga walang batayang buladas ng mga anti-Filipino sa

akademya.

ARGUMENTO 2: DAPAT MAY FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO DAHIL ANG IBANG ASIGNATURA NA

NASA JUNIOR AT/O SENIOR HIGH SCHOOL AY MAY KATUMBAS PA RIN SA KOLEHIYO

Narito ang talahanayan na naghahambing sa ilang asignaturang nilalaman ng kurikulum sa K to 12 mula junior high

school hanggang kolehiyo. Kinailangan pa na magprotesta at magdemanda sa Korte Suprema ang Tanggol Wika

para maigiit ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at kahit nga may TRO na ang Korte

Suprema sa pakanang anti-

Filipino ng CHED ay walang malawakang pagtatangka ang CHED na sundin at ipatupad ang desisyon ng Korte

Suprema. Samantala, kahit walang protesta at demanda ang mga nagtuturo ng Physical Education (PE) ay agad

nagdesisyon ang CHED na ibalik iyon bilang required na asignatura sa kolehiyo gaya ng nakalagay sa

memorandum mula sa tagapangulo ng CHED na may petsang Abril 5, 2016. Malinaw na sadyang tinarget ng

CHED ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan. Binabasag at winawasak ng talahanayang ito ang basurang
argumento ng mga taga-CHED at ng iba pa nilang kasapakat, na kaya wala nang Filipino at Panitikan sa kolehiyo

at dahil mayroon na nito sa hayskul. Kung susundin ang kanilang lohika (o kawalan nito), dapat ay wala nang

General Education Curriculum sa kolehiyo (bagay na hindi maaaring gawin dahil sa likas na kahalagahan at

kabuluhan nito sa holistikong paghubog ng mga estudyante).

ARGUMENTO 3: ANG FILIPINO AY DISIPLINA, ASIGNATURA, BUKOD NA LARANGAN NG PAG-AARAL, AT

HINDI SIMPLENG WIKANG PANTURO LAMANG

Taliwas sa buladas ng CHED at iba pa nilang kaTanggal Wika, hindi simpleng wikang panturo lamang ang

Filipino. Disiplina, asignatura, bukod na larangan ito ng pag-aaral. Katunayan, “Ang Filipino Bilang Disiplina” ang

paksa ng kauna-unahang isyu ng isang journal mula sa ADMU – ang Katipunan: Journal ng Mga Pag-aaral sa

Wika, Panitikan, Sining, at Kulturang Filipino (2016). Ang pagiging disiplina ng Filipino ay binigyang-diin din sa

“MGA SUSING SALITA: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa

Konseptong Filipino” na isinagawa noong Agosto 24-25, 2017 sa pangunguna ng Sentro ng Wikang Filipino sa

Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Tinalakay sa nasabing seminar ang mga katutubo o kaya’y inangking konsepto

ng “indie, bungkalan, ganap, balita, balatik, at delubyo” – ilan lamang sa napakaraming “susing salita” na maaaring

maging lunsaran ng o pokus ng mismong pagtalakay sa Filipino bilang disiplina sa mas mataas na antas ng

edukasyon, gaya rin ng pinatunayan na sa taunang kumperensyang “Sawikaan: Mga Salita ng Taon” ng Filipinas

Institute of Translation/FIT (Narvaez, 2015). Samakatwid, ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay pagkalusaw rin

ng isang mahalagang disiplina (Sanchez, 2015) na nakaugat sa sariling karanasan at paraan ng pagpapahayag ng

mga mamamayang Pilipino. Ang halaga at kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat

ito’y daluyan ng “kasaysayan ng Pilipinas,” salamin ng “identidad ng Filipino,” at “susi ng kaalamang bayan”

(Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas,

Diliman, 2014) – tatlong magkakahiwalay ngunit magkakaugnay na function na hindi kayang tapatan ng iba pang

disiplina sa mas mataas na antas ng edukasyon. Gaya ng paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP

(2014), “lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino”

kung isasaalang-alang ang isa sa mga layunin mismo ng CMO No. 20, Series of 2013: “‘General education enables

the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his

identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex,

the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program

increasingly become more pressing.’ Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa

hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at

inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng

mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang
panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at

karunungan sa daigdig.”

ARGUMENTO 4: PARA MAGING EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG FILIPINO, KAILANGANG ITURO AT

LINANGIN DIN ITO BILANG ASIGNATURA

Ang pagkakaroon ng Filipino sa kolehiyo ay pagtupad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987 na

nagsasabing ang Filipino ang dapat maging midyum ng opisyal na komunikasyon at ng sistemang pang

edukasyon. Hindi maisasakatuparan ang ganitong atas ng Konstitusyon kung walang asignaturang Filipino sa lahat

ng antas ng edukasyon. Sa asignaturang Filipino, lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng

wikang pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa epektibong paggamit nito bilang midyum sa iba

pang asignatura (bagay na pakunwaring isinusulong ng CHED sa CMO No. 20, Series of 2013). Sa sitwasyong

English ang default language ng CHED at ng mga administrador ng marami-raming unibersidad, malinaw na

“(a)ng pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay hakbang

paurong” sapagkat babawasan pa “nito ang oportunidad para sa intelektwalisasyon” ng Filipino (San Juan, 2015).

Ang pagpaslang sa wikang sarili ay pagbura rin sa pagkatao mismo ng mga mamamayan gaya ng ipinahayag sa

posiyong papel ng Fakulti ng Sining at Mga Wika ng PNU (2014): “Bukal ng karunungan ang Filipino bilang isang

larangan na humuhubog ng kabuuan kaakibat ang pagpapahalaga sa ating pagkamamamayang Pilipino. Gamit

ang Filipino bilang larangan, itinatampokat binubuo nito ang pagkatap at pagkakakilanlan ng ating lahi na

pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan...Kung hangad natin ang ay marating ang ganap na

intelektuwalisasyon ng wikang Filipino, karapat-dapat itong gamitin. Kailangang isa-Filipino ang diwa ng mga mag-

aaral...Hindi sapat bilang midyum ng talastasan, kundi isang wika na salalayan sa iba’t ibang

diskursong pang-akademiko at panlipunan.”

ARGUMENTO 5: BAHAGI NG COLLEGE READINESS STANDARDS ANG FILIPINO AT PANITIKAN

Kaugnay ng Argumento 3, mismong CHED ay naglabas ng College Readiness Standards na sumasaklaw sa

Filipino at Panitikan, sa pamamagitan ng CHED Resolution No. 298-2011. Laman ng nasabing dokumento ang

mga kasanayan o kompetensi sa iba’t ibang asignatura na dapat makuha/makamit ng mga estudyante BAGO sila

magkolehiyo o BILANG PAGHAHANDA sa pagkokolehiyo. Saklaw nito ang mga inaasahang kompetensi ng mga

estudyante sa asignaturang Science, Mathematics, English, Filipino, Literature, Humanities, at Social Science. Sa

aktwal na disenyo ng College Readiness Standards, inaasahan ang patuloy na paglinang sa mga

kasanayan/kompetensing kinamtan/nakuha sa hayskul hanggang sa kolehiyo, gaya ng pinatutunayan ng

pagkakaroon pa rin ng Science (sa pamamagitan ng asignaturang Science, Technology, and Society),

Mathematics (sa pamamagitan ng asignaturang Mathematics in the Modern World), English (sa pamamagitan ng

asignaturang Purposive Communication), Humanities (sa pamamagitan ng asignaturang Art Appreciation), at


Social Science (sa pamamagitan ng asignaturang The Contemporary World at Readings in Philippine History) sa

required core courses sa bagong General Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series of 2013. Kapansin-

pansin na Filipino at Panitikan/Literatura lamang ang asignaturang nasa College Readiness Standards ngunit hindi

isinama ng CHED sa required core courses sa bagong General Education Curriculum na nasa CMO No. 20, Series

of 2013. Ang pagpapatuloy ng paglinang sa kasanayan/kompetensi sa Filipino at Panitikan/Literatura sa antas

tersyarya ay lohikal lamang – gaya ng sitwasyon ng iba pang asignaturang nasa College Readiness Standards at

bahagi rin ng bagong GEC sa kolehiyo – lalo na kung isasaalang-alang ang bigat ng mga kompetensi sa CRS na

halos imposibleng ganap na malinang sa hayskul lamang.

ARGUMENTO 6: SA IBANG BANSA, MAY ESPASYO RIN SA KURIKULUM ANG SARILING WIKA BILANG

ASIGNATURA, BUKOD PA SA PAGIGING WIKANG PANTURO NITO

Sa halos lahat ng mga unibersidad sa Estados Unidos ay bahagi ng kurikulum sa kolehiyo – sa anumang

kurso – ang pag-aaral ng wikang English, gaya ng pinatunayan sa apendiks ng pananaliksik ni San Juan (2015).

Halimbawa, aniya, sa mga unibersidad na ito ay required core course ang English: Princeton University, Illinois

State University, California State University, Columbia University, University of Alabama, Duke University, Yale

University, Harvard University, Stanford University, NorthCarolina State University, Washington State University,

University of Wisconsin-Madison, State University of New York, University of Michigan, University of Vermont,

California State Polytechnic University, University of Kentucky at University of Arizon; habang sa mga sumusunod

na institusyon naman ay required subject din ang Literatura: University of Chicago, Harvard University, Duke

University, Massachusetts Institute of Technology, University of Alabama, University of Wisconsin-Madison,

University of Michigan, University of Kentucky, University of Oregon at University of Texas. Samantala, sa

Chulalongkorn University sa Thailand, bahagi rin ng requiredsubjects sa General Education program ang wikang

Thai (Chulalongkorn University, 2006). Required subject din sa Malaysia ang Bahasa Melayu gaya ng

pinatutunayan ng requirements for graduation sa Universiti Sains Malaysia (2017), Universiti Kebangsaan

Malaysia (2017), at Universiti Tenaga Nasional (2016). Required subject naman ang Bahasa Indonesia sa mga

unibersidad gaya ng Universitas Gadjah Mada (2017) at Institut Teknologi Bandung (2017). Lohikal ang

pagkakaroon ng asignaturang wikang sarili sa antas tersyarya dahil ito rin ang “akademikong wika” na kailangan sa

matalas na pag-unawa sa mga aralin at sa pagsasagawa ng pananaliksik na makabuluhan samga mamamayan ng

komunidad ng estudyante. Kung isasa-alang-alang ang depinisyon ng “akademikong wika” (Gottlieb at Ernst-Slavit,

2014), Filipino ang akademikong wikang akma sa Pilipinas: “a register, that is, a variety of a language used for a

specific purpose and audience in a particular context…academic language refers to the language used in school to
acquire new or deeper understanding of the content and to communicate that understanding to others…academic

language is characterized by the specific linguistic features associated with academic disciplines, including

discourse features, grammatical constructions, and vocabulary across different language domains or modalities

(listening, speaking, reading, writing) and content areas (language arts, mathematics, science, and social

studies/history, among others). Academic language operates within a sociocultural context that lends meaning to

oral or written communication…”

ARGUMENTO 7: BINIGYAN NG DEPED AT CHED NG ESPASYO ANG MGA WIKANG DAYUHAN SA

KURIKULUM, KAYA LALONG DAPAT NA MAY ESPASYO PARA SA WIKANG PAMBANSA

Binuo ng DepEd ang Special Program in Foreign Language (SPFL) alinsunod sa DepEd Order No. 46, Series of

2012 (“Policy Guidelines on the

Implementation of the Special Curricular Programs at the Secondary Level”). Saklaw ng SPFL sa mga publikong

hayskul ang pagtuturo ng Spanish, Japanese (Nihongo), French, German and Chinese (Mandarin) at Korean ayon

sa isang press release ng Departamento ng Edukasyon na may petsang Pebrero 20, 2017. May 10,526 estudyante

ng SPFL sa buong bansa – 3,531 sa Spanish, 3,020 sa Japanese, 2,280 sa Chinese, 1,112 sa French, at 583 sa

German, habang magsisimula pa lamang ituro ang Korean ngayong taon. Mahigit 35 milyong piso ang inilaan ng

DepEd para sa SPFL noong 2017. Samantala, may kahawig na programa ang CHED alinsunod sa CMO No. 23,

Series of 2010. Batay rito, elective sa kolehiyo ang mga wikang dayuhan gaya ng Chinese, Spanish, Nippongo,

Arab atbp. Kung nabigyan ng espasyo sa kurikulum ang mga wikang dayuhan, ano’t papaslangin at ayaw bigyan

ng espasyo ang sariling wika at panitikan natin?

ARGUMENTO 8: PINAG-AARALAN DIN SA IBANG BANSA ANG FILIPINO – AT MAY POTENSYAL ITONG

MAGING ISANG NANGUNGUNANG WIKANG GLOBAL – KAYA LALONG DAPAT ITONG PAG-ARALAN SA

PILIPINAS

Itinuturo ang Filipino at/o Panitikan at/o Araling Pilipinas sa 46 na unibersidad sa ibang bansa gaya ng

Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China, Japan, Canada, Malaysia, at Brunei, bukod pa sa

mahigit 40 Philippine Schools Overseas (PSOs) – pawang hayskul – sa

Bahrain, China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab

Emirates (San Juan, 2015). Ayon sa updated na ulat ng Commission on Filipinos Overseas/CFO (2014), 41 na ang

PSOs. May 10,238,614 Pilipinong nasa ibayong dagat (CFO, 2013) na kundi man laging gumagamit ng Filipino ay

nananatiling may malakas na koneksyong pangkultura, pampamilya, at pangkomunidad sa Pilipinas. Sa Estados

Unidos, pangatlong pinakaginagamit na wikang di-Ingles sa tahanan ang Tagalog na may 1.7 milyong nagsasalita,

kumpara sa Chinese na may 3.4 milyon at Spanish na may 40.5 milyon (Waddington, 2016). Sa dami ng mga

Pilipino sa malalaking lungsod sa mundo, hindi kataka-takang ginagamit ito ng ilang tindero/tinderang Koreano sa
Seoul, SouthKorea (batay sa sariling karanasan ng mananaliksik), o ng ilang taxi driver sa Dubai, United Arab

Emirates (batay sa YouTube videos nina user philippinesgoforgold at arra31) o mga residente ng Riyadh, Saudi

Arabia (batay sa YouTube video ni user Wesly Sihay), o na umaawit sa wikang ito ang ilang mag-aaral na

kindergarten saIceland (batay sa YouTube video ni user Birte Harksen). Bukod dito, libu-libo ringestudyanteng

dayuhan ang nag-aaral bawat taon sa Pilipinas. Noong 2012, 47,478 aplikasyon para sa student visa at special

study permit (SSP) ang inaprubahan ngBureau of Immigration (BI), 14% na mas mataas kaysa sa 41,443 na

aplikasyong pinagtibay noong 2011 (Tubeza, 2013). Batay sa datos ng BI, may 61,000 dayuhang estudyante sa

Pilipinas noong 2011, kumpara sa 26,000 noong 2011, bunsod na rin ng pagdami ng institusyong akredited na

tumanggap ng mga dayuhang estudyante na2,145 na noong 2012 kumpara sa 104 na institusyon lamang noong

2011 (ADMU, 2013). Karamihan sa mga dayuhang estudyante sa kolehiyo ay nasa Centro Escolar University,

Adventist University of the Philippines, University of the East, Far

Eastern University, Manila Central University, UST, Jose Rizal University at DLSU (BI, 2014). May ispesyal na

programang Basic Filipino (BASIFI) ang DLSU para sa mga estudyanteng dayuhan (DLSU, 2012), at tiyak na may

mga kahawig na programa ang iba pang unibersidad dahil wala namang mekanismo ang CHED para sa

eksempsyon sa mga kahingiang pangwika ng kurikulum sa kolehiyo ang mga dayuhang estudyante. Samakatwid,

marami-rami sa mga dayuhang estudyanteng nag-aral/nag-aaral sa bansa ang tiyak na uuwi sa kani kanilang

bansa nang marunong na ring mag-Filipino. Sa talanaman ng Wikipedia, ang Tagalog Wikipedia na inilunsad

noong Disyembre 1, 2003 aymay 82,862 artikulo at ika-68 pinakamalaki sa 299 wika sa Wikipedia (as of

September 2017) batay sa bilang ng mga artikulo as of October 18, 2017. Sa pangkalahatan, nasa ranggong 31 sa

140 bilang pinakamakapangyarihang wika sa internet ang Tagalog (Pimienta, 2017). Ang lahat ng mga salik na ito

ay lalong nakapagpapalakas sapotensyal ng Filipino na maging isang nangungunang wikang global. Kung

masusunod ang kahunghangan ng CHED, masasayang ang potensyal ng Filipino na maging nangungunang

wikang global.

ARGUMENTO 9: MALAPIT ANG FILIPINO SA BAHASA MELAYU, BAHASA INDONESIA, AT BRUNEI MALAY,

MGA WIKANG GINAGAMIT SA MALAYSIA, SINGAPORE, INDONESIA, AT BRUNEI, NA MGA BANSANG

KASAPI NG ASEAN, KAYA’T MAHALAGANG WIKA ITO SA KONTEKSTO MISMO NG ASEAN INTEGRATION

Bagamat English pa ang working language ng ASEAN sa kasalukuyan, maaari itong magbago sa

hinaharap, lalo pa’t isinusulong ng kasalukuyang punong ministro ng Malaysia na si Najib Razak ang Bahasa

Melayu bilang pangunahing wika ng ASEAN (Today Online, 2017). Anu’t anuman, may malaki at malakas na

potensyal na maging paboritong wikang dayuhan ito ng mga estudyante sa Malaysia, Singapore, Brunei, at

Indonesia, kaya’t nararapat lamang na lalo pang linangin ang pagtuturo nito sa mas mataas na antas ng

edukasyon. Katunayan, nagsimula ang pagtuturo ng Filipino sa Universiti Brunei Darussalam (UBD) noong 2010

nang maging kahingian para sa lahat


ng estudyante ng Faculty of Brunei Studies sa UBD ang pag-aaral ng mga yunit sa mga wika ng ASEAN (Adeva,

2014). Dumarami ang nag-aaral ng Filipino sa Malaysia (Jubilado, 2008) at Brunei (Adeva, c.2012). Sa Singapore,

may potensyal na maging popular na wikang dayuhan ang Filipino, kung isasaalang-alang ang realidad na may

203,243 Pilipino sa Singapore (Commission on Filipinos Overseas, 2013) at may malakas na ugnayang

pangkultura ang Pilipinas sa Singapore (Yi-Sheng, 2014). Sa pangkalahatan, tiyak na magbebenipisyo rin ang

Filipino sa programang Network-based ASEAN Languages Translation Public Service na kasalukuyang

isinasakatuparan na

mula noong 2012 (Wutiwiwatchai et al., 2013). Ang nasabing programa ay may komponent na sumasaklaw sa

Filipino (Nocon et al., 2014). Sa pagsinsin ng integrasyong sosyo-kultural at ekonomiko ng mga bansa sa ASEAN,

lalong lumalaki ang demand sa pag-aaral ng mga wika at pagsasalin (Sison-Buban, 2016). Manguna, sumabay, o

mapag-iwanan: alin lamang sa tatlong landas na iyan ang maaaring tahakin ng Filipino bilang wika ng ASEAN, at

bakit nga ba hindi pipiliing manguna o sumabay gayong may mga panimulang bentahe na ang Filipino. Ayon nga

sa posisyong papel ng Departamento ng

Filipino ng DLSU (2014), “sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang

pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na

ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig

kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang

sarili?”

ARGUMENTO 10: MABABA PA RIN ANG AVERAGE SCORE NG MGA ESTUDYANTE SA FILIPINO SA

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT)

Ayon sa resulta ng National Achievement Test/NAT noong School Year 2014-2015, 59.29 ang pambansang mean

percentage score (MPS) sa Filipino ng mga estudyante ng Grade 10, habang 68.90 ang pambansang MPS sa

Filipino ng mga estudyante ng Grade 6, sa sitwasyong 100 ang perpektong MPS. Mas mababa pa rin ang mga

MPS na ito sa 75 na target na MPS ng DepEd, ayon mismo sa Philippine Education for All Review Report (2015).

Samakatwid, kung walang Filipino sa kolehiyo, maliit ang posibilidad na makaabot man lamang sa minimum na

target na mastery ng mga kasanayang pangwika ang mga estudyante sa bansa. Maabot man ng mayorya ng

estudyante ang target na MPS, marami at malawak pa rin ang kaalamang maaari nilang matutuhan sa Filipino sa

antas tersyarya.

ARGUMENTO 11: FILIPINO ANG WIKA NG MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA KILUSANG PANLIPUNAN:

ANG WIKA SA DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG DOMEYN NA MAHALAGA SA PAGBABAGONG

PANLIPUNAN

Halos lahat ng mga Pilipino ay marunong nang mag-Filipino. Lahat ng respondent sa pambansang survey ng KWF

noong 2014 – na sumaklaw sa 3,506 tao na edad 15-21 at 22-60 mula sa 19 na lugar sa Luzon, Visayas, at

Mindanao – ay nagsabing ginagamit nila ang wikang pambansa (Delima, 2017). Filipino na rin ang dominanteng
wika sa midya, gaya ng pinatutunayan ng wikang ginagamit sa mga palabas sa primetime sa halos lahat ng libreng

channel sa telebisyon, Filipinasyon ng mga pelikula, cartoon at television series mula Estados Unidos, Korea,

Taiwan, Japan, Amerika Latina atbp., at pangingibabaw na rin ng Filipino sa FM radio stations (lagpas pa sa dati

na nitong dominasyon sa AM radio stations). Mula noon (Gimenez Maceda, c.1997 at Atienza, 1992) hanggang

ngayon, Filipino ang default na wika ng mga kilusang panlipunan sa Pilipinas, gaya rin ng pinatutunayan sa mga

nilalamang larawanat pahayag ng iba’t ibang organisasyon sa www.arkibongbayan.org (arkibo ng mga aktibidad

ng mga kilusang panlipunan sa bansa), gayundin sa www.pinoyweekly.org (progresibong pahayagang online) at

www.ibon.org (bilinggwal na progresibong think tank), bukod pa sa mga popular na slogan ng mga kilusang

panlipunan sa bansa na pawang nasa Filipino gaya ng “Imperyalismo, ibagsak! Burukrata-kapitalismo, ibagsak!

Pyudalismo, ibagsak!”; “Lupang ninuno, depensahan, depensahan, ipaglaban!”; “Wika at bayan, ipaglaban!

Makabayang edukasyon, isulong!”; “Edukasyon, karapatan ng mamamayan, ipaglaban! “Edukasyon, hindi gera;

libro, hindi bala!”; “Makibaka, wag matakot!”; “Trabaho sa Pinas, hindi sa labas!”; “Itaas ang sahod,

750 pesos, across-the-board, nationwide!”; “Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!”; “Asyenda, buwagin; oligarkiya,

lansagin!”; “Itigil ang pamamaslang: katarungan, ipaglaban!”; “Lupa, sahod, trabaho, pabahay, edukasyon at

karapatan, ipaglaban!” at marami pang iba. Samakatwid, Filipino ang wika sa mga tatawagin kong demokratiko at

mapagpalayang domeyn – ang larangan ng publikong diskurso, ng ordinaryong talastasan ng mga mamamayan,

ang pakikipagkomunikasyon ng Pilipino sa kapwa Pilipino, ang paghahapag ng hinaing at pagpapahayag ng

matapat at makabuluhang opinyon, ang diskursong kontra-gahum, kontra-agos at kontra establisimyento, ang

diskurso ng pagbabagong panlipunan versus English na dominanteng wika pa rin sa Pilipinas sa domeyn ng

kapangyarihan – ang diskurso ng establisimyento, ang diskursong elite at elitista, ang diskurso ng status quo, ng

reaksyon, ng pagpapanatili sa sistemang pinakikinabangan at pinangingibabawan lamang ng iilang dinastiya at

korporasyon. Kung gayon, wikang Filipino, “sariling wika ang siyang magpapalaya sa sambayanang gapos ng

tanikala,” sabi nga sa awiting “Speak in English Zone” ni Prop. Joel Costa Malabanan, ang wikang akma sa

edukasyong makabayan, edukasyong naka-angkla sa pangangailangan ng Pilipinas at mga Pilipino, ng

edukasyong pinangarap ni Renato Constantino sa kanyang sanaysay na “Miseducation of the Filipino,” ang

wikang pinakamabisang paraan para maunawaan ng “sambayanan ang kaniyang mga suliranin, at kung paano

malulutas ang mga ito. Kung mabilis na nagkakaunawaan ang mga mamamayan, mabilis din ang ating pagsulong

sa pangarap nating maalwang bukas para sa lahat,” kaya’t nararapat lamang na “itaguyod ang wikang Filipino at

Panitikang Filipino tungo sa pagtuklas at pagtahak sa landas ng kaunlarang akma sa ating karanasan at

kolektibong pangarap” (San Juan, 2017). Kaugnay ng pananaliksik, dapat lamang na bigyang-prayoridad ang

produksyon ng kaalaman sa wikang sarili, gaya ng binigyang-diin sa posisyong papel ng Departamento ng DLSU

(2014): “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community

engagement” ng mga unibersidad “sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa

mga komunidad na ating pinaglilingkuran,” kaya’t sa pamamagitan nito lamang mapalalakas ang ugnayan ng

akademya at ng mga ordinaryong mamamayan tungo sa “Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang
departamento at kolehiyo sa pamantasan” na “makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga

pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.”

ARGUMENTO 12: MULTILINGGWALISMO ANG KASANAYANG AKMA SA SIGLO 21

Sa konteksto ng multilinggwal na realidad ng daigdig sa panahon ng globalisasyon, hindi maaaring magpakalunod

sa monolinggwalismong English ang mga Pilipino. Matagal nang multilinggwal ang Europa, batay na rin sa realidad

na may sapat na suporta ang European Union sa mga malawakang programa sa pag-aaral ng mga wikang

Europeo, alinsunod sa matibay nilang pagpapahalaga sa ekonomikong pakinabang ng multilinggwalismo:

“Multilingualism, in the EU’s view, is an important element in Europe’s competitiveness. One of the objectives of the

EU’s language policy is therefore

that every European citizen should master two other languages in additionto their mother tongue” (Franke at

Mennella, 2017). Ang mga bansa naman sa Asya ay nagsisimula na ring mag-aral ng English at ng iba pang

wikang dayuhan habang hindi binibitiwan ang pagpapalakas ng kani-kanilang sariling wika. Tingnan halimbawa

ang mga South Korean sa Pilipinas na nagsisikap matuto ng English sa ating mga unibersidad, habang

nananatiling matatas sa sariling wika – wikang ginagamit pa rin nila kapag sila-silang mga magkakabababayan ang

nag-uusap-usap (batay sa sarilingkaranasan ng may-akda bilang guro sa Colegio San Agustin-Makati mula 2007-

2010 na may malaki-laking populasyong Koreano). Samantala, ang mga ahensyang pang-edukasyon sa Pilipinas

ay nag-aakalang hindi na dapat pag-ukulan ng pansin ang wikang sarili upang mapanatili ang inaakalang bentahe

ng mga Pilipino sa diumano’y husay sa English. Pansinin na hanggang ngayo’y English ang default na wika ng

DepEd

at CHED sa lahat ng anunsyo at dokumento, gaya halimbawa sa competencies para sa Mother Tongue subject sa

elementarya na katawa-tawa o kakatwang nasa English, o ng mga suggested syllabi ng CHED para sa lahat ng

core courses sa bagong General Education Curriculum na katawa-tawa at kakatwang may literal na mga salin sa

Filipino – nakasalin pati ang mga bibliyograpiya/sanggunian, taliwas sa isa sa mga malinaw na tuntunin ng

paggawa ng silabus: huwag mangopya ng silabus, kundi gumawa ng sarili. Dapat bigyang-diin na hindi dapat

magpatali na lamang sa monolinggwalismong English ang Pilipinas dahil napakarami pang wika na umaabante na

rin sa larangan ng pananaliksik at publikasyon, at ang labis na pagsandig sa English ay makaaapekto sa

kapasidad ng bansa na tumuklas at magbasa ng kaalaman sa iba pang wika. Sa ulat ng International Publishing

Association/IPA (2016), nakapaglimbag ng 470,000 bagong aklat (new titles) ang Tsina – pinakamarami sa buong

mundo – kumpara sa 338,986 lamang ng Estados Unidos. Sa pangkalahatan, mas marami ang kabuuang

produksyon ng mga aklat (new titles) ng mga bansang hindi Ingles ang pangunahing wika – gaya ng Tsina, France,

Germany, Brazil, Japan, Spain, Italy, South Korea, Argentina, Netherlands, Denmark, Switzerland, Thailand,

Sweden, Norway, Belgium, Georgia, Finland, Bosnia and Herzegovina, Iceland, at Kenya – kumpara sa
produksyon ng mga bansang Ingles ang pangunahing wika (Estados Unidos at United Kingdom) sa talaan ng 25

bansang may pinakamalaking “publishing market” ayon sa ulat ng IPA.Ang wikang sarili ang pinakamabisang tulay

sa pag aaral ng sariling wika (kumpara sa relay foreign language instruction na tipikal sa PIlipinas: English ang

ginagamit para ituro ang iba pang dayuhang wika). Mas maraming wikang nababasa at nagagamit sa pananaliksik

ay mas mainam sapagkat mas marami ring wikang mapagkukunan ng sanggunian para sa ating mga

pananaliksik. Ang pagpaslang sa sariling wika sa kurikulum ay pagbabawas sa oportunidad ng mga mamamayang

Pilipino na maging epektibong multilinggwal hindi lamang sa wikang dayuhan, kundi maging sa mga wikang sarili

gaya ng nilinaw sa posisyong papel ng Kagawaran ng Filipino ng ADMU (2014): “Ang banta na alisin ang Filipino

sa akademikong kontekstoay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at

kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag-aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika

at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikangpanrehiyon sa diskursong akademiko.” Sa ganitong konteksto

rin nanindigan ang Departamento ng

Filipino at Ibang mga Wika ng MSU-IIT (2014) na “napakahalagang paigtingin pa ang paggamit at pag-aaral ng

Filipino sa kolehiyo lalo na po rito sa Mindanao. Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginagampanan ng

Filipino sa patuloy na paghahanap natin ng sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang aming

paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrumento ang wika at panitikang Filipino sa pagpapalinaw ng landasin

tungo sa makatotohanang kalinaw dito po sa amin

sa Mindanao...Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang 9 yunit na asignaturang Filipinong may

multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong kaayusan,mas mapahuhusay ang kasanayan ng mga estudyante sa

paggamit ng Filipino at masmapalalalim ang kanilang unawa sa sa samu’t saring isyung pangrehiyon at pambansa.

Nakalulan din sa wika at panitikan ang mga diskursong panlipunan at pampolitikang magpapatalas sa mga mag-

aaral at magdidiin upang ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang karakter.”

ARGUMENTO 13: HINDI PINAUNLAD, HINDI NAPAUNLAD AT HINDI MAPAPAUNLAD NG PAGSANDIG SA

WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG BANSA

Ilang beses na nating narinig ang buladas ng mga nasa gobyerno na kailangan ang English upang makaakit ng

dayuhang puhunan – foreign investment – ang Pilipinas, ngunit bihirang sipatin ang realidad na mula 1906 pa

pangunahing wika sa edukasyon ng Pilipinas ang English pero hanggang ngayo’y hindi pa rin nakakaakit ng

malaking foreign investment ang bansa, kumpara sa ilang bansa ng Timog-Silangang Asya at Amerika Latina na

hindi naman (masyadong) Inglesero. Batay sa datos ng World Bank (2017), mula 1990-2016 ay mas malaki ang

kabuuang halaga ng foreign direct investments (FDI) na pumasok sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Vietnam,

kaysa sa kabuuang halaga ng FDI na naakit ng Pilipinas. Mas malaki rin ang kabuuang halaga ng FDI na

pumasok sa Venezuela, Mexico, Argentina, Brazil, at Colombia kaysa sa FDI na naakit ng Pilipinas sa gayunding
mga dekada, ayon sa datos ng World Bank. Ang FDI na tinatamasa ng mga bansang ito ay ebidensya na hindi

naman malaking salik ang pag-Iingles para makaakit ng dayuhang puhunan. Dapat bigyang-diin na kwestyonable

rin ang masyadong pagbibigay-pokus sa dayuhang puhunan bilang diumano’y sandigan ng kaunlaran, sapagkat

maliit na porsyento lamang ng kita ng mga dayuhang korporasyon sa FDI ang kanilang muling ipinupuhunan sa

Pilipinas. Halimbawa, batay sa datos ng World Bank (2017), mula 2005-2015, US $ 31,380,000,000 ang kinita ng

FDI na inilagak sa Pilipinas, at batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas/BSP (2017), US $5,470,000,000 lang

ang muli nilang inilagak sa Pilipinas (reinvested earnings) – o 17.5% lamang ng kabuuang kinita ng FDI nila rito sa

panahong iyon. Samakatwid, hindi pinaunlad, hindi pinauunlad, at hindi

mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomya ng Pilipinas, kaya walang batayan at maling

patakaran ang pagpaslang sa wikang sarili para lamang mas pagtuunang-pansin ang pag-aaral ng mga wikang

dayuhan.

ARGUMENTO 14: MAY SAPAT NA MATERYAL AT NILALAMAN NA MAITUTURO SA FILIPINO AT PANITIKAN

SA KOLEHIYO

Para sa mga taga-CHED at iba pang bahagi ng Tanggal Wika, hanggang hayskul lamang dapat ang Filipino at

Panitikan dahil maituturo na raw sa junior high school at senior high school ang itinuturo sa Filipino at Panitikan sa

lumang kurikulum. Pinaghambing ni San Juan (2015) ang silabus ng DLSU sa Filipino sa lumang kurikulum ng

kolehiyo (Komunikasyon sa Filipinolohiya/FILKOMU, at Filipino: Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina at

Larangan/FILDLAR) at ang nilalaman ng Filipino sa Grade 11 ng senior high school na inilabas ng DepEd

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, at Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik) at binigyang-diin niya na kalakhan ng nilalaman ng silabus sa Filipino sa lumang kurikulum

ng kolehiyo ay hindi saklaw at hindi bahagi ng nilalaman ng Filipino sa Grade 11 ng senior high school. Gayundin,

binanggit niya na ang kalakhan ng mga paksa sa pangatlong asignaturang Filipino sa kolehiyo ng DLSU para sa

mga HUSOCOM majors – ang Wika at Kultura/WIKAKUL na nakatuon sa “panimulang pag-aaral sa mga

etnolinggwistikong grupo sa Pilipinas mula Hilaga hanggang Timog” – ay hindi saklaw ng Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa senior high school, sa pangkalahatan. Bukod sa mga paksa sa

FILKOMU, FILDLAR, at WIKAKUL, napakarami pang maaaring paksain sa Filipino sa kolehiyo. Halimbawa, binuo

ng Tanggol Wika noong 2017 ang silabus para sa KONKOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino),

isang “praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang

Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino

sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa

kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa

iba’t ibang antas at larangan.” Higit itong masaklaw, may kamalayang panlipunan, at mas mapanuri kaysa sa

nilalaman ng mga paksa sa senior high school. Sa paghahanda ng iba pang silabus ng at listahan ng mga
bababasahin para sa Filipino sa kolehiyo, maaaring isaalang-alang ang pagpapalakas sa “nagsasariling

komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino” na inilarawan ni Guillermo (2016), at/o ang lawak

at saklaw ng Araling Pilipinas batay sa panimulang pagsusuri ni Rodriguez-Tatel (2016). Ang marami at paparami

pang mga artikulo sa iba’t ibang journal sa Filipino tulad ng Malay ng DLSU, Daluyan ng UPD, Katipunan ng

ADMU, Filipinolohiya ng PUP-Manila, at Hasaan ng UST, gayundin ang mga aklat na inilalathala ng KWF (na

karamiha’y available na rin nang libre bilang ebook sa kanilang website sa http://kwf.gov.ph/e-book/) ay di rin

matutuyong batis ng mga babasahin sa Filipino. Natumbok ni Martin et al. (2015), ang suma ng Argumento 14:

“...we are not persuaded by the rationale in removing the Filipino courses in college, and we join the call for its

immediate reinstatement in the general curriculum. In case these courses do not qualify under the new definition of

general education, then the correct procedure is to revise the courses, and not to remove them.” Inihapag na rin ng

Departamento ng Filipino ng DLSU (2014) ang pangkalahatang layunin ng Filipino sa mas mataas na antas ng

edukasyon: “Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng

ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng

mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.” Hinggil naman sa

Panitikang Filipino, hindi tayo mauubusan ng tula, sanaysay, kwento, at nobelang maaaring talakayin at bigyang-

pokus, lalo pa’t ang Panitikang Pambansa ay sa Grade 8 at senior high school lamang itinuturo sa ilalim ng K to

12. Sa kasagsagan ng pakikibaka ng Tanggol Wika sa mga unang buwan nito, isinumite sa CHED ang borador ng

silabus para sa Panitikang Filipino at Pagbabagong Panlipunan/FILPAN (San Juan, 2014b) na tumatalakay sa mga

makabuluhang panitikang may kamalayang panlipunan (dulog na tematiko). Pangwakas

You might also like