You are on page 1of 8

INTRODUKSIYON

Ang Pagtataguyod
ng Wikang Pambansa
sa Mas Mataas na Antas
ng Edukasyon at Lagpas
pa.

MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng Introduksiyon, ang mga mananaliksik na mag-aaral ay


inaasahang:

 Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang


wika sa kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad sa
buong bansa.
 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Filipino.
 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
A Singkaw- kaisipan
Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya? Integral dahil
kakambal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan.
Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ang kaniyang instrumento
kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay
nasasalamin ang kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo dahil may sarili
tayong Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan—daan tungo sa pag-unlad ng bayan.

B Lusong-kaalaman
Kuwentuhan tayo
Mayroon tayong iba’t ibang karanasan na paggamit ng wika, Ingles man ito o Filipino o
ibang wika. May mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba naman,
gumagamit ng Ingles sa dayuhang kausap o hanapbuhay o kaya ay para magpasikat sa kausap
nila. Ano ang karanasang hindi mo malimutan sa paggamit ng wika? Tiyaking hindi lalampas sa
isang pahinang papel ang iyong kuwento.

C Bungkal – kabatiran

Ang Wikang Pambansa


Mga Isyung Pangwika

Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng Wikang Pambansa.


Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahalagang isinasaad ng EO 210 ay ang
sumusunod:

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-uutos na
palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa Ingles ang mga
estudyante, ayon sa taya ng noo’y Pangulo. Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng
trabaho sa mga call center ang di napupunuan dahil bumagbagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang
mga aplikante. Dagdag pa niya, Ingles at wika ng Information at Communication Technology o
ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang
panturo.
Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo ay itinuturing na hindi makatwiran.
Ito ay dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan ang trabaho sa mga call
center. Ang pangangailangan sa mga kababayan nating mahusay mag-Ingles para punan ang mga
posisyon sa mga call center ay pansamantala at limitado lamang. Dahil ang totoo, may 40,000
hanggang 60,000 trabaho lamang ang naghihintay sa mga call center. Hindi makatwirang ibatay
ang patakarang pangwika ng buong sistemang pang-edukasyon sa kakarampot na trabaho
lamang.
Bukod dito ay inihain ngayon sa Kongreso ang House Bill No. 5091 o “An Act to Strenghten
and Enhance the use of English as the Medium.
Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong kasangkot sa pagtatanggol ng
wikang Pambansa para sa mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa.

Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga


Taong 2011 asignatura sa Kolehiyo sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M.
Oktubre 3, 2011 San Juan, convenor ng Tanggol Wika, Associate Professor,
Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila at
sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may
layuning “urging the Commission on Higher Education (CHED)
and Department of Education (DepEd) to consider issuing an
immediate moratorium on the implementation of the senior
high school/junior college and Revised General Education
Curriculum (RGEC) Components of the K to 12 Program which
might cause the downsizing or even abolition of the Filipino
departments in a number of universities (other departments
would surely be downsized too).”
Agosto 29, 2012 Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary
Tonisito M. C. Umali, Esq. na walang asignaturang Filipino sa
bagong Revised General Education Curriculum (RGEC).
Disyembre 7, 2012 Sa pamumuno ni Prop. Romilito Correa, may akda at noo’y
pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng
DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong Papel para sa bagong CHED Curriculum” na may
pamagat na “Isulong ang ating wikang Pambansang Filipino,
Itaguyod ang Konstitusyonal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa
Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may
Mataas na Antas.”
Mayo 31, 2013 Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating director sa
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), pinagtibay ng mga gurong
delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang
isang resolusyon hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko
bilang Asignatura sa Antas Tersyaryo”. Humigit kumulang 200
guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.
Hunyo 28, 2013 Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda
ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim
ng K to 12:”Understanding the Self; Readings in Philippine
History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern
World; Purposive Communication; Art Appreciation; Science,
Technology and Social Ethics.” Kumpirmadong walang
asignaturang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng
K to 12.
Marso 3, 2014 Pagbuo ng panibagong liham-pestisyon na naka-address sa
CHED. Pinamunuan ito nina Dr. David Michael M. San Juan,
convenor Tanggol Wika sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr.
Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU). Kasama sina Prop.
Jonathan Geronimo, Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of
Santo Tomas (UST), mga kaibigan at mga kakilalang guro mula
sa iba’t ibang unibersidad. Nilahok ito ng mga guro mula sa iba’t
ibang unibersidad gaya ng UST, UP Diliman at UP Manila,
Ateneo de Manila University, PNU, San Beda College-Manila,
PUP-Manila, National Teacher College, Miriam College (MC)
atbp., at mga samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang
Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod sa Salin (PATAS), at
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL), at humigit-kumulang 200
pirma.
Mayo 23, 2014 Pinagtibay ng National Commission on Culture ang the Arts-
National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT
ang isang resolusyon na “HUMUHILING SA COMMISSION ON
HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG
REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA
HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION
CURRICULUM (GEC) SA ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY
NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasaad
na:”…puspusan lamang masusunod ng Konstitusyong 1987 sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon, at bilangwika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang
Filipino…”
Hunyo 20, 2014 Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN ANG
MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014… NA
NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
(CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.” Iginigiit ng nasabing
kapasyahan ng KWF ang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa
Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa
Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at
maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa
Filipino bilang pintuan ng karunungan at hindi lamang daluyan
ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng
intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat
(4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na
nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20,S. 2013 ay ituro gamit
ang Wikang Filipino.”

Hunyo 2, 2014 Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay


nakipagdiyalogo sa 2 komisyoner ng CHED na sina Commission
Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista at mga
propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State
University.
Hunyo 16, 2014 Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor
Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro,
napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang
mga guro upang pormal na i-recovene ang Technical
Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General
Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga
unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang
Filipino sa antas tersyarya.
Hunyo 21, 2014 Beinvenido Lumbrena, National Artist – Isa sa mga
Tagapagsalita sa Forum at paglahok ng halos 500 delegado mula
sa mga kolehiyo, inibersidad at organisasyong pangwika at
pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong
forum sa DLSU—Manila.
Hulyo 4, 2014 Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng
Tanggol Wika.
Agosto 2014 Inilabas ng dokumentaryong gaya ng “Sulong Wikang Filipino”
(panayam kay Dr. Bienvenido Lumbrera) at “Sulong Wikang
Filipino: Edukasyong Filipino, Para kanino?”
Setyembre 2014 Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita: Kasaysayan
at Pag-unlad ng Wikang Pambansa”.
Abril 15, 2015 Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbrera, ACT Teachers Partylist
Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap,
Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor
mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty.
Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty.
Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San
Juan, ang nasabing petisyon.
(Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa)
at opisyal na nakatala bilang G.R No. 217451 (Dr. Bienvenido
Lumbrera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong
Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong komisyuner ng
komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on
Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan).

Abril 21, 2015 Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay
kinatigan ng korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan
ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO).
Hulyo 18, 2016 Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarifaction on the
Implementation of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20,
Series of 2013 Entitled “General Education Curriculum; Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies”.

Setyembre 23, 2016 Sa pamumuno ng Departamneto ng Filipinolohiya ng PUP na


pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong ang Tanggol
Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na
naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng
asignaturang Philippine History sa hayskul(sa ilalim ng K to 12
ay wala nang required na Philppine History subject).
Hulyo 11, 2017 Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED—
Dr. Patricia Licuanan at may paksang Clarification on the
Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher Education
Programs), na hindi naman nila gaanong ipinalapag.
Agosto 9, 2017 Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation ang
motion” sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General.
Agosto 25, 2017 Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa Makabayang
Edukasyon (KMEd).

Anuman ang maaring kahihinatnan ng mga naging pagkilos ng Tanggol Wika, mainam
nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol Wika
para sa pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan ng mga Filipino.

You might also like