You are on page 1of 37

Alyansa ng Mga

Tagapagtanggol ng
Wikang
Filipino/TANGGOL WIKA
https://www.researchgate.net/publication/320558204
• Nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo
21, 2014 sa De La Salle University-
Manila (DLSU).
• Halos 500 delegado mula sa 40
paaralan, kolehiyo, unibersidad,
organisasyong pangwika at
pangkultura ang lumahok sa
nasabing konsultatibong forum
• Tagapagsalita sa forum na iyon si
Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining.
Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang
kolektibong inisyatiba mula pa
noong 2012.
• Noong 2011 pa ay kumakalat na
ang plano ng gobyerno kaugnay ng
pagbabawas ng mga asignatura sa
kolehiyo, bagamat wala pang
inilalabas na opisyal na dokumento
sa panahong iyon
• Current K to 12 scheme intends to offer
English, Science, Mathematics, Filipino
and Contemporary Issues as the ‘core
learning areas’ in senior high school
(Grades 11 and 12) so that after
graduation, ‘students are already
prepared for employment,
entrepreneurship, or middle-level skills
development and can thus lead
successful lives even if they do not
pursue higher studies’ (Senate Briefer,
2011)
• Lagpas isang taon naman bago ang asembliya
ng pagtatatag ng Tanggol Wika, noong
Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng may-akda
ang pagpapalaganap ng isang petisyon na
may ganitong layunin: “urging the
Commission on Higher Education (CHED) and
the Department of Education (DepEd) to
consider issuing an immediate moratorium
on the implementation of the senior high
school/junior college and Revised General
Education Curriculum (RGEC) components of
the K to 12 Program
• Sa paglaganap ng usap-usapan na
tatanggalin na sa bagong kurikulum ng
kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba
pang asignatura sa kolehiyo, binanggit
ng ilang administrador sa ibang
unibersidad ang posibilidad na lusawin o
kaya’y i-merge sa ibang departamento
ang Departamento ng Filipino
• Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng
Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong Papel para sa Bagong CHED
Curriculum” na may pamagat na
“Isulong ang Ating Wikang Pambansang
Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na
Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo
ang Filipino bilang Larangan at
Asignaturang may Mataas na Antas.-
Prop. Ramilito Correa
• Isang asignaturang Filipino subject
(Retorika) lamang ang nakatala sa
listahan ng mga asignatura sa senior
high school na nasa "K TO 12 TOOLKIT:
Reference Guide for Teacher Educators,
School Administrators, and Teachers
(2012)" na inilabas ng SEAMEO-
INNOTECH at may imprimatur ng
Departamento ng Edukasyon gaya ng
pinatutunayan ng panimulang mensahe
roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br.
Armin Luistro, FS
• Pinagtibay naman ng humigit-kumulang
200 guro na delegado sa isang Pambansang
Kongreso ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
– na pinangunguluhan noon ni Dr. Aurora
Batnag, dating direktor sa Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) – noong Mayo 31,
2013 ang isang resolusyon na tungkol sa
“PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG
FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS
TERSYARYA”
• Noong Hunyo 28, 2013 lamang
inilabas ng CHED ang CMO No. 20,
Series of 2013 na nagtakda ng core
courses sa bagong kurikulum sa
antas tersarya sa ilalim ng K to 12
• Walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED
sa ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9
na yunit ng asignaturang Filipino (CMO No. 04,
Series of 1997), bukod pa sa dati-rati’y 3-6
yunit ng Panitikan.
• Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay
naging opsyonal na lamang din ang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating
pagiging mandatoring wikang panturo nito
(CMO No. 59, Series of 1996).
• Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng
CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-
raming propesor ng Filipino at Panitikan.
• Pinagtibay naman noong Mayo 23, 2014, ng
National Commission on Culture and the Arts-
National Committee on Language and
Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na
“HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO
NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG
MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA
SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM
(GEC) SA ANTAS TERSIYARYA ANG MANDATORY NA
9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO”
• Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas
naman ng KWF ang “KAPASIYAHAN
NG KALUPUNAN NG MGA
KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG
2014...NA NAGLILINAW SA TINDIG
NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
(KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON
HIGHER EDUCATION (CHED)
MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013
• Sa kabila ng hindi gaanong malinaw
na pormulasyon (halimbawa, sa
pariralang “pagtuturo ng siyam (9) na
yunit sa Wikang Filipino...” higit na
naging malinaw sana na pagtuturo ng
asignaturang Filipino ang tinutukoy
kung sa halip na “sa” ay “ng” ang
ginamit)
• Noong Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni
Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay
nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng
CHED
• Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag
ng konsultasyon ang CHED dahil sa
demand ng Tanggol Wika.
• Nakatulong nang malaki sa mabilis na
pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka
ng Tanggol Wika ang maagap na media
reports hinggil sa isyung ito, gaya ng ulat ni
Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez
(2014) para sa GMA News Online, ni Steve
Dailisan (2014) para sa State of the Nation,
ni Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com at
ni Anne Marxze Umil (2017) para sa
bulatlat.com, na sinundan pa ng mas
maraming ulat mula sa iba pang media
outfit
• Mula 2014 hanggang kasalukuyan,
sunud-sunod ang mga forum at
asembliya, diyalogo at kilos-protesta
ng Tanggol Wika sa buong bansa
• Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng
kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika,
sa pangunguna ni Dr. Bienvenido
Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep.
Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep.
Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep.
Terry Ridon, at mahigit 100 propesor
mula sa iba’t ibang kolehiyo at
unibersidad
• Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat
sa Filipino (ang kauna-unahang buong
petisyon sa wikang pambansa) at opisyal
na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr.
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad
ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno
Simeon C. Aquino III, at Punong
Komisyuner ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon/Commissioner on
Higher Education [CHED] Dr. Patricia
Licuanan).
• Halos isang linggo pagkatapos ng
pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng
Korte Suprema ang Tanggol Wika sa
pamamagitan ng paglalabas ng temporary
restraining order (TRO) na may petsang
Abril 21, 2015
ARGUMENTO 1: WALANG
MAKABULUHANG ARGUMENTO ANG MGA
ANTIFILIPINO – ANG KAMPONG TANGGAL
WIKA – SA PAGPAPATANGGAL NG FILIPINO
AT PANITIKAN
ARGUMENTO 2: DAPAT MAY FILIPINO AT
PANITIKAN SA KOLEHIYO DAHIL ANG IBANG
ASIGNATURA NA NASA JUNIOR AT/O
SENIOR HIGH SCHOOL AY MAY KATUMBAS
PA RIN SA KOLEHIYO
Asignatura sa Junior Kaugnay/Katumbas/Kahawig na Kaugnay/Katumbas/Kahawig
High School Asignatura sa Core Curriculum na Asignatura sa Core
Subjects ng Senior High School Courses Bagong General
Education Curriculum sa
CMO No. 20, Series of 2013
Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika WALA
at Kulturang Filipino

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

English Oral Communication Purposive Communication


Reading and Writing
Mathematics General Mathematics Mathematics in the Modern
World Statistics and Probability
Science Earth and Life Science Science, Technology, and
Physical Science Society
Earth Science
Disaster Readiness and Risk Reduction

Araling Panlipunan Understanding Culture, Society, and Readings in Philippine History


Politics The Contemporary World
ARGUMENTO 3: ANG FILIPINO AY DISIPLINA,
ASIGNATURA, BUKOD NA LARANGAN NG
PAG-AARAL, AT HINDI SIMPLENG WIKANG
PANTURO LAMANG
ARGUMENTO 4: PARA MAGING
EPEKTIBONG WIKANG PANTURO ANG
FILIPINO, KAILANGANG ITURO AT
LINANGIN DIN ITO BILANG
ASIGNATURA
ARGUMENTO 5: BAHAGI NG COLLEGE
READINESS STANDARDS ANG
FILIPINO AT PANITIKAN
ARGUMENTO 6: SA IBANG BANSA,
MAY ESPASYO RIN SA KURIKULUM
ANG SARILING WIKA BILANG
ASIGNATURA, BUKOD PA SA
PAGIGING WIKANG PANTURO NITO
ARGUMENTO 7: BINIGYAN NG DEPED AT
CHED NG ESPASYO ANG MGA WIKANG
DAYUHAN SA KURIKULUM, KAYA
LALONG DAPAT NA MAY ESPASYO PARA
SA WIKANG PAMBANSA
ARGUMENTO 8: PINAG-AARALAN DIN
SA IBANG BANSA ANG FILIPINO – AT
MAY POTENSYAL ITONG MAGING
ISANG NANGUNGUNANG WIKANG
GLOBAL – KAYA LALONG DAPAT ITONG
PAG-ARALAN SA PILIPINAS
ARGUMENTO 9: MALAPIT ANG FILIPINO SA
BAHASA MELAYU, BAHASA INDONESIA, AT
BRUNEI MALAY, MGA WIKANG GINAGAMIT
SA MALAYSIA, SINGAPORE, INDONESIA, AT
BRUNEI, NA MGA BANSANG KASAPI NG
ASEAN, KAYA’T MAHALAGANG WIKA ITO SA
KONTEKSTO MISMO NG ASEAN INTEGRATION
ARGUMENTO 10: MABABA PA RIN ANG
AVERAGE SCORE NG MGA ESTUDYANTE
SA FILIPINO SA NATIONAL
ACHIEVEMENT TEST (NAT)
ARGUMENTO 11: FILIPINO ANG WIKA NG
MAYORYA, NG MIDYA, AT NG MGA
KILUSANG PANLIPUNAN: ANG WIKA SA
DEMOKRATIKO AT MAPAGPALAYANG
DOMEYN NA MAHALAGA SA
PAGBABAGONG PANLIPUNAN
ARGUMENTO 12:
MULTILINGGWALISMO ANG
KASANAYANG AKMA SA SIGLO 21
ARGUMENTO 13: HINDI PINAUNLAD,
HINDI NAPAUNLAD AT HINDI
MAPAPAUNLAD NG PAGSANDIG SA
WIKANG DAYUHAN ANG EKONOMYA NG
BANSA
ARGUMENTO 14: MAY SAPAT
NA MATERYAL AT NILALAMAN
NA MAITUTURO SA FILIPINO
AT PANITIKAN SA KOLEHIYO
Bilang pangwakas, sapat nang ulitin ang babala
ni Jose Rizal sa pamamagitan ni Simoun sa
Kabanata 7 ng El Filibusterismo hinggil sa
propesiya niya ng “pagkawasak ng inyong
pagkabansa,” “pagkawasak ng inyong bayan” –
ng bansang naghahangad na bigyang-prayoridad
ang wikang dayuhan sa halip na wikang sarili,
isang bansang magulo, “bansa ng mga gera sibil,
republika ng ganid at mga walang kasiyahan,”
bayan ng mga “alipin” na walang sariling wika
kaya’t wala ring kalayaan at walang kalayaang
mag-isip para sa sarili

You might also like