binubuo ng mga guro at estudyante na ang pangunahing adbokasiya ay pagtataguyod sa wikang Filipino bilang asignatura at bilang wikang panturo. PAANO NABUO ANG TANGGOL WIKA?
Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong
forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. PAANO NABUO ANG TANGGOL WIKA?
Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr.
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining (National Artist). Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Sa paglaganap ng usap-usapan na tatanggalin na sa bagong kurikulum ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan at iba pang asignatura sa kolehiyo, binanggit ng ilang administrador sa ibang unibersidad ang posibilidad na lusawin o kaya’y i-merge sa ibang departamento ang Departamento ng Filipino. Bilang tugon sa mga gayong plano, noong Disyembre 7, 2012 ay inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang may-akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Noong Hunyo 28, 2013 lamang inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the Modern World; Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.” Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12, kumpara sa 6 hanggang 9 na yunit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997, bukod pa sa dati-rati’y 3-6 yunit ng Panitikan. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Sa Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO?
Nagsagawa ng liham-petisyon sa CHED ang mga
opisyal ng Tanggol Wika at nakipag-ugnayan sila sa iba’t ibang unibersidad (UST, UPD, UPM,ADMU, PNU, SAN BEDA MLA (SBM), PUP, NTC, MIRIAM COLLEGE (MC) atbp. Humigit kumulang 200 pirma ang agad na natipon.Isinumite ang liham-petisyon PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Hindi inaksyunan ni tinugunan ng CHED ang nasabing petisyon, bagamat sa mga diyalogo magaganap malaon ay binanggit nila na pinag- usapan nila sa mga internal na miting ng CHED ang nasabing liham-petisyon. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Subalit hindi naging hadlang ang hindi pagtugon ng CHED sa nasabing liham-petisyon. Noong Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sila (Dr. San Juan at Dr. Contreras) sa 2 komisyuner ng CHED na personal nilang kakilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University. Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Agad na ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014, bilang paghahanda sa kahilingang pulong sa CHED, bilang tugon sa CMO No. 20, Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban dito ang mga gurong apektado nito, Tanggol Wika noong Hunyo 21, 2014. Samakatwid, pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang pagbubuo ng Tanggol Wika. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? At dahil dito, noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Sa madaling salita, nagkaroon ng pakikipagdiyalogo ang mga tapapagtanggol wika sa mga tagapagtanggal wika. Naging malaking tulong ang midya, lalo na ang telebisyon na ipalaganap sa mamamayang Pilipino ang mga kaganapan. Nakatulong nang malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports hinggil sa isyung ito. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Noong Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon. Ang 45- pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan). PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18; Artikulo XIV, Seksyon 3; Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015. Kinatigan at ibinuod ng Korte Suprema ang mga argumento ng Tanggol Wika sa pamamagitan ng talatang ito: “They contend that the Constitution expressly states that the Filipino is the national language of the Philippines. The State must lead and sustain its usage as the medium of official communication and as the language of instruction in the educational system. This holds true without distinction as to education level. Hence, "Filipino" as our language deserves a place of ·honor and usage in the educational system, from pre-school to higher education. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? For petitioners, rendering the usage of the Filipino language as a medium of instruction in schools as merely discretionary is a direct violation of the constitutional protection afforded to "Filipino." In the same vein, the deletion of "Panitikan'' (literature) and "Philippine Government and Constitution” as subjects in CMO No. 20 reflects its non-compliance with the State policies to preserve not only the teaching of literature as a part of cultural heritage but to the very constitutional mandate to instill nationalism and patriotism in all levels of education. Worse, the deletion of the said subjects in the new curriculum would cause unemployment for more or less 78,000 teachers and employees in educational institutions. PAANO IPINAGLABAN NG TANGGOL WIKA ANG FILIPINO? Ang nasabing TRO ay “effective immediately and continuing until further orders.” Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay hinikayat nito ang na tuluy-tuloy na suriin ang “other aspects of the K to 12 program, and help align current educational reforms to the country’s needs and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to the country’s historical antineocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and education” (Ayroso, 2015).