You are on page 1of 9

SA MATAAS NA ANTAS NG YUNIT I

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA


EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagbabagong bihis ng sistema ng


edukasyon ng Pilipinas. Ito ay naka-angkla sa ideya ng international standards,
labor mobility, at ASEAN integration. Batid ng mga nagpanukala ng nasabing
pagbabago ang kahingian na sumabay sa tinatawag na interantional standards
dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilan na lamang na mga bansa na may sampung
taon lamang na basic education at ang karagdagang dalawang taon ay mabubukas
ng pinto sa mas maraming opurtunidad para sa mga mag-aaral. Ang ideya ng
labor mobility ay alinsunod sa pagtatangkang mas mapabilis ang pagkakaroon ng
trabaho ng mga mag- aaral na magtatapos sa ilalim ng ngayon ay umiiral na na
sistema ng edukasyong K to 12. Dahilan nito ay mas magiging handa ang mga
mag-aaral na harapin ang pagiging kabahagi ng lakas paggawa ng bansa. Ang
mga magtatapos ng grade 12 ay maaring pumili sa pagitan ng pagtrabaho o
pagpapatuloy sa kolehiyo matapos ang labindalawang taon sa basic education.
Ang ASEAN integration naman ay kabahagi upang maging tugma ang kalakaran
ng mga kasaping bansa ng organisasyon. Ito ay para sa lalong matibay na
ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng mga miyembro.

Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa
pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at
Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng
Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng
pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa
hayskul.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle
University-Manila (DLSU).

Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika at pangkultura
ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum.

1
Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining.

Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.

Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema.

Agad na naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang
pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika.

Bagamat tuluyang binawi ng Korte Suprema ang TRO noong 2019, tuloy ang pakikipaglaban ng Tanggol
Wika sa iba pang arena.

Marami-rami pang kolehiyo at unibersidad ang mayroon pa ring Filipino at Panitikan, at nakahain na sa
Kongreso ang House Bill 223 upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring
asignatura sa kolehiyo.

Ang posisyong papel ay isang pasulat na gawaing akademiko kung saan inilalahad ang paninidigan sa
isang napapanahong isyu na tumutukoy sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, politika, batas, at iba.

Kadalasang idinadaan sa pagsulat ng posisyong papel ang paggaganyak, at pagpapaunawa ng punto ng


sumulat tungkol isang paksa.

Karaniwang ginagamit ito ng mga organisasyon at institusyon upang ipabatid sa publiko ang kanilang
paniniwala at rekomendasyon bilang isang pangkat.

Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang
saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”

Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag
sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.

Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa


bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa edukasyon.

2
Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa
Pamantasan sapagkat makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na
magiging kapaki pakinabang sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng assignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang


pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa ibat ibang
pangangailangan o kontekstong pang komunikasyon png akademiko man o pang kultura, tulad ng
nililinang sa ibang pamantasan.”

Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng
diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng
magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.”

Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang pagkakakilanlan ng


bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan ay ang mapanatili ang ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo
at higit yaong mga nabibilang sa lalylayan. Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig
at mabigyang atensyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino ay magiging mabisa ang pagpapahayag ng
mga saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mg ordinaryong tao
at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat na sanay magdudugtong sa malayong
agwat ng karaniwan at mga edukadong tao. Mas magiging malabo na na maging pantay ang mga
mamayan mula sa iba’t ibang estado sa buhay at manantiling pinid ang mga labi kung dayuhang wika ang
kailangan upang makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.

Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Panantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order No.
20Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University.

Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong displina.

Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin
sa loob at labas ng akademya.

Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang
edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng
ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon.

Kakabit ng pagaaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng
bayan.

Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga
wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang
isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang mga interes.”

Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de Manila ang pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang
isang disiplina nang sa gayon ay mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika.

3
Ang pagyakap sa ibang wika habang pinababayaan at iniisang tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin
palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa atin sa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.

Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at Panitikan ang
Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte
at Literatura.

Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”.

Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal– mga kaalamang
patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.”

Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang
pinanday sa akademya.

Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang pag
gamit nito sa makataong paraan.

Hindi dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa
pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan.

Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga
Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”.

Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “ umiiral sa realidad sa
Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na
pakikipag talastasan ng mga Filipino.

Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng sariling
identidad.

Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan lalo’t higit ng mga mag-aaral na
linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng
pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay pagtatanggal din ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral
ng wika at panitikan sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa
sariling identidad at mapataas ang antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang propesyon at
larangan. Upang kasabay ng mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din ng wikang Filipino.

Ayon naman sa Philippine Normal University ang “isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang
isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa

4
pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na
humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa.

Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng bawat
indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan at nagpapaliwanag ng mga
bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang pansin sa posisyong papel ang malaking gampanin ng
paaralan sa pagbuo ng tulay na magdudgutong sa kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang
magamit at madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang
sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga mag-aaral ang
midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa kapakinapakinabang na talastasan at
talaban ng ideya.

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at mas Mataas na Antas

I. IKALAWANG TALATA, ARIKULO XIV, SEKSYON 6


Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga
umpukan bagkos ito ay nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad
sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng kasalukuyang saligang-batas
na “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate,
the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a
medium of official communication and as language of instruction in the
educational system.”
Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang
pagbuo ng mga hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim
pamamaraan sa pamayanan man o paaralan.
Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa Filipino bilang
wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas.
Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin ang Filipino at Panitikan ay
tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga Pilipino.

II. DATING PANGULO CORAZON P. AQUINO

Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta sa


paggamit ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating
Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa
pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng
mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal
na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”

III. G. DAVID MICHAEL M. SAN JUAN


Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong 12 Reasons

5
to Save the National Language.

Tamang tama ang ang labindalawang dahilan kung bakit ang Filipino ay kailangan gamiting wikang
panturo at dapat mapabilang sa kurikulum, sa Buwan ng Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon
ang wikang pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo. Sa artikulong ito ay inisa isa niya kolehiyo.

1. ARTIKULO XIV SEKSYON 6 - Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa
Artikulo XIV Seksyon 6 ng kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng
gobyerno na gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang
mga institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon.

2. EPEKTIBONG GAMIT NG FILIPINO - Sunod niyang binigyang diin ay ideya ng epektibong


gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina.

3. GLOBALISASYON AT ASEAN INTEGRATION - Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN


integration, kung saan inaasahan ang pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang
may maibahagi tayo sa pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang
unawaan.

4. PAGLINANG SA NATUTUHAN SA HAYSKUL - Kahalagahan ng paglinang ng napag-aralan at


napagtalakayan sa hayskul tulad ng kung paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at
kolehiyo.

5. COLLEGE READINESS STANDARD - Bukod pa rito, ang Filipino at Panitikan ay parehas sa


College Readiness Standard sa CHED’s Resolution No. 298-2011.

6. NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT) - Ang resulta ng National Achievement Test sa


Filipino ng sa hayskul ay mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng
Edukasyon at dahil dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.

7. CONTENT AT PERFORMANCE STANDARDS - Batid din ng lahat na hindi kaya senior


hayskul masakop lahat ng content at performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa
kolehiyo.

8. FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA - Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng


nasa 99% ng populasyon. Ito ang kaluluwa ng bansa. Ito ay nagbubuklod sa mga mamayan tulad
kung paano tayo binubuklod ng mga awit, tula, at iba pang panitikan na nakalimbag sa Filipino.
Kaya naman ang pagalis nito ay pagalis din sa ating sarili.

9. KALAKARAN NG IBANG BANSA - Kaugnay naman ng mga bansang nagpapatupad din ng K


to 12 tulad ng Estados Unidos, Malaysia, at Indonesia, ang kanilang wikang pambansa at
panitikan ay mandatori na core courses sa kolehiyo.

10. PANUKALANG MULTI/INTERDISIPLINARING GAMIT SA FILIPINO - Dinagdag pa niya


na maraming panukalas na isinumete sa CHED upang gamitin sa Filipino sa multi/interdidiplinari
na pamamaraan.

11. - Ipinahayag din ni G. San Juan na matagal nang namamayagpag ang Ingles sa kurikulum ng
kolehiyo mula noon 1906 samantalang ang Filipino ay nito lamang 1996, at panahon na upang

6
maremedyohan ang nagdaang panahon ng makasaysayang kaapihan.

12. FILIPINO BILANG PANDAIGDIGANG WIKA - Higit sa lahat ang Filipino ay isang
pandaigdigang wika na itinuturo at pinagaaralan sa mahigit walumpong institusyon at unibersidad
sa ibang bansa. Ang pag-aalis nito sa kurikulum ng sariling bansa kung saan ito ay nag-ugat ay
tiyak na makaaapekto sa negatibong paraan sa katayuan ng Filipino bilang pandaigdigang wika.

IV. G. VIRGILIO S. ALMARIO


Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang
dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi
sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang
tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel
V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag pa niyang na ang wikang Filipino ay
totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan ng patuloy na paggamit araw-
araw ng mga mamayan. Bagaman kung tutuusin, hindi sapat kahit ang
panyayaring siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay nakapagsasalita
at nakuunaw sa wikang Filipino.

V. PAHAYAG NI DR. BIENVENIDO LUMBERA

Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa
paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan
ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa
buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito ay mababatid na ang ugat ng
sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino. Kaya ito ay nararapat
lamang gamitin sa ano mang aspekto ng komunikasyon at pagkatuto.

Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam


na sa darating na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa
isang aklatang tigib sa nga aklat sa mga aklat at sangunian na nakalimbag sa
Filipino. Ang lahat ng balikbayan at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga
karatula sa wikang Filipino ang banyagang nais magtagal sa Pilipinas. May tatak
at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto.
Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino, at kung kailangan, may
mga tagasalin sa Ingles at ibang wikang global. Nagtutulong-tulong ang mga
eksperto at guro sa mga wikang katutubo sa Wikang Pambansa. Nagsasalita sa
Filipino ang mga mambabatas kahit hindi sila nkaharap sa telebisyon para
maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno
C. Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. Tunay nga na kapag nangyari
ang mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang paggamit sa Filipino bilang wika
ng komunikasyon ay nasa mataas na antas na o higit pa.

7
YUNIT 11

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON

Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag


ugnayan, pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa kapuwa ang mga kaalamang
natutuhan natin mula sa pagoobserba at pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at
napaglimian nating kaalaman mula sa karanasang panlipunan ang pumapanday sa
ating karunungan na siyang gumagabay sa ating maliliit at maalaking desisyon at
hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng kaalaman, na ibinabahagi din natin
sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao, sa ating
kapaligiran, at midya. Sa makatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating
kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang bawat butil ng impormasyon
na alam natin at anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito
ang malaking bahagi ng kaalaman. Ang ating kapasidad sa paggawa at
pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo
nating kaalam at napanday nating karunungan.
Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang
bawat pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi
bago matulog na bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman.
Ang bawat karanasan mula sa pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay
nagiging paraan din kung paano tayo natututo. Kadalasan ang pinakamalalim na
kaalaman ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating mga karanasan.
Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga
perspektibo na maaari nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung
kinahaharap natin lalo at higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang
nagmumulat sa atin sa mas maging mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa
mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang
panlipunan. Sa harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang
midya, malakas ang bias at talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim
at malawak na pag susuri at pagtatahi ng impormasyon. Ang makatotohanan at
katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw sa kamangmangan at
kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas na panlaban sa panlilinlang,
pangaapi, at pang aabuso lalo pag ang mali at binaluktot na impormasyon ay
ginagamit sa kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon
kung kailan laganap ang kultura ng pang madlang midya at virtual na
komunikasyon, mas madali ng magpakalat ng tinatawag na disinformation sa
paraang ng fakenews sa mga midya gingamit sa information and communication

8
technology (ICT). Sa kabila nito lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga
impormasyong nagmumula rito upang makabubuo tayo ng makabuluhan at
makatuturang kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ng ating buhay at
lipunang Pilipino.
Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay
nagiging aksesibol na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa
kapwa at dahil dito mas kinakilangan na maging matalino sa paggamit ng iba’t
ibang midya ang mga mamamayan. Ang pagiging mapanuri ay isa na dapat sa
mga kasanayang kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay upang hindi
madala ng mga mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili
kaya’y makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang
kapangyarihang dulot ng komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang
paggamit nito.

Mga Panimulang Konsiderasyon:


Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon
Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o
isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang mapataas ang
antas ng kaalaman sa pamamagitan ng eksperimento. Ito ang pinakamahusay na nagawa sa pamamagitan
ng paggawa ng isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng pananaliksik upang sagutin ang tanong. Ito
ay maaring tungkol sa anumang bagay, at maraming halimbawa ng pananaliksik ang abeylabol sa iba’t
ibang midya
Kaya naman may ilang bagay na dapat isaalang alang ang isang
mananaliksik bago pumili ng batis ng impormasyon para sa pagbuo ng
kaalamang ipapahayag sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik. Pangalwa, dapat na malinaw sa
mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang
bubuung kaalaman. Pangatlo, kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalakarang ng sitwasyong
pangkomunikasyon. ang tatlong ito ay may imlpikasyon saisa’t-isa. Tunghayan ang bidyo na ito para sa
karagdagang kaalaman

You might also like