You are on page 1of 6

YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA

ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

2011 – nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa paggamit ng wikang ingles sa k to 12.

K-12 – nabigyang diin ang pagpapaunlad ng kasanayan sa paggamit ng wikang ingles sa k to 12

Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng wikang Filipino o tanggol wika

alyansang nangunguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng commission on higher


education (CHED) sa Filipino, panitikan at Philippine government and constitution
subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng alyansa ng mga tagapagtanggol ng
kasaysayan (tanggol kasaysayan) na grupong nagtataguyod nMn ng pagkakaroon ng
required at bukod na asignaturang Philippine history sa philipinas sa hayskul.

Hunyo 21, 2014

nabuo ang tanggol wika. Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna panf
kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.

Sulong sa pakikibakang kolonyal

halos 500 delegado mula sa 40 paaralan,kolehiyo, unibersidad, organisasyong pangwika


at pangkultura ang lumahok sa nasabing konsultatibong forum. Kasama sa mga
tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining.

2015

pinangunahan ng tanggol wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-filipinong CHED


Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na
naglabas ang Temporary Restraing Order ang Korte Suprema para ipahinto ang
pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol
Wika

House Bill 223

nakahain na ito sa kongreso upang muling ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga
mandatoring asignatura sa kolehiyo.

De La Salle University Manila

“Pagtatanggol sa Wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano”.


Ang adbokasyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura,
sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na
huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapakipakinabang na mamamayan ng
ating bansa.
Mababatid sa posisyong papel na ang responsibilidad ng paaralan na hubugin ang
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Isa sa mga inaasahan at ang mapanatili ang
ugnayan ng paaralan at ng komunidad lalo at higit yaong mga nabibilang sa laylayan.
Higit kanino man ay sila ang mas nangangailangang marinig at mabgyang aitensyon.
Sa pamamagitan ng wikang Pilipino ay magiging mabisa abf pagpapahayag ng mga
saloobin at pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang nagbibigay boses sa mga
ordinaryonf tao at kung mawawala ito ay tuluyan nang hindi malilinang ang ugat na sanay
magdudugtong sa malayoong agawat ng karaniwan at mga edukadong tao. Mas
magiging Malabo na maging pantay ang mga mamamayan mula sa ibat ibang esatado
sa buhay at manatiling pinid ang mga labi kung dayuhing wika ang kailangan uang
makapagpahayag ng saloobin at pangangailangan.

Ateneo de Manila

“Ang Paninindigan ng Kagawang ng Filipino ng Pamantasang Ateneo De Manila sa Suliraning


pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013.”
Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino isa itong disiplina.Lumikha
ito ng sariling larangan ng karunugan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa
loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang
integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal…ang banta na ailisn ang Filipino sa
akademikong konteksto ay magdudulot ng ibang pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga
wika at kulturang panrehiyon.
Kakabit ng pag aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at
kultura ng bayan. Hindit dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat
pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at
institusyong ginagamit ang kasakuluyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili at kanilang
mga interes.

University of the Philippines

“Unibersidad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilaim ng Kolehiyo ng


Art at Literatura.”
Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyung pagtatanggal ng Filipino at
Panitikan.
Anila ang Filipino ay wika na “susi ng kaalamang bayan”
Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya.
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaaring matanggap
ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng bagong kurikulum
kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din makapagbibigay ng pag
unlad.

Polytechnic University of the Philippines

“Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP),


Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng
Wikang Filipino at mga Sining ng Pilipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na nag Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Filipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at nagging katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Filipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Filipino kaya kung
ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Piipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino,
tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Filipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang
identidad mo.

Philippine Normal University

“isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan
na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang
institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng
bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang
Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi
lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.”
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng
bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang karanasan at
nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo.

YUNIT 2: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Pinagmumulan ng Kaalaman – araw-araw na pangyayari sa buhay o karanasan

Dulot ng teknolohiya
mas aksesibol ang impormasyon
may mga masasamang loob/ mapanlamang

Sa kasalukuyan ay laganap ang:


 Pang-madlang midya
 Virtual na komunikasyon,
 Disinformation sa paraang fakenews kung saan ang mga midya ang ginagamit sa Information
and Communication Technology (ICT).

Fake News
tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang katotohanan
ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo.

Mass Media o Pangmadlang Midya


ginagamit ng karamihan na mapagkukunan ng impormasyon at balita (magasin, pahayagan, etc.)

GRIFFIN, 2012
 MAXWELL MCCOMB at DONALD SHAW
 ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag-uusapan ng publiko
 GEORGE GERBNER
 ang midya, lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang mundo’y magulo at nakatatakot
 MARSHALL MCLUHAN
 binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahan nito
ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabing “ang midyum
ay ang mensahe”.
 STUART HALL
 ang midya ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
lipunan
PARAAN UPANG MALAMAN ANG FAKE NEWS
1. pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.
2. maging mapanuri sa pinagmulan ng impormasyon.
3. kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon
4. suriin ang mga katibayan.
5. huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon. Hindi kasiguraduhan ang
magandang presentasyon ng tama at lehitimong batis ng impormasyon.
6. higit sa lahat suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.

YUNIT 3: BATIS
Batis ng Impormasyon
ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa: Facts, and figures at datos) (halimbawa.
Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan para makagawa ng mga
pahayag na kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad.

URI NG BATIS NG IMPORMASYON


1. Primarya
 Ito ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang
paksa o phenomena.
 AYON KAY SAN JUAN ET. AL (2018)
 Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay-bahay
 Mula sa mga materyal na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may
kopyang elektroniko:
1. awtobiyograpiya
2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email
4. tesis at disertasyon
5. sarbey
6. artikulo sa journal
7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
 Mula sa iba pang batis:
1. harapan o online na survey.
2. artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera,
kagamitan, at damit;
3. nakarecord na audio at video,
4. mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video

2. Sekundarya
 ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal, grupo, o
institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o
penomeno.
 Halimbawa:
1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling, sulat sa
patnugot, at tsimis o tsika
2. Encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
10. Abstrak
11. Mgakagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at
12. Sabi-sabi

YUNIT 4: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


Tsismisan
mula sa salitang espanyol na chimes - isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayari
na bago pa man dumating ang mga mananakop sa bansa
itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.

PINAGMULAN NG TSISMISAN
1. Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis
2. Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
3. Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.

NILALAMAN NG TSISMIS
1. maaaring totoo,
2. bahagyang totoo,
3. binaluktot na katotohanan,
4. dinagdagan o binawasang katotohanan,
5. sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
6. pawang haka-haka,
7. sadyang di-totoo, o inimbentong kwento

Libelo
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang
krimen o isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka o anumang
kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-puri,
pangalan o pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng isang
namayapa na.

Umpukan
impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-usap nang
magkakaharap
Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon

MGA KALAHOK SA UMPUKAN


1. mga kusang lumapit para makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit.
2. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang USISERO na ang tanging
magagawa’y manood at makinig sa mga nag-uumpukan;
3. kung siya ay sasabat, posibleng magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay
intrimitida, atribida o pabida

NILALAMAN NG UMPUKAN
1. Kagaya ng tsismisan, walang tiyak o planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan.
2. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit
na pagtatalo, masayang biruan, malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan.
3. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas talagang maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa
pikunan

Talakayan
pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa
pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o ginamitan ng anumang media

LAYUNIN NG TALAKAYAN
1. pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o
buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan,
2. maresolba ang isa o makakakawing na mga problema at
3. makagawa o makapagmungkahi ng desisyon at aksiyon

URI NG TALAKAYAN
 Pormal na Talakayan
karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon
at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok.
Mayroong TAGAPAGPADALOY/FACILITATOR: tagatiyak sa daloy ng diskusyon –
Maaaring magkaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng magkaibang pananaw at
pagkritik sa ibinahaging ideya.
Mayroong NEUTRALIZER O TAGAPAGPALAMIG/TAGA-AWAT
 Impormal na Talakayan
madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di sinasadyang pagkikita
kaya may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili
 Mediated na Talakayan
Paggamit ng midya
Teleconferencing
Facebook group chat
Talakayan sa telebisyon

Pagbabahay-bahay
Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo sa
dalawa o higit pang maraming bahay
pamamaraan para pag-usapan ang mga sensitibong isyu sa isang pamayanan
personal ang pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba pang tao

LAYON NG PAGBABAHAY-BAHAY
1. pangungumusta sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakita,
2. pagbibigay-galang o pugay sa nakatatanda,
3. paghingi ng pabor para sa isang proyekto o solicitation, at marami pang iba.

Pulong-Bayan
PAGTITIPON ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan upang PAG-
USAPAN nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan.
May PAGKAPORMAL ang pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para
sa espisipikong Gawain

MGA KALAHOK NG PULONG BAYAN


 kinatawan ng iba’t-ibang sektor sa isang pamayanan, - mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o
sinomang residenteng apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin

You might also like