You are on page 1of 8

FILI REVIEWER

Ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa
pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino.

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle
University-Manila (DLSU).

Noong 2015, pinangunahan ng Tanggol Wika ang pagsasampa ng kaso laban sa anti-Filipinong CHED
Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, sa Korte Suprema. Agad na naglabas ng Temporary
Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagpaslang sa Filipino at Panitikan sa
kolehiyo, bunsod ng kasong isinampa ng Tanggol Wika.

Agosto 2014 nang nagpayag ang Departamento ng Filipino ng De La Salle University ng kanilang
saloobin sa pamamagitan ng kanilang posisyong papel na may pamagat na “Pagtatanggol sa wikang
Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”

Nakapaloob sa posisyong papel na ito na “ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag aambag
sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.

Ang posisyong papel naman na may pamagat na “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuuugat sa CHED Memorandum Order
No. 20 Series of 2013” ay mula sa panulat ng mga guro ng Ateneo De Manila University.

Nakapaloob dito na “hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino, isa itong displina. Lumilikha ito
ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas
ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng
anumang edukasyong propesyonal.

Isa rin sa mga pamantasang nagpahayag ng tinig ukol sa isyu ay ang Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman
Departamento ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Anila ang Filipino ay
wika na “susi ng kaalamang bayan”. Buo rin ang kanilang paninindigang “nasa wika ang pagtatanyag ng
kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan.

Taong 2014 naman noong inilathala ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng


Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro at Filipino (SADAFIL),
Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino
at Kagalingan”.

Dito ay ipinahayag ng Polytechnic University of the Philippines, Manila na ang “umiiral sa realidad sa
Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag
talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at nagging
katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino.

Maaalaala na ang pagpapayabong ng Filipino ay hindi lamang dala ng mga umpukan bagkos ito ay
nagmula sa mas malalim na pundasyon tulad ng nasasaad sa ikalawang talata ng Artikulo XIV, Seksiyon
6 ng kasalukuyang saligang-batas na “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem
appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of
official communication and as language of instruction in the educational system.”

“Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang pang-
edukasyon

Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa paglinang at pagpapalaganap ng
isang edukasyong na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at
mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami.

Agosto 10, 2014 noong inilathala ni G. David Michael M. San Juan ang kanyang artikulong 12 Reasons
to Save the National Language. Tamang tama ang pagkakagawa ng artikulong ito dahil sa Buwan ng
Wika kung kailan binibigayang pugay at tuon ang wikang pambansa at isa ay sa panahong ito kainitan
ang pagpakikipaglaban sa pagbabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo.

Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin upangnb ganap na
magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa
tuwing Agosto bilang tugon sa Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5,
1997.

- Executive Order No. 335

Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa pamamagitan ng
Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti
ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa
Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Korespondensiya.”

Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o
phenomena. Halimbawa ng mga primaryang batis ng mga sumusunod:

Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:

1.Pagtatanong tanong

2. pakikipagkuwentuhan

3. panayam o interbyu

4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;

5. umpukan

6. pagbabahay bahay

Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang elektroniko:

1. awtobiyograpiya

2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email

4. tesis at disertasyon

5. sarbey

6. artikulo sa journal

7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;

8. mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulong kopya ng
batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang organisasyon.

9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament;

10. talumpati at pananalita; at

11. larawan at iba pang biswal grapika

Mula sa iba pang batis

1. harapan o online na survey.

2. artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera, kagamitan, at damit;

3. nakarecord na audio at video,

Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

4. mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.

5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at

6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal,
grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa O
penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi
nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Halimbawa ng sekundaryang batis ang mga sumusunod:

Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editoryal kuro kurong tudling, sulat sa patnugot, at
tsimis o tsika

2. encyclopedia

3. Teksbuk

4. Manwal at gabay na aklat

5. Diksyonaryo at Tesoro

6. Kritisismo
7. Komentaryo

8. Sanaysay

9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto

10. Abstrak

11. Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at

12. Sabi-sabi

Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na binubuo ng
tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at anim hanggang sampung
kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong at
nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may pagkakataong
makapag bahagi ng ideya o impormasyon.

-Pangunahing layunin ng Focus Group Discussion

Ilan sa mga bentahe ng FGD ang mga sumusunod:

1. naitatama,napapasubalian, o nabeberi[ika ng mga kalahok ang impormasyong ibinabahagi;

2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay magkakasamang nag uusap
( na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu); at

3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapa sa isang pagtitipon.

-Ilan ang kalahok ng Focus Group Discussion

anim hanggang sampung kalahok.

-Pakikipanuluyan - Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto
ng panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito
dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa
kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang
mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang
pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong hingil sa paksang
sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang matagalan at masaklaw na
pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipikng
amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa isang bahay at
nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag tatanong tanon,
nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain. Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at
komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang
pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag kapuwang
isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).

Pagdadalaw-dalaw- Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa


malabon, rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco
(1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap
ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng
iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais niyang sabihin
bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing kaakibat din ng ibang mga
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan at pakikilao. Maaaring magsilbing
panimulang hakbang bago itopalalamin at palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga
tagapagbatid.

pagbabahay-bahay - May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta
sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag
kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa ng
survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik,
kompleks, at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.

-Ano ang pagkakaiba ng estrukturadong interbyu, di-estrukturadong interbyu semi

estrukturadong interbyu- Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabayna


tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng tragapagbatid.

Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maari
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din niyang dagdagan kung
mayroon siyang followup na tanong.

Sa di estrukturadong interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural
ang daloy ng usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik sa
layon at paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para magabayan siya ng dapat itanong at
malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa
pagunawa sa ibat ibang kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng tagapagbatid,
sa pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang aspekto ng isang paksa (
baxter & babbie 2004).

-Alamin ang mga kahulugan ng mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Tsismisan - ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay


di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakakilala o
magkapalagayang-loob. Subalit ang tsismis, na siyang laman ng tsismisan, ay nanggagaling din minsan sa
hindi kakilala, lalo na kung ito’y naulinagan lang sa mga nagtsitsismisan. Ang tsismis ay maaaring totoo,
bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling
interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka-haka, sadyang di-totoo, o inimbentong kwento.

Umpukan - Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para mag-
usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugso ng
pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit para makiumpok,
mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit.

Talakayan - Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na
nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o mediated o
ginamitan ng anumang medya. Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang
pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan pinipili ang mga kalahok.
pagbabahay-bahay - Isa pa sa mahahalagang gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang
pagbabahaybahay. Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo
sa dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang alinman sa kanilang layuninkatulad ng
pangungumusta sa mga kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi nakita, pagbibigay galang o pugay
sa nakatatanda, paghingi ng pabor para sa isang proyekto o solicitation, at marami pang iba.
Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa
iba pang tao. Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay sa
isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programamangungumbinsi sa pagsali sa isang
paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
Mainam din itong pamamaraan para pag-usapan ang mga sensitibong isyu sa isang pamayanan.

Pulong bayan - Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay ang Pulong
bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga mamamayan o partikular
na pangkat upang tugunan o paghandaan ang isang napakahalagang usapin. Ang pulong bayan ay
pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang
masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan.

- katangian ng mabuting pagtalakay ang isinasaad sa


www.Speaking.pitt.edu/instructor/classdisscussions.html

- aksebilidad Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa talakayan sap unto
ng walng pangamba na nagingibabaw sa kanilang pagpapahayag.

- pokus Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi mawala sa punto ng usapin sa
kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag sa malayong pagtalakay.

- baryasyon ng ideya Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga pahayag
upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.

- kaisahan Mahalaga ang pael ng dalubguro o ng tagapamagitan upang hindi mawala sa punto ng usapin
sa kabilang mga mga baryasyon ng ideyang ipinapahayag sa malayong pagtalakay.

-Aralin ang mga komunikasyong di-berbal

Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal. Kalimitan, inuulit ng mga kumpas
o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag sa pamamagitan ng wika.

Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang pagtango ng
ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang
“hindi”. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating higit na
ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na di-berbal at ng wika, higit na
pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una.

Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso upang itulak ang
isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio, nakatutulong ang ganitong
senyas sa daloy ng talakayan. komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo Ayon kay Edward Hall, ang uri
ng ugnayang namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng apat na uri ng
distansiya:
a) sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga labindalawang talampakan o
higit pa. Ang ugnayan ay pormal tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong pampubliko.

b) sa distansyang sosyal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng mga apat hanggang pitong talampakan.
Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga pagtitipon.

c) distansyang personal, ang mga kalahok ay magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na
talampakan. Ang distansiyang ito ay para sa magkakaibigan o higit pang malapit na pakikipagugnayan.

d) sa distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi hihigit sa


labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim. komunikasyon sa
pamamagitan ng katahimikan Ang katahimikan ay may ikinukumunika rin. Sa pamamagitan ng hindi
pagkibo ay maaaring ipahiwatig ang ating pagdaramdam, pagkagalit, o ang kawalan ng hangaring
makipag-uganayan.

komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo Ito ay may tanging kahalagahan sa atin sapagkat ito ang
unang paraan ng komunikasyong naranasan natin bilang sanggol.

komunikasyon sa pamamagitan ng oras Karaniwan nang may iniuugnay tayong mensahe sa paraan ng
paggamit ng oras. Pamilyar tayo sa tinatawag na “Filipino Time.”

-Mga ekspresyong lokal

- kalasti- ang kahulugan nito ay mayabang

-kagaykay- kuliglig

Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang
katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasabi rin ng
ilang tao na ang mga totoong kwento ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa kanila.

Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o
isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang mapataas ang
antas ng kaalaman sa pamamagitan ng eksperimento.

Anong hamon ang kinaharap ng sistema ng edukasyon sa antas tersyarya sa ilalim ng edukasyong K to
12 tungkol sa paggamit ng wika?

A. Ipinokus ito sa pag-unlad ng mga kasanayan sa wikang Filipino

B. Ipinagtuunan nito ang paggamit ng wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino

C. Inalis nito ang pagtuturo ng wika sa kurikulum

D. Inilagay nito sa prayoridad ang pagtuturo ng maraming wika

Alin ang dapat isaalang- alang sa paghahanap ng batis ng impormasyon kung pupunta sa isang aklatan?

A. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protocol at patakaran na pinaiiral sa


aklatang natukoy.
B. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito ay madalas
na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan

C. Ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang mga printed na
material kung kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabasa kung maraming sanggunian ang
bubulatlatin.

D. Lahat ng nabanggit

. Ayon kay Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at

naiimpluwensiyahan nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali at kilos kung kaya’t masasabing “ang
midyum ay ang

A. kahulugan

B. mensahe

C. kaalaman

D. karunungan

Ang mga sumusunod ay mga kahinaan ng Focus Group Discussion maliban sa

A. May dominante sa grupo

B. May nag-aagam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong ibinibigay ng iba.

C. May lihim o hidwaan ang mga kalahok

D. Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napag-uusapan sa talakayan.

Sa pagpili ng batis ng impormasyon sa pananaliksik bigyang prayoridad ang online news site na

A. Naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo o institusyon habang
bumabatikos sa mga kalaban nito.

B. Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata.

C. May hayag na kinikilingang tao, grupo, institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t
ibang panig.

D. Wala sa mga nabanggit.

You might also like