You are on page 1of 3

FILDIS: FILIPIINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Filipino Bilang Wika at Larangan

• CHED - Commission on Higher Education


• CMO No. 3, series of 2013 - nag aatas ng pagpapatupad ng bagong GEC alinsunod sa programang K12
• GEC - General Education Curriculum
• Tanggol Wika - Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
• Abril 2015 - naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para ipahinto ang pagtatanggal sa Filipino at
Panitikan sa kolehiyo
• Abril 2018, CMO No. 4, series of 2018 - pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Filipino Bilang Wikang Pambansa

Konstitusyon 1987 Artikulo XIV Seksyon 6.


Ang wikang pambansang Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pangedukasyon.
Konstitusyon 1987 Artikulo XIV Seksyon 7.
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon
at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Espanol at Arabic.
Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa konstitusyon na primus inter pare o nangunguna sa lahat ng
magkakapantay (first among equals) ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilingwal at
multikultural ng Pilipinas.
Konstitusyon 1987 Artikulo XIV Seksyon 8.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
Arabic, at Kastila.
Konstitusyon 1987 Artikulo XIV Seksyon 9.
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang
mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.
9 PANGUNAHING WIKA/KATUTUBONG WIKA

Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon , Bikol/Bikolano, Waray, Kapampangan, Pangasinense, Maranao

MTB-MLE - Mother Tongue-Based Multilingual Education

Alinsunod sa Konstitusyong 1987, malinaw rin na ang ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na maaaring alisin
ng gayon status ng kongreso kung nanaisin nila.
Filipino Bilang Wika ng Bayan at Pananaliksik

Gimenez Maceda (1997)

- ang wikang pambansa ang wikang higit na makapagbibigay tinig at kapangyarihan sa mga tagawalis drayber,
tindero at tindera, at iba pang ordinaryong mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang
paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong diskurso ay makapagpapalawak sa kaalaman
at makapag aalis sa agwat na namamagitan sa mga intelektwal at sa masa.
Constantino (2015)

- ang wikang Filipino ay wikang mapagpalaya. Ito ang magiging wika ng tunay na Pilipino." wikang lilikha at
huhubog ng mga Pilipinong may tiwala sa sariling kakayahan, wikang makapagpapaunlad sa sariling paraan ng
pag-iisip, hindi gaya ng wikang dayuhan na kapag ipinilit at binigyang prayoridad ay nagiging "sagabal sa
pagiisip," kaya't "ang pag- iisip ay nababansot o nababaog at magbubunga naman ng kulturang bansot."
Lumbera (2013)

- sa espasyo ng sariling wika at panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng globalisasyon upang
kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Filipino. Hindi dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong
pagkaalipin para sa sambayanan. Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng
sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano.
Sa panahon ng globalisasyon - pandaigdigang sistema ng malayang kalakalan o free trade na isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-aalis ng taripa.

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

Neuman ( binanggit nina Evasco et al., 2011) pananaliksik ay paraan ng pagtuklas sa katanungan ng tao tungkol sa
lipunan at kapaligiran.
MGA KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba't ibang yugto at proseso Kinapapalooban ito ng iba't ibang
kognitibong kasanayan tulad ng pagbasa at pagsulat. Mahalaga ang paghahasa ng iba't ibang kasanayan upang
mapagtagumpayan ang pananaliksik.

PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK

Inisa isa ni Sicat De Laza (2016) ang sumusunod na katangian ng maka Pilipinog pananaliksik:

1. Ang maka Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at
tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan.

2. Pangunahing Isinasaalang-alang sa maka Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng palsang naman sa interes at kapaki
pakinabang sa sambayanang Pilipino.

3. Komunidad ang laboratoryo ng maka Pilipinong pananaliksik.


Mula sa gabay sa pamimiling paksa para sa maka Pilipinong pananaliksik narito naman ang ilang batayang kaalaman na
dapat isaalang-alang sa wastong pamimili at paglilimita ng paksa. Bago tuluyang buuin ang tanong ng pananaliksik na
gagabay sa buong pag aaral. makabubuting sagutin muna ang sumusunod na mga tanong:

1. May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?

2. Paaanong lilimitahan o paliliitin ang paksa na malawak ang saklaw?


3. Makapag-aambag ba ako ng sariling tuklas at bagong kaalaman sa pipiliing paksa?

4. Gamit ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong? PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON

• Tiyaking ito ay akademikong sanggunian.


• Tuyukin ang uri ng sanggunian
• Alamin kung primarya o sekondaryang sanggunian
Primaryang sanggunian - direkta o orihinal na ebidensya

- nagmula sa mga dokumentong isinulat sa panahon na isinasagawa ang aktwal na pananaliksik. Nanggaling ang
mga ito sa mga orihinal na dokumento kung saan ang pananaliksik ay nakabatay.
Halimbawa: (1) talumpati, (2) liham, (3) birth certificate, (4)diaries, (5) transkripsyon ng live news feed, (6)
pangunahing balita ng kaganapan, (7) rekord ng korte, (8) panayam, (9) sarbey, (10) orihinal na pananaliksik,
(11) pananaliksik na nakalathala sa iskolarli o akademikong dyornal, (12) sangguniang aklat.
Sekondaryang sanggunian - nakabatay ito sa primarya

- nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos ang isang kaganapan. Madalas na ang mga may akda o
mananaliksik ay hindi nagkakaroon ng pagkakataon na saksikhan ang pangyayari na siyang dahilan kung bakit
kanilang pinanaligan ang mga datos na hindi nila kinalap batay sa personal na pagsaksi o imbestigasyon.
Halimbawa: (1) datos na nanggaling sa mga sangguniang material (reference materials) na katulad ng
diksyunaryo at ensayklopedya;
(2) aklat ay nga artikulo na nagbibigay ng interpretasyon, rebyu, o binigyan ng synthesis ang orihinal na
pananaliksik.

PAGBASA, PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK, AT REBYU

Paraphrase - muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at
palinawin ito para sa mambabasa
Abstrak - isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensya o anumang pagaaral sa isang tiyak na
disiplina o larangan
Rebyu - isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at
anyo ng pagkakasulat nito.
PRESENTASYON AT PUBLIKASYON NG PANANALIKSIK

Presentasyon at Publikasyon ay dalawang uri ng pagpapahayag ng pananaliksik sa ibang tao Neal-Barnett (sa binanggit
ni Hewlett, 2002) - ang susi ng tagumpay sa pagkalathala ng pananaliksik ay pagkakaroon ng dakilang bisyon o layunin
ng mananaliksik

AKADEMIKONG PUBLIKASYON

Akademikong Publikasyon - paglalathala ng buod ng pananaliksik, pinaikling bersiyon, o isang bahagi nito sa
pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference proceeding, monograph, aklat o sa mga refereed research journal.

• Refereed - mga artikulo na ipinasa o dumaan sa ebalwasyon.


• Peer review - isang proseso kung saan ang manusktito ay dumaan sa screening bago mailimbag sa mga journal.
• Eksperto - ang mga taong nagsasagawa ng peer review.
• Feedback - mahalagang impormasyon na nakukuha sa lupon ng mga eksperto sa pananaliksik.
PRESENTASYON NG PANANALIKSIK

Presentasyon - pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang kumperensiya.

You might also like