You are on page 1of 11

Paggalugad sa mga Natatanging Kontribusyon ng mga Linggwistang

Pilipino sa Pag-unlad ng Wika at Komunikasyon

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO


PANIMULA

Sa pag-unlad ng sibilisasyon, sumisikat ang relasyon ng lipunan at wika at

ang kanilang katayuan sa buhay ng tao. Marahil ito ay dahil sa Kalayaan sa loob ng

isang sibilisadong Lipunan na nagbibigay kakayahan sa sino man upang makalikha ng

mga ekspresyong naglalarawan sa kumplikadong sistema ng mga koneksyon ng

lipunan na siyang diwa ng wika. Sila ang mga linggwistang nagbibigay kahulugan sa

mga usaping pangwika at komunikasyon.

Si Jespersen na isang linggwista ang nagsabing dinamiko ang wika,

nangangahulugang ito’y nagbabago sa paglipas ng panahon. Hindi eksepsyon dito ang

mga wika sa Pilipinas na unang sari-sariling nabuo dahil sa arkipelagong porma ng

kalupaan nito. At mula nang pag-isahin ng mga dayuhang Kastila ang bansa sa ilalim

ng pangngalang “Las Felipinas”, naging mahalagang layunin na ang makabuo ng isang

wikang magagamit ng buong bansa. Sa masmadaling salita, isang Wikang Pambansa.

Dahil sa pananakop ng mga Kastila, ninais nilang gawing Espanyol ang Wikang

Pambansa, ngunit hindi ito nagtagumpay. Sapagkat hindi tulad ng mga ibang kolonya

ng mga Kastila ang Pilipinas, masyadong marami ang mga dialekto sa Pilipinas upang

maisalin lahat sa Espanyol at maituro sa mga Pilipino (Gutierrez, 2021). Pagsapit


naman ng mga Amerikano, naging matagumpay sila sa pagtuturo ng Ingles sa mga

Pilipino. Kasabay ng pag-unlad ng banyagang wika na ito ang paglago ng Kapitalismo

sa Pilipinas. Nagkaroon ng posisyon ang mga Pilipino sa pamamahala sa gabay ng

mga Amerikano. Pagkahalal ng Pangulong Manuel L. Quezon, ipinasa ang Batas

Komonwelt Blg. 184, s. 1936 na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay nilagdaan ng Pangulong Manuel L. Quezon

noong Disyembre 30, 1937 at idineklara ang Tagalog bilang batayan ng pambansang

wika ng Pilipinas. Mula dito, patuloy nang sumibol ang pagpapahalaga Wikang

Pambansa at ang mga linggwistang Pilipinong nakatulong sa paglinang nito sa

pamamagitan ng panitikan at mga impormatibong akda.

Ilan sa mga Linggwistang Pilipino na ito ay si Lope K. Santos na nagsulat ng

“Balarila” noong 1939 na naging pangunahing batayan ng mga guro para sa pagtuturo

at pag-aaral ng mga tunog at kayarian ng mga salita. Isa pa si Jose Villa Panganiban na

nagsulat ng “Diksyunaryo-tesauro Pilipino-Ingles” na 30 taon ang inabot sa pagkakalap

ng impormasyon. Ang mga tao mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay tumulong na

matipon ang mga kahulugan at kabaliktaran ng mga salita sa wikang Filipino.

Madaming tanyag na mga tao ang tumulong sa pagbuo ng akdang nabanggit, isa na din

dito si Lope K. Santos. Sa larangan naman ng panitikan, si Dr. Ricardo Nolasco ang

kilalang linggwistang nagsalin ng mga akdang pampanitikan mula sa ibang wika sa

Pilipinas tungo sa Filipino. Hindi lamang ito ang nai-ambag ni Dr. Nolasco dahil nagsulat

din siya ng mga artikulo para sa edukasyong multilinggwal at iba pang mga paksa

patungkol sa mga wika ng Pilipinas.


Iilan lamang ang mga nabanggit sa mga linggwistang Pilipinong nagkukulang

pansin sa kanilang mga kontribusyon, higit pa ang bilang ng mga linggwistang

nakakubli ang kahusayan. Sa pananaliksik na ito, magagawang masilayan ang buhay

ng mga Linggwistang Pilipino at ang kanilang mga kapuri-puring ambag sa wika at

komunikasyon mula sa kanilang panahon hanggang sa kasalukuyan.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga kontribusyon ng mga

linggwistang Pilipino sa pag-unlad ng wika at komunikasyon sa bansang Pilipinas.

Gayundin, ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ng solusyon ang

mga sumusunod na suliranin:

1. Hindi tanyag sa mga mamamayang Pilipino ang mga mahahalagang akda na

nakatulong sa pag-unlad ng wika at komunikasyon sa Pilipinas.

2. Hindi matinding layunin ng mga paaralan at mga tagapagturo ang ma-ipakilala

ang buhay ng mga Linggwistang Pilipino sa mga Pilipinong mag-aaral.

3. Kakaunti ang mga impormasyon sa internet tungkol sa mga Linggwistang

Pilipino at sa kanilang mga akda.


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang makapaghatid

impormasyon tungkol sa mga Linggwistang Pilipino at ang kanilang mga kontribusyon

sa pag-unlad ng wika at komunikasyon.

Ang paraan dito ay ang maisakatuparan ang mga sumusunod na mastiyak

pang mga layunin:

1. Mahanap ang paraan kung paano napaunlad ng mga Linggwistang Pilipino ang

wika at komuikasyon ng Pilipinas.

a. Matukoy kung paano nakaapekto sa balarila ng wika ang mga nailahad na

kontribusyon ng Linggwistang Pilipino.

b. Mailahad ang mga kontribusyon ng mga Linggwistang Pilipino sa pag-unlad

ng Wikang Pambansa.

2. Ma-trace ang buhay ng mga Linggwistang Pilipino at ang kanilang mga

motibasyon sa likod ng kanilang mga akdang nakatulong sa pag-unlad ng wika at

komunikasyon ng Pilipinas.

a. Matukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Lipunan ng

Pilipinas na nagtulak sa mga Linggwistang Pilipino upang bumuo ng kanilang

mga akdang tumulong sa pag-unlad ng wika at komunikasyon nito.

3. Makalikha ng mga polyetong naglalaman ng mahahalagang impormasyon

tungkol sa mga kontribusyon ng mga Linggwsitang Pilipino at ang kanilang mga

kontribusyon sa pag-unlad ng wika at komunikasyon sa Pilipinas.


4. Makahanap ng/ng mga epektibong paraan upang maihatid sa madla ang

impormasyon.

5. Matukoy sa paanong paraan nakatulong ang mga Linggwistang Pilipino sa

pangkasalukuyang kalagayan ng komunikasyon sa Pilipinas.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Mahalaga ang pananaliksik na ito upang makabuo ng isang papel na

naglalaman ng impormasyong tungkol sa mga kontribusyon ng mga Linggwistang

Pilipino sa pag-unlad ng wika at komunikasyon na maaaring magamit ng sumusunod na

pangkat.

Para sa DepEd, maaari nilang magamit ang pananaliksik na ito bilang simula

o pundasyon ng pananaliksik tungkol sa kasaysayan ng pag-unlad ng sa Pilipinas.

Kung maaari man na sila ay may balak na isama ito sa K-12 na kurikulum ng Pilipinas.

Sa paraang ito, mabibigyang-dangal ang mga Linggwistang Pilipino na iginugol ang

kanilang mga buhay sa paglilingkod para sa Wikang Pambansa.

Para sa mga mag-aaral, ang impormasyong mailalahad ng pananaliksik na ito

ay makapagbibigay kakilanlan sa mga Linggiwstang Pilipino sa mga Kabataan ng

kasalukuyan nanagkukulang ng pagmamahal sa sariling wika. Sa pagkatuto ng mga

kontribusyon ng mga Linggwista, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral

tungo sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.

Para sa mga Linggwistang nabanggit, ang pananaliksik ay nagbibigay ng

dangal at dahilan ng karangalang ito sa pangalan ng mga Linggwistang katangi-tangi.

Sila ay napapangakuang mayroong saysay ang kanilang mga gawa at ang mga ito ay

maibabahagi sa madla.

Para sa mga Linggwista sa hinaharap, ang mananaliksik ay umaaasa na

makapagbigay motibasyon ang pananaliksik na ito upang ang mga mag-aaral ng wika

ay maisama sa mga susunod pang pagtatala.


Sa pangkalahatang saklaw, ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang

makilala ang mga Linggwista ng Pilipinas na naggugol ng buhay sa pag-aaral ng wika

upang makatulong sa pag-unlad ng wika ng bansa.


SAKLAW AT SAKOP NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga pagtukoy ng mga

kontribusyon ng mga Linggwistang Pilipino na napatunayang may epekto ang mga

nilikhang akda sa pag-unlad ng wika at komunikasyon sa kanilang panahon.

Ang mga impormasyong ginamit sa pananaliksik na ito ay tanging nanggaling

lamang sa mga artikulo at ibang mga pananaliksik na naa-access sa pamamagitan ng

internet. Ang mga basehan at mga manunulat nito ay masuring pinag-aralan ng

mananaliksik bago isinali ang kanilang nailahad na impormasyon sa pananaliksik.


DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

• Wika. Ito ang mga simbolo at tunog na ginagamit sa komunikasyon. Ito ay

napag-iiba base sa pangkat o lugar na pinanggalingan.

• Komunikasyon. Ito ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon kung saan

ginagamit ang wika.

• Linggwistika o Linggwistiks. Kilala din bilang dalubwikaan, aghamwika, o

agwika. Ito ay ang maagham na pag-aaral sa mga wika ng tao.

• Linggwista. Ito ang uri ng tao na nag-aaral o mahusay sa linggwistika.

• Wikang Pambansa. Ito ang wika sa isang bansa na ginagamit ng lahat ng

mamamayan nito.

• Balarila. Kilala din bilang gramatika, ito ang palatuntunan ng wastong paggamit

ng wika.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

You might also like