Professional Documents
Culture Documents
Bago natin talakayin ang tungkol sa FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA, tingnan muna ang larawan
sa ibaba. Ang INTERDISIPLINARYO ay pagsasama ng dalawang akademikong disiplina sa isang aktibidad.
(Halimbawa ay ang paggawa ng isang interdisiplinaryong pananaliksik.)
DISIPLINARYO MULTIDISIPLINARYO
INTERDISIPLINARYO TRANSDISIPLINARYO
Ito ay ang paggawa ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng crossing boundaries. Ito ay maiuugnay sa
isang interdisciplinary o interdisciplinary field.
Ang INTERDISIPLINARYO ay kasama ang mga mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin na
magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang pananaw sa akademik, propesyon at teknolohiya tungo sa isang
ispisipikong perspektibo para sa isang hangarin.
Ang MULTIDISIPLINARYO ay pag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina o multiple discipline; Ito ay
pagsilip sa ibang pananaw panlabas upang higit na maunawaan ang kompleks ng isang sitwasyon.
Ang TRANSDISIPLINARYO Ang pagggawa ng istratehiyang pananaliksik na pumapasok sa iba’t ibang
larang o disiplina para sa holistikong pananaw. Ito ay isang pananaw sa isang larangan na nabuo sa
pamamagitan ng ibang disiplina na muling ginagamit sa ibang disiplina. (Halimbawa ay ethnograpiya na
orihinal na nagagamit na rin sa ibang larang.)
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA BILANG GENERAL EDUCATION SABJEK
Interdisiplinaryo;
Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at sa pananaliksik;
Maituro ang Filipino bilang hiwalay na Asignatura;
Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa
kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan;
Praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayan: pagbasa at pagsulat.
Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran
ng pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng
mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa.
Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng
interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
Panimula
Ang Wikang Pambansa ay ang wikang pagkakakilanlan ng mamamayan ng isang bansa. Ang Pilipinas
bilang isang multilinggwal na bansa ay nararapat na may wikang magsisilbing bigkis na magbubuklod sa
isang lahi. Ang Filipino bilang Wikang Pambansa ay maraming pinagdaanan upang umabot ang katawagang
ito.
Ang kasaysayan nang pagkakaroon ng Wikang Pambansa sa Pilipinas ay dumaan sa ilaang mga
pagbabago – ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Kasalukuyang gumagamit ng 87 na iba’t ibang wika.
Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan,
Hiligaynon, Waray at Maranao.
Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t
minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika
sa mga katutubo.
Sa ganitong paraan, nakapag-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila
ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.
Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino laban sa mga Kastila. Kaya
nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda – mga sanaysay, tula,
kuwento, liham at mga talumpati na punong-puno sa damdaming bayan.
Nang dumating ang mga Amerikano, bilang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng
pamahalaan na an wikang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal
ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan nito. Ito ang dahilan kung bakit simula noong
pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdigan,
hindi umunlad ang ating wika.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay
nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
Nagharap ng panukala si Manuel Gillego nag awing Wikang Pambansa at Wikang Opisyal ang Tagalog
subalit patuloy pa ring namayani ang wikang Ingles.
Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng WIkang
Pambansa.”
Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng pamahalaang Komonwelt upang
maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipaalala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon
tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.
“Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng
pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa
itinatadhana ng batas ng Ingles at Kastila ay patuloy na mga Wikang Opisyal.”
Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga
rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa
Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambasa sapagkat
ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga
Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.
Ang mga sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinaiiral ng ating pamahalaan tungkol sa
pagkasulong ng ating wika:
Nobyembre 1936 – inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng
Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at
pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.
Disyembre 30, 1937 – sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
Abril 1, 1940 – ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng
isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahahayag pa ring ituturo ang
WIkang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940 – Pinatibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4,
1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa Bmula sa Marso 29 – Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959 – Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg. 7. Ayon sa kautusang ito, kailanman ay
tutukuyin ang pambansang wika bilang Pilipino at ito ang gagamitin.
Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan sa Pilipino.
Marso 1968 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas, ang isang kautusan na ang
lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.
Agosto 7, 1973 – nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa panuruan 1974 hanggang 1975.
Hunyo 19, 1974 – nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
Bang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingwal sa
lahat ng kolehiyo at Pamantasan.
1987 – Atas Tagapagpaganap Blg 117. Nilagdaaan ng Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas LWP bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong
iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Agosto 25, 1988 – ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Gayon din, pinatibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura.
1991 – Batas Republika 7104. Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa
itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP. Ang
pagtatalaga ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng WIkang Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni
Pangulong Fidel Ramos isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual
Language Education (MLE). Nauna rito, may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na kongreso ng
mababang Kapulungan na House Bill No. 3719 – An Act establishing a Multilingual Education and
Literacy Program and for other Purpose sa pamamagitan ni Hon. Matanggol T. Gunigundo.
Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96
(Agosto 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay.. “Ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunisyon ng mga etnikong grupo. Katulod ng iba pang
wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram
sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang salitang barayti ng
wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma. Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa Mariano Marcos
State University, aniya amg kasalukuyang Filipino ay dating wika ng katagalugan na naging Wikang
Pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari historical, ekonomikal, at sosyopolitikal, kaya’t
naging pambansang lingua franca ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo sa bansa.
Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng
Konstitusyon ng 1987 sa Wikang Pambansa.
Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Rebisyon sa Alpabeto at patnubay sa ispeling
ng wikang Filipino.
Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang suportahan niya ang ulat
ng Monroe Commission, na bigo ang paggamit ng monolinggwal na edukasyon sa Ingles. Higit n
amabilis na matuto ang batang Filipino kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin ang batayan
ng 1935 Kumbensyong Konstitusyonal sa pagpili ng isang wika batay sa isang katutubong wika bilang
wikang pambansa sa halip na Ingles.
Hunyo 14, 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may pamagat na “Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE).” ng Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong pormal
kasama ang pre-school at ang Alternative Learning System (ALS). Inaatas sa unang tatlong taon ang
implementasyon ng tinatawag na MLE Bridging Plan, isang plano para sa pagbuo at produksiyon ng
mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng paaralan, dibisyon, at rehiyon, lalo na sa unang
wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-school hanggang Grade 3.
Sa antas sekondarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil Filipino at Ingles ang magiging
pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium of
instruction. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni Dr. Nolasco ipinakita diumano ang
eksperimento na higit n amabilis natuto ang mga bata ginamit ang kanilang unang wika sa pagtuturo.
Sa ilalim ng simulating unang wika, at upang ganap na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin
ang 150 wika’t wikaing ito sa mga paaralan ng bansa.
Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150 wika’t wikain. Kailangang magdeploy ng
mga guro sa buong bans ana may kahandaan ang bawat isa sa 150 wika’t wikain. Kailangan din
pagkuwan na maghanda ng mga test sa 150 wika’t wikain.
Pagsasanay
II. Instruksyon: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong ingat.
Ilahad ang iyong sagot sa nakalaang espasyo. (5 puntos sa bawat aytem)
1. Gaano kahalaga para sa isang estudyanteng katulad mo na pag-aralan ang asignaturang
Filipino?