You are on page 1of 13

WIKANG PAMBANSA BILANG GAWAING

PANGKOMUNIKASYON AT DISKURSONG LOKAL AT NASYONAL

ARALIN 1:
ANG PAGTAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA.
SULYAP SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ayon kina Dayag at del Rosario (2016), kung babalikan ang kasaysayan, hindi naging madali ang
pagpili ng Wikang Pambansa. Dahil ang Pilipinas ay bansang pulo-pulo na nangangahulugang
maraming Wika ang umiiral, naging mainit na paksang tinalakay noong 1934 Kumbensyong
Konstitusyunal ang pagpiling Wikang Pambansa.

Nang sumunod na taon, nagkaroon ng probisyong pangwika na nakasaad sa Saligang Batas


1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 na nagsasabing:
“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungosa pagkakaroon ng isang Wikang Pambansang
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong Wika. Hangga’t hindi itinakda sa batas, ang
Wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal ng Wika”.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg.
184 na may pamagat na “Isang Batas ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga
Kapangyarihan at Tungkulin Nito”.

Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis Quezon na ng


Wikang Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa. Ang mga pamantayan;

a) Wika ng Sentro ng Pamahalaan;


b) Wika ng Sentro ng Edukasyon;
c) Wika ng Sentro ng Kalakalan; at
d) Wika ng nakakarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa mula sa Tagalog ay naging
Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim
ng Edukasyon noon.

Taong 1987, ayon sa Saligang Batas 1987 aypinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni
dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad
sa Artikulo XIV, Seksiyon 6-9 ang probisyon na nagsasabing:
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito dapat payabungin at
pagyamanin sa salig na umiiral na mga Wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”.

MGA BATAYAN SA PAGTUTURO NG WIKANG PAMBANSA

BE CIRCULAR NO. 71, s. 1939 – Ipinag-utos nag noo’y Kalihim Jorge Bacobo ng
Paturuang Bayan na gamitin ang mga katutubong dayalekto bilang mga pantulong na
wikang panturo sa primary simula taong panuruan 1939-1940.

BULITIN Blg. 26, s. 1940 – naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang pitak o


seksyon sa Wikang Pambansa sa lahat ng pahayagang pampaaralan. Nilagdaan ng
Direktor ng Pagtuturo na si Celedonio Salvador.

KAUTUSAN TAGAPAGPAGANAP Bl. 263 – noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng


Pangulong Quezon ang kautusan at dito’y ipinagutos ang pagtuturo ng wikang Pambansa
sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito ng paglilimbag ng
Tagalog-English Vocabulary at Isang Gramatika na pinamagatang Ang Balarila ng
Wikang Pambansa.

EXECUTIVE ORDER NO. 10-


Noong Nob. 30, 1943, nagpalabas si Jose P. Laurel ng Executive Order Blg. 10 na
nagsasaad na ang wikang pambansa ay ituturo sa lahat na mataas na paaralang
pampublikoat pampribado, kolehiyo at Unibersidad na agad magkakaisa simula taong
panuruan, 1944-1945.
KAUTUSAN PANGKAGAWARAN Blg. 74, s. 2009 – ito ay may pamagat na
Intitutionalizing
Mother g wikang panturo para sa mga pangunahing literasiya.

CMO No. 57, s. 2017 –


ito ay kautusang pagdaragdag ng asignaturang Filipino sa lahat ng Kurso so Kolehiyo
bilang bahagi ng GEC.
Maraming mga patakaran at batayang pangwika ang nagsusulong sa paggamit ng Wikang
Filipino sa edukasyon. Sa inilahad ng mga batas naiiba ang CMO No. 20 noong 2013
kasabay ngpag-iimplementa ng K to 12 na sistema ng edukasyon.
ANG PAGTATAGUYOD SA WIKANG FILIPINO SA KASALUKUYAN

• PSLLF (PAMBANSANG SAMAHAN SA LINGGWISTIKA AT LITERATURANG FILIPINO)

• TANGGOL WIKA o ALYANSA NG MGA TAGAPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO

• NCCA (NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE THE ARTS OF THE PHILIPPINES o


PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING)

TANGGOL WIKA o ALYANSA NG MGA TAGAPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO

• Petisyon ng Tanggol Wika, Layunin nito ang mga sumusunod:

• Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong GEC sa kolehiyo;

• Kumilos tungo sa pagrerebisa ng CMO 20;

• Gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo iba’t ibang asignatura, at;


• Isulong ang makabayang edukasyon.
ARALIN 2
“PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON”

Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon


Maituturing na komplikadong gawain ang
pagpili ng angkop na babasahin. Sa mga seminar-workshop ukol sa pagbasa, karaniwan na ang
pagpapalitan ng kuro tungkol sa mga gamit ng kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at ito’y
isang magandang palatandaan para sa mga magandang pagbuo ng
pananaliksik (Adriano, et al., 2008).

Ilan sa mga halimbawa na maaaring batis ay mga:

• Aklat
• Artikulo
• Dokumento
• Internet entry
• Pahayagan
• Pananaliksik

Bukod sa mga nabanggit, mainam din na paghanguan ng impormasyon ang mga papel na
binasa o nailimbag sa mga kilalang lathalain o journal ng mga Unibersidad.
• Daluyan
• Lagda
• Daloy
• Hasaan
• Layag
• Malay
Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon
Maaaring sa pamamagitan ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic).
Ang mga estiong ito ay makakatulong nang malaki sa pag-unawa ng impormasyon

Pandinig (aural o auditory)


Karaniwan sa mga indibidwal na nakakapagpaproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong
may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig na talakayan o anumang gawaing may
kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig.

Pampaningin (visual)
pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang
nakikita. Ang hugis kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang pagkakabuo ng mga bagay ay ang
basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman.
Pagkilos (kinesthetic)
pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na pisikal. Nakauunawa ang mga
indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng
kaso at mga kongkretong aplikasyon.

Mga Hakbang sa Pagproseso ng Impormasyon

1. Pagtukoy (Defining)
2. Paghahanap (Locating)
3. Pagpili ( electing)
4.Pagtatala at Pagsasaayos (Recording and
Organizing)
5. Paglalahad/Pagbabahagi (Presenting)
6. Pagtatasa (Assessing)

Inihahanda ang mga kagamitan tulad ng aklat na mapagkukunan ng impormasyon, taong


mapagtatanungan, kagamitang mapanonood, usapan na maririnig, panayam at maaari ding
Hanguan sa media o internet.

Pagbasa at Pananaliksik ng Impormasyon

tinatawag na information age. Ga-iglap ng bilis ang pagdami at/o pagbabahagi ng impormasyon
dahil sa maunlad na teknolohiya. Ang mga impormasyon ay dapat na masubaybayan upang
makasabay sa mga kaalamang napapanahon. Sabi nga sa wikang Ingles, “The more you read,
the more you know, the more you know the smarter you grow, the stronger your voice when
speaking your mind and making your choice”. Katotohanan ang pahayag na ito. Sa nakalipas na
panahon, maraming mga indibidwal ang nagtatagumpay dahil sa paggamit ng mahuhusay
na impormasyon.

• Pagbasa ng Impormasyon
• Kahulugan ng Pagbasa
• Kahalagahan ng Pagbasa
• Pananaliksik ng Impormasyon
• Layunin sa Pananaliksik ng Impormasyon

Mga dapat tandaan sa Pagsasaliksik ng Impormasyon
1. Maging mapagmatyag sa buong kapaligiran. Itala ang mga detalyeng kailangan.
2. Tukuyin ang nakikitang magiging suliranin o tinatayang balakid sa paksang nais saliksikin.
3. Ilahad ang posibleng solusyon ng suliraning nais bigyan ng solusyon.
4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyunan ang nasabing suliranin.
5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit. Magtala ng mga
datos o mahahalagang impormasyon at suriing mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at
lapatan ng angkop na gamit pang-estatistika para sa interpretasyon nito.
6. sabihin o ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan nang maraming beses. Kung
kinakailangan, ilahad muli ang pangkalahatang resulta para masagutan ang mga tanong o
matugunan ang mga suliranin o balakid.
7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa
mga mambabasa.
8. Laging banggitin ang pinanggalingan ng impormasyon kung ang pagtalakay ng awtor ay
gagamitin (sourcingand citations).

ARALIN 3
“PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY NG MGA IMPORMASYON”

Isang mahalagang katangian ng mananaliksik ang kritikal na pag-iisip. Magagamit ang


katangiang ito upang napag-ugnay-ugnay ang mga datos na nakalap gayundin, ang
makapagsuri ng mga kinalabasan ng pananaliksik.
Tinatawag na interpretasyon ang malinaw na kahulugan ng kinalabasan ng mga
nakalap na impormasyon.

BAHAGI NG PANANALIKSIK NANAGLALAMAN NG PAGBUBUOD, PAG-UUGNAY AT PAGSUSURI


NG MGADATOS

• Lagom
presentasyon sa pagbuo ng isang maikling balangkas ng mga mahahalagang
impormasyon na nakapaloob sa isang pananaliksik
• Sintesis
Mapagsama-sama ang iba't ibang bahagi upang makabuo ng isang bagong anyo ng
kaalaman - ang paglilipat ng buong kahulugan ng teksto mula sa orihinal na wika.
• Abstrak
tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos na pag-aaral. Ito
ay kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa
pananaliksik.
• Paglalahad ng Suliranin
ang suliraning nais bigyan ng mahalagang pokus sa suliranin. Dito rin nakikita ang mga
suliranin sa pamamagitan ng anyong patanong.
• Pamamaraan ng Pananaliksik

• Natuklasan
bahaging ito makikita ang kinalabasan ng pag-aaral, pagsusuri, at ang interprasyon
nito. Bahagi rin ng diskusyon ang iba’t ibang pamamaraan ng presentasyon ng dato gaya ng chart,
talahanayan, at dayagram.
• Konklusyon
nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon, o paghatol ng mananaliksik sa mga
impormasyon at datos na kanyang nakalap na maaaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag ng
tesis o thesis statement na nakasaad sa introduksiyon.
• Rekomendasyon
naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon. Huwag
magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa
pag-aaral. Maaaring maging ideal - kailangang angba/at isa ay maging praktikal-
naisasaga/a-nakakamit- makatotohanan at makatarungan.

PAGBUBUO NG SARILING PAGSUSURI BATAY SA IMPORMASYON

Ang kakayahan ng mananaliksik na humabi ng mga salita sa pagbibigay


interpretasyon sa mga datos na nakalap , kuwantitatibo man o kuwalitatibo, ay
malaking kalamangan sa paglalahad ng mahahalagang impormasyon sa pananaliksik.

ANG MAS MATAAS NA ANTAS NG PAG-IISIP (HIGHER ORDER THINKING SKILLS)

ANALISIS – Tinatagpas/inihihiwalay-hiwalay isa-isa ang buong ideya sa mga bahagi at ang


relasyon nito sa isa’t isa, pagkatapos ay inoorganisa ang mga bahagi.

APLIKASYON – Ginagamit ang impormasyon sa bagong sitwasyon o sa pagresolba ng


problema. Ginagamit at inaaplay ang nakuhang impormasyon sa ibang sitwasyon.

KOMPREHENSIYON – Nauunawaan ang mganakuhang impormasyon ngunit hindi ito


iniuugnay sa ibang sitwasyon, ibang material o ideya.

EBALWASYON – Tinitingnan o tinatasa ang halaga ng ideya, materyal o produkto. Binibigyang


halaga ang mga bagay-bagay, pumipili mula sa mga aytem, nag-oorganisa ng mga ideya at
ipinipresenta ang mga napili.

SINTESIS – tinitingnan mabuti ang kabuuan at dinadaysek ang mga integral na bahagi ng
component ng isang kabuuan upang makalikha ng mga panibagong ideya.
ARALIN 4
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON SA FILIPINO

KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communicare”, na
nangangahulugang “magbahagi” o “magbigay”.

Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o opinyon, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng telepono, telegram,
kompyuter, radio, telebisyon at iba pa.

• “Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkaunawaan.” – Dale (1969)


• “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-ugali o damdamin at kasanayan sa
paggamit ng simbolo.” –Berelson at Steiner (1964)
• “Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o damdamin mula sa isang tao o
pangkat ng mga tao patungo sa kaniyang kapuwa, karaniwang isinasagawa sa
pamamagitan ng mga simbolo.” – Theodorson (1969)

SITWASYONG PANGWIKA
Sapagkat patuloy na umunlad at nagbago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit ng wika sa
iba’t ibang sitwasyon.

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa telebisyon sa bansa. Sa mga
local channel, karaniwang palabas ay gumagamit ng wikang Filipino. Sinasabing ang
telebisyon ang pinakamakapangyarihan media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang
nakaaabot nito (Dayag at Del Rosario, 2016).

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET

Ingles ang nangungunang wika na ginagamit sa social media at internet. Sa kasalukuyan, halos
lahat ng tao sa mundo ay gumagamit ng social media o nakaka-access sa internet. Isa sa social
media sa pinakaepisyenteng paraan sa pagpapadala ng mensahe sa mga malalayong
lugar at mahal sa buhay. Kabilang sa mga popular na social media account na ginagamit ay
Facebook, Twitter at Instagram na halos kayang ipadala o magpost ng larawan, dokumentaryo,
video at mga impormasyon.

Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lengguwahe sa social media. Ang “code
switching” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas nagaganap
ito sa salitang pagpapahayag (Carpio at Castillo, et al., 2012).
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Ang text message o txt ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System (SMS)
gamit ang Mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan.
Dahil ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi ito ng kultura, malaki ang
impluwensiya nito sa wika partikular sa paraan ng pagsusulat ng tao.

pagpapaikli ng salita ay isang paraan para makatipid ng oras at dami ng tina-type na letra na
limitado lamang sa text.

Filipino ng Text Messaging. Halimbawa na lamang “k” mula sa pinaikling “okay” o kaya naman
ay “nand2” o “d2” sa halip na “nandito” o “dito”.

Maraming paraan o midyum ng komunikasyon ang maaring gamitin upang


ipadala ang mensahe . Ayon kay Labrador (2018), Naging malaking ambag na sa
kulturang Filipino ang pag-usbong at pag-unlad ng mass media. Gamit ang wika, pinadadali nito
ang paghahatid ng berbal na mensahe sa pamamagitan nito.

KATEGORYA NG KOMUNIKASYON

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON

Ito ay komunikasyong nagaganap sa sarili lamang. Kabilang dito ang personal na pagmumuni-
muni, pagsasaulo ng mga ideya, pag-aanalisa o kaya naman ay pagsusulat para sa sarili lamang.

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

nagaganap sa pagitan ng higit sa isa na maaaring kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o


nagbabasa at nagsusulat. Kabilang sa anyong interpersonal na komunikasyon ay dayadikong
komunikasyon, pangkatang komunikasyon at pampublikong komunikasyon.

Dayadikong komunikasyon – ito ay komunikasyong nagaganap sa dalawang tao


lamang.

Pangkatang komunikasyon- ito ay binubuo ng higit sa dalawang tao na sangkot sa


komunikasyon. Maaaring magkasindami ang bilang ng nakikinig at nagsasalita sa pangkatang
komunikasyon.

Pampublikong komunikasyon- sa komunikasyong ito, mas marami ang bilang ng nakikinig


kumpara sa nagsasalita.
KOMUNIKASYONG PANGMADLA O MASS COMMUNICATION

Ito ay kategorya ng komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa mga


midyang ginagamit sa ganitong uri ng komunikasyon ang radio, telebisyon, dyaryo o pahayagan
at social media.

ARALIN 5 –
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON SA FILIPINO

“MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO”

Umuunlad ang mundo bunga ng pakikipagkomunikasyon sa tao, pasalita man o


pasulat. Ang mga bagay bagama’t hindi nakapagsasalita ay may sinasabing kahulugan na
maaaring iba-iba sa nagbibigay interpretasyon sa bagay na iyon.

Isa sa napapanahong usapin sa pagbibigay kahulugan ay Meme. Ang terminolohiyang“Meme”


ay sinimulang kinilala sa libro ng biologist na si Richard Dawkins na The Selfish Gene noong
1976. Hango ito sa salitang “Mimeme” na ang ibig sabihin ay mimicry.

TSISMISAN

“chismes”. Karaniwan laging sinasabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring


totoo at may basehan ngunit ang mga tsismis o kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang
binawasan o dinagdagan upang ito ay mas mapalawak hanggang tuluyan nang magkaroon mg
iba’t ibang bersyon.

Noong ikalabindalawang siglo, ang salitang gossip o tsismis sa Tagalog ay hango sa sinaunang
Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay “God-sibbs”.
Ang God-sibbs ay tumutukoy sa mga ninong at ninang na pinag-uusapan ang mga nangyari sa
binyag o kahit anong okasyon ng kamag-anak.

Pagkalipas ng ikaapat na siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng panibagong


kahulugan na tinawag na “IDLE CHAT o PAGKUKUWENTO” dahil sa walang magawa. Ito ay
karaniwang naiuugnay sa mga kababaihan na mahilig magsabi ng mga pahayag na hindi naman
dapat na ikalat.
UMPUKAN

Ang Umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat pangkat ng mga


tao,pamilya o magkakapatid,magkakaibigan,magkaklase,magbabarkada, magkatrabaho o
magkakakilala na may magkakatulad ng gawi,kilos,gawain at hangarin na karaniwan sa bawat
isa ay nais talakayin at bigyang linaw. Naging isa rin itong pagkakataon sa pangkat upang
mapatatag ang kanilang Samahan.

PAGBABAHAY-BAHAY

Ang Pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pagkikipagusap sa mga
mamamayanan sa kanilang mga bahay. Karaniwan ,may mga isyu sa baranggay na nais ipahatid
ng ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang baranggay upang maipagbigay
alam ng isyu o mga isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay bahay ang mga mamamayanan ay
nakakakuha ng impormasyon hingil sa mga gawain at layuning nais isa katuparan sa lugar.

PULONG-BAYAN

Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay pang layuning pambaranggay at
pambayan. Kinibibilangan nito ang mga namumuno sa mga baranggay o bayan kasama ang mga
mamamayanan upang pag usapan ang mga layunin,proyekto o batas na gusting isa katapuran
sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng baranggay o iba pang opisyales na sama
sama sa pagpupulong upang may isa katuparan sa kanilang bayan o lugar o may nais sabihin sa
kanilang mamamayanan sa paraang pagsasalita.

TALAKAYAN

Ang talakayan o debate dayalogo ay isinasagawa kung kailan magkaroon ng bagay na hindi
mapagkaunawaan at nangangailangan ng paglilinaw ng magkatunggali sa layunin upang
mangingibabaw ang katotohanan,kaya nararapat na ayusin ang mga salita,linawin ang mga
katibayan,iwasan ang mga agam-agam sa salita o pananaw at paniniwala.

KOMUNIKASYONG BERBAL

Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika. Maaaring nasa anyong pasalita o


pasulat.
Halimbawa: pakikipag-usan pakikipagkwentuhan, pagsusulat na may tumatanggap.
KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Ito ay pagpapalitan ng mensahe on pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay


hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang tinig na
niaangkop sa mensahe

Halimbawa: kumpas ng kamay, galaw ng braso, taas ng kilay, iba-ibang uri ng pagtingin at
pagtitig at iba pa. paraan ng pakikipag-komunikasyon kung saan ang ginagamit na paraan ay
mga sensyales o galaw ng katawan para magbahagi ng impormasyon

A.CHRONEMICS
ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon.

B. PROXEMICS
ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao.

C.KINESICS
Ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komunikasyong gumagamit ng katawan bilang
mensahe.

D.HAPTICS
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid ng mensahe.

E. ICONICS
Ito ay paggamit ng simbolo bilang isang mensahe sa pagpapahayag ng komunikasyon.

F. COLORICS
Ito ay komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng mensahe.

G. PARALANGUAGE
ito ay komunikasyong batay sa paraan ng pagbigkas ng pahayag. May pagkakataong
sumasang-ayon tayo sa kausap pero pagtanggi ang tono ng pagkasagot.

H. OCULESICS
tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe. May kahulugan
ang panliliit ng mata, panlaki at kahit pagkindat.

I.OLFACTORICS
komunikasyong gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng mensahe.

J. PICTICS
Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe.
K. VOCALICS
Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe.

MGA EKSPRESYONG LOKAL

Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at
iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa
pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa
lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.

• Lodi, petmalu, werpa, orbs


• Pagod c acoe
• Qiqil

HALIMBAWA NG ISANG MAKABULUHANG MEME

You might also like