You are on page 1of 6

URDANETA CITY UNIVERSITY

1 San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan 2428

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Introduksyon: Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa
Pangangailangan ng Sambayanan (Pokus nito ang pagtalakay sa ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang
pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.)

Rebyu sa Mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik


• Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
• Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon
• Pagsasalin, Paraphrasing Atbp.
• Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
• Pagbabalangkas

I. MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA

Artkulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935


“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na
wikang katutubo.”
Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin
din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.
Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa
ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19).
Memorandum Sirkular 21 (1956)
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang
Awit sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos
ay ipalilimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na
gamitin ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa.
Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong bilinggwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987
Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang
Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas.
Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at
Espanyol.
Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng Wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa
kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Kautusang Blg. 52 (1987)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga
paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas at sa bayan natin.
CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsiyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
Proklamasyon Blg. 1041 (1997)
Nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang
pagdiriwang.
2001
Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001
Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

PAGPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Pananaliksik
Tumutukoy ang pananaliksik, saliksik o pagsasaliksik bilang pamamaraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga
partikular na katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran (Neuman 1997).
Isang sistematiko, masinop, kritikal na proseso ng pangangalap, pagsisiyasat at pagsasaayos ng datos at resulta
upang mapatunayan, masagot, matuklasan at maipaliwanag ang dati o bagong kaalaman o phenomenon (Nuncio & Nuncio
2004).

Bibliyograpiya
Isang listahan ng mga ginamit na sanggunian sa pagsasaliksik. Ito ay inihahanay ayon sa kronolohikal na
pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng awtor (Abueg, et al., 2012).

I. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon sa Pananaliksik


● Aklat ● Newsletter
● Diksyunaryo ● Tisis
● Ensayklo[idya ● Disertasyon at pag-aaral ng Fisibiliti, nailathala man
● Taunang Aklat o Yearbook ang mga ito o hindi
● Almanac ● Monograf
● Atlas ● Manwal
● Artikulo sa Journal ● Polyeto
● Magazine ● Manuskrit
● Pahayagan

● Hanguang Elektroniko o Internet

Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:


a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
1.       Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o
akademiko.
        Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu/
2.       Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.
        Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org
                           www.yahoo.com
3.       Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.
        Halimbawa: www.makaticity.gov
                           http://www.tourism.gov/
b. Sino ang may akda?
Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang informasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang
informasyon ay wasto at kumpleto.
c. Ano ang layunin?
           Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website.
d. Paano inilahad ang informasyon?
Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias atprejudice ang teksto.
e. Makatotohanan ba ang teksto? 
          Alamin kung ofisyal o dokyumented ang teksto.
f. Ang informasyon ba ay napapanahon?
Mainam kung ang informasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling revisyon ng
akda  nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.
MGA JOURNAL NG MGA IBA’T IBANG UNIBERSIDAD SA PILIPINAS

JOURNAL PAMANTASAN at BILANG NG NILALAMAN WIKANG


DEPARTAMENTO PAGPAPALIMBAG GAMIT
DALUYAN UNIVERSITY OF THE Dalawang beses kada Pag-aaral at pananaliksik FILIPINO
PHILIPPINES (U.P.) taon tungkol sa wika.
DILIMAN
LAGDA DEPARTAMENTO NG Dalawang beses kada Paunlarin ang pag-aaral at FILIPINO
FILIPINO AT taon pananaliksik tungkol sa wika,
PANITIKAN NG panitikan, malikhaing pagsulat,
PILIPINAS (KOLEHIYO at kulturang pilipino, at
NG ARTE AT pagyamanin ang diskurso sa
LETERATURA, iba’t ibang disiplina gamit ang
UNIBERSIDAD NG wikang filipino at ibang wika sa
PILIPINAS) Pilipinas.
KATIPUNAN KATIPUNAN: JOURNAL Nagpapakilala sa FILIPINO
NG MGA PAG-AARAL intelektwalisasyon ng Filipino.
SA WIKA, PANITIKAN,
SINING AT Magkaroon ng kritikal at
KULTURANG PILIPINO. analitikal na pagsusuri sa wika,
panitikan at mga aralin sa
Pilipinas.
DALOY DEPARTAMENTO NG Taunang nililimbag Journal pangwika at FILIPINO
MGA WIKA NG pampanitikan
PILIPINAS (DE LA
SALLE)
HASAAN UNIBERSIDAD NG Taunang nililimbag Interdisiplinaryong refereed FILIPINO
SANTO TOMAS journal sa Filipino
LAYAG DEPARTAMENTO NG Mga artikulong nakasulat sa FILIPINO AT
SIKOLOHIYA (DE LA mga wikang Filipino at ingles INGLES
SALLE) bilang pagtaguyod sa
patakarang bilingguwal sa
paggamit ng wika.
MALAY KOLEHIYO NG Dalawang beses sa Nagtatampok ang malay ng FILIPINO
MALALAYANG SINING isang taon mga papel, riserts, artikulong
(DE LA SALLE) naglalahad ng mga kaisipan at
kaalaman mula sa iba’t ibang
disiplina

II. Pagbabasa at Pagbubuod ng Impormasyon

Sa pagbuo ng pananaliksik, isang mahalagang katangian ng mananaliksik ang kritikal na pag-iisip. Magagamit ang katangiang
ito upang mapag-ugnay-ugnay ang mga datos na nakalap gayundin ang makapagsuri ng mga kinalabasan ng pananaliksik. Tinatawag
na interpretasyon ang malinaw na kahulugan ng kinalabasan ng mga nakalap na impormasyon (Zapico,

Pansinin ang mga sumusunod na bahagi ng pananaliksik na naglalaman ng pagbubuod, pag-uugnay at pagsusuri ng mga
datos.
Lagom. Ang lagom ay pagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa pag-aaral.
Dapat na maging maingat sa bahaging ito. Kabilang sa mga nararapat isama sa lagom ay ang mga sumusunod: 1. Mga
payak na pagpapahayag sa layunin ng pag-aaral.
2. Mga kalahok o respondent
3. Panahon ng pag-aaral.
4. Paraan ng pananaliksik.
5. Instrumento
6. Disenyong ginamit.
Sintesis. Ito ay nagsasaad ng pagkakatulad o pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga nauna na.
Binabanggit din dito ang pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga inilahad na kaugnay na pag
aaral (Marquez Jr., 2016).

Abstrak. Dito makikita ang distribusyon ng mga impormasyon o datos sa lawak o saklaw ng pananaliksik.
Naglalaman ito ng mahahalagang puntos o highlight ng isinasagawang pag-aaral. Kadalasan, ito ay
binubuo ng isang talata (Cabayasa, et al., 2009). Ito na rin ang buod ng isinasagawang pag-aaral.
Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

Mas Mataas na Antas ng Pag-iisp (Higher-Order Thinking Skills)

Analisis. Tinatagpas\Inihihiwa-hiwalay isa-isa ang buong ideya sa mga bahagi.


Aplikasyon. Ginagamit ang impormasyon sa bagong sitwasyon o pagresolba ng problema.
Komprehensiyon. Nauunawaan ang mga nakuhang impormasyon ngunit hindi ito iniuugnay sa ibang
sitwasyon, ibang material o ideya.
Ebalwasyon.Tinitingnan o tinatasa ang halaga ng ideya, material o produkto. Binibigyang halaga ang mgta
bagay-bagay, pumipili mula sa mga aytem, nag-oorganisa ng mga ideya, hinuhusgahan ang mga ideya
at ipinepresenta ang mga napili.
Sintesis. Tinitingnan mabuti ang kabuuan at dinadaysek ang mga integrak na bahagi o component ng isang
kabuuan upang makalikha ng mga panibagong ideya.

III. Pagsasalin, Paraphrasing, atbp.

Pagsasaling-Wika
Isang gawain ng paglilipat-diwa mula sa simulaing wika (W1) tungo sa tunguhang wika (W2).
W1 = W2, pagtumbas sa unang wika gamit ang iba pang wika.
Ito ay pagsasalin ng diwa hindi sa salita.

Mga Paraan sa Pagsasalin


Ang mga sumusunod na paraan ng pagsasalin ay ayon kay Peter Newmark (1988) upang mas maging mabunga at
matagumpay ang pagsasalin.

1. Pagsasaling Salita- sa –Salita (one -on- one translation)


- Tinatawag din itong literal na salin.
Pranses: Un beau jardin
Ingles: A beautiful garden
Filipino: Isang magandang hardin

2. Naturalisasyon
-Inaadap muna ang normal na pagbigkas at pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika.
Kung anong bigkas ng salita ganto mo ito isasalin
Halimbawa:
Television – Telebisyon
Actor – Aktor
Education – Edukasyon
3. Leksikal na Kasingkahulugan ( lexical Synonymy)
-Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kahulugan sa target na wika ng pinagmulang wika.
Halimbawa:
“old” man – “matandang” lalaki
“old” house- “lumang” bahay

4. Kultural na Katumabas ( Culture Equivalent)


-Ibinnibigay ang pinakamalapit na katumbas o halos wastong salin.
Halimbawa:
American: coffe break Katutubong Tawag: Payew
Filipino: meryenda Filipino: Hagdang-hangdan palayan
English : Rice Terraces
Isinalin ito base na rin sa itsura ng nasabing lugar , dahil hugis hagdan ang pinagtatamnan ng mga ninuno at pangunahing
tinatanim nila ay palay kaya ang nagging salin ay hagdang-hagdan palayan.

5. Adaptasyon o Panghihiram (transference)


-Ito ay panghihiram ng buong salita tungo sa tunguhang wika, kilala rin ito bilang salitang hiram ,
adoption, transcription.
Halimbawa: pizza, hotdog,burger,french-fries,

6. Malaya (Free Translation)


-Walang kontrol na pagpapahayag ng ideya kagit pa gumamit ka nan g ilang salita para tumbasan
lamang ang isang salita.
Halimbawa:
Quite- Tumahimik/ Walang Maingay/ Bawal mag-ingay

7. Idyomatikong salin
-Ito ay pagsasalin ng mga matatalinghagang salita, Ayon kay Almario kapag idyomatikong salin
kailangan rin ito tumbasan ng isang idyomatiko rin.
Halimbawa:
Ingles: Head of the Family
Filipino: Haligi ng Tahanan ( idyomatiko)
Ulo ng Pamilya (Literal)
Ama ( leksikal na kahulugan)

Proseso ng Pagsasaling-Wika (Ayon kay Larson (1998)

1. Paghahanda
-Ito ang unang hakbang na nakatuon sa paghahanda ng tagapagsalin sa kanyang sarili sa isang mahirap at mapaghamong
Gawain na susubok sa kanyang kakayahan at kaalaman sa pangangailangan ng pagsasaling-wika. Kasama rito ang pagsasanay sa
pagsulat, sa linggwistika, at sa mga simulain ng pagsasalin.

2. Pagsusuri
-Tumutukoy ito sa semantic na pagsusuri sa teksto ng simulaing wika.

3. Paglilipat
-Ito ay isang proseso mula sa pagsusuring semantika tungo sa unang burador na nangyayari laman sa
isipan ng tagapagsalin.

4. Pagsulat ng unang burador


-Ito ang kinalabasan ng habanging pagsusuri at paglilipat. Habang nagsasagawa ng unang burador, kinakailangang
isaalang-alang ng tagapagsalin ang maraming salik katulad ng target na mambabasa,layunin ng awtor, tema at estrukturang semantik
ng teksto.

5. Pagpapabuti sa unang burador


-Tumutukoy ito sa paagrerepaso ng salin, kung ito ba ay natural o wasto. Inaayos ng tagapagsalin ang mga: (a.) Maling
grammar o malabong konstruksyon; (b.) labis na mga salita; (c.) maling ayos, hindi akmang paghahanay; (d) may mga maling
koneksyon at hindi madulas; (e) magkasalungat na kolokasyon; (f) kaduda-dudang kahuluagan, at (g) estilo.

IV. Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong Pamagat sa Pananaliksik

Ang pagpili ng paksa ayon sa www.pinoynewbie.com ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa
ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating pamanahong papel/term
paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang
paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung
saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral.
Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik at ito ay
mababasa natin sa ibaba:

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang datos na
makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.

2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang pweding gawin
ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang
panahon para maisakatuparan.

3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang
masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang
pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.

4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong din sa
iba pang mananaliksik at ibang tao.

5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa
pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng
komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.

Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa Pananaliksik

Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw, madaling maintindihan, tuwiran at
maging tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa dalwampu (20). Mas magandang
sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”, “Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik.
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, ”Isang Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri”
“Paghahambing na pagsusuri” at iba pang salita na maiihalintulad dito.
V. Pagbabalangkas

Ang pagbabalangkas ay sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng kaisipan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod
bago ganapin ang paunlad na pagsulat (Arrogante,1992). Ang balangkas ay parang isang plano ng bahay na ditto nakadepende ang
inhenyero upang kanya itong mabuo. Gayundin sa isang mapa, na sundin ng husto upang sa ganun ay matunton o mahanap ang lugar
o lokasyon na nais makita o marating.
Ang pagbabalangkas din ay paghahati-hati ng isang paksa sa pangunahing ideya nito, at sa mga pantulong na ideya o mga
kaugnay na detalye (Recorba, et. al, 2009).

Mga Hakbang ng Pagbabalangkas

1. Ayusin ang tisis ng pangungusap.


2. Isipin at ilista ang mga susing ideya. Iklasify ito ayon sa pangunahin o di pangunahing ideya.
3. Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.
4. Desisyunan kung anong uri o label (antas) ng balangkas ang gagamitin.
5. Isaayos ang pormat.

Uri ng Balangkas

Upang makagawa ng balangkas, isipin ang lahat ng ideya na nais saklawin sa susulating papel. Pagkatapos maitala ang mga
ito, pangkat-pangkatin ayon sa kaugnayan at kahalagahan sa paksa. (Gonzalez, 2005). Kapag nagawa na ito, handa ka na para isulat
ang mga ideya sa anyo ng isang balangkas.

Ayon pa rin kay Gonzales, may tatlong uri ng anyo ng balangkas:

1. Scratch Outline 2. Topic Outline 3. Sentence Outline

Ang Scratch Outline ay binubuo ng mga tala na ginagamit para maalala ang mga puntos na nais isulat. Wala itong tiyak na
format dahil ang scratch outline ay lipon ng mga ideyang ipapaliwanag kung kalian at saang bahagi ng papel ito ipapasok.

Ang Topic Outline ay balangkas ng maikling parirala o isang salita na may bilang o letra para ipakita ang
pagkakasunod-sunod ayon sa kahalgahan ng ideya. Pinapangkat-pangkat ito na pahayag at sinundan ng mga Topic Outline.

Ang Sentence Outline ay isang uri ng balangkas na ang bawat ideya ay ipinapahayag sa isang pangungusap. Mga
pangungusap na paturol (declarative sentence) ang mga ito ay hindi patanong. Katulad ng Topic Outline ang format nito. Gayunman,
dapat na bantasan ang mga pangunahing kaisipan tulad ng pagbabantas sa lahat ng pangungusap sa sulatin.

You might also like